CHAPTER 1
[Seraph's POV]
"Seraph! Saglit lang, hintayin mo 'ko!" Sigaw ng best friend kong si Raphael habang tumatakbo palapit sa akin.
"Hi Raph! Himala ata? Ang aga mo ngayong papasok ah." Nagulat ako dahil lagi siyang late pag papasok sa school namin.
"Oonga eh, natakot lang naman ako sa sinabi ni Sir Ruth. Baka totohanin niya." Nanginginig na sagot ni Raphael.
"Kailangan kalang pala takutin para pumasok ng maaga" Pabirong sabi ko sa kaniya. Bigla siyang nalungkot sa sinabi ko.
"Biro lang. Alam naman naming lahat kung bakit ka laging late eh. Tara na baka kumulo nanaman dugo satin ni Sir Ruth." Habol kong sinabi sa kaniya.
"Sige, ta-tara na..." Nanginginig na sagot ni Raph saakin.
Si Raphael ay ang pinakamatalik kong kaibigan. Nakilala ko siya noong bagong lipat ako sa Abaddon. Lampa ako noon nung bata ako. Wala rin akong kaibigan noon dahil takot sila sa mga pakpak ko. Ako lang kasi ang anghel na mayrong anim na pakpak. Karaniwan kasi sa mga anghel ay dalawa lang ang mga pakpak.
Noong bata ako, hindi ko pa ma-kontrol ang mga pakpak ko at lagi akong nadadapa kapag sinusubukan kong lumipad. Dahil doon, nagkakaroon ako lagi ng pasa at sugat. Si Raphael ang laging gumagamot sa mga sugat ko.
Kapitbahay namin si Raphael. Sila ay mga healer angels kung tawagin dahil kaya nilang mag pagaling ng kahit na anong sugat sa pamamagitan ng luha.
Iisa lang ang paaralan na para sa mga katulad namin. Daevon University. Ito ay ang paaralan na para sa mga angels and demons. Hindi ito alam ng mga ordinaryong tao dahil kami lang ang may alam kung paano pumasok dito.
"Tao po? Batibat?" Bulong ko sa willow tree.
Biglang sumulpot ang gate keeper ng Daevon University na si Batibat. "Ahh magandang umaga Seraphim... at Raphael!? Aba ang aga mo ngayon ah? Hindi kaba nag trabaho kagabi?"
"Nagtrabaho po kaso saglit lang... maaga kaming nag sarado ng clinic dahil natakot po ako sa sinabi ni Sir Ruth..." Sagot ni Raph kay Batibat. Araw araw siyang tumutulong sa clinic ng tatay niya dahil wala na ang kaniyang nanay. Inaabot siya ng hating gabi sa pagtatrabaho dahil sila lang ang healer angels sa bayan namin.
"Ganon ba? Naku oh siya sige, pumasok na kayo." Kinatok ni Batibat nang tatlong beses ang kaniyang tahanan na willow tree at sabay sabi, "Eímai o fýlakas pylón, anoíxte aftín tin pórta gia ména". Nagkaroon ng lagusan mula sa puno papuntang Daevon University.
Magkaiba ang mundo naming mga anghel at demonyo sa mundo ng mga tao. Pwede kaming magpakita sakanila ngunit iba ang itsura namin sa paningin ng mga tao. Kung isa kang anghel or demonyo, makikita mo ang tunay naming anyo. Sa tingin naman ng mga tao, kami ay may ordinaryong anyo ng tao lamang.
"Salamat Batibat! Bilisan na natin Seraph!" Sigaw sakin ni Raph sabay hatak saakin papuntang classroom namin. Grabe, parang hinahabol ng itak si Raph sa sobrang bilis ng lipad niya. Unti-unting nag kakatamaan ang mga pakpak ko, dahil dito ay nahulog ako.
"Aaa-aray! saglit lang naman Raph, alam mo namang hirap ako lumipad nang mabilis." Sigaw ko sa kaniya. Bigla siyang napahinto at hinahanap niya kung nagkaroon ba ako ng sugat mula sa pag kahulog kong iyon.
"Pa-pasensya na Seraph! A-asan ang sugat? Nasaan? Andito ba? Saan Seraph?! Ituro mo saakin!" Naginginig na sabi saakin ni Raph. Grabe ang pag-aalala niya saakin, dahil dito ay napaiyak siya. Tinapat ko ang siko ko kung saan tutulo ang luha sa mga mata niya.
"Okay lang iyon, wag kana umiyak. Magaling na yung sugat ko oh?" Natatawa kong sinabi sa kaniya. Tumawa nalang din siya at pumasok na kami sa classroom. Sakto, may 10 minutes pa kami bago magsimula ang klase.
"AAAAAA! RAPHAEL!" Sigaw ni Rosa at sabay yakap kay Raph nang makita niyang pumasok kami sa classroom. "Akala ko ma le-late ka nanaman! Ayokong maging bampira ka!"
"A-ayoko din naman maging bampira... Hehe..." Kabadong sagot ni Raph kay Rosa.
"Ang aga-aga namang pag-iingay yan mga anghel. Hindi ba kayo marunong mag-usap nang hindi nagsisigawan?" Inis na sabi ng demonyong nakaupo sa dulo. Si Zagan.
"Pasensya na, Zagan." Sabi ko sakaniya at sabay punta sa upuan ko. Alam kong ayaw ni Zagan sa mga taong palasigaw at ayoko din magkaroon ng g**o, kaya nanahimik nalang kaming tatlo. Inirapan lang ako ni Zagan. Pagkatapos ay bumulong siya sa kaibigan niyang si Orobas at tinawanan niya ito. Hindi ko alam kung ano tumatakbo sa utak ni Zagan. Kapag nakakausap ko siya ay lagi niyang bubulungan si Orobas at tatawanan ito. Hinahayaan ko nalang dahil ayoko talaga ng g**o.
Biglang naging pula ang paligid at may mga paniking pumasok sa classroom namin. Alam na namin lahat ang mangyayari kapag ganito. Simula na ng klase. First subject namin ay History. Si Sir Ruthven ang aming teacher dito, siya rin ang aming adviser.
"Good morning my dear students. Especially you, Raphael." Nakangiting sabi nito sa amin. Nakikita ko ang kaba sa mukha ni Raph.
"G-good morning sir..." Mahinhin na sabi ni Raph kay Sir Ruth at paluha na ito.
"Alam mo Raph, nagbibiro lamang ako sa sinabi kong gagawin kitang bampira kapag patuloy kang late sa klase ko. Naiintindihan ko naman kung bakit late ka lagi eh. Ngunit nag-aalala rin ako sa grades mo. Paano ka papasa saakin kung lagi kang bagsak sa subject ko?" Sabi ni Sir Ruth kay Raph.
"S-sir... Gagawin ko po lahat para makapasa ako... Please po gagawin ko lahat..." Pagmamakaawa ni Raph.
"Sige. Pag katapos ng klase ay sumunod ka sa akin. Bibigyan kita ng mga sasagutan." Sagot ni Sir Ruth kay Raph.
Naaawa ako kay Raph dahil lagi siyang puyat sa trabaho niya. Masipag siya mag-aral noong buhay pa ang nanay niya ngunit wala na siyang time ngayon sa pag-aaral niya. Ang nanay niya na si Azarias ay isang anghel na nagpapanggap na tao. Siya ay kilala bilang isang mahusay na doctor sa mundo ng mga tao. Dahil sa lubos na kahusayan niyang magpagaling, nainggit ang kapwa niyang doctor at tinapos ang buhay nito. Simula noon ay hindi na muling ninais ni Raphael na pumunta sa mundo ng mga tao.