Chapter 2: Delicious‼️

1699 Words
“Hi, Laveda,” tipid na sagot ni Jensen na tinapunan siya ng tingin. Para siyang matutunaw ng tingnan siya ni Jensen. Ang kanyang puso ay para bang lumundag ng sambitin nito ang kanyang pangalan. “Diyos ko, ano’ng sasabihin ko kay Jensen?” A) An Nyeong ha-se-yo B) Ang gwapo mo C) Crush kita Iyon ang mga naglalaro sa isipan niya na pagpipilian. "Bahala na gusto ko lang magpakatotoo." Pumikit siya at bumwelo para sabihin ang na sa isip. “I miss you, Jensen!” sigaw niya na yumakap sa binata. Sa sobrang lakas ng pagkakasabi pinagtinginan siya ng mga tao sa airport. Maging ang kanyang Kuya Liam at si Renz ay nagulat sa ginawa niya. Humagalpak ng tawa ang mga ito habang pinagmamasdan siya nakayakap kay Jensen. “Oh, god! Mali na naman po yata ang ginawa ko.” sa isip-isip kahihiyan ang ginawa niyang iyon. Napapikit ng bahagya at kinagat ang ibabang bahagi ng labi ng makita ang kabuuan ng mukha ni Jensen. Halata sa ekspresyon ng mukha ng binata na hindi nito nagustuhan ang kanyang sinabi at ginawa kaya pakiramdam niya nanliliit siya sa kanyang sarili. “Laveda, stay away from me. Hindi tayo close para yakapin mo ako ng ganito.” pabulong na wika ni Jensen sa kanya. Napalunok siya na tumitig sa mga mata ni Jensen. Naamoy niya ang mainit at mabangong hininga nito dahil ilang dangkal lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya. Ang gwapo na mukha ni Jensen ang nagpakalma sa kahihiyan na kinalalagyan. “J-ensen, s-orry. M-atagal kang nawala kaya sobrang miss kita.” pabulong na sabi niya habang na sa ganun pa rin sila na posisyon. “Hindi tayo close para ma-miss mo ako. Don’t call me Jensen, call me Sir Jensen. Hindi kita kaibigan para umasta ka ng ganyan,” pabulong na wika nito na ngumiti sa kanya ng mapait. “Bunso, bitawan mo na si Jensen. Baka nakakalimutan mo, ako ang kuya mo hindi si Jensen.” Singit na pambubuska ng kanyang Kuya Liam na humahagalpak ng tawa. “Laveda, Laveda, Laveda, kawawa sa’min ang mga manliligaw mo. Isipin mo, ha? Tatlo kami kikilatis sa magtatangka manligaw sayo.” ani ni Renz habang nakatawa at nakatingin sa direksyon nila ni Jensen. “Sinabi mo pa Renz. Kahit isip bata si bunso pinipilahan sa university pinapasukan niya. Alam n’yo ba na yung kaedad natin na gwapong mayor dito ay isa sa masugid na manliligaw ni Laveda. Pero bago siya makaporma sa pinsesa namin dadaan muna sila sa ating tatlo.” Pagbibida ng kanyang Kuya Liam na kumindat kina Renz at Jensen. “Let's go! Nagugutom na ako,” ani ni Jensen na dumilim ang mukha na itinulak siya. Mabuti na lang at nasalo siya ng kanyang Kuya Liam dahil kung hindi baka natumba ng tuluyan. Kung nangyari yon mas matinding kahihiyan pa ang kanyang mararanasan. “Bunso, pag pasensyahan mo na ang best friend ko ha, suplado si Jensen noon pa. Lalo ngayon may matindi itong problema kaya nga bumalik ito sa Pilipinas.” pabulong na sabi sa kanya ng kanyang Kuya Liam. Hindi siya sumagot sa kanyang kuya dahil hindi pa rin nakaka recover sa kahihiyan na ginawa kanina. Pabuntong hininga na sumunod sa tatlong magkakaibigan. Pagdating sa sasakyan na dala nila nakasakay na ang tatlo sa loob. Napapikit siya ng makita na ang makakatabi niya ay si Jensen. “Bunso, sumakay ka na.” wika ng kanyang Kuya Liam. “Laveda, sumakay ka na! Huwag kang matakot kay Jensen hindi iyan nangangain ng tao. Iba ang kinakain n’yan,” wika ni Renz na humahalakhak ng tawa. “You're an asshole!” ani ni Jensen kay Renz na tiningnan iyon ng masama. Napuno ng tawanan ang loob ng sasakyan dahil sa tawa ng kanyang Kuya Liam at ni Renz. Siya naman ay sumakay na sa loob ng sasakyan kahit abo’t-abot ang kabog ng kanyang dibdib. “Liam, drive! Para makarating agad tayo sa Jin Farm ng mapabarik natin si Jensen ng tuba na gawa ng itay mo.” ani ni Renz na sinipat si Jensen sa salamin ng sasakyan. Walang reaksyon si Jensen sa sinabi ni Renz nanatili itong tahimik habang nakatanaw sa labas ng bintana. Samantalang ang kanyang Kuya Liam at si Renz ay walang humpay ang tawanan at kwentuhan. Siya naman ay tahimik na pasulyap-sulpyap kay Jensen habang binabagtas nila ang pauwi sa farm. ( Jin Farm ) “Sir Jensen, maligayang pagbabalik!” wika ng kanyang inay at itay na nakangiting sumalubong kay Jensen. “Salamat, Inay Lourdes at Itay Vinusto.” ani ni Jensen na yumakap sa kanyang mga magulang. Mabuti pa sa pamilya niya mabait si Jensen samantalang sa kanya ang sama ng trato nito. Na patanong na lang siya sa hangin kung anong nagawa niyang kasalanan para ganituhin siya ng lalaking ito. “Sir Jensen, doon po tayo sa kusina at inihanda ko ang mga pagkain na paborito mo.” ani ng kanyang inay na nauna humakbang papunta sa hapag kainan. “Sir Jensen, mabuti at marunong ka pa din mag Tagalog hanggang ngayon?” wika ni Vinusto na inakbayan si Jensen. “Oo naman po. Kahit umalis ako noon nanatili ang puso ko dito sa Pilipinas magpahanggang ngayon.” Habang sinasabi iyon ni Jensen pa simple na sumusulyap kay Laveda na sa oras na iyon abala ang dalaga sa paglalagay ng plato sa lamesa. “Itay, Inay, kayo na muna bahala sa best friend ko. Ipasok lang namin ni Renz ang mga maleta ni Jensen.” ani ni Liam. “Itay Vinusto, magpalamig na rin kayo ng tuba ng mabinyagan na natin itong si Jensen.” nakangisi na sabi ni Renz habang nakasunod kay Liam. Tumango at napatawa na lang si Vinusto sa anak at kay Renz. Si Jensen naman ay umupo na iyon at nag-umpisa ng kumain. “Inay Lourdes, walang pagbabago napakasarap mo pa rin magluto ng pansit, at ang biko grabe ang sarap.” wika ni Jensen na sunod-sunod na sumubo. “Sir Jensen, hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago ang panlasa mo. Hanggang ngayon tanda mo pa rin ang timpla ng pansit ko. ‘Yang bico si Laveda ang gumawa n’yan. Maagang siya nagising kaninang umaga para ipagluto ka ng bico.” nakangiting wika ng kanyang inay. “Alam mo ba, Sir Jensen. Napakasipag ni bunso. Madalas itong magluto ng bico at binebenta nito sa mga kaklase niya.” Pagmamalaki ni Vinusto sa anak. Walang reaksyon si Jensen sa sinabi na iyon ng kanyang mga magulang. Nagpatuloy iyon sa pagkain at hindi na muli nagsalita. Abala sa paghahanda ng maiinom na alak sina Liam at Renz habang kumakain pa si Jensen sa kusina. “Liam, ano’ng matinding problema ni Jensen sa Korea?” Pag-uusisa ni Renz habang tumutungga ng alak sa bote. “Hindi ko alam ang buong kwento pero ang sabi niya sa ‘kin gusto siyang ipakasal ng mga magulang niya sa babaeng hindi pa daw niya nakikita at nakikilala.” “Matindi nga ang problema ni Jensen kung ganon. Biruin mo magpapakasal ka sa babaeng hindi mo kilala. Pag sa akin nangyari iyon ay magpapakamatay na lang ako. Mabuti na lang kahit mayaman kami tulad nina Jensen hinahayaan lang ako ni Daddy at Mommy na mambabae.” nakangisi na saad ni Renz habang patuloy sa pagtungga sa bote. “Babaero ka talaga Renz. Basta ako si Pauline lang ang gusto kong babae.” ani ni Liam na tumungga sa bote na hawak. “What are you waiting for? Sabihin mo sa kanya na gusto mo siya. Sa ka torpehan mo na ‘yan baka maunahan ka ng iba.” Huminga ng malalim si Liam at tumayo sa pagkakaupo. “Hindi ako torpe, iniisip ko lang kung karapat-dapat ba ako sa kanya? Mayaman siya mahirap lang ako.” Malungkot na sabi ni Liam na tumingin sa mga mata ni Renz. “Napaka negative mo naman. Alam mo ang pag-ibig wala ‘yan sa status sa buhay. Kung ako sayo subukan mo sabihin kay Pauline na gusto mo siya malay mo type ka din n’ya.” wika ni Renz na tumayo sa pagkakaupo at tinapik sa braso si Liam. “Inom na nga lang tayo. Ayaw ko muna pag-usapan ang tungkol kay Pauline lalo’t nag-aaral pa sa kolehiyo si Laveda.” Sabay na umupo sina Liam at Renz at nagpatuloy sa pag-inom ng alak. “Sir Jensen, alis na muna kami ni Lourdes. Asikasuhin namin ang ang pag-aani ng mangga. Kung may kailangan ka nandyan naman si Laveda para pagsilbihan ka.” paalam na wika ng kanyang ama na tumayo sa hapag kainan. “Sige lang po. Huwag kayong mag-alala kaya ko na ang sarili ko.” sagot ni Jensen sa kanyang itay. “Laveda, ikaw na muna ang bahala dito at kami ay aalis na.” wika ng kanyang inay na sumunod sa itay niya. Napapikit siya ng maiwan sila ni Jensen sa hapag kainan. Hanggang matapos sila kumain tahimik ito at ni tiningnan siya hindi nito ginagawa. Tumayo na siya upang maghugas ng mga pinagkainan nila. Pagdating sa lababo kaagad siyang naghugas. Natapos na maghugas kaya bumalik siya sa kinaroroonan ni Jensen. “S-ir Jensen, kung may gusto kang kainin magsabi ka lang at lulutuin ko.” Pormal na sa sabi niya na ipinagsalin si Jensen ng mango juice sa baso. Kinuha nito ang baso na may laman na juice at tumayo iyon at humakbang palapit sa kanya. Bumilis ang tìbōk ng puso niya habang unti-unti siyang nilalapitan ni Jensen. Hindi namalayan sa kaka atras nakarating na siya sa lababo kaya’t huling atras na niya iyon. Lumagok ito ng juice sa baso at ibinaba iyon. Pinadaupa ang dalawang palad sa lababo habang nakaharap ito sa mukha niya. Walang ekspresyon ang mukha ni Jensen kaya hindi niya mabasa ang na sa isip nito. Nanginginig ang kanyang mga tuhod dahil sa ganda ng mga mata ni Jensen at ang labi nito ay katulad sa mga koreano na napapanuod niya sa K-drama. “Salamat sa bico. Sobrang sarap,” pabulong na wika ni Jensen na kinuha sa labi niya ang kaunting latik nang bico at sinubo sa sariling nitong bibig. Nilaro ng dila nito ang latik sa sariling labi habang nakatingin sa labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD