Weirdo

1697 Words
*I Choose* Part12 Alex* POV Napapikit ako. Hindi ko kaya itong nakikita ko. Nakayakap si Phillipe saken at umiiyak ito. Naririnig ko naman si Liam na humahagulgol. Idinilat ko ang mga Mata ko at nakatingin si Phillipe saken. Malungkot ito. Lumapit ito kay Liam at itinayo. Niyakap. Nagdatingan na ang mga Pulis at Imbestigador. Naglayuan na ang mga Tao at ang iba sa Kanila ay aalis na raw sa Lugar na ito. Base sa usap usapan ay mukhang Murder ang nangyari kay Bella. Kwento ni Lyn ay nagpaalam si Bella kagabe na magpapahangin lang. Nakatulog daw si Lyn at hindi namalayang hindi pa pala nakakabalik si Bella sa Hotel Room nila. Kaninang pag gising lang nya nalaman na wala si Bella. Ang iniisip nya naman e baka maaga naman lumabas si Bella pero ang Alam nila e tanghali na si Bella kung gumising. Narinig na lang daw nya na nagsisigawan ang mga Tao sa Hallway at lumabas sya. Nakasalubong nya si Eunice na umiiyak at sinabing. Wala na si Bella. Natagpuan ang bangkay ni Bella sa Dagat mismo. Kanina ay puro dugo pa daw ang Tubig na pinupwestuhan ni Bella. Ang dugo ay lumalabas kay Bella. Unti unti nang naanod ng Dagat ang Dugo kaya namutla at nawala na ang Dugo na lumalabas kay Bella. Lumapit ang Dalawang pulis at sinabing. Tadtad ng saksak si Bella sa Likuran. Mukhang yun ang paraan ng Killer para patahimikin si Bella. Iniisip ko naman na wala manlang Trabahador dito na nakarinig o baka naman masyadong mabilis ang pangyayare at dali dali nalang pinatay si Bella Nag aalala naman ako dahil si Bella ang madalas makarinig kila Jane at sa Daddy nito na madalas mag away. Iniisip ko na baka may kinalaman ang Daddy ni Jane sa Lahat lahat. Puro sa Daddy ni Jane ang bintang ko. Pero mahirap manghusga at wala naman akong matibay na Ebidensya. Nag paalam si Phillipe saken at kakausapin nya ang Daddy nya kasama si Liam. Naiwan ako kasama sina Eunice, Lyn, Ryan, Mark at Levi. Nandito kame sa Hallway. Pinapanood namin ang mga Pulis at Imbestigador sa trabaho nila. Kinuha nila si Bella at inilagay sa itim na Bag. Idederetso na daw nila ito sa Morgue. Tinawagan na ni Eunice ang Magulang ni Bella at pinaalam ang nangyare tungkol sa Anak nila. Umiiyak si Eunice habang kausap ang nasa kabilang Linya ng cellphone nya. Tumingin ako sa pinangyarihan. Hindi ako makapaniwala na wala na si Bella. Sino ang may gawa nito. Lumingon ako sa paligid at nakita si Jane at Daddy nya. Bakit parang malungkot Pa ang reaksyon ng Daddy nya. Tama ba tong nakikita ko. Makalipas ang ilang minuto. "Baby." Lumingon ako at papalapit si Phillipe saken. Hinalikan ako nito sa Noo. "Kamusta pag uusap nyo ng Daddy mo?" Tanong ko. "Sabi ni Dad magpapalagay na sila ng CCTV baka raw kase maulit ito. Binanggit ko na din kay Liam ang tungkol sa Death threat at Pictures ni Iya. Hindi kinaya ni Liam. Sobrang nag aalala tuloy ako. Ang hirap. Sa tagal ng panahon ngayon lang namin nalaman na may Pumatay pala kay iya. 7 years. 7 years kaming walang ginagawa. Ang alam namen Suicide ang nangyare. Malinis yung Condo nya nun. Walang kamarka marka na may naging kasama sya dun." Sabi nito. "Saan ba yung Condo ni iya?" Tanong ko. "Sa Manila." Sabi ni Phillipe. Napaisip ako. Nag aalala na baka mangyare saken ang nangyare kay iya. Sino bang walang Puso ang may gawa nito at idinadamay nya ko. Nagmamahal lang naman ako kay Phillipe. Sabi sa sulat e gusto ng Taong yun na umalis na ko dito sa Lugar na to. "Phillipe. Gusto ko ng umuwi. Ayoko na dito Phillipe. Natatakot ako. Sabi sa sulat diba mas magandang umalis na ko dito?" Sabi ko. "Yes baby. Uuwi na tayo mamaya." Sabi nito at niyakap ako. "Basta mag update tayo sa nangyayare kay Bella." Sabi ko. "Oo, sinabi ko kay Daddy at Liam na ipaalam saken yung mangyayare sa Kaso ni Bella." Sabi nito. Magkayakap kame ni Phillipe at nakatingin sa mga Otoridad. "Kain tayo. Need mong mag relax. Need natin yun." Sabi nito at tumingin saken. Tumingala ako sa kanya at tumango. Naglakad kame ni Phillipe papunta sa Restaurant. Umupo kame at umorder ito ng makakain namin. Ako. Iniisip ko si Bella. Sobrang bigat sa pakiramdam. Inaalala ko din ang Kapatid ko. Wala paring Text si Alicia. (Jusko ano na bang nangyagare sa Paligid ko.) (Panginoon wag nyo po kaming pababayaan.) Makalipas ang ilang segundo. Dumating na ang pagkain at Kumain na kame ni Phillipe. Pagkatapos ay naglakad kame papunta sa Kwarto. Inayos na namin ang mga Gamit namin. *knock knock May kumatok sa Pinto at pinagbuksan ito ni Phillipe. Sina Eunice ito. "Magpapaalam na kame Phillipe. Sakto uuwi na kayo sa Manila. Kame aalis na dito. Nagpa book na kame. Hindi ko na kayang mag stay pa dito." Sabi ni Eunice at umiiyak ito. Pinapasok sila ni Phillipe. Umupo sa Kama sina Mark, Levi at Ryan. Nakatayo lang sina Eunice at Lyn. Nag uusap sila na uuwi na sila sa ibang bansa. Naiisip ko tuloy si Liam. Maiiwan sya dahil itong mga ito ang mga Matalik na Kaibigan nya. "Mag iingat kayo. Basta update tayo sa isa't isa ah. Isasama ko si Liam sa Manila." Sabi ni Phillipe. "Oo isama mo si Liam. Malulungkot yon dito. Lalo na't yung kay iya. Grabe, napakahirap isipin. Pitong taon. Akala natin suicide yon, yun pala may Sira Ulong pumatay sa kanya. Pag nahanap nyo sabihan nyo agad kame at Susuntukin ko sa Mukha yung may Gawa nun." Sabi ni Lyn. Tumango si Phillipe. Nagyakapan kame. Group hug. Nagpaalam na sila na lalabas na. "Bye Alex, see you soon." Sabi ni Eunice at Niyakap ako. Ganun din si Lyn. Magkayakap kameng tatlo at umiiyak. "Mag iingat kayo." Sabi ko. Tumango sila at lumabas na. Nagpaalam din sina Ryan, Levi at Mark saken. "Bye Alex. Ingatan mo sarili mo. Dikit ka lang kay Phillipe tyaka Liam ah." Sabi ni Ryan. Niyakap nila ako at lumabas na sila. Pagkasara ng Pinto. Tinawagan ni Phillipe si Liam at sinabihan na maghanda ng Gamit at sasama sya samen ng Kuya nya. Pagkababa ng cellphone. Nag ayos na ulit kame ni Phillipe ng gamit. Makalipas ang ilang Oras. Lumabas na kame ni Phillipe sa Kwarto. Dumating na ang mga Boy at Driver ni Phillipe para dalhin ang mga Gamit namin. Papalapit si Liam samen at malungkot ito. Nasa likuran nya ang Daddy nila. "Phillipe anak. Ikaw na bahala sa Kapatid mo. Wag kayo mag alala saken. Walang kakalaban saken dito sa Poder ko." Sabi ng Daddy nila. "Yes Dad. Magiging ok si Liam sa Manila. Ako bahala sa kanya. Don't forget your meds ah. Basta balitaan mo kame sa Kaso ni Bella at Iya. Ipaparating ko sa Station sa Manila kung saan nangyare yung kay iya. Papabuksan ko ang Kaso na yun. Lalo't may evidence na Murder ang nangyare kay iya." Sabi ni Phillipe. Papalapit si Mr.Wong samen at may luha ito sa mga Mata. "I can't believe this. Pinatay nila ang Unica Hija ko. Phillipe please. Help me to find those Bastards." Sabi ni Mr.Wong. "Yes ninong. Gagawin ko lahat ng makakaya ko. Hahanapin ko yung may gawa nito kay Iya." Phillipe. Niyakap ni Mr.Wong si Phillipe at Liam. Umiiyak ito. Ramdam na ramdam ko ang sakit. Pagkabitaw ay tumingin si Mr.Wong saken. Lumapit ito at niyap ako. Niyakap ko din sya habang nakatingin ako kay Phillipe at Liam. Pagkabitaw. "Mag iingat ka hija. Wag kang lalayo o hihiwalay kila Phillipe at Liam. Hindi natin alam baka lapitan ka ng kung sino man yung demonyo na yon." Sabi nito. "Yes po. Maraming salamat po." Sabi ko. Tumango ito at umatras. Lumapit ang Daddy nila Phillipe at Liam saken. Niyakap ako. Pagkabitaw ay umatras ito. "Mag iingat kayo." Sabi ng Daddy nila Phillipe at Liam. Tumango si Phillipe. Naglakad na palayo ang Daddy nila at si Mr.Wong. Naglakad na kame palabas dito sa Beach. Pagdating sa Gate tumingin ako sa loob at nakitang nakatitig ang Daddy ni Jane saken. Seryoso ang reaksyon nito. Tumitig din ako sa kanya. Naputol ang titigan namin ng magsara ang Gate. Inakbayan ako ni Phillipe at inalalayang makasakay sa Kotse. Habang nasa Byahe. Iniisip ko talaga na may kinalaman ang Daddy ni Jane na yon sa nangyayare. "Baby. You okay?" Tanong ni Phillipe. Tumingala ako dito at niyakap nya ko. "Iniisip ko lang si Bella." Pagsisinungaling ko. "Relax ka lang okay? Mahahanap din natin yung gago na gumawa nun kay Bella. Pati yung nag bigay ng Sulat sayo. Mahahanap din natin yon." Sabi nito. Niyakap ko si Phillipe ng mahigpit. Pumikit ako. Makalipas ang isang oras. Nakarating na kame sa Airport. Ginising ako ni Phillipe at inalalayan ako nito. Nasa labas na si Iya. Yung Eroplano. Nauna na si Liam na sumakay at nakasunod kame ni Phillipe. Pagpasok ay umupo kame. Katabi ko si Phillipe at nasa harapan namin si Liam. Sumandal ito at parang walang balak makipagusap. Naiintindihan naman namin ito ni Phillipe. Tahimik lang kame. Sumandal kame ni Phillipe at natulog. Ilang Oras din ang byahe namin nito. Bukas na kame makakauwi sa Manila. Excited na rin akong makita ang Kapatid ko. Pumikit ako. Mukhang nananaginip ako. Maliwanag na maliwanag. Naglalakad daw ako papunta sa isang Kusina. Nagluluto daw ako ng Noodles habang kumakanta. Habang hinihintay maluto ang Noodles ay sumasayaw pa daw Ako. Paikot ikot sa Sala. Pero. Bakit ganito itong nakikita ko. Nasaan ako. Para bang nasa mataas na Parte ang Kwarto na ito. Sa malaking Bintana ay kitang kita ko ang Kagandahan ng Kalangitan. Nasa Building ako at napakaganda ng nasa Paligid ko. May sofa ako na napakalambot. Malaking T.V. May mga Painting sa mga Gilid. May Picture ko na napakalaki. Napakaganda ko dito. May Kwintas akong Suot suot sa Leeg ko. May diamond ito sa Gitna. Kulay Purple na Diamond. Sinilip ko ang Niluluto ko at bumalik na sa Kusina. Tumunog ang Pinto ng Lugar na ito. Inaasahan kong makita si Phillipe pero. May lalaking papalapit saken at naka Mask ito. Puro itim ang Suot. May hawak syang Camera at Sinasakal nya ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD