Chapter 3

2787 Words
CHAPTER 3 Nakatunganga lamang siya na tinitigan si Domenico Sebastian habang busy sa pagpapakilala si Jake. Hindi pa din siya makapaniwala na ang gwapong ito ay hindi makakapagsalita. Ano kaya nangyari dito? Nawala na lamang siya sa kaniya pag-iisip nang bigla siya hinawi ni Jake papalapit dito. "Osiya ikaw na bahala dito Domenico." tugon ni Jake habang siya naman ay napakurap-kurap. She watcherd as Jake merrily left and glanced at the man beside her. Seryoso lamang ito na nakatitig sa kaniya. "Hi I'm Cassandra nga pala uli but people call me Ceecee." abot niya ng kamay dito. Hindi niya ineexpect na makikipag kamay ito sa kaniya at halos atakahin siya sa kilig nang maramdaman niya ang mainit at malakas nito na kamay. Hindi na siya nakapagsalita pa dahil madalian lamang ito nakipagkamayan at tinalikuran na siya. Wala man lang konting kwentuhan? yun na yun?! Pero bago pa siya makapagsalita muli ay ibinaling nito ang gawi sa kaniya at hinayo siya na sumunod dito. Ahh susundan niya pala ito. Ano ba yan, yun pala yun. Dali dali niya na sinundan ito. Habang tahimik niya na sinusundan ito pasimple niyang iginawad ang kaniyang mga mata sa likod nito. His white shirt and pants fit perfectly in his body. Specially those pants that hugged his tight ass. If she knew that a Domenico Sebastian was living in this province, she would have jumped on a plane in an instant. Then maybe they would have met at the right reasons. Unlike ngayon na that she will be using him to save her name and her family's company. It was a desperate move and she knows that she was doing is wrong but she can only hope that it will turn out right in the end. She just have to get that damn phone from Jake's grasp then she can call of this deal. And she needs a help from a friend to achieve. Masyado siya busy sa pag-iisip nang hindi niya mamalayan na nasa tapat na pala sila sa isang opisina. Mukhang ito ang opisina ni Domenico. Gawa lamang ito sa kahoy hindi kagaya ng mga opisina sa bayan na konkreto. Pumasok sila sa loob at sinarhan ang pintuan. Dire-diretso na umupo sa upuan niya si Domenico habang siya naman ay dahan dahan na umupo sa harap nito na upuan. Inilabas nito ang isang printed out schedule at inabot sa kaniya. Iyan ang magiging mga trabaho sa bawat araw na andito. Maari yan magbago base kung may biglaan na gawain. Alas sais ng umaga ay dapat nasa taniman ka na. Sulat nito sa kaniya. Nanlaki ang mga mata niya. "6am? Eh tulog pa ko niyan!" Matalim lamang siya nito na tinitigan dahilan para mapasara ang kaniyang bibig. Alas singko pa lamang ay nagtatrabaho na ang karamihan dito ,sulat nito sa kaniya. "But I'm not like you. I'm Hera Cassandra Maxwell heir to the Maxwell Industries." diin niya pa. Yes she was complaining. Hindi siya sanay gumising ng ganiyan kaaga. At naandito ka sa puder ko Ms. Hera Cassandra Maxwell kaya nararapat lamang na sundin mo ang aking utos. She humped and crossed her arms. Siguro kung nagsasalita ito dinig niya ang malakas nito na boses. She sighed and nodded her head. "Fine its 6am." Tumango ito at kumuha na ng mga dokumento na nakalatag sa ibabaw ng lamesa. It was his nonverbal way of saying na pinapaalis na siya. Rolling her eyes at him, she strutted out of his office. Gwapo nga ang strikto at sungit naman. Sa buong pagkakakilala niya dito kanina hindi man lang ito ngumiti. Siguro poker face talaga ang signature look nito. Humanda ka talaga sa akin Domenico Sebastian! She went inside her tiny excuse of a room and formed a plan. ~ HALOS mapamura na si Cassandra nang makita ang orasan. It was 5:45am at siguradong malalagot siya nito kay Domenico. Dali dali siya na naghilamos at nagpalit ng damit. Kumaripas din siya ng takbo papunta sa hapag kainan kung saan may tinapay na nakalatag. Kumuha siya nito at dali dali na tumakbo papunta sa taniman habang ngumunguya ng pandesal. Apparently, tinulugan niya ang kaniyang alarm clock. Halos hinihingal na siya nang makarating sa taniman kung saan nagsisimula na ang lahat sa pagtatrabaho. Inilibot niya ang kaniyang mata para hanapin si Domenico para hindi nito malaman ang pagkalate niya nang biglang may bumagsak na bayong sa kaniyang likuran. She jumped in fright and swiveled her head to see who placed the basket when she saw a serious looking Domenico staring at her. His eyes trailed over her dress and shook his head. Ano yan na suot suot mo? Sulat nito. She looked at her pink dress that was above her knees. It was cute and floral at the same time. Plus it was lightweight kaya hindi siya maiinitan. "What's wrong with my dress?" tanong niya dito. Hindi ganiyan ang isinusuot kapag magtatrabaho. His chin pointed towards my form and to everyone else. "Eh ito ang una ko na nahablot ano magagawa mo. Alangan naman na bumalik ako para magpalit eh late na nga ako."sumbat niya. Nag-igting ang panga nito. Next time wear something suitable. Tugon nito sa kaniya And avoid being late or else. "Or else what?" You wouldn't want to know. Domenico told her. Napataas ang kaniyang kilay sa sagot nito. Anong you wouldn't want to know nito. Sus! May mga paganiyan pa siya! Sasaktan ba siya nito? Or will he s***k her and make her beg for forgiveness? She snickered inside. Hmm I think I like that one better she thought inside. Bitbit ang bayong ay sinundan niya ito maglakad papunta sa bahay ng mga hayop. Napakunot ang kaniyang noo nang abutan siya ng pagkain ng mga manok at walis. Ang una mo na gagawin kada araw ay ang pakainin ang mga manok, linisin ang kanilang mga pugad at kunin ang mga itlog. pagsulat sa kaniya ni Domenico. Pakatapos mo diyan ay sa baboy. Huwag mo kakalimutan na ilagay sa compost pit ang mga tae ng hayop. "A-ano tae nila?" naguguluhan na tanong niya. Maglilinis siya ng mga kulungan nito at magtatanggal ng tae. Gosh nooooo!!! She thought in her head. "Sandali ba't ako maglilinis at magpapakain sa kanila? Wala ba ibang gumagawa nun?" Sapagkat manganganak na ang gumagawa ng mga bagay na ito Cassandra. Kung kaya't ang pag-aalaga sa mga hayop ay nasa iyong responsabilidad na. Ilagay mo ang mga nakuha mo na itlog sa bayong at pagnatapos ka na ay pitasan mo ang mga gulay at prutas na hinog na. seryoso lamang na titig nito sa kaniya na para ba napipikon na sa kaartehan niya. Hala ang dami naman niya na gagawin. Sambit ko sa sarili. Pero seryoso maglilinis talaga ako ng tae? huhu Maiiwan na kita dahil may iba pa ko na aasikasuhin. Tugon nito at lumabas na bago pa siya makapagsalita. She stared at the hungry eyes of the chicken and wished she never took this job. But she was a Maxwell and it is not in their nature to give up. Kung kaya't hawak hawak ang lalagyanan ng pagkain ay ipinakain niya ang mga manok. Ang hindi niya nga lang inaasahan ay ang habulin siya ng mga to. "WAAAAAA!" sigaw niya habang ang mga manok ay lumilipad sa gawi niya "Shoooo! Umalis kayo papakain ko din kayo! Waaaa!" She jumped on a nearby box and ran to the second floor ngunit hinabol pa din siya pataas ng mga manok. Feeling niya isa siyang malaking pagkain sa mga mata ng manok. "Hindi ba kayo pinapakain ng amo niyo kaya ganiyan nalang kayo makatakbo?" para siyang tanga na nagtanong sa mga manok habang habol habol siya. Tamang tama nasa ikalawang palapag siya kaya itinapon na niya lamang ang mga pagkain mula sa taas pababa sa mga manok. Habang ang mga humahabol naman sa kaniya ay iniwanan niya ng pagkain sa isang gilid. Dali dali niya na itinapon pababa lahat ng pagkain para hindi na siya nito mahabol pa at tumakbo palabas ng kulungan at kinandado ito. She sighed in relief. "Okay one task down. Three to go." ngiti niya sa sarili. Pumunta siya sa gilid ng kulungan kung saan naroroon ang mga mother hen. Binuksan niya ng dahan dahan ang kulungan nito at akma na kukunin ang itlog nang bigla siya tukuin nito. "Aray!" she cried out loud and rubbed her finger. "Ano ba makikihingi lang ng isa sa mga anak mo para di ako sungitan ng bossing ko." Pinandilatan lamang siya ng mother hen kaya dinilaan niya din ito. "Wag na nga sayo hindi tayo friends!" singhal niya dito at sinarhan ang kulungan. "Paano ka naman niyan kakaibiganin eh wala kang dalang pagkain at mukha ka na hinabol ng mga manok." biglang salita ng tao sa likod niya. "Ay palaka ka!" sigaw niya sa gulat. "Hindi po ako palaka Maam. Gwapong nilalang lang." ngiti sa kaniya ng isang moreno at matangkad na lalaki. Kamukha nito si Daniel Matsunaga kung kayat namilog na naman mata niya sa kagwapuhan nito. Nakasuot ito ng long sleeve na puting tshirt at manipis na itim na pantalon. "Mateo Sarmiento po Maam." "Hera Cassandra Maxwell but you can call me Ceecee." ngiti niya dito. "Kasing ganda mo nga po talaga ang Greek goddess na si Hera." Mateo said as he wiggled his eyebrows at her. Natawa naman siya sa tangka na pagfiflirt nito. "Bolero ka din noh." tukso niya dito. "Pero salamat." "Gusto mo ba tulungan kita sa mga gawain mo?" "Sige. Pero wala ka ba na trabaho?" tanong niya dito. "Meroon pero uunahin ko na muna ang pagtulong sa isang magandang dilag." ngiti nito uli sa kaniya. Ang sweet naman ng Mateo na to. Hindi kagaya sa Domenico na yun iniiwan lang siya. Naku hindi man lang siya tinuruan. Inabutan siya nito ng pagkain at binuksan ang kulungan. "Papakainin niyo po muna sila bago niyo kunin ang mga itlog." Ginawa niya ito hanggat maubos nila ang lahat ng kulungan. Sunod naman ay tinulungan siya maglinis ng kulungan. Nang makaabot sila sa babuyan ay tinulungan din siya nito. Actually nageenjoy siya sa mga corny nito na jokes at pagpapa-cute kung kaya’t hindi nila napansin ang pagdating ni Domenico. Naramdaman niya na lamang ang mainit nito na mga titig sa kaniyang likod dahilan para mapalingon siya. Nanlaki ang kaniyang mga mata sa pawis at hubad nito na pang itaas. Holy siomai pandesal! Jusmiyo magkakasala siya sa kakatitig sa matipuno nito na katawan. His upper body was chiseled and sinewed with muscles. The sweat dripping off of him only added to his s*x appeal and the smooth way he walked towards their direction was like a predator waiting for its prey. She gulped when they were a few meters. Ramdam niya ang init ng katawan nito and her fingers were itching to take a feel. Shaking her head, she shook the thoughts away. Ano ba yan Cassandra get a grip on yourself. Ikaw dapat ang nangaakit hindi siya. Clearing her thought, she raised her chin and asked him."Yes? Is there a problem?" Instead of answering her by writing down on his notebook like he usually does ay nag-sign language ito kay Mateo. Akala nito hindi niya maiintindihan buti she did. She learned sign language when she was a kid. Kung kayat naginit ang ulo niya nang mabasa ang sinabi ni Domenico kay Mateo. "Stop flirting with her and do your job."sabi ni Domenico kay mateo. Napakamot ng noo si Mateo at tinitigan si Cassandra. "Sabi niya..." "That you should stop flirting with me and do your job." nabigla ang dalawa na lalaki sa kaniyang sinabi "I know sign language. And for your information we weren't flirting, he was just helping me out since you didn't teach me anything. Wala ka man lang paorientation kaya para akong tanga na hinahabol ng mga manok kanina!" She knew yelling at him wouldn't help her to be in his good graces but damn he pisses her off. Instead of apologizing she stuck her chin out with a challenge in her eyes. Tinitigan lamang siya ni Domenico with the same intensity. They were like this until Mateo broke off their staring contest. "Uhh Sir Domenico? Ceecee?" "Don't call her that." Bilang tugon ni Domenico. "Tulungan mo sina Manong Rogelio sa labas." "Pero---" Hindi na nakaangal pa si Mateo nang matalas siya na tinitigan ni Domenico. Kahit ako mapapasunod kung tapunan ako ng ganoon na tingin. Dali dali naman na lumabas si Mateo habang sila ay naiwan ni Domenico. "You know if you weren't such a---" "Silence." Bigla nitong taas ng kamay para mapatahimik siya. He stared at her with his hyonotizing gray eyes and walked infront of her. "You came late and was dressed for a party than for work. You disrupted one of my men and made a poor job feeding the animals. Then you raised your voice at me." Hinawakan siya nito sa kaniyang braso at pinaupo sa isang upuan. "A-anong gagawin mo sa akin?" "I’ll teach you." "Huh?" napakurap kurap siya sa sagot nito. Teach me daw? Hala! Ano ituturo niya? Pleasure a man? Ay marunong na ko doon sa aree na yun noh. He just boredly looked at her but there was still a hint of anger and frustration in his eyes. "Sabi mo hindi kita tinuruan. Well now I'm going to teach you. But first I want you to know my rules." senyales nito "Una sa lahat ayoko ng nahuhuli sa pagpasok. Mas huli na ng isang oras ang binigay ko sayo na oras kesa sa iba kaya dapat ka ng magpasalamat. Pangalawa simpleng kasuotan lamang ang isuot mo. Pangatlo iwisan mo na makipagchikahan kapag oras ng pagtatrabaho. Pang-apat bigyan mo ng halaga ang bawat gawain at panglima." He paused and stared at her making her shift in her seat at the intensity of his stare. "Pang lima, sa akin ka lang tatakbo at wala ng iba pa." For a moment, she had a hard time breathing at the intensity and meaning of his words. Her breathing clamped down and the beating of her doubled as the butterflies inside her stomach began to flutter. Siomai! She’s dead. ~ FOR the rest of the afternoon Domenico taught her all of her tasks. He was a pretty good teacher. Iyon nga lang nailang siya dito noong una dahil wala itong pantaas. Kada kuskos nito sa kulungan ng mga baboy ay napapadaan ang kaniyang mata sa matipuno nito na dibdib at braso. Kagat labi lagi niya na tinitigan ito kung kaya't lagi siya umiiwas ng tingin kapag lilingon na ito sa kaniya. Kulang nalang mag-halleluia siya nang bigyan ito ng isang kasamahan ng pang-itaas. Thank you Mang Rogelio for the shirt! Natapos nila ng alas tres ang lahat ng kaniyang trabaho at nakaligo na din siya sa kaniyang maliit na kwarto. Nakahiga lamang siya nang maramdaman niya ang kumukulo niya na tiyan. "Hay hindi pa pala ako kumakain!" Magiliw siya na tumayo sa kaniyang kama at lumabas ng kwarto. Sakto ay may tinapay at palaman sa hapag kainan kung kayat gumawa siya ng sandwich. Ngiti ngiti siya na kumakain ng madapo ng kaniyang mata ang pawisan na si Domenico na tumutulong magbuhat ng mga sako. Nakangiti ito na tinapik sa likod ang mga manggagawa. It was her first time seeing him grin like that. Lagi kasi ito nakasimangot sa kaniya. Hmmm ano kaya kung gawan niya ito ng sandwiches na may ibat ibang hugis at design? Yes ganoon na lang! Dali dali siya gumawa nito. Lahat may mga mukha na nakangiti! Isang nakasad which she wrote na no no para magets nito na hindi dapat ito nakasimangot lagi. Inilagay niya ito sa isang baunan at magiliw na lumabas ng bahay. Hindi naman siya nahirapan maghanap dito sapagkat nasa labas ito umiinom ng tubig habang pinapawi ang pagod. Napansin niya din ang mga kababaihan na pasimple na sumisilip dito. Nanliit ang mga mata niya sa mga ito kung kaya't binilisan niya ang kaniyang paglalakad. Iyon nga lang sa kamamadali niya ay hindi niya napansin ang kahoy sa lupa dahilan para matisod siya at mailabas sa lalagyanan ang mga nagawa niya na sandwiches. Huli na ang lahat dahil sumalampak na siya sa lupa habang ang isang kamay niya napadapo sa isang sandwich na tumama sa gitnang bahagi ni Domenick. Nang maingat niya ang kaniyang ulo, napatili siya nang makita kung saan napwesto ang kaniyang kamay. It was in no other than Domenico's pants. Specifically in his d**k. Ang malala pa ay natanggal ang sandwich na tumama dito na hugis nakasimangot. "Oh my galit siya." tugon ng mga nakapanuod sa nakasimangot na mukha na nakadikit sa pantalon ni Domenico. Pero siya naman napatitig sa galit nito na saging na pilit kumawala sa pantalon. Oh my g! Galit nga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD