Chapter 47 MACEY'S POV Masigla akong gumising dahil birthday ko na! Wala kaming pasok ngayon dahil brithday ko nga, char! May event kasi sa school kaya walang pasok ang students. Pumasok ako sa cr at ginawa ang morning rituals ko bago bumaba. Kumakanta pa ako habang bumaba sa hagdan. "GOOD MORNING GUYS!" bati ko sa kanila pagbaba ko "Good morning bee!" mabilis akong pinuntahan ni Aki at niyakap. Pinugpog nya pa ako ng halik sa muka "Morning." sabi nila na sakin bago bumalik sa kanya-kanyang ginagawa nila. Wala ba silang naaalala? Bakit hindi nila ako binabati? "May problema ba?" tanong ni Aki habang pinaglalagay ako ng pagkain "W-wala. Anong araw ngayon bee?" tanong ko kay Aki. Baka sakaling maalala nila kapag binigyan ko sila ng clue "Hindi ko alam bee, anong araw na ba nga

