*I Choose* Part22 Alex* POV Nang marinig ko na kausap ng mga Kasambahay ni Phillipe si Jim ay dali dali akong naglakad papunta kay Liam. Pag pasok sa Kwarto niLock ko agad ang Pinto. "Alex? Bakit." Tanong ni Liam. Inabot ko sa kanya ang Baso at uminom ito. "Yung mga Yaya ni Phillipe. Yung Tatlo. Narinig ko. Yung Isa don kausap nya yung tatay ni Jane. Liam, anong gagawin naten. Sinabi nila yung mga pinagusapan natin ni Phillipe dun sa Sala. Alam na ni Jim yung tungkol sa pagpapanggap ni Phillipe na kunwari nga e hiwalay na kame. Paano na." Bulong ko. Ibinaba ni Liam ang Baso sa lamesita. Tumayo ito at nagsuot ng Damit. Kinuha nya ang cellphone nya at sinusubukan na tawagan si Phillipe at sana lang e may signal na si Phillipe. Wala pa din. Hindi namin ma contact si Phillipe. Ti

