Chapter 54 “Kuya aalis na po ako, hahanap nalang po ako ng magandang titirahan. Umalis na rn naman po si Daniela, nakakahiya naman po kung magsstay pa ako dito. Maraming salamat nalang po sa pagpapatuloy niyo sa akin dito.” Nakangiteng sambit ng batang musmusin. Napatingin naman ako sa kanya. Kasama ko pa pala ito sa bahay, at si Daniela naman ay naihatid ko na sa Hospital. Lalabas na sana ito sa pinto nang bigla ko itong tinawag. “Pinapaalis ba kita?” Walang emosyong tanong ko dito, at ininom ang kapeng iniinom ko. Agaran naman itong napailing. “So, bumalik ka na sa kwarto mo. At magbihis dahil may pupuntahan tayo.” Sambit ko, at agad tumayo. Magsasalita pa sana ito, ngunit tinaasan ko na ng kilay. Aarte pa eh. Mabilis pa sa mabilis na tumakbo ito pabalik sa kwarto. Napahawak naman ako

