Napalunok at hindi makagalaw sa pagkakatayo. Pakiramdam niya naninigas ang kanyang dila gustuhin man niya ibuka ang bibig upang sumagot kay Jensen hindi niya magawa. Nakatitig lang siya sa mga mata nito at walang salita ang nais lumabas sa kanyang bibig.
“Ayaw ko naman na isipin mo na sobrang sama ko sa ‘yo. Boss mo ako kaya dapat pasalamatan ko ang isang katulong na gaya mo na ginagawa ng mabuti ang kanyang trabaho.” anito na seryoso ang mukha at nakatitig pa rin sa labi niya.
“J-ensen, s-alamat at nagustuhan mo.” nauutal na sabi niya.
“I told you many times already! Call me sir,”
Matapos sabihin ni Jensen sa mukha niya ang katagang iyon lumayo ito at iniwan siya sa kusina. Napapikit na lamang at sunod-sunod na napa buntong hininga.
“Oi bunso, bakit ganyan ang mukha mo? Nakasimangot at nakanguso ka na naman.” Tanong ng kanyang kuya ng kumuha ito ng yelo sa refrigerator.
“Dahil kay Jensen, naiinis talaga ako sa bestfriend mo kuya! Ang hirap basahin ng ugali, kung hindi ko lang talaga siya c-ru- putol na wika niya na bahagyang kinagat ang dila. Muntik ng madulas ang dila sa labis na pagkainis.
“Bunso, ituloy mo ang iyong sasabihin. Kung hindi mo lang siya?” Pag-uusisa na kanyang Kuya Liam na bahagyang ginulo ang buhok niya.
“I mean, kung hindi ko lang siya boss. Bumalik ka na dun kuya at baka wala na silang yelo.” Pagsisinungaling na sagot niya na ngumiti sa kanyang kuya.
“Sabi ko naman sa ‘yo pag pasensyahan, mo na si Jensen. Bukod sa boss natin ang lokong ‘yon may pinagdadaanan ito na problema.”
Alam naman niya na kahit anong mangyari si Jensen pa rin ang kakampihan ng kanyang Kuya Liam. Lumaki ang mga iyon nang sabay kahit pa nga mas matanda ang kuya niya ng isang taon kay Jensen. Halos parang magkapatid na din ang turingan ng mga ito. Kahit pa nga binabasura siya ni Jensen ito pa rin ang kakampihan ng kuya niya.
“I know, kuya! Sana’y na ako na si Jensen ang palagi mong kinakampihan noon pa man.” aniya na may pagtatampo.
“Sa tono ng pananalita mo bunso parang may pagtatampo. Katulad ng palagi kong sinasabi noon sa ‘yo unawain na lang natin si Jensen dahil lumaki ito na walang kapatid. Spoiled brat at lumaki na abala ang mga magulang sa negosyo kaya hindi ito nabigyan ng sapat na atensyon.”
Matapos na sabihin 'yon ng kanyang Kuya Liam kinabig siya nito at niyakap.
“Kuya, oo na. Uunawain ko na si Jensen kahit winawalang-hiya niya ako.” aniya na inirapan ang kanyang Kuya Liam.
“Bunso, speaking of winawalang-hiya? Dipendi sa pagwawalang hiya dahil kung walanghiyahin ka niya na hindi na tama. Ibang usapan na iyon. Doon na matatapos ang pagiging mag best friend namin.” seryoso sabi ng kanyang Kuya Liam na kumalas sa pagkakayakap sa kanya at iniwan siya nito.
Pag-alis ng Kuya Liam niya pabuntong hiningang nagbalik sa nakaraan.
Naiwan siyang mag-isa sa bahay dahil maagang pumunta ang kanyang inay at itay sa bahay ng Pamilya Jin para maglinis at magluto. Ang kanyang Kuya Liam naman ay bumibili ng bigas sa bayan. Kahit limang taon gulang pa lang siya ay marunong na maligo mag-isa. Ang banyo nila ay nakahiwalay sa kanilang mismong bahay at gawa lang iyon sa kawayan. Ang dingding nun ay sako at ang bobong ay palapa ng niyog. Pagdating sa banyo isinabit niya ang tuwalya sa pako at hinubad ang suot na damit at ang itinira lang ay pānty. Dali-dali siyang naligo at ng matapos kinuha ang tuwalya at ipinunas sa katawan. Habang pinupunasan ang katawan nakarinig siya ng mga yabag ng paa at binabato ng malilit na bato ang dingding ng banyo. Napakamot ulo dahil pinagtripan na naman siya ng kanyang Kuya Liam. Nakakunot ang noo na binuksan ang pintuan na gawa sa kawayan at sa pabukas bumungad doon ang presensya ni Jensen. Walang ekspresyon ang mukha nito at seryoso nakatingin sa kabuuan niya. Naalala niyang naka pānty lang siya kaya kaagad na tinakpan ang katawan at napatungo.
“Jensen, ano’ng ginagawa mo dito? Wala dito si Kuya Liam,” Naiilang na sabi niya na nakatungo pa din.
Hindi iyon nagsasalita nakatayo lang iyon habang nakalagay sa bulsa ng pantalon ang dalawang kamay.
“Bakit pa ba ako nagtatanong sa ‘yo? Alam ko na hindi ka sasagot dahil noon pa man ayaw mong makipag-usap sa akin.”
Pagkatapos niyang sabihin yon patakbo siyang pumasok sa loob ng kanilang bahay para magbihis. Bumilis ang kabog ng kanyang dibdib dahil sumunod ito sa kanya sa loob ng kanilang bahay. Ganun pa din wala itong imik at seryoso ang mukha na nakatingin sa kabuuan niya.
“Jensen, lumabas ka nga magbibihis ako! Sa labas mo na lang hintayin si Kuya Liam,” aniya na tiningnan iyon ng masama.
Wala itong sagot sa sinabi niyang iyon unti-unti itong lumalapit sa kanya. Hindi siya makakaatras dahil karton na iyon na pinaglalagyan ng mga damit niya. Tinakpan niya ang kanyang katawan habang ang dibdib ay mabilis ang tìbōk at nakatingin sa papalapit na presensya nito. Lumapat ang katawan nito sa katawan niya at ang mukha nito ay nakaharap sa kanyang mukha.
“Laveda, ayaw kong nakikipaglaro ka sa mga lalaking bata dito sa lugar natin. Irespito mo naman ang sarili mo kababae mong tao,” seryoso sabi nito sa kanya.
Napamaang na lang siya sa sinabi ni Jensen dahil hindi niya akalain na iyon ang sasabihin nito.
“Hindi mo nga ako pinapansin kahit kausapin ay ayaw mo. Tas lalapit ka ngayon para pagbawalan akong makipaglaro sa mga batang lalaki? Ang hirap basahin ng ugali at ng mga na sa isip mo. Kung sino man ang gusto kong kalaro, wala ka ng pakialam,” pangangatwiran niya inirapan iyon.
Tila hindi nagustuhan ni Jensen ang sinabi niyang iyon. Mas dumilim ang mukha nito at kinuyom ang dalawang maliit na kamao at sinugod siya. Napapikit at isinangga ang dalawang kamay sa mukha.
“Kuya Liam! Help me,” sigaw niya habang may ilang butil ng luha ang dumaloy sa kanyang pisngi.
“Laveda,” mahinahon na sambit ni Jensen sa pangalan niya na ibinalot nito ng tuwalya ang kanyang katawan.
Napatitig siya sa mga mata ni Jensen at nakahinga ng maluwag. Buong akala niya susuntukin siya nito sa mukha kaya ganon na lamang ang pagkakasangga niya sa kanyang mukha.
“Laveda! Narito na ako sa kusina. Binilhan kita ng paborito mong tinapay na kababayan. Hali ka na dito.” tawag sa kanya ng kanyang Kuya Liam.
Hindi nila namalayan ang pagdating ng kanyang kuya Liam dahil sa tagpo nila na iyon. Patakbong lumabas sa silid habang nakasunod sa kanyang likuran si Jensen.
“Kuya Liam, si Jensen pinagbabawalan akong makipaglaro sa mga batang lalaki dito sa ‘tin.” aniya na kinukusot ng kamay ang mga mata.
“Bunso, hindi naman talaga maganda tingnan na nakikipaglaro ka sa mga batang lalaki. Siguro pag laki mo tomboy ka?” pang-aasar na sabi ng kanyang Kuya Liam habang nakatawa.
Imbes na kampihan siya at ipagtanggol kay Jensen pinagtawanan pa siya nito kaya mas lalo siya nainis.
“Liam, huwag mong pababayaan ang alaga kong kabayo, ah,”
Nagulat siya sa sinabi ni Jensen mula sa likuran dahil malungkot at seryoso iyon.
“Oo naman, huwag kang mag-alala ako ang bahala sa kabayo mo. Mamimis kita, Jensen kaibigan ko.”
Matapos yon malungkot na nag yakapan si Jensen at ang kanyang Kuya Liam. Nakakunot ang kanyang noo habang pinagmamasdan ang mga ito. Wala siyang ideya sa kung ano ang nangyayari.
“Saan pupunta si Jensen Kuya Liam? Bakit mammiss n’yo ang isa’t-isa?”
Hindi pa nasasagot ng kanyang Kuya Liam humakbang na si Jensen palabas sa bahay nila.
“Bunso, aalis na ngayon sina Mrs. Jin at si Jensen. Sa korea na sila titira kasama si Mr. Jin.”
Hindi makagalaw sa kinatatayuan nabigla siya sa sinabi ng kanyang Kuya Liam. Nakaramdam ng lungkot at panghihinayang. Kung alam lang niya na aalis na iyon ngayon di sana yumakap siya ng mahigpit kay Jensen. Kahit pa ipag-tulakan siya nito ang mahalaga nayakap niya iyon sa huling araw nito sa Pilipinas.
“Ha!? Aalis na si Jensen? Kuya, bakit ngayon mo lang sinabi?”
“Wow! Close? Hindi ko sinabi sa ‘yo dahil hate na hate ninyo ang isa’t-isa. I mean alam ko wala ka naman pakialam kay Jensen at ganun din siya sayo.”
“Kahit na kuya, dapat sinabi mo pa din,” malungkot na wika niya na pumasok sa kanyang silid.
“Bunso, pasensya na!” pahabol na sabi ng kanyang Kuya Liam.
Pagdating sa loob ng silid nagmadali magbihis at ng matapos patakbo siya umalis ng kanilang bahay para pumunta sa bahay ng Pamilya Jin. Hinihigal ng dumating doon at labis na nagtaka ang kanyang inay at itay sa pagdating niya.
“I-nay, n-asaan na po si Jensen?” tanong niya na habol ang hininga.
Nagkatinginan ang kanyang inay at itay sa tanong n’yang iyon.
“Bunso, umalis na sila papuntang Korea.” sagot ng kanyang inay.
“Kakaalis lang nila pagdating mo.” dagdag na sagot ng kanyang itay.
Hindi na nag aksaya ng oras agad n’yang kinuha ang bisikleta niya na naiwan sa bahay ng Pamilya Jin at dali-dali sumakay at pumidal.
“Laveda, saan ka pupunta?” sigaw ng kanyang inay sa kanya.
“Inay! Kailangan kong magpaalam kay Jensen!” sagot niya sa kanyang inay habang pumipidal palayo sa bahay ng Pamilya Jin.
“Laveda, bunso! Mag-ingat ka.” pahabol na sabi ng kanyang itay.