*I Choose*
Part4
Alex*
POV
Habang nag aayos ng Gamit ko dito sa Hotel Room ko ay hindi mawala sa isip ko ang pinagusapan namen ni Liam.
(Wow, kamukha ko daw yung Ex nya.)
Naputol ang paguusap namen nung tinawag si Liam ng mga Kaibigan nya.
"Hays sa wakas. Akala ko nakalimutan kitang Dalhin." Sabi ko.
Kanina ko pa kinakalkal ang Maleta ko para hanapin tong Swimsuit ko.
Matagal ng nakatago ito sa Kabinet ko.
Hindi ko pa ito nasusuot. Bagong bago pa ito.
Pumunta ako sa CR para magbihis.
Pagkahubad ko ay isinuot ko ang Swimsuit ko na Kulay Pula.
Napaka ganda nito.
Tinitignan ko ang Sarili ko sa Malaking Salamin.
Hindi ko makilala kung Sino ang kaharap ko ngayon.
Nagdadalawang isip tuloy ako kung Lalabas ba ko na ganito o magpapalit nalang na naka short at T-shirt.
Kailangan lakasan ko tong loob ko.
Lumabas ako ng CR papunta sa Kama at naka kalat ang mga damit ko dito.
Hinanap ko ang Blazer ko na kulay puti.
Ka partner ito ng Suot kong Swimsuit.
Sinuot ko ito at lumingon sa Salamin.
Nakakailang tong Kwarto na to.
May salamin sa bawat gilid ultimo kisame ay may Salamin.
Iba tuloy naiisip ko sa lugar na to.
****
Phillipe*
POV
Pinapanood ko si Liam na nakikipag harutan sa mga kaibigan nameng mga Babae.
Naiisip ko tuloy si Alex.
Kita ko sa mga Mata ng Kapatid ko na nagkaka interest sya sa Babaeng kahawig ng Ex Girlfriend nya.
"Kuya? Can we talk in Private?." Liam.
Lumingon ako dito at tumango.
Tumayo kame sa kinauupuan namen at naglakad papunta sa Beach.
Nagtanggal ako ng Tsinelas para laruin sa Paa ko ang Buhangin dito.
"Spill it." Sabi ko habang nakatingin sa Buhangin sa Paa ko.
"Kuya. May Taon na bang nagta Trabaho si Alex sayo?" Liam.
"Yup. Mag po 4 years. Why?" Sabi ko.
"Hm, she looks exactly like---
"Iya i know." Dugtong ko sa sinabi nya.
"Bakit ngayon mo lang sya dinala dito." Liam.
Lumingon ako sa Kapatid ko at ngumiti.
Lumapit ako sa Kanya.
Bakas sa reaksyon nito ang pag aalala at pagtataka.
"Liam, alam kung hindi ka pa nakaka move on kay Iya kaya hanggat maari e ayoko ipakita sayo si Alex. Ngayon ko lang sya dinala kase nakarating saken yung Balita na iba ibang Babae yung kinakama mo. I'm so proud of you. Naka move on kana. Diba?" Sabi ko.
"Hm, yeah. Naka move on na ko. Masaya na ko. Kaya lang si Alex. Kaboses nya si Iya. How is that possible? Wala namang Kambal si Iya." Liam.
"Liam. Relax, nagkataon lang na magka mukha sila. Tyaka imposible yang kung anong iniisip mo ngayon. 4 years ng nagta Trabaho saken si Alex. Alam ko din lahat ng nangyare sa Kanya. Nag background check ako. Nung una inisip ko baka posible nga na may Kambal si iya pero wala diba? Kung iisipin mo namang sya si Iya e pano yun. kita ng dalawang Mata naten na tumalon si Iya sa Mataas na parte at bumagsak ito. Nahawakan panga naten sya diba." Sabi ko.
Tahimik lang ang Kapatid ko. Nag iisip.
"Okay Kuya. Balik na tayo dun. Nag iingay na sila." Liam.
"Mauna kana dun. Dito muna ko saglit." Sabi ko.
Ngumiti si Liam at naglakad na ito pabalik sa Loob.
Ako nandito sa Labas.
Nilalaro tong Buhangin sa Paa ko.
Mayamaya pa'y
May umagaw ng pansin ko.
Nakita ko ang isang Babae na naka Two-piece na Pula.
Mahaba ang Buhok.
Brown at Medyo Curly ang Buhok nya.
Napaka Sexy ng Katawan nun at makinis na kumikinang sa Araw ang Kutis nya.
(Wow. Sino yun? Hindi ko sya makita ng mabuti. Nakatalikod sya.)
****
Alex*
POV
Pagkalabas ko ay dumiretso Ako sa Dagat.
Nilalaro ko sa Tsinelas ko ang Buhangin.
Hawak hawak ko ang cellphone ko at vini video-han ko ang Paa ko habang nakatuntong dito sa Buhangin ng napaka gandang Beach na to.
Nag bi Video ako ng Sarili ko habang umiikot dito.
Pinapakita ko sa Camera ko ang Lugar kung nasan ako.
Huminto ako.
Sa harap ko e nakatayo si Sir Phillipe.
Wala itong suot pang taas.
Nakatitig ito saken.
Nakatingin sya sa Mukha ko.
Medyo malayo sya.
Sobrang kinakabahan ako.
Hindi ko inaalis ang tingin ko sa Kanya.
Kita ko sa Mata nya na tumingin ito sa Labi ko.
Pababa.
Sa Dibdib.
Hanggang Paa ko.
"S'sir?" Sabi ko.
Binalik nya ang tingin nya sa Mukha ko.
"You look good." Sabi ni Sir Phillipe.
"Thank you po." Nahihiyang sagot ko.
"Maliligo ka?" Tanong nya.
Tumango ako.
"Can I join you?." Sabi nya.
"A'ah, sige po." Sabi ko.
Naglakad na ko palapit sa Tubig at hinubad ang Tsinelas ko.
Lumingon ako sa Kaliwa ko nakatitig si Sir Phillipe saken.
Binalik ko ang tingin ko sa Tubig.
Dahan dahan kong idinampi ang Kaliwang Paa ko.
(Nakakatuwa.)
Tuluyan kong ibinabad ang Sarili ko dito sa Tubig.
Sumunod si Sir Phillipe.
Hanggang Bewang nya ang Tubig.
Saken naman ay hanggang dibdib.
Nakatingala si Sir Phillipe at nakangiti.
Tinitignan ko lang sya.
Umikot ako at kinakapa ang nasa Paanan ko.
Hawak hawak ko Pa din ang cellphone ko.
Mainam sa cellphone ko Water Proof ito kaya kahit sa CR pag naliligo ako e bina-baon ko ito.
Nag selfie ako.
Tapos ay Tinignan ang mga pictures.
Kita ko sa likod ko si Sir Phillipe.
Huminto ako ng maramdaman kong may nakatayo sa Likod ko.
Malapit saken.
Humarap ako at nakita ang Abs at magandang Balikat.
Napaka gandang katawan ng Lalaki.
Tumingala ako.
Si Sir Phillipe ay napaka lapit saken.
Nadidikit ang dibdib ko sa dibdib ni Sir Phillipe.
Tumingala ako sa kanya at nakatingin ito saken.
Seryoso ang reaksyon nito.
"Ang Sexy mo sa Suot mo. Sa Office balot na balot ka. Hm.Pwede kang mag Model." Sabi nito.
"First time ko po mag Suot ng ganito."Sabi ko.
"I know."Sabi nito at ngumiti.
"Alam nyo po?"Sabi ko.
"Yup, hindi naman kita sinasama sa mga Ganito e.Tyaka depende kung nag gaganyan ka sa Apartment mo." Sabi nito.
"Uhm, nako hindi po. Hehe, tyaka ngayon ko lang ito nasuot. Yung ibang nabili ko nung una e hindi ko nagamit ni isang beses. Lumiit na. Nasayang lang." Sabi ko.
"Hm, well. Pag ba inaya ulit kita dito e sasama ka?" Sabi nito.
"E, kayo po. Kase ikaw Boss ko e."Sabi ko.
Ngumiti ito at hinawakan ang Labi ko gamit ang Kaliwang Kamay nya.
Nakatingala lang ako sa Kanya.
Kinakabahan.
Ngayon e tinitignan na nya ko sa Mukha.
Nakatitig ito sa mga Mata ko.
Tapos sa Labi.
Inilapit ni Sir Phillipe ang Mukha nya.
Mukhang hahalikan nya ko.
"Phillipe!"
Boses ng Babae.
Agad na umatras si Sir Phillipe saken at lumingon sa Likuran nya.
Isang magandang Babae na medyo Morena ang nakatayo don.
Nakatingin lang ako sa Babae at binalik ni Sir Philip ang tingin nya saken.
"Tara? Papakilala kita sa Bestfriend ko."Sabi nito.
"Ok po."Sagot ko.
Lumapit ito agad saken at hinawakan ako sa Bewang.
Inalalayan na makaalis kame sa Tubig.
Tumingin ako sa Babae at para bang hindi ito Masaya sa nakikita nya.
Paglapit namen ni Sir Phillipe sa kanya.
"Phillipe! I miss you so much!" Sabi ng babae at niyakap si Sir Phillipe.
Nakahawak Pa din si Sir Phillipe sa Bewang ko.
Bumitaw ang babae at tumingin saken.
Matalim ang Mata nito saken.
"Jane, this is Alex my assistant. Alex si Jane kababata ko." Sabi ni Sir Phillipe.
Inabot ni Jane ang Kanang Kamay nya saken at hinawakan ko naman ito.
Nakangiti sya ngayon saken.
Nakapagtataka.
"Shall we go inside Phillipe? I wanted to talk to you. Uhm, Alone." Maarte na pagkakasabi nito.
Nakita ko si Liam na papalapit samen at sumenyas sa Kuya nya.
Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun.
Bumitaw si Sir Phillipe sa pagkakahawak sa Bewang ko.
Ako nakatingin lang kay Jane.
Si Jane yung Babae na para bang kagaya ni Daisy.
"Alex, iwan muna kita kay Liam ah." Si Phillipe.
"Okay po." Sabi ko.
Yumakap si Jane kay Sir Phillipe at naglakad na sila palayo.
"Hey," Liam.
Lumingon ako kay Liam.
"Hi." Sabi ko at ngumiti ako dito.
Nakatingin si Liam sa Katawan ko.
Napapa nganga pa ito.
"Ehem!" Reklamo ko.
"Oh Sorry. Uhm, wow. You look stunning Alex." Liam.
Naglakad ito palapit sa Isang lalaki na may hawak na Twalya.
Kumuha si Liam ng isang don at lumapit saken tyaka inilagay ito para matakpan ang Likod ko.
"Salamat." Sabi ko.
"Your welcome. Tara, wanna drink?" Aya nito.
Medyo nag didilim na ang kalangitan.
Tinignan ko ang Cellphone ko.
5:48 pm.
"Uhm, kain pala muna tayo." Liam.
"Ah oo hehe. Mas maganda kung may laman tyan naten bago mag inom ng Alak diba." Sabi ko.
"Onga pala. Sorry, nasanay na kase ko na hindi na kumakain e deretso inom nalang." Liam.
"Hala, ang sakit sa Sikmura nun." Sabi ko.
Pinaliwanag ni Liam saken na noon e masakit yun pero ng nagtagal nasanay na sya.
Halos Araw araw ay naiinuman sila ng mga Barkada nya.
Naglakad na kame papunta sa Restaurant ng Beach at pumwesto.
Marami rami din ang Tao dito.
Um-order kame ni Liam ng makakain.
Pagkatapos ay nagtext ako sa Kapatid ko na kumain na sya.
/Hi Ate. Katapos ko lang kumain. Ikaw kain kana ah. I miss you.❤️---Alicia.
/I miss you too. Eto kakain palang ako. Pahinga ka lang dian ah.---Sabi ko.
/❤️---Alicia.
Napangiti ako sa Reply ng Kapatid ko.
Puso.
Nakakatuwa.
Tumingin ako kay Liam at nakatitig pala ito saken.
Mukhang pinagmamasdan nya ko habang nakikipagText sa Kapatid ko.
"Alam mo. Lagi ka dapat nakangiti." Liam.
"Sana nga laging nakangiti ang Tao. Kaso, naiisip ko yung pinagdadaanan ng kapatid ko ngayon." Sabi ko.
"Sana nga." Liam.
Ngumiti ito at ngumiti din ako sa kanya.
Pagdating ng order namen ay Kumain na kame ni Liam.
Iniisip ko naman kung Kelan ang Meeting ni Sir Phillipe.
Hindi nya nabanggit yon saken.
Iniisip ko tuloy kung anong Oras ba sya pupunta dito para makakain kase ito lang Pala ang kainan sa Lugar na to.
Malaki ito sobrang Lawak at pwede pala dito mag Request kung anong gusto mong ipaluto.
Kaya kahit nag iisa itong Restaurant na to e lahat naman ng makakain ay nandito.
Pagkatapos kumain ay inalalayan ako ni Liam.
Naglakad kame papunta sa isang Kubo.
Nag iinuman ang mga Barkada nya dun.
May mga Babae pa na sumasayaw sa Loob.
Pagpasok namen.
"s**t, nakikita nyo ba yung nakikita ko?!" Sabi ng isang Lalaki na mahaba ang Buhok.
"Oh my!---Liam?! Sa tabi mo! ---Magdasal tayo."
Sabi ng mga Tao na nasa Loob ng Kubo.
Tumingin ako kay Liam at nag aalala ito.
Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi nila.
"Nagmumulto si iya...." Sabi ng Babaeng Kulot.