H E L E N A After that night, isang linggo akong hindi lumabas ng unit. I cannot take all of those. Torture nga ang ginawa ko, buti nalang hindi suicide. Hindi ko rin nilo-lock ang pinto ko sa unit para hindi na ako gambalin ng iba na gustong pumasok. Pinagdarasal ko nga na sana hired killer o kawatan eh, I was suicidal. Hindi naman ako naglalas o nag attempt, pero mentally I want to do it. Alam ko naman kung sino ang mga pumapasok sa unit ko. Kung hindi si Zeus... si Manang at Manong... si Diane or Catherine... kung hindi naman, si Zachary. Lagi nila akong tinatawag. Inaalalahanan na kumain, maligo, magsipilyo, lumabas kahit saglit, maglibang at kung anu-ano pa. Tama parin ang paniniwala ko, walang tamang advice sa mga katulad kong broken hearted. Sarado na ang utak ko pagkatapos sabih

