Chapter 5: Hidden Secret‼️

1759 Words
Saglit na natahimik ang lahat sa sinabi ni Renz. Ang kaninang hot seat na kinalalagyan ni Laveda napunta kay Jensen. “Concern lang ako kay Laveda dahil kapatid siya ng best friend ko.” sagot ni Jensen na nasa ganun pa din posisyon. “Concern!? Bago yata sa pandinig ko ang salitang iyon,” ani ni Renz na halos mapunit ang labi sa pagkakangiti. “Nagsisimula na naman kayong dalawa. Ang mabuti pa umikot tayo sa buong Jin Farm para makita ni Jensen kung ano ang nagbago sa farm.” singit ni Liam sa usapan nina Renz at Jensen. “Kuya Liam, hindi na ako sasama sa inyo. Aayusin ko pa ang mga gamit ni Jensen sa maleta.”aniya na humakbang patungo sa silid ni Jensen. Pagtalikod ni Laveda humayo sina Liam Jensen at Renz para libutin ang farm. Unang pinuntahan ng mga iyon ay ang alagang kabayo ni Jensen na iniwan nito noon kay Liam. “Liam, thank you for taking care of Jasper.” aniya na hinaplos ang balahibo ng kabayo. “You're welcome, my best friend! Alam ko naman na namiss mo ang alaga mong kabayo kaya maiwan ka muna namin dito at tutulungan lang mamin sina inay at itay na ikarga ang mga mangga sa truck.” Tumango siya kay Liam at si Renz naman ay nakangisi pa din ito na tumingin sa kanya bago humakbang papaalis. Pabuntong hininga lumapit sa alagang kabayo. “Hi, Jasper! Ang laki mo na, nang umalis ako ang liit mo pa. Salamat sa pagtatago ng aking sekreto ha, tayong dalawa lang ang nakakaalam nun kaya pag may nakaalam ikaw agad ang iisipin ko na nagsabi. Pag alis ko noon si Liam ang nag-alaga sayo pero ako pa rin ang amo mo.” Pangiti-ngiti siya na parang tanga na kinakausap ang alagang kabayo. Hindi niya masisi ang mga tao na ang tingin sa kanya ay msteryoso dahil sa inaasta niyang iyon. Bukod kay Liam at Renz si Jazper ang nakakaalam ng kanyang tunay na nararamdaman. Alam ni Jazper kung kailan siya malungkot at umiiyak at alam din nito ang laman ng kanyang puso. Napangiti siya ng humalinghing ang kabayo at kasabay nun ay ang paggalaw ng buntot nito na para bang naiintindihan ni Jasper ang mga sinasabi niya. Flashback Pagdating ng hapon sa Jin Farm mula sa iskul kaagad nagbihis ng pangbahay na damit upang pumunta sa bahay ng kanyang bestfriend na si Liam. Palabas na siya sa bahay ng nakasalubong niya ang kanyang ina. Seryoso ang mukha nito at salubong ang dalawang kilay. “Jensen, where are you going, huh!? We need to talk now,” “Talk about what? I'm going to Liam's house,” I answered rudely. “I’m your mother, tas ganyan kang sumagot?” “Mommy, kararating ko lang sa iskul imbes tanungin mo ako kung kumusta ang aking pag-aaral. Ito ka salubong ang dalawang kilay at tatanungin ako kung saan ako pupunta. Pupunta ako sa bahay ng best friend ko, dahil doon pakiramdam ko may pamilya ako. Hindi tulad sa bahay na ‘to, malaki lang pero hindi ko ramdam ang salitang “Pamilya” pareho kayo ni daddy na walang oras sa ‘kin. Pag tumatawag ako sa kanya sa video call palaging sagot niya, “Not now Jensen I’m busy”. Now tell me, talk about what!?” Hindi namalayan may luha na pala sa kanyang pisngi habang sinasabi sa mommy niya ang lahat ng iyon. “Jensen, my son! I’m sorry, kung wala kaming oras sa ‘yo ng daddy mo. I just want to say that everything we do is for you,” “For me!? Kailanman hindi ko hiningi sa inyo ni daddy ang lahat ng ito! Mom, I need a family katulad ng kay Liam. Mahirap lang sila pero masaya sila. Samantalang tayo na sa atin na ang lahat, masaya ba tayo? Hindi ka naman mahal ni daddy kasi arranged marriage lang kayo. Umiikot ang mundo ng Pamilya Jin sa kayamaman at hindi sa pagkakaroon ng masayang pamilya,” “Jensen, tradisyon ng Pamilya Jin ang arranged marriage noon pa man. Kaunting respito naman sa tradisyon kung saan ka nagmula. Son, this is a reality, hindi lahat ng gusto na ‘tin ay ating makukuha. Just be thankful for what you have, dahil marami d’yan bata na naghahangad kung anong mayroon ka,” Napahagulgol na lang sa naging sagot ng kanyang ina. Maging siya ay hindi ligtas sa tradisyon ng kanyang pamilya. Truma ang hatid no’n sa kanya dahil nakikita niya sa mga magulang kung anong resulta ng tradisyon na iyon. “Kahit mamatay ako kaiiyak, alam kong walang magbabago sa sitwasyon ko. Now, tell me! Anong pag-uusapan na ‘tin?” “S-a K-orea ka na magpapatuloy ng pag-aaral. Next week na ang alis na ‘tin kaya ngayon pa lang magpaalam ka na sa mga kaibigan mo.” pautal-utal na sabi ng kanyang ina. “What!? Ngayon naman, gusto n’yo ako ilayo sa mga kaibigan ko!?” mangiyak-iyak na reaksyon niya. “Son, kailangan tayo ng daddy mo sa Korea. Gusto niya tayong makasama. Diba, ito naman ang gusto mo? Ang magkasama-sama tayong pamilya.” giit na ng kanyang ina habang hawak ang magkabilang balikat niya. Tinabig niya ang dalawang kamay ng ina at lumayo dito ng bahagya. “Mommy, kahit magsama-sama tayo, walang magbabago sa kwento ng pamilyang ito. I’m not leaving! I will stay here in the Philippines! Nandito ang mga kaibigan ko kaya hindi ako aalis!” Matapos sabihin yon patakbo n’yang iniwan ang mommy niya. “Jensen! Come back here! Kinakausap pa kita!” pasigaw na tawag ng kanyang ina. Pagdating sa kwadra ng kabayo kaagad s’yang lumapit kay Jasper at yumakap dito. Humahagulgol ng iyak habang nakayakap sa kanyang alagang kabayo. “Jasper, I’m leaving! Ayaw ko umalis dahil ayaw kong mamatay ang puso ko. Nandito ang puso ko sa Pilipinas wala sa Korea. Jasper, ano’ng gagawin ko!?” Patuloy sa paghagulgol habang sinasabi ang lahat ng iyon. End Of Flashback “Ibang klase ka talaga, Jensen. Tsk! Tsk! Kahit kabayo iniiyakan mo,” pambubuska ni Renz mula sa likuran. May luha na pala siya sa pisngi hindi niya namamalayan. Kaagad siyang tumayo at humarap kay Renz. “Asshole!” sambit niya na pinunas ang luha at pagkatapos inilagay sa bulsa ang dalawang kamay. “Joke lang! Hindi ka pa nasanay sa ‘kin. Noon pa ay bully na ako. By the way, hindi lang si Jasper ang kayang magtago ng lihim. You can tell me anytime,” nakangisi sabi ni Renz at kumidat iyon ng makahulugan sa kanya. Ngumiti siya ng bahagya kay Renz at huminga ng malalim habang patuloy sa paglalakad. “Mayroon ba akong inililihim na dapat sabihin sa ‘yo?” maang maangan niyang sagot kay Renz. “Ahem!!.. You can hide from Liam But you can't hide a secret from me.” Matapos sabihin 'yon ni Renz tumawa ito ng malakas at binato siya nang bahagya ng dahon ng mangga. “I don't know what you're talking about. By the way, where's Liam?” he said while walking faster. “Jensen, hintayin mo ako! Samahan daw kita maglibot sa farm at pagkatapos doon daw tayo sa bahay nina Liam magpapatuloy sa pag-inom ng alak.” Mas binilisan pa niya ang paglalakad upang hindi na mag-usisa ang kaibigan sa lihim niya. “Nauna na si Liam sa bahay nila para ihanda ang tuba na ginawa ni Itay Vinusto,” pahabol na sabi ni Renz habang nakasunod sa likuran niya. Napatigil siya sa paglalakad sa sinabi ni Renz. Pabuntong hininga humarap sa kaibigan habang na sa bulsa pa rin ng pantalon ang dalawang kamay. “Renz, hindi ako sana’y na uminom ng tuba kaya kayo na lang ni Liam. Medyo may tama na rin ako sa ininom na ‘tin kanina. Babalik na ako sa bahay para makapagpahinga.” Ngumisi si Renz at inakbayan siya habang naglalakad sila. “Tuba lang, umaatras ka? Pero sa katas ng bulaklak ng babae sinisipsip mo hanggang mapudpod ang iyong dila. Tandaan mo ang katas ng mga babae nakakabaliw at nakakalason pero ang tuba susuka ka lang at pagkatapos makakatulog ka at pag-gising mo masakit ang ulo pero lilipas din. Ang mga babae sakit sa ulo habang buhay pero kailangan na ‘tin sila para pag puno na ang tangki mayroon tayong madidiligan,” Napahagalpak siya ng tawa sa sinabi ni Renz, napahawak sa tiyan dahil sumakit iyon sa katatawa niya. “Kahit kailan, gago ka talaga Renz. You're a fùckìng asshole,” aniya na bahagyang sinakal ang kaibigan. “Natawa ka, totoo diba?” nakatawang sabi ni Renz na halos mabali ang leeg sa kaka-hagikhik. “Tara na, iinom na lang ako ng tuba kasi baka kung saan pa mapunta ang usapang ito,” aniya na naglakad papunta sa direksyon ng bahay ni Liam. “Saglit, last question. Ano’ng lasa nang bulaklak ng mga Koreana? Curious lang ako, sa Pinay pa lang ang nalasahan ko,” pahabol na tanong ni Renz. Hindi na siya sa sumagot kay Renz dahil mas hahaba ang kalokohan na usapan kung patuloy niya sasagutin ang tanong nito. Pailing-iling na naglakad habang hanggang tenga ang ngiti. Nangungulit pa rin si Renz sa likuran niya pero hindi niya iyon pinapansin hanggang makarating sila sa bahay ni Liam. ( At The Jin House ) Isa-isa niya inilagay ang mga damit ni Jensen sa kabinet na nasa loob ng silid. Sinunod na ayusin ang iba’t-ibang brand ng sapatos na na sa maleta. Inilagay niya iyon sa lagayan ng sapatos. ( Severals an hour later ) Napamulagat ang mga mata dahil takipsilim na. Hindi niya namalayan sa sobrang pagod nakatulog siya sa kama ni Jensen. Pahikab-hikap na tumingin sa relong nakasabit sa loob ng silid. Napatayo siya sa kama ng makitang mag ala asais na ng hapon. Magpapakain pa siya ng mga manok at itik sa farm. Aalis na sana ng masipat ng mata ang isang kahon na gawa sa kahoy na nakakalat sa sahig malapit sa maleta ni Jensen. “Lintik, mayroon pa pala akong nakaligtaan ligpitin.” sambit niya na pabulong. Nilapitan niya ang kahon at dinampot iyon. Sa ibabaw ng kahon may nakasulat na, “To my dearest girl”. “May babae ng minamahal si Jensen. Siguro maganda din iyon at mayaman,” aniya na malungkot ang mukha habang hawak pa rin ang kahon. “Who permits you to tamper with my stuff?!" Lumundag ang puso niya sa pagkagulat kaya’t nabitawan ang kahon at bumagsak iyon sa sahig. Sa lakas ng pagbagsak nabuksan iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD