Pagkarating namin sa bahay, agad akong bumaba sa sasakyan at nagtungo sa passenger seat upang gisingin ang mga bata. “Hoy gising na.” Pagtatapik ko sa mga balikat nito, agad namang bumangon ang dalawa, at pakurap kurap pang lumabas sa sasakyan. Napatingin naman ako sa babaeng nagpupumilit humakbang ngunit mukhang hirap na hirap namang makatayo. “Alam mo bang mukha ka talagang tanga?” Sarkastikong sambit ko sa kanya, tinaasan lang naman ako nito ng kilay at di ako pinansin. The heck. “Ate, tulungan ka nalang po namin.” Bigla namang lumapit sa kanya ang batang musmusin at si Daniela, upang aalalayan si panget. “Salamat ha.” Nakangiti namang tugon ni palaka. Urgh. Bago pa nito ito maitayo, marahan kong kinabig ang mga kamay nilang nakasuporta kay panget, at agad kong binuhat patiwarik ang bab

