Jin Farm
Malawak ang farm ng Pamilya Jin nasa 16 hectares at berde na berde ang paligid dahil sa tanim na mangga indian mango avocado dragon fruit mais at ilang halaman na patuloy na namumulaklak. May mga manok bibe itik na halos araw-araw nangingitlog. Sa gitna ng farm nakatayo doon ang milyon na halaga ng bahay ng Pamilya Jin. Idagdag pa ang malaking swimming pool sa ibabang bahagi ng bahay. Kung makikita sa araw ang farm para itong isang paraiso at sa pagsapit ng gabi parang tirahan ng mga engkanto dahil sa mga ilaw na nakakabit sa bawat puno at bulaklak. Bantay sarado ang farm ng mga gwardya kaya walang kahit na sino ang pwedeng pumasok maliban na lang sa mga trabahante nang farm.
Maaga sila nagising ng kanyang pamilya ng araw na iyon upang ipagluto at sunduin sa airport ang unico hijo nina Mr. & Mrs. Jin. Ang mga magulang niya ang namumuno sa pamamalakad ng farm kung saan sila nakatira. May maliit na bahay sila sa di kalayuan ng bahay ng Pamilya Jin. Bukod sa farm na ito may iba pang farm ang Pamilya Jin sa iba’t-iba’ng parte ng Pilipinas. Bale sa farm na ito nagsimula bumuo ng pamilya ang mag-asawa. Hanggang kinailangan ng ama ni Jensen na bumalik sa Korea upang tulungan ang magulang nito sa negosyo doon. 13 years-old pa lang noon si Jensen ng iwan nito ang Pilipinas. Malapit ang pamilya nila sa Pamilya Jin noon pa man, dahil best friend ng kanyang ina si Mrs. Jin. Hanggang naging mag best friend din ang kanyang Kuya Liam at si Jensen. Malapit ang mga ito bukod sa magkababata eh, ang tanging nakakaintindi lang kay Jensen ay ang kanyang kuya. Limang taon gulang pa lang noon nakakaramdam na siya ng paghanga kay Jensen. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit humahanga siya dito gayong sasakan ng suplado at misteryoso. Pinilit niyang mapalapit noon kay Jensen pero ayaw siya nitong kausapin. Para ba’ng mayroon siyang nakakahawang sakit kung iwasan siya noon ni Jensen.
“Bunso, sino ba ang nasa isip mo? Ang lawak kasi ng ngiti mo, kasing lawak nitong farm.” nakangiting tanong ng kanyang Kuya Liam habang bahagyang pinipisil ang pisngi niya.
“Kailangan ba may iniisip ako para ngumiti? Parang hindi mo ako kilala kuya, masayahin akong tao.”
Kailangan kong sumagot na pabalang kay kuya Liam para hindi nito mahalata kung gaano siya kasaya sa pagbabalik ni Jensen. Hindi pwe’ding malaman nito na crush niya si Jensen dahil ayaw niyang isipin ng kapatid na ka’y bata pa noon ay kumekerengkeng na. Kahit humahanga sa bestfriend ng kanyang kuya mananatili pa rin siyang dalagang Pilipina hanggang sa kanyang huling hininga.
“Ikaw talaga bunso napakagaling mo mangatwiran. Dapat political science ang kinuha mong kurso hindi Bs tourism.” saad ng kanyang kuya at muli na naman nito pinanggigilan ang pisngi niya.
“Kuya, sige. Asarin mo pa ako at hindi na kita ilalakad kay Pauline. Nililigawan pa naman ‘yon ni Jerick na classmate din namin.” pang-aasar na sabi niya sa kanyang kuya na inirapan iyon.
“Bunso hindi kana mabiro. Ipagpatuloy mo lang ang paglakad sa ‘kin kay Pauline at araw-araw kang may dagdag na baon sa iskul.”
“Okay, sinabi mo ‘yan ha! Araw-araw.” aniya na inilatag ang palad sa kanyang kuya habang pangiti-ngiti.
“Bunso, huwag mo akong ginugulangan dahil alam ko na wala kang pasok ngayon.” nakangisi sabi ng Kuya Liam niya.
“Kuya, dapat may down payment. Hala, dali akin na.” aniya na muling inilatag ang palad sa kanyang kuya.
“Okay, basta pumikit ka muna.” wika ng kanyang kuya na para ba’ng may naglalaro sa isipan nito.
“Sige.” tipid na sagot niya.
Kaagad siyang pumikit habang nakalahad ang kanyang kanang palad.
“Bunso, imulat mo na ang mga mata mo.”
Kahit nakapikit alam niya nakabungisngis ang kanyang kuya. Dahan-dahan na iminulat ang mga mata at doon niya nakita ang 500 pesos sa kanyang palad. Napangiti siya na parang mapupunit ang labi.
“Wow! 500 pesos!”
Tuwang-tuwa siya na binuklat ang 500 pesos ngunit pagbuklat niya may laman na uod sa loob ng 500. Napatili at napaiyak sa takot na itinapon ang 500 pesos habang ang kanyang kuya mamatay-matay kakatawa.
“Inay!!.. Si Kuya Liam!” Palahaw na iyak niya habang tumatakbo palapit sa kinaroroonan ng kanyang ina.
“Liam, ano na naman ang ginawa mong kalokohan sa kapatid mo?” tanong ng kanyang ina habang pinapaalo siya.
“Inay, dalaga na si Laveda benibaby mo pa din. Aba eh, maya-maya may boyfriend na ‘yan na iuuwi dito sa bahay natin.” ani ng kanyang kuya na pangiti-ngiti.
“Inay, si Kuya Liam nilagyan ng uod ang 500 pesos tas inilagay sa kamay ko.” paghikbi na pagsusumbong niya.
“Kayo talagang magkapatid hanggang ngayong malaki na kayo hindi pa rin nawawala ang asaran n’yo. Ang mabuti pa lumarga na kayo sunduin na ninyo si Sir Jensen sa airport.” ani ng kanyang inay na bahagyang ginulo ang buhok nila ng kanyang kuya.
“Liam, huwag mong ginaganyan ang bunsong kapatid mo dahil siya ang nagligtas sa buhay mo noon. Ikaw ang panganay kaya dapat ikaw ang umunawa kay Laveda.” singit na wika ng kanyang ama mula sa likuran.
Palaging sinasabi ng kanilang itay na siya ang nagligtas sa kanyang kuya noon. Sa tuwing tatanongin nila ng kanyang kuya ang itay nila sa kung paano niya niligtas ito. Iniiba na mga magulang ang usapan kaya hindi na sila nagtatanong pa.
“Itay, huwag po kayo mag-alala ako ang bahala sa mga manliligaw kay Laveda. Kikilatisin kong maigi ang mga manliligaw niya para hindi masaktan ang ating prinsesa.” ani ng kanyang kuya na kumindat sa kanya.
“Kuya, ikaw naman ang nanakit sa ‘kin eh,” nakanguso sabi niya nag sumiksik sa kanyang inay.
“Bunso, frank lang naman ang ginawa ni kuya sa ‘yo kaya sorry na,” wika ng kanyang kuya na hinila siya palapit sa sarili nitong katawan at niyakap siya ng mahigpit.
“Kahit kailan, kayo talagang magkapatid para kayong aso’t pusa.” Nakangiting sabi ng kanyang ina habang pinagmamasdan sila.
“Liam, Laveda, humayo kayo at baka mainip si Sir Jensen. Kami naman ng inay n’yo magdadala kami ng mga niluto natin sa malaking bahay para pagdating n’yo kakain na lang.” ani ng kanyang ama na naglakad papunta sa bahay ng Pamilya Jin.
“Mga anak, ingat kayo.” Nakangiting wika ng ina na sumunod sa kanyang ama.
Nakangiti sila ng kanyang Kuya Liam habang nakatingin sa papalayong imahe ng kanilang mga magulang.
Payak ang pamumuhay nila pero mayaman sila sa pagmamahal ng kanilang mga magulang. Sa hirap ng kanilang pamumuhay hindi na nakapag kolehiyo ang Kuya Liam niya. Mas pinili na lang nito na tumulong sa farm ng sa ganon mas lumaki pa ang sasahurin nila sa Pamilya Jin. Napagkasunduan ng kanilang pamilya na siya na lang mag-aaral sa kolehiyo kaya kahit hindi siya matalino pinagbubuti niya ang pag-aaral para makapagtapos at maging flight attendant balang araw. Second-year college pa lang siya ngayon sa kurso na BS Tourism Management.
“Bunso, ang lalim yata ng iniisip mo, tara na!” ani ng kanyang kuya na bahagya siya binatukan.
“Ouch! Kuya, saglit lang, may kukunin lang ako sa kwarto ko.” Paalam niya na tumakbo papasok sa loob ng silid.
“Laveda, bilisan mo!”
“Opo, kuya!” Pahabol na wika niya.
Pagdating sa sariling silid naglagay siya ng kaunting polbo at lip tint. Inilugay niya ang mahabang buhok at naglagay ng cologne. Pagkatapos patakbo siyang lumabas sa silid at kaagad sumampa sa sasakyan.
“Bunso, pwede ba’ng sa likuran ka sumakay para tabi kami ni Renz?
Alam mo na, kaming mga lalaki maraming kalokohan na usapan.”
“Okay,” tipid na sagot niya na bumaba sa sasakyan at lumipat sa likuran.
Kagad na pinaharurot ng kanyang kuya ang sasakyan kung saan nakatira ang isa pa sa mga kaibigan ni Jensen.
“Ang tagal mo mga isang oras na akong nag-aantay sa labas ng bahay namin.” wika ni Renz sa pagdating nila.
“Pasensya na napaganda pa si bunso eh, kaya kami natagalan.” wika ng kanyang kuya na sinipat siya sa salamin ng sasakyan. Nakangisi iyon na para bang inaasar na naman siya.
“Kuya naman, ako na naman ang nakita mo, kaasar ka!” aniya na nakasimangot at kumakamot sa ulo.
“Joke lang bunso.” anito na bahagyang ngumiti at kumindat sa kanya.
“Oi, kasama mo pala ang napakagandang si Laveda. Kung hindi mo lang kapatid ‘to, tiyak niligawan ko na.” nakangiting wika ni Renz na sumulyap sa kanya.
“Ligawan n’yo na ang lahat ng dalaga dito sa atin huwag lang ang kapatid ko. Bata pa ‘yan at prinsesa namin siya kaya gusto ko ang mapapangasawa niya ‘yong alam kong aalagaan at mamahalin din siya ng katulad ng pagmamahal namin.” seryoso sabi ng kanyang Kuya Liam.
“Yun lang pala eh, hindi lang prinsesa gagawin ko pa siyang reyna.” Nakangisi na sabi ni Renz na sumakay sa sasakyan.
“Reyna ka d’yan! Gago! Akala mo siguro hindi ko alam na may Veronica at Monique kang syota dito sa lugar natin.” wika ng kanyang kuya na binatukan si Renz.
“Liam, ang lakas nu’n ah, hindi ka na mabiro. Huwag kang mag-alala matagal ng burado sa listahan ko si Laveda.”
“Good,” tipid na sagot ng kanyang kuya na nagpatuloy sa pagmamaneho.
( After 1 Hour )
Narating na nila ang airport kaya agad nilang hinahanap si Jensen. Matapos magpalinga-linga nakilala agad ng kanyang kuya ang best friend nito dahil hindi naputol ang communication ng mga iyon. Laging nag video call ang tatlo, samantalang siya ilang taon na ang friend request niya sa F@ceboōk ni Jensen never siya nitong ina-accept. Sa edad nito na ngayon na 25-year-old masasabi niyang heartthrob iyon. Pakiramdam niya ang paghanga kay Jensen ay mas tumindi pa lalo ng makita iyon ngayon. Tulad noon ni tingnan siya nito ay wala. Dahil dalawang metro lang ang layo niya kay Jensen kaya amoy na amoy niya ang pabango na gamit nito. Parang ang sarap humimlay sa mga bisig nito na matipuno. Ang mga mata ni Jensen na nanatiling maganda kahit hindi iyon ngumingiti. Hindi siya mapakali hindi niya alam kung paano ito lalapitan gayong hindi naman siya nito pinapansin.
“Jensen Jin! My best friend, welcome back!” Malawak na ngiti ng kanyang kuya na yumakap kay Jensen. Yumakap din ito sa kanyang kuya at ngumiti ng bahagya.
“Welcome back! My friend Jensen Jin. Sa wakas may kasama na akong man-chix,” nakangisi wika ni Renz na yumakap at nakipag peace bomb kay Jensen.
“It seems like I just left here in the Philippines. Magkaibigan pa rin ang bawat isa sa atin.” ani ni Jensen na yumakap sa dalawang kaibigan.
“Solid pa rin tayo hanggang ngayon. Ang tunay na magkaibigan magkalayo man at hindi madalas mag-usap pag nagkita magkaibigan pa rin.” saad ni Renz na inakbayan sina Jensen at Liam.
“Siya nga pala, kasama ko si Laveda ang aking bunsong kapatid. Natatandaan mo pa ba siya? Ang batang uhugin noon tas walang salawal.” Pambubuska ng kanyang Kuya Liam.
“Oh, my God! Nakakahiya! Uhugin at walang salawal noon? Bakit wala akong maalala? Kahit kailan pahamak talaga ‘tong kuya kong ungas.”
Sa isip pinapatay na niya ang kanyang kuya.
“Sa totoo lang hindi ko alam kung mahal ba talaga ako ng kuya kong ito. Paano ba naman, napaka bully, kagigil.”