Chapter 48 MACEY'S POV Nakarating na ako sa hallway kung saan nasa dulo ang hall pero bakit ganun? Parang mapupundi na ang ilaw sa hallway na 'to? Papunta nang dim yung lights, eh. Tinakbo ko nalang papunta ng hall para hindi na kung ano ano ang isipin ko. Pag pasok ko sa hall kadiliman agad ang bumungad sa akin. Teka? Tama ba ako ng napuntahan? Ito bang hall ang sinasabi ni mommy? Pero isa lang naman ang hall sa hotel namin na 'to. Tumalikod ako at bubuksan na sana ulit ang napaka-laking pinto kaso ayaw ng mabuksan. Hala ka! Baka ma-trap ako dito tapos may multo pa dito wah!! Mabilis kong binuksan ang phone ko at mag di-dial na sana kaso biglang bumukas ang mga ilaw sa hall. Napa-lingon ako sa likuran ko at nagulat sa nakita ko "Happy birthday Macey!" sabay sabay na sigaw ng mga

