bc

The Brutality Of The Cold-Hearted Man

book_age18+
523
FOLLOW
1.7K
READ
billionaire
revenge
dark
possessive
sex
playboy
badboy
bxg
heavy
campus
like
intro-logo
Blurb

Blurb:

Pumasok ka sa mundo ni Dylannito Rivas Jr.

Ang lalaking walang puso pagdating sa mga babae,

Ang lalaking matindi ang muhi sa mga malalandi,

Ang lalaking hindi nagagawang tignan ang babae bilang babae.

Kinamumuhian,

Kinasusukluman,

At kinadidirihan niya ang mga ito.

Ang mga babae para sa kanya ay hindi karapat dapat sa salitang "respeto"

Ang mga babae na pinapaikot niya sa kanyang bitag,

Ang mga babae nagiging biktima lamang sa kanyang palad.

"Kung malandi ka, makati, mababa ang lipad at madali lamang makuha. Wala kang ligtas sa aking parusa. Mas dudumihan, mas pahihirapan, mas dudungisan ko pa ang iyong dangal.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE:
Dylan Rivas POV: Pinagmamasdan ko siya habang inaayos niya ang kanyang sarili. Halata sa mukha nito na desidido siya sa balak niyang gawin. Nakikita ko nang mangyayare ito ngunit umaasa ako na sana hindi tama ang iniisip ko, ngunit parang sinampal ako ng katotohanan. Katotohanang ang babaeng pinakamamahal ko ay hindi totoo. ''Aalis ka na ba?'' Napakislot siya nang marinig ang pagsalita ko. At kitang kita sa mata nito ang sakit na ‘di ko alam kung saan nanggagaling. ''Dylan...'' ''Natapos mo na ang plano mo?" walang emosyong tanong ko sa kanya at tumayo ako mula sa pagkakahiga't walang paki-alam kahit nakahubo ako sa harap nito. ''H-Hindi ko alam ang sinasabi mo! Magbihis ka nga...'' nauutal na turan nito at halatang halata ko ang pagpigil nito sa pag-iyak. ''Ayokong isiping may mali sa’yo, Kahit kitang kita ngayon ng mata ko na nagpapanggap ka. Isang sabi mo lang sa aking babae na mahal mo ako. Magtitiwala ako sa’yo nang ppaulit-ulit,” mahinahon at punong puno ng senseridad na sambit ko sa kan’ya. Mabilis akong nagbihis, at nagtungo ako agad sa direksyon niya, na kahit tumalikod na ito mararamdaman niya ang pagsamo kong huwag niyang ituloy ang binabalak niya. ''Just say it, babae ko. Hindi naman mahirap sabihin ‘yon ‘di ba? Alam kong mahal mo ako, alam kong hindi mo magagawa sa akin ‘to, Alam ko------'' ''Hindi kita mahal.'' Parang huminto ang pag ikot ng mundo ko nang mabitawan niya ang mga salitang hindi ko inaasahang bibigkasin niya. ''f**k Thalia! Huwag mo akong paglaruan. Sigurado ako na mahal mo ako. Sigurado ako na sa lahat nang pinapakita mo, iyong pagmamahal mo para sa akin. ‘Yon ang pinakatotoo. Hindi mo kayang magsinungaling sa akin. Hindi mo ako kayang lokohin. Humarap ka sa akin------'' Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, agad itong humarap sa akin. At ang mata nito, tumatagos ang kalamigan at walang kahit anong emosyon ang mababasa ko mula rito. ''Hindi ko alam, ganito lang pala kadaling paikotin ang isang Dylan Rivas, Hindi ka ba nagtataka sa biglang pagdating ko sa buhay mo? Akala ko ba, lahat ng babae kaya mong paglaruan sa palad mo. Ngunit bakit ako? Babae rin ako pero napakadaling napaamo kita at ginagago pa. Tsk, nakakaawa ka pa lang talaga. Pagdating sa dulo, ikaw rin ang lumamon sa karma mo,” mahabang litanya nito na bawat titik na ginamit niya ay nagpakirot sa t***k ng puso ko. Tinuon ng mata ko ang mata niyang puno ng kasinungalingan. Mata niyang masasabi kong wala talagang kahit anong pagtingin para sa akin. ''Lahat ng babae kaya kong paglaruan, maski ikaw. Sino ka ba para hindi kita mabiktima? Kung tutuusin, kayang kaya kitang saktan, paikotin at wasakin. Pero anong ginawa ko? Anong ginawa ng puso ko? Pinili kong mahalin ka. Pinili kong maging bahagi ka ng buhay ko. Pinili kong maging mundo kita, Tangina Thalia. Sa mga sinasabi mo, parang pinagsisihan ko na minahal kita. S-Sobrang m-mahal kita.'' Halos hindi ko na kayang sambitin pa ang mga salitang iyon sapagkat nangingilid na ang luha sa gilid ng mata ko't nawawalan na rin ako ng boses. Hinawakan ko ang nanlalamig niyang mga kamay at pinisil iyon. At itinitig ko sa kanya ang aking mga matang mapagmamasdan niya ang sakit na aking nararamdaman. ''Thalia, don't do this to me. Ikaw ang babaeng hindi ko kayang saktan. Ikaw lang ang babaeng hindi ko kayang hindi galangin, I have my rule. But sinira ko iyon para sa’yo, para sa babaeng katulad mo. Tapos ito ang gagawin mo sa akin? Just tell me, na nagsisinungaling ka, maniniwala ako-----'' Nagulat ako nang marahas niyang winaksi ang mga kamay niya palayo sa akin. At sinuklian niya ako ng tingin na nagpagising sa katauhan ko. ''Ano ba, Dylan! Hindi mo ba narinig ang mga sinabi ko?! Hindi kita minahal! At hindi kita magagawang mahalin! Isa kang walang kwentang tao! Lahat ng mga babae ginago mo, kaya wala kang karapatang magdemand na may babae ring magseseryoso sa katulad mo! Sirang sira ka na, kalalaki mong tao pero ang dumi-dumi mo!” singhal niya sa akin at walang kurap niya akong tiningnan ng painsulto. Nawalan ako ng salitang bibigkasin. Halos hindi ako makapaniwalang ang mga salitang iyon ay maririnig ko mula sa kanya. Mula sa babaeng pinili kong mahalin. ''Ano, Dylan? Hindi ka makapagsalita? Narinig mo ba nang malinaw ang sinabi ko? O kailangan ko pang ulitin na walang magmamahal sa katulad mo dahil------'' ''Tangina! Tumahimik ka! Wag kang mag-alala, matagal ko nang alam at inaasahan ko na ‘tong mangyayare dahil wala ka namang pinagkaiba sa mga babaeng nawasak ko. Kung titingnan, mas malala ka pa sa kanila! Kung nadudumihan ka sa akin, ano ka pa?! Mas nandidiri ako sa’yo. At nakakasukang minahal ko ang tulad mo!'' Nagtataragis ang panga ko sa gigil sa bawat pagdiin ko sa mga salitang lumabas sa bibig ko. Nanginginig ang kamay ko sa galit at hindi ko na mapigilan ang bawat kirot na nararamdaman ng puso ko. Ang mata nitong walang emosyon, ay unti unting may luhang pumapatak. Ngunit nawalan na ako ng pakiramdam. Bumalik ang lahat ng poot at galit ko sa sinumpa ko noon. May kong anong bato na tumama sa ulo ko at bumalik ako sa kung sino talaga ako kung saan tinalikuran ko nang dahil sa kan’ya. Fuck! Hindi ko na nakilala ang sarili ko. Masyado na naman akong nagpabulag sa babae. At hinayaan kong masira ulit ang mundo ko ng dahil sa walang kwentang pag-ibig. ''Ayaw ko nang makarinig ng salita pa mula sa iyo. Gusto kong ihakbang mo na ang paa mo palayo sa akin. At ‘wag na ‘wag ka ng babalik pa. Oo, Mahal kita sa oras na to. Pero kapag lumabas ka na sa pintong yan, buburahin na kita sa buhay ko,” mahinahon kong sambit habang nakakuyom ako ng mahigpit sa palad ko. Kung kaya ko lang siyang saktan ngayon, kung kaya kong idampi ng marahas ang kamao ko at iparanas sa kanya ang sakit na sinukli niya sa akin, gagawin ko. Ngunit ayaw kong madungisan ako ng dugo ng galing sa kanya. Ayaw kong may maiwang kahit na anong bakas na magpapaalala sa kagaguhan kong pinasok siya sa mundo ko. Unti-unti itong nagpunas ng luha, at parang mabagal itong nawawala sa paningin ko. Walang ibang pumasok sa isip ko kundi ang pumunta sa banyo at mabilis na naghilamos. At kusang napatingin ako sa salamin. Kitang kita ko ang lalaking Napakatanga, Nagpakagago, Nagmahal ng babaeng walang kwenta. Hindi ko makilala ang lalaking iyon, hindi siya ito. Walang nangangahas na saktan ang tulad niya. Pero bakit hinayaan nitong wasakin ng isang babae lamang ang puso niyang mas bato pa sa bato. Hindi ito maaari. Inayos ko ang aking buhok, at mabilis na bumalik sa dating postura at tindig. ''I'm f*****g Dylan Rivas. Hindi ako nabuhay para lang magmahal at saktan ng babae lang. I was born to f**k them, to bring them in hell. Damn hell. Hindi isang Thalia Taylor ang magpapakababa sa tulad ko. Babae lang siya na walang halaga, Babae lang na dapat binababoy, at pinaparusahan. Ngayong winasak niya ang buhay ko, mas matindi pa ang ibibigay ko sa kanyang kabayaran,” huling pangako ko sa sarili.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook