“Nasan na si Lolo?” Napangisi naman ako sa pambungad na tanong ni bruha. Wow feelingerang palaka talaga. “Kailan mo pa naging lolo ang lolo ko?’’ Taas kilay na tanong ko sa kanya. Napairap naman ito sakin, at agad akong tinalikuran kaya mabilis ko naman itong hinatak, at hinapit papalapit sakin. “Wag ka ngang bastos kung kinakausap pa kita.” Napalunok naman ito ng maraming beses dahil nilapit ko ang mukha ko sa mukha nito. Kaya halos hindi ito makagalaw dahil konti nalang lalapat na ang labi niya sa labi ko. “Ano ba.. Dy..lan.. Lu..ma..yo..la..yo..ka..nga..s..akin’’ Hirap na hirap na sambit nito at di makatingin sa mata ko. Napatawa naman ako ng mahina sa kapulaan ng mukha niya, kaya napatingin ito ng nagtataka sa akin. “Walang nakakatawa.Pwede ba bitawan moko..’’ Pagtataray niya at tinula

