Wrong Timing
HIS PENTHOUSE is located at the top floor of the building. It's in the 30th floor to be exact kaya nakakamangha at nakakahawa ang taas nito. Wala kaming imik sa isa't isa habang sakay ng elevator papunta sa penthouse niya sa taas. Wala rin naman akong sasabihin sa kanya kaya mananahimik na lang ako sa tabi.
Nang bumukas ang elevator ay nauna itong lumabas sa akin kaya sumunod lang ako sa kanya. Nakayuko man ay alam mong mayaman ang nakatira dahil sa marble floor nitong nangingintab pa. At ng oras na dumako ang paningin ko sa harap ay may tatlong pinto ang bumungad sa aking paningin. Ang isa ay nasa left side ng hallway, may roon din sa right side at ang isa ay nasa gitna na nakaharap sa elevator na makikita agad pagkalabas mo rito.
Dire-diretso lang itong naglakad hanggang sa tumigil ito sa harap ng mahogany double door sa gitna at binuksan gamit ang susi na kinuha niya sa kanyang kanang bulsa. Nacu-curious tuloy ako kung ano ang nasa loob ng left at right side na mga pinto dahil alam kong bahay na niya ang nasa gitnang pasilyo kapag pumasok ka na.
Nauna ulit itong pumasok at hindi man lang ako nilingon at nagpakita sa akin na kailangan kong sumunod sa kanya kaya nag-aalinlangan pa ako kung susunod ba ako o hindi. Bakit nga ba ako pumayag na sa penthouse niya tumira kahit na hindi ko pa ito kilala ng lubusan? Bakit nga ba ako sumama sa kanya kahit na noong nakaraang linggo ko lang ito nakita? At bakit parang pamilyar ako sa kanya? Pamilyar na pakiramdam na parang matagal ko na siyang kilala?
Nakita ko itong lumabas sa pinasukang pinto na may nakakunot na mga noo habang nakatayo lang ako kung saan niya ako iniwan. Nang magtama ang mga mata namin ay tinaasan niya ako ng kilay kaya tinaasan ko rin ito ng kilay ko. Bumuntong hininga muna ito bago niya tinuro ang kanyang likod gamit ang kanyang hintuturo at tumalikod ulit sa akin at pumasok ulit. Nagkibit balikat na lang ako at nagsimula nang ihakbang ang mga paa ko papunta sa kung saan siya pumasok.
Napa-awang ang labi ko nang makita ang kabuoan ng loob ng penthouse niya. Sobrang lapad ng sala na parang ilang tao ang pwedeng magkasya. The walls are a mix of gray and white with different abstract painting that is hanging with it. May malaking chandelier sa gitna. May mga nakapabilog ding mga sofa na kulay nude sa gitna ng sala. May glass center table na may mga magazine sa ilalim. May malaking flatscreen TV din sa harap ng mga sofa. Halata rin sa mga gamit at mga antiques na ang mamahal nito. All in all, maganda ang sala niya at pang unisex din. I wonder how many women he brought here. Alam kong hindi lang ako ang pinatira niya rito.
"Suit yourself, honey. Feel at home," aniya at hinubad ang suot nitong suit kaya ang natitirang suot na lang nito ay ang puting long sleeve niya na may black necktie. "I'll be in my office to sign some papers. Don't hesitate to go there when you need anything. Then make yourself comfortable in your new home, babe." Tumango lang ako sa kanya dahil hanggang ngayon ay speechless pa rin ako sa ganda ng penthouse niya.
"My office is located outside this room, left side." Hindi na ako nakasagot pa nang marinig ko ang pagbukas sara ng pinto na indikasyon na lumabas na ito at iniwan na ako ritong mag-isa sa unang araw ko.
Bumuntong hininga muna ako at nilibot ang buong silid dahil wala naman akong gagawin dito... sa ngayon. Nakakamangha ang interior design nito na talagang pinag-isipang mabuti. Maganda ang loob pero parang ang lungkot ng aura nito. There is something in here that made the air inside his penthouse uncomfortable and... unwelcoming.
May nahagip ang mga mata ko sa isang sulok na isang picture frame na parang sinadyang itumba talaga. Naglakad ako papalapit dito at akmang hahawakan at titignan sana ito nang may magsalita sa likod ko na ikinatalon ko at ikinahawak sa kanang dibdib ko sa gulat.
"Don't touch it," madiin at malamig ang boses nitong ani kaya napalingon ako sa kanya na nakahawak pa rin sa kanang dibdib ko at habol na ang hininga.
"Why? Titignan ko lang naman at aayosin dahil natumba." Akmang hahawakan ko ulit ito nang may humatak sa braso ko at pinalayo ako sa kinaroroonan ng picture frame na nakatumba.
Naiinis ko itong tinitigan dahil sa paghatak nito sa akin habang lumalapit ito sa pwesto ko kanina at kinuha ang picture frame at inilagay ito sa isang drawer at inilock gamit ang susi na tinago niya rin naman. Mas lalong nangunot ang noo ko nang mahagip ng paningin ko ang picture sa picture frame. Parang nakita ko ang hem ng puting dress sa picture pero hindi ko alam kung sino at kanino.
"Ano bang problema mo? Bakit bigla kang nanghahatak, ha?" naiinis kong tanong sa kanya ng mahimasmasan ako sa pagkakagulat at pinag-krus ko ang mga braso sa harap ng dibdib ko. Sinamaan lang ako nito ng tingin at naglakad papasok ng kusina na hindi ako inimik.
Bumuntong hininga muna ako bago sumunod sa kanya sa kusina. Nakita ko itong may hinahanap sa loob ng ref. Isinandal ko ang likod ko sa hamba ng pinto ng kusina at pinagmasdan siya sa kanyang ginagawa. He looks so sexy in his back. Nakatupi na hanggang braso nito ang kanyang puting long sleeve na polo at mas lalong naging magulo ang buhok nito. Para lang itong bagong gising.
Napangisi ako sa naisip ko at agad din naman napa-iling at palihim na kinutusan ang sarili. Maghunos-dili ka nga Iria! Kung ano ang iniisip mo na hindi dapat. You're not a wanton woman, okay? You're a normal woman who can refrain herself from her hormonal needs and mind.
"I'll cook. You wait on the sala. 'Wag ka na rin munang maglibot-libot sa loob ng penthouse na ito dahil hindi ko pa naaayos ang ibang mga bagay." Umiwas ako ng tingin sa kanya nang humarap ito sa kinaroroonan ko at isa-isa nitong binubuksan ang butones ng polong suot niya at nakikita na rito ang matitipuno niyang dibdib na nakatago kanina sa suot niyang long sleeve polo.
Ibinalik ko ang tingin sa kanya at napapakagat labi na lang ako dahil sa nakikita ko ngayon. He's like a striper and I'm ready to get strip too. Tinampal ko ang noo ko dahil sa naiisip ko. Stop yourself for goodness sake, Iria! Mahiya ka naman!
Bakit ba pagdating sa lalaking ito ay nagkakasala ang isip ko? Umayos ako ng tayo at tatalikod na sana nang magsalita na naman ito na ikinatigil ko at ikinairap ko sa hangin.
"On second thought, you can watch me cook and drool over my body, honey." Nakangisi na ito ngayon sa akin at mas lalong ibinalandara ang magandang katawan nito sa akin. He spread his arms wide open, the reason why his biceps move at mas lalong nadepina ang pagiging maganda ng katawan nito na dahilan para palihim akong mapalunok.
Inirapan ko ito at agad nang tinalikuran dahil nararamdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko sa hiyang nararamdaman ko. Mabilis akong naglakad papalayo sa kusina habang rinig ko ang mahinang pagtawa nito na mas lalong nagpainit ng mukha ko. Bwesit talaga ang lalaking 'yon. Akala mo naman kung sinong gwapong nilalang. Gwapo naman talaga siya at parang model ang datingan at pangangatawan nito pero nakakabwesit ang ugali.
Pasalampak akong naupo sa sofa at kinuha ang remote ng malaking TV at pinaandar ito. Paiba-iba ang channel na pinapanood ko dahil hindi maganda ang mga palabas nang malipat ko ito sa isang channel na may mainit na naghahalikan at isa-isa nang hinuhubad ang mga saplot nila. Natuod lang ako sa kinauupuan ko at hindi ko alam ang gagawin ko. Kung iiwas ko ba ang paningin ko o hahanapin ang remote at papatayin ang TV.
Nawala ako sa sarili ko at natulala na lang sa harap ng TV na ang pinapalabas ay hindi maganda sa paningin. Naririnig ko na ang mga mahinang pag-ungol at halinghing ng babae kaya nagpanic ako at hinanap na agad ang remote na hawak-hawak ko lang kanina pero hindi ko na mahanap. Napatingin ako sa TV nang bigla itong mamatay at napahinga ako ng malalim dahil nawala na sa paningin ko ang hindi kanais-nais na palabas.
"I didn't know you watch that kind of things." Napa-ayos ako ng upo nang may marinig akong boses na nang-uuyam sa likod ko. "Honey, rinig na rinig ang ungol ng babae sa kusina. I thought it was you, the reason why I have a boner now, and I was curious so I came here and I saw what you were watching," natatawang ani nito. "Itago mo naman o isekreto kapag nanonood ka. Napaghahalataan ka."
Tinignan ko ito ng masama at agad kong hinablot ang throw pillow na malapit sa akin at hinagis ito sa kanya na nailagan din naman nito at mas lalong tumawa. Mas lalo akong nainis sa kanya kaya tinalikuran ko ito at hindi na pinansin pa.
"Pero kung gusto mo, pwede nating gawin ang ginagawa nila." Nakaramdam ako ng kilabot hindi dahil sa sinabi nito kung hindi dahil ramdam ko ang mainit nitong hininga na malapit sa tainga ko.
Napigil ko ang hininga ko dahil sa ramdam ko ang pagdampi ng malambot nitong labi sa leeg ko. He nuzzled his nose in between my neck and shoulder that gives me an electrifying feeling and an unexplainable feeling inside of me. Nakakaramdam na rin ako ng kiliti sa puson ko pababa sa p********e ko nang maramdaman ang mga mumunting halik nito sa leeg ko pataas sa panga ko hanggang sa pisngi ko at tumigil ito sa gilid ng labi kong naka-awang na.
Naikuyom ko ang mga kamay ko sa kakaibang sensayong bumalot sa katawan ko at naipikit ang mga mata sa sarap na nararamdaman ko sa mga munting halik na ginagawa niya. Humahaplos na rin ang mga kamay nito sa magkabilang balikat ko kahit na nasa likod ko ito at nakaupo pa rin ako sa sofa. Isang mahinang halinghing ang kumawala sa mga labi ko ng umabot na sa maliit kong bewang ang mga malilikot nitong mga kamay at marahan itong hinahaplos na nagbibigay ng kiliti at kakaibang init sa balat ko.
Habang ang mga labi naman nito ay bumalik sa paghalik pababa sa leeg ko. Sinisipsip nito at kinakagat na para itong pambira and that if his life depended on it. Ang sakit na dapat kong maramdaman sa pagkagat at pagsisip niya ay napapalitan ng sarap dahil sa mga mararahan nitong mga haplos. Nakakaramdam na rin ako nang pag-iinit ng katawan ko kaya mariin akong napapikit at napakapit sa throw pillow na nasa sofa sa gilid ko.
"Reece," ungol ko sa pangalan niya dahil sa sensasyong hatid nang ginagawa niya sa akin. Ramdam ko na rin ang namamasa kong p********e dahil sa nararamdaman kong init ng katawan ko na dinudulot ng mga halik at haplos niya.
Napamulat lang ako at agad na inilayo ang sarili sa kanya nang makarinig ako ng door bell. Rinig ko naman ang mahina at matulong na pagmumura ni Reece sa likod ko na ikinailing ko na lang.
Inayos ko ang sarili ko, ang nagulo kong damit at buhok dahil sa nangyari kani-kanina lang. Bumuntong hininga ako at napayuko dahil nahihiya ako. s**t! Muntik na 'yon ah. Magpapasalamat talaga ako sa taong nasa likod ng pinto at pinigilan kami sa dapat na mangyari kapag nagpatuloy pa ang ginagawa namin kanina.
"What the hell are you doing here, Apurada?" rinig kong galit na tanong ni Reece sa taong nagdoorbell at inisturbo ang ginagawa sa akin ni Reece. Isturbo nga ba, Iria? Napa-iling na lang ako sa sariling tanong at tumayo na sa pagkaka-upo at humarap sa bagong dating na may matamis na ngiti na parang walang nangyaring hindi nakakahiya.
"Man, I just wanted to check my beloved ex-employee kung okay pa ba siya rito sa puder mo," natatawang ani Rui habang nakataas ang dalawang kamay na parang sumusuko. "At bakit ka nakahubad? Wrong timing ba ang dating ko? Naka-isturbo ba ako?" Nakita ko ang pagngisi nito at ang pagpunta ng paningin niya sa akin. "Hi, Iria! Kamusta ka rito? 'Di ka pa ba niri-rape nitong kaibigan ko?"
Napa-iling at natawa na lang ako sa tanong nito sa akin. "Ay gano'n? Ang hina naman pala nito." Sabay kaming natawa pero agad ding nawala nang marinig namin ang sinabi ni Reece.
"Want to end your life, Apurada?" malamig ang boses nitong ani na dahilan nang mas lalong pagtaas ng dalawang kamay ni Rui.
"Chill, man. I was just joking." He winked at me and waved his hand. Akmang susuntukin ito ni Reece nang bigla itong tumakbo nang mabilis na walang lingon-lingon at agad na pumasok sa nakabukas ng elevator.
Natatawa na lang ako sa kakulitan nito. Parang hindi boss kung umasal. Nakita kong isinara na ni Reece ang pinto at nakangising humahakbang papalapit sa akin. Hindi ko gusto ang ngisi niyang ito dahil alam kong may hindi magandang mangyayari.
"Should we continue?"
C.B. | courageousbeast