Chapter 52 ACE'S POV Masaya silang nanonood ng biglang padabog na pumasok si Blare sa bahay. Lahat kami ay napatingin sa pinto dahil dun. Napatayo kaming lahat ng makita si Blare na umiiyak. Lagot ka sa'kin Clarence! "Blare, anong nangyari!" Nilapitan nilang lahat si Blare. Kami lang ni Ice ang nanatili sa pwesto namin. Nakahalukipkip ako habang nakatingin sa kanilang pito. Hindi nag salita si Blare. Nakatakip lang ang kamay niya sa muka niya at umiiyak. Inalalayan nila si Blare para maka-upo sa sofa. Kumuha ng tubig si Nate samantalang inabutan naman ni Nicole ng tissue si Blare. "Bakit ba ako sumama sa kanila," umiiyak na sabi ni Blare. Umiiling ako habang nakatingin sa kanila. Sabi ko na nga ba, e. Kasalanan ni Clarence 'to, sinabi ko ng 'wag ituloy kasi alam kong ganito

