bc

I Choose

book_age16+
749
FOLLOW
2.8K
READ
murder
love-triangle
sex
CEO
drama
tragedy
mystery
self discover
brothers
like
intro-logo
Blurb

This is a Tagalog Love Story.

it's a Love Triangle between the Two Brothers and a Beautiful, Kind and Intelligent Woman.

Iya/Alex

Phillipe

Liam

chap-preview
Free preview
Simula
*I Choose* Part1 Sinubukan kong Tumakbo kahit hirap ako dahil sa tama ng Bala sa Kaliwang Hita ko. (Kailangan kong Makaalis dito.) Isip ko. Dali dali akong nagtago sa Likod ng Asul na Drum. Hingal na hingal. Pagod na pagod. Umiiyak. At Takot na takot. Dahan dahan kong kinalma ang Sarili ko na wag Gumawa ng kahit na anong ingay dahil maririnig nya Ako. *mga yapak Natatakot ako Sobra. Ramdam kong papalapit ito saken. Itinakip ko ang mga Kamay ko sa Bibig ko. Ayokong gumawa ng ingay. "Lumabas kana! Hindi ako papayag na mapunta ka sa iba. Akin ka lang." Hindi ako gumagalaw sa Pwesto ko. Hanggang sa... "Tamana Phillipe." Isa pang Boses ng Lalaki. ***** Alex* POV Pagkatapos maligo ay nagBihis na ko ng pang Opisina ko. Nag make-up at nag ayos ng Buhok tapos ay kinuha ang Susi ng Kotse at Bag ko. Tapos ay naglakad na ko palabas dito sa Apartment na tinutuluyan ko. "Good morning Alex!" Bati ng katapat Kwarto kong si Tita Flora. Tita ang tawag ko sa kanya kasi gusto nya na ganon e. Ayaw nya ng Nanay o Ate o Ale. Kaya Tita. "Good morning Tita Flora.?" Sagot ko habang nilaLock ang Pinto ng Apartment ko. Ngumiti si Tita Flora at pumasok na ito sa Apartment nya. Nag iisa lang si Tita Flora sa Apartment nya. Minsan e pumupunta ang Apo nya. Ganun din ako. Nag iisa lang ako dito sa Apartment ko. Nasa Ospital kase ang Kapatid ko. Bale, Limang palapag itong tinitirhan namen at pangatlong palapag kame or sa Gitna. Sa bawat palapag dito ay may Sampung Kwarto ito. Lima Lima magkaharap. Ako. Sakto sa Gitna o Pangatlo ang tinitirhan ko. Katapat ko ng Kwarto si Tita Flora. Naglalakad na ako papunta sa Hagdan pababa papunta sa Parking Lot. Pa pasok kase ako sa Opisina. Assistant ang Trabaho ko. Maraming nag aakala na porket nag o opisina ka e malaki ang kita at maganda ang Buhay mo. Sabi pa saken e dapat nag ko Condo ako. Akala yata nila e Marami akong Pera. Sa totoo lang e Gastusin sa Pangkain, Tubig, Kuryente at pang Gamot ko sa Kapatid kong si Alicia na may Tumor Cancer e namumulubi Ako tapos mag ko Condo pa. Mas Sulit na tong Apartment dahil Mura lang. Hirap sa mga Tao ngayon e. Kaming Dalawa nalang ng Kapatid kong si Alicia ang magkasama sa Buhay. Wala na ang mga Magulang namin. May mga kanya kanya ng Pamilya na tapos kame pinabayaan na. Buti nalang talaga e kaya ko ng magTrabaho nung iniwan nila kame. Pagsakay sa Kotse ay dali dali ko na itong pinaandar papunta sa Trabaho ko. Makalipas ang isang minuto ay nakarating na ako sa Building na pinagta Trabauhan ko. Castellano Corp. Halos lahat ng Empleyado dito ay nagmamadali. Takot ma Late. Ako din naman. Nakakatakot kase magalit ang Boss namen. Si Phillipe Castellano. Sobrang Yaman. Gwapo kaso Masungit. Higit sa lahat ay Babaero. "Good morning." Bati nila sa isa't isa. Saken ay walang bumaBati pwera kay... "Good morning Alex! Ano na balita ah." Martha. Si Martha ang nag iisang ka close ko dito sa Opisina. Madaldal ito pero Mabait. Naglakad na kame papunta sa Cubicle namen. Nagkakagulo naman ang mga ka Opisina namen. Buti pa sila e ganun lang ang Problema. Pero Ako. Araw araw ay Laging Takot humarap kay Sir Phillipe. "Good morning. Hays hindi ako nakatulog ng maayos kagabi." Sabi ko at Umupo. "Bakit? Ano na bang balita sa Kapatid mo.?" Martha. "Sabi ng Doctor lumalala na yung Sakit ni Alicia. Lumalaki yung Tumor nya sa Ulo. Ano nang gagawin ko. Wala Pa kong Perang ipon para sa Operasyon nya. Kulang na kulang.?" Sabi ko. "Lagi tayong magdasal. Makakayanan din natin to. Tyaka, lagi mong iparamdam kay Alicia na nandian ka lagi para sa Kanya. Para hindi sya Sumuko. Ikaw nalang ang Meron sya. Dasal lang tayo Friend." Sabi nito habang tinatapik ang Balikat ko. "Alex! Tawag ka ni Boss!." Jim. Tumango ako sa kaTrabaho kong si Jim. Agad namang umupo si Martha sa pwesto nya at humarap sa Computer nya. Nako,naalala ko may ipapaCheck akong Files kay Sir Phillipe kaya dali dali akong tumayo at kinalkal ang mga Folders sa Desk ko tapos ay naglakad na ko papunta sa Office ni Sir Phillipe. Pagbukas ko ng Pinto ay may kausap ito sa telepono. Tahimik lang akong lumapit at dahan dahang inilapag ang Folder sa Desk nya. Ganito ito lagi e. Tuwing papasok ako dito ay may Kausap sya. Ni hindi nya ko tinitignan. Basta Busy sya lagi sa Kausap nya. Kadalasan pa nakikipagLandian ito sa Kausap nya. Sanay na sanay na ko sa Loob ng Apat(4) na Taon kong nag ta trabaho sa Kanya. Ako parang Tanga na nakatayo. Nakatitig sa kanya. Nag aantay sa sasabihin nya o senyasan manlang ako na maupo pero Wala. Ako nalang uupo hindi ko na hihintayin kung ano sasabihin nya. Wala naman syang Pakealam. Habang nakaUpo ay nakatitig ako kay Sir Phillipe. Napaka Gwapo nito. Sobra. Pag nalilingon sya ay Agad kong inaalis ang Tingin ko sa Kanya. Ayoko magpa Huli. Nakakahiya e. Ang Ganda ng Mukha nya Sobra. Makinis at Maputi ito. Kamukha nya yung SuperMan. "Alright bye." Sabi nito at binaba ang telepono. Kinuha nya ang Folder na inilagay ko sa Harap nya at binuksan ito. Pinirmahan nya at inusog pabalik saken. Hindi ako tinitignan nito sa Mukha ko. Basta wala syang Pake. Kinuha ko ang Folder at tinignan kung baka may hindi Pa sya napipirmahan na Pahina. Ok na. Napirmahan ng Lahat. Tumayo ako at binitbit ang Folder. Kahit hindi nito sabihin e Alam kong magka Kape sya. Dali dali akong lumabas ng Kwarto nya at pumunta sa Cubicle ko't inilapag ang Folder dito. Naglakad ako papunta sa Kusina ng Opisina namen at ipagtiTimpla ko ng Kape ang Boss ko. Pagkatimpla ay dahan dahan akong naglakad papunta sa Kwarto ni Sir Phillipe. Pagbukas ng Pinto ay Wala ito sa upuan nya. Mukhang nasa CR sya. Lumapit ako sa Desk nya at inilapag ang Tasa ng Kape. *click Narinig ko ang Pinto. Lumingon ako at nandon si Sir Phillipe. Ni Lock ang Pinto nya. Tumingin ito saken. Seryoso ang reaksyon nya. Lumapit ito. Ako. Hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko. Nakatayo si Sir Phillipe sa Harap ko at nakatingin ito pababa saken. Matangkad ito. Nakatingala naman ako sa Kanya. Tumingin ako agad payuko at sinubukang Umusog para hindi ako ganong nakadikit sa Kanya pero. Tumama ang Pwetan ko sa kanto ng Desk nya. Wala na kong pwesto pa. Napakasikip. Kahit umusog ako pakanan o kaliwa ay wala dahil sa mga Upuan na magkaharap dito. "S'sir?" Sabi ko. Hindi ako tumingin sa Kanya pero ramdam ko ang mga Mata nya na nakatingin saken. Yumuko ito ng kaunti palapit ang Mukha nya sa Mukha ko. "Relax." Bulong nito. "Uhm.may gagawin po ako d'diba?" Sabi ko. "Skip it." Bulong nito sa Tenga ko. Sobrang lapit nya ramdam ko ang init ng hininga nya. Napaka bango nito. Sobrang kinakabahan ako. Hindi ko maintindihan. Gusto ko ito pero naiisip ko na Katawan lang ng Babae ang Gusto nya. Imposible na magka interes ito sakin dahil hindi ako kagaya ng mga nakaka Date nya. Mga Model. As in Super Models. Inilapat ko ang mga Kamay ko sa Dibdib nya at dahan dahan itong tinulak pero. Hindi sya gumagalaw. Tinanggal ko agad ang pagkakahawak ko at tumingin sa kanya. Nakatitig ito sa mga Mata ko. Ngumiti ito. Napaka Gandang Mukha. Yumuko ulit ako at hindi binabago ang reaksyon ko.? Hindi ko maintindihan kung anong nangyayare. *knock knock! Idinilat ko ang Mata ko. Kumakatok si Martha sa Desk ko. Nakatulog pala ako. "Alex my Friend?" Martha. "Sorry. Nakatulog pala ko." Sabi ko at inayos ang Upo ko. "Friend, mukhang stress na stress ka. Alam kong nahihirapan ka sa sitwasyon ng Kapatid mo pero wag mo naman sanang pabayaan ang Sarili mo." Martha. Tumango ako at binalik na nito ang Tingin nya sa Computer nya. Grabe, bakit ganon ang Panaginip ko. Dun sa Panaginip na yun lang ako Tinignan ni Sir Phillipe sa Mukha ko. "Alex! Tawag ka ni Boss!." Jim.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Dark Psycho Angel(TAGALOG)

read
83.8K
bc

A Night With My Professor

read
534.0K
bc

NINONG III

read
416.7K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
77.8K
bc

Erin's Love Story (Tagalog-SPG)

read
45.6K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
45.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook