Entiny Emerald's P.O.V. "Come back home," I whispered. I don't know if he heard that. My voice is so faint right now. Hindi ko na siya narinig ulit magsalita. Ang kabilang linya ay nanatiling mahina. "I wi-" hindi na niya naituloy pa ang sasabihin niya. Namatay ang kabilang linya. Kaya naman agad akong napatingin sa screen ng aking cell phone. Napapikit ako ng mariin at napakagat sa aking labi dahil sa frustration. Ngayon pa talaga? Ngayon pa talaga ito ma-lo-lowbat? Gosh. Binitawan ko ito at tinitigan. Kung i-cha-charge ko ito ay maghihintay pa ako ng ilang minuto bago ito mabuksan. Wala na. Wala ng tawag niya. Pero wala namang masama kung i-cha-charge ko ito. Pwede ko naman siyang tawagan. Pero sana ay sagutin niya. Nagmadali akong tumayo kaya naman agad na nag react ang aking ulo

