“Opo, itay! Salamat po,” sagot niya na mas binilisan ang pagpidal sa bisikleta.
Hinihingal at masakit na ang dalawang paa sa kapipidal pero balewala iyon dahil sa sa kagustuhan na mayakap si Jensen bago ito umalis papuntang Korea. Maya-maya pa natanaw na niya ang sasakyan na sinasakyan ni Jensen. Nakatingin ito sa kanya at wala man lang ekspresyon ang mukha nito.
“Jensen! Jensen! Kausapin mo naman ako, kahit saglit!” malakas na sigaw niya habang patuloy sa pag pidal.
“Mario, diba si Laveda ‘yang naka bisikleta na humahabol sa likuran na ‘tin?” tanong ni Mrs. Jin habang nakatingin sa side mirror.
“Opo, Mrs. Jin,” tipid na sagot ni Mario.
“Stop the car! Hijo, get out of the car and go to Laveda,” mariin na utos ni Mrs. Jin kay Jensen.
“Ayaw ko mommy! Mahuhuli na tayo sa flight natin kaya Mang Mario let’s go!” ani ni Jensen na nakunot ang noo.
“Jensen, hindi ganyan ang tamang pag trato sa babae. Hindi ka ba naawa sa kanya? Namamaos na siya katatawag sa pangalan mo! Bumaba ka at kausapin mo si Laveda!” pasigaw na sabi ni Mrs. Jin sa anak.
Nakita ni Jensen sa mata ng ina na galit na iyon kaya wala itong nagawa kundi padabog na bumaba sa sasakyan habang nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa.
Iginilid niya ang bisikleta at hinihingal na sumalubong ng yakap sa papalapit na presensya ni Jensen.
“Akala ko hindi na kita maabutan. Salamat dahil pinatigil mo ang sasakyan para maabutan kita.” aniya na mas yumakap ng mahigpit kay Jensen.
“Laveda, wala akong pakialam kung bakit magpakamatay ka sa paghabol sa akin. Gusto ko lang sabihin na ang pinaka ayaw ko sa lahat, ang babae ang humahabol sa lalaki,” mariin na sabi ni Jensen na itinulak siya palayo.
Napaupo siya sa lupa sa lakas ng pagkakatulak nito sa kanya. Pahikbi siya tumayo habang nakatingin sa papalayo presensya ni Jensen.
“Laveda, bakit ka nagsosolo dito sa kusina? Hali ka, doon tayo sa sala para makasama ka namin sa kwentuhan.”
Sa pagsulpot ni Renz sa kusina doon pa lang siya bumalik sa kasalukuyan.
“May tinapos pa kasi ako dito sa kusina. Iinom lang ako ng tubig at susunod na ako sa inyo sa sala.” aniya na ngumiti ng bahagya kay Renz.
Matapos niyang sabihin yon kaagad na umalis si Renz.
Sunod-sunod na pagtungga sa bote ang ginawa ni Jensen habang malalim ang iniisip.
“Jensen, ano’ng plano mo? Ngayong nakauwi ka na sa Pilipinas sigurado ako na susundan ka dito ng parents mo para isakatuparan ang tradisyon ng pamilya n’yo,” wika ni Liam na bahagyang tinapik ang balikat ni Jensen.
“Kung ako sa ‘yo Jensen, my friend. Maghanap ka na ng babaeng gustong-gusto mo. Buntisin mo, para tuluyan kang makatakas sa tradisyon ng pamilya mo,” nakangisi na payo ni Renz kay Jenzen.
Tumayo si Jensen sa pagkakaupo at nagpalakad-lakad habang bitbit ang bote na may laman na alak.
“Hindi ko alam kung anong susunod na hakbang ang aking gagawin. As of now, gusto ko muna mag enjoy dito sa farm. About sa sinabi mo Renz, ang totoo niyan may babae na akong natitipuhan pero hindi ko siya pwe’ding buntisin kasi hindi pa siya ready sa bagay na ‘yon,” seryoso na sabi ni Jensen na tumingin sa dalawang kaibigan.
“Wow! Ang best friend ko may babae na pala na nagugustuhan sa Korea. Sana balang araw makilala namin ni Renz ang babaeng bumihag sa puso ni Jensen Jin,” wika ni Liam na kumindat kay Renz.
“Nasasabìk tuloy ako na makilala ang babaeng bumihag sa puso ni Jensen Jin. Napaka misteryoso mong tao at pihikan sa babae. Akala ko nga nung mga bata tayo bakla ka. Paano naman kasi noon, ayaw mong makipag-usap sa mga batang babae. Kami lagi ang kinakausap mo, diba, Liam?” nakangisi sabi ni Renz na nakipag-apir kay Liam.
“Ako, bakla? Pinag-isipan mo pala ako noon na bakla? Maraming babae ang naghahabol sa akin pero mataas ang standard ko pagdating sa babae. Pag hindi ko gusto ang isang babae hindi ko kinakausap hindi dahil bakla ako,” ani ni Jensen na pailing-iling at tumungga sa bote na hawak.
“Joke lang. Ikaw talaga, asar talo ka pa din hanggang ngayon,” sagot ni Renz at inakbayan si Jensen na hanggang tenga ang ngiti.
“Mag-inuman na lang tayo at baka mamaya magpanuntok pa kayong dalawa.” pabiro sabi ni Liam na itinaas ang bote na may laman na alak.
“Woah! Magwalwal na habang single pa, dahil once na mag-asawa tayo doon na matatapos ang ating kaligayahan.” ani ni Renz na tumawa ng malakas at nagtatalon habang hawak ang bote ng alak.
“Sa ‘yo pa talaga nanggaling ang salitang pag-aasawa? Come on, ikaw mag seryoso sa babae? Malabo yata ‘yon, dahil kahit nasa Korea ako abot doon ang balita na lahat ng dalaga dito ay naging syota mo,” wika ni Jensen na nakangisi nakatingin kay Renz.
Napatda ang paglalakad ni Laveda papunta sa sala ng marinig ang pag-uusap ng tatlo.
“Ibigsabihin wala talaga siyang pag-asa mapansin ni Jensen? Kaya pala hindi siya nito kinakausap noon pa man. Sino ba naman siya para mapansin ng katulad ni Jensen? Maganda lang siya pero probinsyana pa din at nanggaling sa isang mahirap na pamilya. Malungkot sa puso na tanggapin pero iyon ang totoo. Bukod pa d’on ang parents ni Jensen ay may babaeng inilaan para dito,”
“Oi, bunso nandyan ka na pala? Halika dito, sumama ka sa kwentuhan namin,”
Sa pag-aya ng kanyang Kuya Liam doon pa lang napatda ang mga na sa isip. Inayos ang mahabang buhok at umupo sa tabi ng kuya Liam niya.
“Liam, talagang napakaganda nitong kapatid mo. Hindi na ako nagtataka kung bakit si Laveda ang napili ligawan ni Gerald.” papuri ni Renz kay laveda habang nakatuon ang mga mata nito sa dalaga.
“Sino’ng Gerald? Walang binabanggit na Gerald sa ‘min si Laveda. Ang alam lang namin na nanliligaw sa kanya ay mga nag-aaral sa university at 'yong mayor dito sa lugar natin.” kunot noo tanong ni Liam.
Napapikit at kinagat ang ibabang bahagi ng labi dahil hindi niya binanggit sa kanyang pamilya ang tungkol kay Gerald. Masugid niya itong manliligaw at sa kakulitan nito nakasunod iyon palagi sa kanya habang naka bisikleta siya pauwi sa farm. Hindi niya sinabi sa kanyang pamilya dahil baka pag-initan iyon ng kanyang Kuya Liam o baka magalit ang inay at itay niya. Gwapo at mayaman si Gerald pero wala pa sa isipan niya ang pag boyfriend. Hanggang crush lang at hindi na pwede humigit pa doon dahil magtatapos pa siya sa koliheyo. Iaahon pa niya ang kanyang pamilya sa kahirapan kaya wala pa sa isipan ang sumagot sa mga manliligaw.
“Hindi pala nabanggit ni Laveda sa ‘yo
na nililigawan siya ng anak ng business partner ng daddy ko. Si Gerald Sanchez yong gwapo na piloto ng Sanchez Airline Company.” wika ni Renz na tumingin kay Laveda.
Habang pinag-uusapan ng tatlo si Gerald Sanchez si Jensen ay tahimik at patuloy sa pag-inom ng alak.
“Walang sinasabi sa ‘min si Laveda. Natural lang na may manligaw sa kanya dahil dalaga at maganda ang bunso kong kapatid. Baka kaya hindi nagsasabi si Laveda dahil boyfriend na nito ang Gerald na ‘yon? Walang problema basta hindi niya sasaktan ang kapatid ko.”
Sa sinabi ng kanyang kuya Liam biglang natahimik ang lahat dahil seryoso ito ng sabihin iyon.
“Kuya Liam, hindi ko boyfriend si Gerald. Oo nanliligaw siya sa ‘kin pero hindi ko pa siya sinasagot.” mariin na sabi niya napatayo sa pagkakaupo.
“Sabi mo, “Hindi ko pa siya sinasagot” Ibig Sabihin may plano kang sagutin ang Gerald na ‘yon?” ani ni Jensen na nakatingin sa kawalan at patuloy sa pag-inom ng alak.
“Oh, Jensen! My friend, ito ang unang pagkakataon na nagka interest kang sumali sa usapan pa tungkol kay Laveda.” ani ni Renz na pangiti-ngiti habang nakatingin sa direksyon ni Jensen.