Chapter 46 CHARLES POV Tingin ko ang lalaking nasa harapan ko ang tinutukoy nilang magiging bagong member daw. Tsk, di ko sya hahayaang maka- Mabilis kong inilagan ang suntok nya. Sh*t! Ang bilis nya. Nagpa-ulan sya ng suntok, naiiwasan ko yung iba pero yung iba hindi. Damn, ramdam ko na ang sakit sa kilay at labi ko. Nalalasahan ko narin yung dugo mula sa labi kong pumutok. Ibinalik ko ang mga suntok nya pero konti lang ang tumama. Sino ba sya? Bakit parang may iba sa kanya? Susuntukin ko na sana sya ulit kaso lang nahawakan nya ang kamao ko, sinipa nya ako sa dibdib ko kaya tumalsik ako sa sahig malapit sa kinatatayuan ng mga kaibigan ko. Kita ko ang kunot sa noo nila Ice habang nakatingin sa kalaban ko. Mabilis akong tumayo at kinuha ang dagger ko bago sumugod sa kanya pero bago pa

