Quit
HINILOT ko ang sintido ko dahil sa sakit ng ulong nararamdaman ko. Ilang oras na akong babad sa harap ng computer at wala akong pahinga dahil sa sunod-sunod na tawag na natatanggap ko sa iba't-ibang kliyente. Pagkatapos ng isa ay mayroon na namang susunod. Hindi ko na nga nakuha ang break time na gusto ko.
Bumuntong hininga ako at ipinalibot ang tingin sa loob ng opisina namin. Lahat ng cubicle ay puno at busy din ang lahat sa pagsagot ng kani-kanilang mga tawag. And I bet na hindi rin sila nakapag-break dahil sa sobrang busy din sa minu-minutong tawag na natatanggap.
Tinignan ko ang orasan at nakitang mag-a-alas singko na pala ng umaga at kanina pa akong 10 PM nakaupo sa swivel chair ko. Pitong oras na pala akong naka-upo at nakababad sa computer kaya pala ramdam ko na rin ang pananakit ng puwet at balakang ko.
Kinuha ko ang eyeglasses na suot ko at ipinatong ito sa gilid ng desk ko at kinusot-kusot ang mga matang kanina pa nananakit sa kakatitig sa monitor. Hinubad ko na rin ang suot kong earphone na may maliit na parang microphone sa gilid nito. Inayos ang nagulong buhok at tumayo para pumuntang pastry section para makakain dahil nakakaramdam na rin ako ng gutom.
Nang makarating ay agad akong nagtimpla ng sarili kong kape. Hinipan at ininom agad ito para mawala ang kaonting antok na nararamdaman ko. Kumuha na rin ako ng cookies sa jar at kinain ito nang paunti-unti.
Nakasandal lang ako sa counter nang may pumasok dahilan para mapatingin ako sa bagong pasok. Ngumiti ako sa kanya at gano'n din ang ginawa nito. She stretched her body first before she made her own coffee too.
"Grabe talaga kapag seasonal na, ano?" Bigla nitong ani kaya nilunok ko muna ang kapeng ininom ko bago sumagot sa tanong niya.
"Kaya nga. Akalain mo 'yon, hindi natin namamalayan na malapit ng matapos ang shift natin," sabay naman kaming natawa dahil sa sinabi ko.
"Ang dali at ang bilis nga rin ng oras. Parang kanina lang ay nagsisimula pa lang tayo pero ngayon ay malapit ng matapos," tumabi ito ng upo sa akin sa counter habang simisimsim sa sariling kape nito.
"Malapit na rin naman kasi ang Halloween kaya madami ang tumatawag ngayon," tumango-tango ito sa sinabi ko at kumuha at kumain din ng cookies mula sa jar.
"Nga pala, may naghahanap daw sa'yo kaninang hapon dito." Napakunot ang noo akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi nito.
Sino naman ang maghahanap sa akin ng dapit hapon, e, gabi hanggang umaga ang shift ko? Even Sabrina knew about it kaya kapag nagyayaya siyang magbar ay kapag alam niyang day-off ko lang.
"Sino raw?" Wala naman akong pwedeng maisip kung sino ang maghahanap sa akin sa mga oras na iyon dahil nasa apartment lang ako noon.
"Hindi ko rin alam. Pero ang sabi ng mga nakakita sa kaniya, pogi raw at nakadamit pangmayaman," mahina itong tumitili kaya mas lalong nangunot ang noo ko. "No'ng hindi ka raw nahanap dito, dumeretso ito sa pinaka-itaas para kausapin ang CEO natin na kaibigan daw niya."
Napa-iling-iling na lang ako sa pinagsasasabi niya. Wala talaga akong ideya kung sino ang pwedeng maghanap sa akin. O baka namali lang sila na hinahanap daw ako pero pumunta lang ito sa boss naming kaibigan nito.
Naubos ko na ang kape ko at nabusog ako sa nakain kong cookies sa jar kaya umalis na ako sa pagkaka-upo ko sa counter ng pastry at hinugasan ang ginamit na tasa. Nang matapos ay inilagay ko ito sa lalagyan at nagpaalam na sa kausap ko kanina na babalik na ako ng desk ko. Isang oras na lang din naman at matatapos na ang shift ko at makakauwi na ako sa apartment para makapagpahinga. Ah, I already miss my bed!
Napa-inat-inat ako habang nakaupo pa rin sa swivel chair ko dahil sa wakas ay tapos na rin ang shift ko. Tinignan ko ulit ang orasan at nakitang pass 6 AM na pala. Lampas na ako sa oras ng shift ko sa araw na ito. Tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko. Hawak-hawak ko naman ang cellphone ko para sana mag-f*******: mamaya habang nakasakay ng elevator pababa. Akmang hahakbang na ako paalis nang tawagin ako ng team manager namin.
"Iria," tawag nito sa pangalan ko habang naglalakad ito papunta sa kinaroroonan ko habang tumayo lang ako sa kung nasaan man ako nakatayo.
"Po?" magalang kong bati sa kaniya dahil sa medyo matanda ito sa akin ng ilang taon. "May kailangan po ba kayo?"
"Pinapatawag ka sa taas. Sa office ng CEO. Kailangan ka raw makausap," kinabahan naman ako dahil sa sinabi nito at sa alanganin nitong pagngiti sa akin.
Bakit naman ako ipapatawag ng boss? May nagawa ba akong mali? Hindi na ba ito nagagandahan sa performance ko? At bakit kailangan niya akong makausap? Baka sisisantihin niya ako? Oh my God! 'Wag naman sana. Hindi pa sapat ang savings ko para sa ilang taon kong planong hindi pagtrabaho.
Palihim akong nagsign of the cross dahil sa kabang nararamdaman ko. Naglog-out muna ako bago tumungo ng elevator. Nang bumukas ay agad akong pumasok at pinindot ang top floor ng building kung nasaan ang opisina ng pinakaboss namin. Kinakabahan man ay pilit kong pinapakalma ang lakas ng kabog ng puso ko. Para akong mabibingi dahil sa lakas at bilis nito.
Ilang buntong hininga ang ginawa ko ng sa wakas ay napakalma ang sarili pero agad ding nakaramdam ulit ng kaba nang bumukas ang elevator. Indikasyon na nasa tamang palapag na ako.
Nanghihina man ang tuhod ay pinilit ko itong ihakbang. Isang malalim na buntong hininga na naman ang ginawa ko nang makalabas ng elevator. I compose myself, chin up and I wear my sweetest smile to hide my fast beating heart. Hindi lang basta isang tao ang haharapin ko kung hindi ang boss namin na minsan ko lang makita ng magpa-party ito dahil sa laki nang pagtaas ng ratings namin noong isang taon.
I walked with confidence in the hallway kahit na sa loob-loob ko ay gusto ko ng umuwi na lang at huwag ng alamin kung bakit niya ako pinapatawag. Pumunta ako sa isang desk sa labas ng pinto ng opisina nito kung nasaan ang secretary niya. Nang makita ako nito ay ngumiti muna ito sa akin bago nagtanong kung bakit ako nandito.
"May I help you?" Sinuklian ko ang ngiti nito bago sumagot sa tanong niya.
"Mr. Apurada wants to see me. Is he inside?" I used my British accent to her na palagi kong ginagamit kapag nagt-trabaho o seryoso o kinakabahan ako.
"You must be, Ms. Delcena?" tumango ako sa tanong nito. "He's waiting for you inside. Let me accompany you to him," tumayo ito mula sa pagkaka-upo kaya hinintay ko itong lumabas sa cubicle niya.
Nauna itong naglakad sa akin papunta sa nag-iisang pintuan sa floor na ito. Nang makarating sa harap ng pintuan ay kumatok muna ito at naghintay ng ilang sandali bago kami may narinig na baritonong boses na nagsabing 'come on in'.
Pinihit nito ang door knob ng pinto at dahan-dahang binuksan ito. She gives me a way to enter the office first while she waits in the door. May narinig akong dalawang baritonong boses na nag-uusap sa unahan. Narinig ko na rin ang pagsara ng pinto na indikasyon na nasa loob na talaga ako ng opisina ng pinakaboss namin.
Inilibot ko ang paningin ko sa kabuoan ng opisina niya. The walls are color Beige. Ang mga sofa at center table ay kulay nude. Ang bookshelf nitong puno ng iba't-ibang libro. At ang mga nakadisenyong mga vase sa paligid ay halatang mamahalin. All in all, maganda ang opisina nito.. Napatingin ako sa dalawang taong nag-uusap sa isang desk na nakaharap sa glass wall na kung saan makikita ang kabuoan ng siyudad na maganda sa paningin lalo na kapag gabi dahil buhay na buhay ito. Nakatalikod sa akin ang isa at nakaharap naman sa akin si Mr. Apurada.
Nang makita niya ako ay agad itong ngumiti at tumayo mula sa pagkaka-upo. Hindi naman lumingon ang lalaking kausap nito pero parang pamilyar ang likod at bulto nito sa akin.
"Miss Delcena. I am finally able to meet you," nakangiting bati nito sa akin. "Come here. I want to talk to you about something."
Dahan-dahan naman akong naglakad papalapit sa kinaroroonan nila na may matamis na ngiting nakapaskil sa mga labi ko kahit na kinakaban na ako sa kaloob-looban ko.
"It's a pleasure to meet you too, Mr. Apurada," balik bati ko sa kanya at inilahad nito ang upuan sa tabi ng kausap nito kanina na ngayon ay tahimik lang.
"Stop the formality, Iria. You can call me Rui. And please, seat beside my friend," aniya at naupo ulit sa swivel chair niya sa likod ng desk nito.
Hindi ako lumingon sa katabi ko at nakatuon lang ang tingin ko kay Rui na may nakakalokong ngising nakapaskil sa mga labi nito. Kumunot ang noo ko dahil sa tinuturan nito. Ramdam ko ang pagtitig ng katabi ko sa akin na parang ako lang ang nakikita niya kaya nailang ako ng kaonti pero hindi ako lumingon sa kanya.
"Staring is rude, mister," ani ko sa katabi kong kanina pa nakatitig na ikinatawa naman ni Rui.
"Man! Kunan mo na lang kasi ng picture para mas matagal mong matitigan," natatawang ani pa rin ni Rui kaya sinamaan ko ito ng tingin. Nagsisimula na akong mainis sa tinuturan at pinagsasasabi niya lalo na sa lalaking walang hiya pa ring nakatitig sa akin.
Nawala na rin ang kabang naramdaman ko kanina dahil sa tunuturan nito ngayon sa harap ko. Is this really our boss? Parang bata at abnormal, e. At bakit ako nito pinatawag kung ganito naman pala ang ituturan niya sa akin?
"If you don't mind, Rui. Bakit gusto mo akong makita at makausap?" Nawala na rin ang matamis kong ngiti at seryoso ko na itong tinitigan. I want to finish my business here and go home. I want to cuddle with my bed.
Umayos muna ito ng upo at pustura at tumigil sa pagtawa pero pangisi-ngisi lang itong nakatingin sa tabi ko. He tried to make his face serious pero hindi nito magawa na palihim kong ikinairap.
"Oh, that? Yes. I want to meet and talk to you. Because this man," turo nito sa katabi kong lalaki gamit ang hinlalaki nito na hindi ko pa nakikita ang mukha mula ng makapasok ako sa loob ng opisina niya. "he wants you to quit your job here."
Napa-awang ang labi ko dahil sa sinabi nito. And who the hell he is to make me quit my job?! Unti-unti ko itong nilingon na may galit sa mata pero agad ding nawala at nanlalaking mga mata ko itong tinignan. What the hell?! What is he doing here? At paano niya nalamang dito ako nagtatrabaho? And how could he?
Ngumisi ito sa akin na parang matagal na kaming magkakilala at inilapit ang kanyang mukha sa mukha ko. Ilang dangkal na lang at maglalapat na ang mga labi namin nang magsalita ito na ikinatigil ko.
"I want you to quit your job. It's already past three days, honey. And that's enough."
Hindi ako makagalaw dahil sa gulat at sa sinabi nito. Naririnig ko ang mahinang tawa ni Rui pero hindi ko ito binigyan ng pansin dahil nakatuon lang ang atensyon ko sa lalaking malapit ang mukha sa mukha ko at naduduling ako dahil doon.
What the f*****g hell?!
C.B. | courageousbeast