H E L E N A Alam niya kung saan ang condo ko. Kahit na nagulat ako ay nanahimik lang ako, wala akong oras para makipagtalo sa kaniya. I just want to know everything. Dinala ko siya sa loob ng unit ko, hindi ko na inisip na galit din ako sa kaniya. Walang-wala ako ngayon at hindi ko alam kung may lakas pa akong tumawag sa mga kaibigan ko o kay Zeus. Ayaw kong magsalita ng matagal, ayaw kong maghintay, ayaw ko sa mapait na pakiramdam ma ito. I'm back to square one, hindi man ganito kasakit ang naramdaman ko noon, pero masakit... sukdulan kaya pareho parin ito. Walang pinagkaiba. And now, I am with the man who broke my heart first. "Maghilamos ka muna... I'll check your kitchen, I can make you something." sabi lang nito at parang kabisado na ang buong unit ko. This is his first of course

