H E L E N A Para akong tangang kumakatok sa pintuan ni Kris. Nagmamakaawang buksan niya, kahit na nasa gilid lang si Zachary at Cytherea. Nakatingin lang sa akin. Hinahayaan ako dito na parang baliw na sa pamimilit kay Kris. Sana naman pag-usapan namin ito, sana naman magpaliwanag siya diba? Oo, hindi pa ako natuto sa first heartbreak ko... immature parin ako pagdating sa ganito. Masakit eh, kailangan mong ipagpilitan dahil iniisip ko ang apat na taon. Naging masaya ako kasama siya. Hindi ko na alam doon kung alin ang pagpapanggap at alin ang sincere. Ni minsan ba naawa sa akin si Kris? Na one day sa four years na dumaan ay, nagustuhan niya ako? When we kissed, si Aphrodite ba ang iniisip niya... not the other, Cytherea. "P-Please... open the door, babe naman oh!" halos hikain na ako sa

