Chapter 4

2569 Words
 Stranger             NAKABUSANGOT lang ang mukha ko buong byahe noong papunta sa apartment ko habang lulan ng kotse ng lalaking kinaiinisan ko hanggang ngayon na papunta na kami sa hindi ko alam kung saan. Bakit ba ako nandito ngayon? Bakit ba kasi ako pumayag kanina? Bakit ang bilis ko namang bumigay? Palihim kong binatokan ang sarili ko nang maalala na naman ang nangyari sa office ni Rui kanina. I hate myself, really, so much. "I want you to quit your job. It's already past three days, honey. And that's enough." Hindi ako makagalaw dahil sa gulat at sa sinabi nito. Naririnig ko naman ang tawa ni Rui na nasa harapan namin pero hindi ko ito binigyan ng pansin dahil natuon na ang atensiyon ko sa lalaking malapit ang mukha sa mukha ko. Ilang dangkal na lang ang pagitan at isang maling galaw lang ay maghahalikan na kami. I was lost in deep thoughts with his blue almond shaped eyes when he lean more closer and was about to kiss me when I heard a fake cough coming in front of us. “Get a room you two. You’re making me p**e here,” agad ko namang inilayo ang mukha ko sa lalaking nakakahipnotismo ang mga mata, umayos ng upo at tinignan ng masama si Rui na may ngisi sa kanyang mga labi. “Maghanap ka na rin kasi ng babaeng makakasa mo, airhead. Mawawala ka na sa kalendaryo dahil tumatanda ka na,” may pang-uuyam at pang-aasar sa boses na ani Reece sa kaharap na kaibigan. Natawa ako dahil nawala ang ngising nakapaskil sa gwapo nitong mukha dahil sa narinig mula sa kaibigan. Nawala ang mapaglaro nitong tingin at napalitan ng masamang tingin na nakapukol kay Reece na napunta naman sa akin. Nang makita ang natatawa kong mukha ay inirapan ako nito na mas lalo kong ikinatawa. He looks like a gay while he rolled his eyes at me but he still looks manly and… hot. “What are you laughing at, woman?” naiirita nitong tanong sa akin habang masama pa rin ang tingin na ipinupukol sa gawi ko kaya hindi ko na naman mapigilan ang sarili na hindi matawa sa kaniya. “Stop it, Iria! I am feeling embarrassed here!” Hindi ko na talaga napigilan at napahagalpak na ako ng tawa dahil para itong bata na inagawan ng kendi sa panghihimutok. “P-para kang bakla kapag umiirap. Alam mo ba ‘yon?” nauutal kong tanong sa kaniya sa gitna nang pagtawa ko. Napapahawak na ako sa tiyan ko dahil nagsisimula na itong manakit sa kakatawa ko. Naramdaman ko rin na nanunubig na ang mga mata ko sa kakatawa. “Damn, Rui! Ang sakit na ng tiyan ko kakatawa sa’yo. Though, you still look manly and hot while rolling your eyes.” I blurted out without thinking of what I had said. Ilang malalalim na buntong hininga ang ginawa ko at pinipigilan ang sarili na tumawa pero mahirap dahil sa mga oras na dumadako ang paningin ko kay Rui ay hindi ko mapigilang hindi matawa. Pero napakunot noo ako nang makita ko ang nakangisi nitong mukha na parang siyang-siya sa nakikita sa katabi ko. Nang mapadako ang tingin niya sa akin ay tinaasan ko ito ng kilay at inikotan ng mga mata dahil sa pagnguso nito sa katabi ko. Dahan-dahan akong lumingon sa katabi ko at agad na napalunok nang sa pagtama ng aming mga mata ay naramdaman ko ang pagtaas ng mga balahibo ko sa batok sa uri ng tingin nito sa akin na parang may malaki akong kasalanan na nagawa sa kanya. Masama at nakakunot ang noo itong mariin na nakatingin sa akin na ikinangiti ko ng alanganin sa kanya. Narinig ko naman ang mahinang pagsipol ni Rui sa harap namin na parang nasasayahan pa ito sa nakikita sa harap niya. “Someone’s in trouble,” mahina at mapang-asar nitong ani pero sapat lang para marinig ko. What have I done? At bakit gano’n ang uri ng tingin niya sa akin? Na parang kakatayin niya ako ng buhay. Iniwas ko ang tingin kay Reece dahil hindi ko na kaya pa ang pagtitig nito sa akin at tumingin kay Rui para sana humingi ng tulong pero nagkibit balikat lang ito at ngumisi ng nakakaloko sa akin. Sinamaan ko ito ng tingin para matakot ito pero iba ang naging reaksiyon nito. Mas lalo lang lumapad ang ngisi nito kaya napamura ako sa aking isip. Lakas loob kong nilingon ulit ang katabi ko at tinaasan ito ng kilay dahil hindi ko makuha kung bakit ang sama ng tingin nito sa akin. His brows furrowed more and his lips are now in a grim line like he is so irritated in the way I looked at him. “He’s really that hot in your eyes, huh, Marie?” A shiver sent down in my spine as the words came out from his mouth as cold as an ice. “Kung putulin ko kaya ang ulo niya at kunin ang mga mata niya, will he still be hot?” What the hell? Napa-awang ang mga labi ko at nanlaki ang mga mata dahil sa narinig mula sa kaniya. What the freaking hell is his problem when I said that Rui is hot?! Dahil lang doon ay pupugutan niya ng ulo at kukunin niya ang mga mata ng kaibigan niya? Psychopath ba ang lalaking ito? At ‘yon ba ang dahilan kung bakit parang kakainin ako nito ng buhay sa mga tingin niya? “Maghunos-dili ka nga, Reece! I’m just telling the truth!” Hindi mapakali kong untag dahil sa kaba at hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya. “Kaya ba ganiyan ang uri ng tingin mo sa akin? Na parang kakatayin mo ako ng buhay dahil lang sa sinabihan kong hot si Rui? Myghad, Reece! Hindi ko alam na seloso ka pala kahit na kakakilala pa lang natin,” hininaan ko lang ang boses ko sa huling mga salitang sinabi ko. Mahirap na at baka sabihing assumera pa ako. Napunta ulit ang tingin ko kay Rui dahil sa nakakairitang pagtawa nito at sinamaan ko ito ng tingin pero hindi man lang ako nito pinansin at mas lalo pang tumawa. I rolled my eyes at him at tinuon ulit ang paningin kay Reece na hanggang ngayon ay hindi maipinta ang mukha. Tinaasan niya ako ng kilay bago inikot ang kanyang mga mata at humarap naman kay Rui na maririnig pa rin ang mahinang pagtawa. What the hell was that? Did he just roll his eyes at me? Sabagay, mas hot siya kay Rui. Napahagikhik ako sa naisip na dahilan para sabay silang mapatingin sa akin na may mga nagtatakang mga mata. Ngumisi lang ako sa kanila. Pero agad ding nawala ang ngisi ko nang marinig ang nakakahindik nitong sinabi. “Let her choose, Apurada. She’ll quit on her own or you’ll fire her in your company,” seryoso nitong sambit kaya nakaramdam na ako ng inis. Bigla akong napatayo mula sa pagkakatayo nang marealize ko kung ano ang sinabi niya. What the f*****g hell is his problem?! Ikinuyom ko ang mga kamao ko at walang buhay akong tumingin sa kanya at nakita ko ang lihim nitong paglunok na agad din namang napalitan ng blankong ekspresyon ang kanyang mukha. No one is allowed to intervene in my life, unless I give you permission to. Especially in bossing me around when I didn’t know a thing about you. This is my freaking life and no one can tell me what I should do! “Who do you think you are to tell me what I should do? Wala kang karapatan para papiliin ako at utusan ako dahil buhay at trabaho ko ang pinag-uusapan dito. You don’t own me and you don’t have the right in me,” kalmado kong ani at inilapit ang mukha sa mukha ni Reece na walang ano mang emosyon ang makikita pero sa loob-loob ko ay gusto ko nang makapatay ng kung sino man ang haharang sa akin ngayon. “s**t! Calm her down, Reece!” natatarantang usal ni Rui at nakita ko sa gilid ng mata ko na tumayo na rin ito mula sa kanyang pagkakaupo. “Damn! She’s one hell of a woman. Nakakatakot magalit.” “Now you already know why I choose her in the first place.” Umiwas ito ng tingin sa akin at humarap kay Rui na may kalmadong mukha. “And I already told you, babe. I won’t take no as an answer and you’ll quit your job and pack your things because you’ll live with me.” “You don’t take no and I don’t give an easy yes as an answer.” I saw the side of his lips tugged up and an amused grin was plastered in his lips. “I already extend your day’s dahil wala ako sa bansa. And now that I am here, I want you to do what I have told you.” Mas lalo lang nadagdagan ang namumuong galit sa kaloob looban ko dahil sa mga sinasabi nito. I hate his guts for bossing me around even though he doesn’t own me! “Listen, Mr. Xiamin. I didn’t say ‘yes’ to your offer and I want to decline it because I am not like your women who will easily spread my legs by just looking at you. And you bossing me around are a big NO and insult to me as a woman.” I narrowed my eyes at him. “Better find another woman who is willing to spread her legs wide open for you while you dipped your head in between her legs and who will moan your name while you pleasure her every night just to make your bed a warmer one.” Napangisi ako sa kanya nang makita ko ang pagkawala ng ngisi nito at napalitan ng kunot na noo. Tatayo na sana ako ng maayos nang bigla nitong ikinulong ang mukha ko sa dalawang kamay nito at agad akong siniil nang mapaghanap at mapagparusang halik. Sinubukan kong magpumiglas sa halik na ginagawad nito sa akin pero mas lalo lang nitong ipinailalim at ng hindi ako tumutugon ay kinagat nito ang pang-ibabang labi ko dahilan para mapasinghap ako at naipasok nito ang makasalanan nitong dila sa loob ng bibig ko. Ang mapaghanap at mapagparusang halik nito ay napalitan ng marahan at malamyos na mga halik na nakakapagpaderilyo sa akin sa hindi malaman na dahilan. Napapikit ako sa kakaibang kiliti na hatid ng mga halik niya sa kaibutaran ko. Mga halik na kahit ang taong baliw ay magiging normal. An electrifying feeling was flowing inside my body that made the insects inside me crumble in my stomach. The fast beating of my heart is as in its fastest pace by now. And the feeling, it felt so familiar like something inside me fill the gap for a very long time like the last time he kissed me. Habol ang hininga nang tuluyan nitong inilayo ang kanyang mukha sa akin at nang kumalas ito sa halik na aming pinagsaluhan. Nanghihina akong napaupo sa upuan ko kanina at napayuko dahil nakaramdam ako na parang nag-iinit ang aking magkabilang pisngi sa hiya. "Now tell me that I am still a stranger to you."Seryoso ang boses nitong ani pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang pang-aasar sa boses nito. “You’re still a stranger to me, Mr. Xiamin,” mahinang saad ko pero sapat lang para marinig niya. Nagulat ako ng sa ikalawang pagkakataon ay kinulong nito ang mukha ko sa dalawa niyang kamay at agad na sinakop ang labi ko na ikina-ungol ko naman. Ilang sandali pa ay nilubayan na nito ang labi ko at inilayo ang mukha sa akin pero nanatili ang mga kamay nito sa pisngi ko. “What did you say, honey? Can you say it again?” nakangisi nitong tanong sa akin at may malapad na ngisi itong nakapaskil sa kanyang labi. Tinanggal ko ang dalawang kamay nitong nasa mukha ko at inilayo ang mukha sa kanya habang tinakpan ko ng dalawa kong kamay ang bibig ko para hindi na maulit ang ginawa nitong paghalik sa akin. “You pervert!” masama ko itong tinignan pero kumunot lang ang noo nito dahil hindi niya naintindihan ang sinabi ko. The words got scrambled because my hands are still in my mouth. “Pardon? Oh, never mind. If you don’t want me to take you here, you’ll choose now. You’ll quit or he’ll fire you? Choose wisely, babe.” Kahit na nag-aalangan na ibaba ang kamay ko sa bibig ko ay ginawa ko pa rin. “As a reminder again, honey. I won’t take no as an answer.” “You’re such an unfair, pothead, you know that? I hate you to the core for being bossy and too controlling,” may galit kong usal sa kanya. Nakita ko ang pagtiim ng bagang nito at ang pagdilim ng kanyang mukha dahil sa sinabi ko. Iniwas ko ang tingin sa kanya at idinako ito kay Rui na namumutla na parang takot sa pinag-uusapan namin ng kaibigan niya. “Can you tell him to stop? I’m starting to be annoyed and really, really pissed.” “I can’t, Iria. He maybe my friend but I love myself more than anything.” Nauutal at nanginginig ang boses nitong ani sa akin. “I won’t stop until you give in, Iria. In the end, you will still be mine and I know that you can’t hate me, babe. I know you can’t.” Ang seryoso nitong boses ay naging dahilan para tumaas ang mga balahibo ko sa batok. “Now choose or you’ll regret everything in the end.” Ginulo ko ang buhok ko dahil sa prustasyon na nararamdaman at isang malalim na buntong hininga ang ginawad ko para pakalmahin ang sarili. “Why are you doing this? Why me? Sa dami ng babaeng nagkakandarapa para maging babae mo, bakit ako pa na walang pakialam sa’yo? Ano ba ang makukuha mo sa ginagawa mo?” “You’re my achievement, Iria. My biggest achievement.” “Hindi ako isang bagay o tropeyo na dapat mong makuha para maging achiever ka. Tao ako, Reece. Tao at hindi laruan o ano man.” Hindi ito sumagot at ilang minuto na ang nakakalipas. “I quit.” tanging ani ko lang at tumayo na sa pagkaka-upo. Walang imik at walang lingon-lingon akong tumalikod sa kanila at umalis ng walang paalam. I don’t care if I was rude. The thing is, I didn’t get my rights and he’s a bastard. Nabalik lang ako sa sarili ko nang maramdaman ko ang paghinto ng kotse na sinasakyan. Tumingin agad ako sa labas at nakitang nasa harap kami ng isa sa pinakamataas na building sa city. Dito ba siya nakatira? "Leave your things in the car. Ipapakuha ko na lang 'yan mamaya para dalhin sa taas," tumango lang ako sa kanya at lumabas na ng kanyang sasakyan na wala pa ring imik. C.B. | courageousbeast  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD