Chapter 53 ************************* ACE'S POV "Hindi pumasok si Blare," sabi ni Nicole habang nakatingin sa upuan ni Blare. "Hayaan mo muna siya sungit, kapag okay na siya babalik rin yun," pag aalo ni Nate kay Nicole. "'Wag na kasi nating pag usapan yung wala naman dito," sabi ni Macey. Kahapon pa siya ganiyan, ayaw niyang naririnig ang pangalan ni Blare. "Ace——" nilagay ko ang kamay ko sa harap ni Clarence kaya huminto siya sa pagsasalita. Kahapon pa siya nag so-sorry dahil sa ginawa niya. Hindi kasi nila ine-expect na ganun ang mangyayari. Ako rin naman hindi ko ine-expect na bulag pala talaga si Charles. Kaya okay lang sa akin kung hindi na kami maging okay ni Blare basta 'wag lang siya mapunta sa kagaya ni Charles. Bulag na nga tanga pa. Wala siya ngayon dito, nadoon kay

