CHAPTER 4
“Bakla!" sigaw ko sa friend ko na si Jj sabay yakap at halik sa likod nito. Kararating lang nito mula Maynila kaya naman sobrang excited ko ng malaman na darating ito.
I sincerely believe talaga na kahit hindi kami magkasundo ng nanay ko ay may katiting na pagmamahal din iyon sa akin. Syempre iyon lang naman ang magpapapdala dito kay Jj para hindi ako lonely.
Sumiksik ako sa malapad nitong likod dahilan para mapasigaw ito. Dali-dali naman itong kumawala sa mga yakap ko ng maramdaman ang halik ko.
"Eeeek kadiri ka Cassandra! Hindi tayo talunan tandaan mo yan!" diring-diri na sigaw nito sabay punas sa likod niya na hindi naman maabot abot ng kamay niya.
Ngumuso ako dito "Ang arte mo naman bakla, isang halik lang naman."
"Kahit na! May germs mo na!" sabay eew eww pa niya. Hay bakla talaga saya g.
"Ang arte mo kung makipaglaplapan ka nga diyan talo mo pa ko!" sigaw ko naman dito "And excuse me healthy bacteria lang ang meroon ako noh. Hindi kagaya sa mga sinusubo mo."
"Atleast masarap." Sabay kindat sa akin "Eh ikaw?"
"Sorry allergic ako sa mga bananas." Pagpameywang ko naman dito
"Allergic daw eh kung makalaplapan nga kayo ni Profezzor Z---"
"Shhhh wag ka nga maingay!" pagtakip ko sa bibig nito. Pinandilatan ko ito ng mga mata "At tiyaka past na yun. Wag na natin balikan pa."
Binitawan ko naman bibig nito "Hehe sorry na nakalimot nga pala ako."
"Ewan ko sayo. Minsan ang sarap putulin niyang junior mo."
"Sorry matagal na siyang nalusaw dahil sa bebe loves ko." Jj tipped her chin at me in arrogance kaya kinurot ko nalang ito sa singit niya "Aray masakit!"
"Lusaw lusaw ka diyan! Hindi ka pa nga makaamin sa pamilya mo na bakla ka!"
"Aish wag na nga natin imention pamilya ko naistress lang ako" Paghimas nito sa sintido niya "Speaking of family, kamusta naman ang rehabilitation period mo diyan?"
Namula agad ang kaniyang pisngi ng maalala ang pagdakma niya sa saging ni Domenico. Tandang tanda niya pa din ang tila gusto kumawala nito na p*********i. Just thinking about it made her hot.
"Oh ba't ka namumula? Huwag mo sabihin...Omg Nakipag-kangkangan ka ba?" gulat na tanong ni Jj. Agad naman niya na binatukan ito.
"Gaga hinding hindi pa nga ako nadidiligan!"
"Aray sorry na!" pagmamasahe ni Jj ng ulo niya. "Pero ano nga nangyari teh? Ba't ka namumula diyan?"
"Eh kasi! Bigla ko nadakma yung ano nung boss ko." nahihiya niya na sambit
"Ano?!" gulat na gulat nito na tanong "Paano?"
"Eh nagmamabuti lang naman ako. Inabutan ko siya ng sandwich kaso natapilok ako. Hayun nadakma ko."
"HAHAHA gaga ang ganda mo kaso ang clumsy mo din!"
"Oo na alam ko na." nakasimangot na tugon niya dito "Pero mamaya na yan pagusapan muna natin ang plano ko. Halika sa kwarto."
Pumasok sila sa maliit na kwarto ni Cassandra at pinagusapan ang plano na kunin ang cellphone mula kay Jake. Nang matapos sila ay lumabas na ito upang manghalian.
Sakto nang kumakain sila ng champorado ni Jj ay nagsidatingan ang mga trabahador para kumain.
"Omg sino yan na papi!" bulong sa kaniya ni Jj. Kumikislap ang mga mata nito habang kagat labi na kinukurot ang kaniyang braso. Sinundan niya ang mga tingin nito at nang makita ang tinutukoy ay dali dali na nagiwas agad siya ng tingin. Siomai anong ginagawa niya dito! Hindi pa siya ready makita si Domenico! Bulong niya sa sarili habang dali dali na inuubos ang pagkain.
"Ay teh gutom na gutom?" tanong sa kaniya ni Jj nang sunod sunod niya na ubusin ang pagkain. Hindi niya nalang ito pinansin. "Tinitingnan ka niya!"
Pasimple niya na sinulyapan ito at nagtama uli ang kanilang mga mata dahilan para siya ay mabulunan. Nakaputing long sleeve ito at panyo na nakasabit sa leeg nito. Ang init sa labas pero mukhang hindi man lang ito pinagpawisan.
He tilted his head to the side beckoning her to come. Shoot ano kaya ang pakay nito sa kaniya. Tumayo siya at sinundan ang papalabas nito na gawi. Nang makalabas sila ay hinarap siya nito. Seryoso at diretso ang mukha nito kung kaya ginawa niya ang bagay na hindi niya nagawa in her life...at yun ay ang lumuhod.
"Sorry po sorry po hindi ko talaga po sinasadya na nadakma ang junjun niyo!" pinagtitinginan na siya ng mga tao pero patuloy pa din siya sa kakaluhod. Habang gulat na gulat na nakaawang ang labi ni Domenico sa kaniya "Gusto ko lang naman bigyan ka ng pagkain. It was my way of saying thank you after helping ---"
Hindi na niya natapos pa ang kaniyang sasabihin ng bigla siya nito hilahin patayo at kinaladkad sa isang walang tao na lote.
"A-anong ginagawa---" sa pangalawang pagkakataon ay natameme siya ng ilapat nito ang isang daliri sa kaniyang labi.
Namimilog ang mata na tinitigan niya ito habang diretso na tinitigan nito ang daliri na nakapatong sa kaniyang labi. May kung anong kuryente at init sa hangin ang kanilang nadarama habang iisang pulgada lamang ang kanilang distansya.
Her eyes swiveled to his and she gasped at the intensity of his stare. How did his eyes grew so dark and stunning? It reminded her of a dream. A dream of a man with crystal grey eyes in a lagoon.
Nawala silang dalawa sa pagtitig nang makarinig ng tahol ng aso. Her dog Wealthy was yiping and seeking for attention.
Nakalabas ito sa kaniyang kwarto at mukhang hinahanap siya kaya ipinulot niya ito. Good thing her dog was always there to save her because at that time she wanted to move his finger away and kiss him.
"This is my pet wealthy nga pala." she said keeping her voice from shaking as she introduced her chaochao. "Wealthy this is my boss Domenico Sebastian."
"Its nice to meet you Wealthy." pag sign language ni Domenico. He petted Wealthy's hair earning a happy yip from the dog. O kita mo yan pati aso bet siya.
"Ba't mo nga pala ako pinatawag?" tanong niya dito. She was curious why he sent for her.
"I assigned a new task for you. You'll help with the cleaning of all the houses."
"You want me to work with the old witch?!" gulat niya na tugon dito. She doesnt want to work with that old hag. Alam niya na ito ang namumuno sa paglilinis ng bahay kaya ayaw niya na makatrabaho ito "No I'm happy working with you. Besides first day ko lang naman kahapon kaya I was bound to make mistakes."
Domenico sighed and shook his head
"Please I'll be good. I'll even help with the compost pit if you want. Just don't let me work with that old hag." pagmamakaawa niya "If you want I'll just clean your office and be your secretary. Tutal ang gulo naman ng opisina mo. At hindi ako hihingi ng bayad"
Napataas ang kilay nito sa kaniyang suhestiyon
"Please please with a cherry on top?"
Napailing ito at kita niya ang pagtango ng ulo. She jumped in joy and involuntarily kissed his cheek.
"I promise you won't be disappointed in me." ngiti ngiti niya pa din dito na tugon. Hindi niya napansin na nakayakap pa din siya dito dahilan para mapasigaw siya sa pagkabigla. Dali dali siya na kumawala habang namumula naman na napailing si Domenico "Ahh ehh sorry hindi na mauulit."
Ilang na ilang sila na nakatingin sa iba.
"Umm well follow me." natataranta at ilang din na sagot ni Domenico. Kung siguro nasa maayos siya na pagiisip matatawa siya sa gawi nito pero isa din siya na nahihiya. Eeeh ano ba naman kasi yan Cassandra nandakma ka na, nahalikan mo pa. Naku!
Nakatitig lamang siya sa lupa habang sinusundan ito papasok sa opisina. Nang makapasok sila ay umupo siya sa couch kesa sa upuan para sa mga kliyente na nasa may table nito.
"Dito ka magtatrabaho." turo nito sa maliit na wooden desk and chair "Ito na din ang listahan ng iyong mga gagawin. Ang dating sekretarya ko ay tumutulong din sa mga gawain sa taniman kung kayat maaring hapon ka lang nasa opisina at umaga sa taniman."
Tango lamang siya ng tango. Inabot nito sa kaniyang ang notebook ng dating sekretarya at lista ng kaniyang mga gagawin.
"Iphotocopy mo ang mga dokumento na yan dahil gagawa ka ng report sa araw araw na produksyon. Pati din ang payroll ay hahawakan mo." utos pa nito.
She loves numbers kaya madali lang sa kaniya ang paggawa ng report at inventory. Kaso hindi siya marunong gumamit ng photocopy machine. May nagpophoto copy lang naman kasi sa school.
"Maari ka na ngayon magsimula. Ito ang password ng computer mo. Pag may mga tawag o bisita naman ay itransfer mo nalang sa akin."
Tumalikod na ito at dumiretso na sa kaniyang opisina habang naiwan siya sa labas nito kung saan ang kaniyang desk. Tinitigan niya photocopy machine at ang mga dokumento na kaniyang iphophotocopy. Siomai kailangan niya ng tulong.
~
"Kapag short naman ito ang iyong pipindutin at kapag long naman ito. Tapos ilalagay mo dito kung ilang copies. Pagtapos na ay pindutin mo ito at lalabas na ang mga copy." magiliw na turo sa kaniya ni Mateo Sarmiento.
Manghang mangha naman niya na tinitigan ang mga lumalabas na papel "Wow yun lang naman pala. Thank you so much Mateo! Hulog ka talaga ng langit."
"Ikinagagalak ko na matulungan kita Cassandra." ngiti ngiti nito na tugon
"Libre kita ng mcdo mamaya." suhestiyon niya
"Date ba yan?" kumikislap na tanong ni Mateo. Sasagutin na niya sana ito nang biglang lumagabog ang pintuan dahilan para mapatingin sila sa likod. Domenico was standing infront of his door with a bored look on his face. But his eyes showed anger in the depths of it.
"Magandang hapon po Sir Sebastian!" magiliw na bati ni mateo. Pero hindi siya nito pinansin at matalas na inutusan lamang si Cassandra na iwan ang mga dokumento sa kaniyang opisina. Lumabas na lang din ito nang hindi man lang sila nginingitian.
"Ano kaya nangyari doon?" kamot noo na tanong ni Mateo. Hindi niya din alam kung bakit napakalamig ng pakikitungo nito sa kanila "O siya babalik na ko sa trabaho. Kita nalang tayo mamaya ha? May utang ka sa akin na Mcdo!"
Ngitian niya na lamang ito at kumaway sa gawi nito. Bumalik na siya sa kaniyang upuan at sinumulan ayusin ang mga papel. Sakto pumasok na uli si Domenico at dire-diretso na pumasok sa opisina nito na hindi man lamang siya na pinapansin.
Ano kaya nakain nun? Tanong niya sa sarili.
So far, okay naman performance niya. Hindi siya hinabol ng kung ano man na hayop at hindi din siya nandakma ng junjun.
Ano kaya pwede na ibigay dito dahil mukhang mainit na naman ang ulo. Kaya naman naglinis nalang uli siya ng desk ng may nakita siya na flyer.
“Alam ko na!” she clicked her tongue as an idea came in her mind. Dali dali niya kinuha ang telepono.
"Hello this is Jollibee delivery." sagot sa kaniya ng tao sa kaniyang linya. Ngiti ngiti siya na nagorder.
HALOS kalahating oras din ang delivery dahil malayo sila sa malapit na Jollibee. Nang dumating ang pagkain ay kinuha niya ang mga papel na kaniyang ipapasa. Kumatok siya bago pumasok.
Nakasubsob ito sa mga dokumento nang pumasok siya. Agad ito nag angat at taas kilay na tumingin sa kaniyang mga dala. Napansin niya din na nagpalit ito ng damit at mukhang bagong ligo. Tutal may cr naman ito sa loob ng opisina.
Ngiti ngiti niya na inilapag ang mga papel at inabot ito sa kaniya. "Heto na po ang mga pinapaphotocopy mo. Inaarrange ko na yan by date at ginawan ko din ng consolidated report para makita mo ang progress o summary."
Tumango lamang ito sa kaniya at iniabot ang mga dokumento. Binasa nito ang kaniyang ginawa at tumango tango. Napangiti siya sa pagtango nito. Mukhang tama ang kaniyang mga ginawa! Nahalata siguro nito na hindi pa siya umaalis dahil itinaas nito ang mata sa direksyon niya.
"Ay oo nga pala! Ito para sayo!" inalabas niya ang kaniyang hawak at namilog ang mata ni Domenico sa inilapag niya
"Kanina ka pa kasi nakasimangot kaya binilhan kita ng Happy Meal! Sana ngumiti ka na din. Your welcomeee!!!"
Dali dali na siya na lumabas ng opisina bago pa siya nito na makausap. Iniwan niya ito na nakaawang ang labi habang tinitigan ang happy meal at ang nakatalikod niya na bulto.
Phew sana naman ngumiti na yun.
~
Mag-aalis sais na ng hapon ng kumatok sa kaniyang opisina si Mateo.
"Hello Ms. Beautiful excited na ko sa ating date."
Natawa siya dito "Hindi to date noh. Libre lang naman."
"Eh date na yun sa akin."
"Ikaw bahala. Sige sandali kunin ko lang gamit ko at magpapaalam muna ako kay Domenico." She grabbed hef purse and shut down her computer. Akma na sana niya kakatukan si Domenico nang bigla ito buksan ang pintuan.
"Sir Domenico aalis na po ako kasi---"
"Sasama ka sa akin." bigla nito na senyas.
"Ha?" gulong gulo nila na tanong ni Mateo
"Ipinapatawag tayo ni Don Hermosa na maghapunan sa kanilang bahay." seryoso na tugon ni Domenico.
"Ay ganoon ba. Sige sa susubod nalang Cassandra." Nalungkot naman na tugon ni Mateo
"Ahh oo baka bukas nalang." suhestyon niya dito
"Hindi ka din maari bukas at sa mga sumusunod na araw dahil may tatapusin tayo na trabaho." dire diretso na tugon ni Domenico.
"Ha? Magoovertime tayo?" gulat na sambit ni Cassandra. She was hoping Domenico was joking but he was not. Tanging isang tango lamang ang sagot sa kaniya ni Domenico bago ito lumabas ng opisina.
"Halika na." tugon nito papalabas ng opisina
"Eh ayoko magOT noh." sambit niya dito pero hindi siya pinansin. Nang dumaan sila kay Mateo ay nginitian niya ito ng maliit "Pasensya ka na ha. Ang workaholic kasi ng boss ko dinamay pa ko.”
Pinandilatan siya ni Domenico kaya hindi niya nalang pinansin at itinuon ang atensyon kay Mateo “Hays. Mukhang di na talaga kita malilibre."
"Ayos lang Ms. Beautiful. Sige sumunod ka na baka mag alala na yun si sir." sambit ni Mateo. Tumango siya dito at tinapunan ng ngiti bago kumaripas ng takbo sa suplado at workaholic niya na boss.
Nang makarating sila sa mansyon ng mga Hermosa ay kita niya ang mga nakaparada na kotse. Mukhang andito nga ang magasawa na Don and Donya Hermosa.
Pagpasok pa lamang nila sa loob ay bumati na kaagad si Don Hermosa na niyakap pa si Domenico. Ay close nga sila! Ano nalang kaya reaction nito ni Jake. Tinitigan niya si Jake na kumukuyom ang panga sa galit.
The sight of Jake fuming in anger was a sight to see. She loves the image of him suffering. Take that asshole!
"Domenico, hijo, kamusta ka na?" magiliw na tanong ni Don Hermosa.
"Maayos naman po Don Hermosa." sulat ni Domenico. Dumapo ang mata ni Don Hermosa sa aking gawi.
"Ahh Cassandra andito ka pala. Kamusta ka naman hija?" tanong nito kay Cassandra.
"I’m good Tito. Domenico helped me during my first few days." she sincerely said as Don Hermosa look between the two of them.
"That's good. I'm happy you are adjusting."
"Jaime invite them in the dinner table na. Nakahanda na ang mga pagkain." Donya Catricia Hermosa said to her husband. Nang mailapat nito ang mata sa akin ay hinagkan siya nito "How are you Cassandra?"
"I'm good naman po Tita."
"Well that's nice. I heard Domenico is helping you." kwento nito habang naglalakad kami sa dining area nila. Sabi ko sa inyo mabait sila.
"Opo. Boss ko po kasi siya eh."
"Ooh that's a nice training. It really is better for you to experience labor jobs para alam mo kapag may posisyon ka na ang mga dapat mo na gawin para sa kanila." Catricia said as she seated to her side. "I guess you can emphatize more with them."
"Kaya pala hindi niyo sa akin binigay ang lupain dahil kulang ako sa emphathy?" mapait na tugon ni Jakd habang nilalaklak ang baso ng wine.
"Jake." malumanay na tugon sa kaniyang ina.
"What? He is just a mere farmer for goodness sake! Pero ako, ako ang tunay na Hermosa!"nagwawala na sigaw ni Jake.
"You will still get a part of your share Jake but it is better to give it to someone who is worthy. Maganda na paghirapan mo ang mga bagay bagay." kalmado at matalim na tugon ni Don Hermosa
"I am working hard." bitaw ni Jake.
"Oh really? Working hard is wasting your money over gambling and women?"bato naman sa kaniya ng ama. The atmosphere began to grow tense "Leave this instant Jake. Before I ban you from this place!"
Galit na tumayo si Jake at nagmamartya papalabas ng bahay pero bago pa iyon ay matalim ito na tumitig kay Domenico "I'll take all of these from you. You just wait."
"I said leave!" sigaw ni Don Hermosa. Umalis na nga si Jake habang naiwan sila na tahimik at tulala. Ni isa walang gusto magsalita. Hanggat magsalita na si Don Hermosa.
"I apologize on his behalf on how that went." tugon ni Don Hermosa na mukhang tumanda ng ilang taon "I just don't know what happened to him or where we did wrong?"
"It wasnt your fault tito. It was Jake's decision to be that way." sabi ni Cassandra.
"I hope he can still change." tango ni Don Hermosa "As for you Domenico, I will give you this land so long as you continue your work. Kita ko naman ang paghihirap mo at busilak na puso. Iyon nga lang maari ba namin na maidagdag sa aming kahilingan na huwag ko muna magkakaroon ng nobya?"
Napataas ang kilay niya sa suhestiyon na ito. "Nais namin na makapagaral ka muna muli at maitaguyod mo ang negosyo bago ka magkaroon ng nobya. Maasahan ba namin iyan sayo?"
"Maasahan niyo po." tugon ni Domenico.
In that instant her guilt started to creep in.
~
It was almost 1am but she still couldn't sleep. Binabagabag pa din siya ng mga salita ni Don Hermosa. If she succeeds in seducing Domenico Sebastian then he wouldnt be capable of getting the land which he truly deserves. Jake told her that she must convince Domenico to leave with her to Manila and forget about the land. How she will do it, she has no idea. Perhaps love has the power for you to forget about everything else, but does she have the stregth to lie to a man and ruin his future?
She sighed once again. "Hay ano nalang kaya gagawin ko?" tanong niya sa sarili.
"Ano kaya kung matulog ka na." biglang salita sa likod niya ni Jj.
"Ay ano ba yan! Andiyan ka pala!"bigla niya na sambit. Nakakrus ang dalawang kamay ni Jj sa harapan nito at maingat siya na pinagmasdan. Umiwas siya ng tingin.
"Hays sabi ko na nga ba naguiguilty ka." umupo ito sa tabi niya. Nasa labas sila ng hardin. Tanging tango lamang ang naibigay niya.
"Gusto ko mawala na ang dumi sa pangalan ko. Pero hindi ko din naman nais na saktan ang isang inosenteng tao." she honestly said. "He deserves this land more than Jake."
"But you also deserve to live in peace. Hays ang gulo nga bessy." yakap sa kaniya ni Jj.
"Kaya we need to get that phone." kawala niya dito. "Its our only way."
"I'll do my best to befriend him Cassandra. " tugon ni Jj.
"I know you will. Lets just show him were carrying out the plan. But in truth were trying to take him down. I just hope this works." she said.
"It will. Lets believe it will." hawak kamay na sagot sa kaniya ni Jj.
THE next day she helped out with the animals and farm in the morning and went to the office in the afternoon. Hindi niya naabutan dito si Domenico dahil tumutulong ito sa taniman. May isa kasi na manggagagawa na nagkasakit kayat dinalhan niya ito ng gamot kaay siya na ang pumalit sa pwesto. It amazes her how Domenico carries out the work of others when he is actually the boss. Hindi niya pinaparamdam sa mga ito na siya ang boss but at the same time he is strict with his rules and true to his words.
Mag-a-alas tres na ng pumasok ito sa opisina. Simpleng polo at pantalon lamang ang suot nito. Mukhang bago ligo din ito sapagkat tumutulong din ito sa umaga sa pag ani.
"Good afternoon Domenico!" bati niya dito. Tumango lamang ito at dumiretso sa opisina. Hmm hindi man lang ito ngumiti. Ano kaya kung bilhan niya uli ito ng happy meal.
Kagaya ng dati ay binilhan niya ito ng happy meal. Kaya ng may kumatok sa pintuan ay ngiti ngiti niya ito na binuksan sa pagaakala na jollibee delivery ito. But it wasnt Jollibee! It was a girl wearing an overly floral dress. Nakabraid ang buhok nito at may matching bulaklak pa sa buhok!
May audition ba ngayon kay Rosalinda?
"Yes? How can I help you?" tanong niya dito. Tumingin ito sa paligid hanggat tumama sa dako niya.
"Andiyan ba si Nico?"Tanong nito
"Huh? Sinong Nico?" naguguluhan niya na tanong sa bulaklak na to.
"Domenico Sebastian duh." the girl said na may matching rolling eyes at pameywang sa kaniya.
"Did you just roll your eyes at me?" naiirita niya na tanong. Nobody rolled her eyes at her. Nobody.
Tumaas naman ang kilay ng babae. "Sino ka ba?"tanong nito sa kaniya.
"I'm Hera Cassandra Maxwell, heir to the Maxwell industries and you are?" nanghahamon niya na tugon dito. Namilog ang mata nito.
"I-ikaw si Ms. Cassandra?" namumutla na tanong nito.
"Yes I am. Kaya huwag na huwag mo ko maartehan kung ayaw mo mawala yan na mga bulaklak sa katawan mo. Now what do you need?" pagalit niya na tanong dito.
"G-gusto ko lang naman makita s-si..."nauutal na sagot nito nang biglang may humawak sa kaniyang braso dahilan para magawi sila sa lalaki sa likod. It was Domenico who had a grim expression on his face.
"Nico!" sigaw ng mukhang rosalinda. Dali dali ito na tumakbo sa harapan ni Domenico dahilan para mabunggo siya at mapaatras " Kanina pa kita hinahanap para dalhan ka ng makakain. Pasasalamat namin ito saiyo sa pagtulong mo kanina. Sana magustuhan ako ang gumawa niyan."
Naniningkit na pinanuod niya ang dalawa. Hindi niya alam pero gusto niya kurutin ang mabulaklak na babae at itapon sa malayong lugar para hindi ito makapagpacute kay Domenico. Pero ang mas kinainis niya ay ngiti ngiti na inabot ni Domenico ang pagkain. Argh!
Padabog siya na lumabas ng opisina. Sakto ay may dumating na lalaki.
"Hello po! Jollibee delivery!"
"Ba't ngayon ka lang?!" sigaw niya dito
"Ah eh bago palang kasi ako maam." nauutal na tugon ng delivery boy.
"Akin na nga yan. O eto ang bayad! Grr!" pagalit niya na tugon dito. Inabot niya na ang pagkain at bayad at pumasok sa loob kung saan magiliw na naguusap ang dalawa. Sa kaniya nalang ang happy meal. Baka mabasbasan siya ng kabutihan at kaligayahan. Si jollibee nalang nga jojowain niya! Grrr!
HALOS isang oras din na magkausap ang dalawa. Panay lamang ang type niya sa keyboard na mukha ng masisira sa lakas ng pagtype niya habang pinapanuod niya na ihatid ni Domenico sa labas ang babaeng puno ng flowers.
"Sige aalis na ko. Sa uulitin muli Domenico." tuwang tuwa na sambit ng babae. Naningkit lamang ang mata niya.
“Wag ka ng babalik pa dito.” Bulong niya dahilan para mapatingin si Domenico at yung bulaklak sa kaniya.
“Ano sabi mo?” tanong ni sunflower.
She plastered a smile on her face “I said have a good day!”
Tumango nalang ang bulaklak bago umalis. She sighed nang mawala ito. Finally!
Tumango naman si Domenico at sinarhan ang pintuan. Ibinaling nito ang atensyon sa nagiinit ang dugo na kaniyang bagong sekretarya. Halata sa nanlilisik nito na mata at malakas na pagpindot sa keyboard ang disgusto. Ano kaya nangyari nandito?
"Cassandra." senyas nito.
"Yes Sir?" tanong nito pero may galit pa din sa salita.
"Tapos ka ba sa mga pinapagawa ko?"
"Actually sir kanina pa ko tapos kaso mukhang busy kayo sa iyong bisita kaya hindi ko nalang kayo ginambala." matigas at puno ng iritasyon na tugon ni Cassandra "Hindi ko alam kung anong meroon doon sa bulaklak na babae na yun kaya ang bilis mo ngiti."
"Cassandra---"
"Well sabagay maarte ako noong una pero mabait naman ako ah at ginagawa ko naman ang makakaya ko na matuto pero ni minsan hindi mo man lang nginitian"
"Cassandra--"
"Pero sa babaeng iyon nakuuu---"
"Cassandra!" senyas sa kaniya. Sabay nito na pinaharap ang kaniyang upuan at inilapat ang dalawang bisig sa magkabilang braso ng kaniyang upuan. Puno nang iritasyon at panghahamon na tinitigan niya ito ngunit kinalaunan ay nawala ito nang mapagtanto niya ang kaniyang nagawa.
Hindi niya rin maiwasan na mapatitig sa napakagwapo nito na mukha. Natatakpan man ito ng balbas ngunit tumitig ka lamang sa mata nito ay tunay na mahuhulog ka na. Nangungusap ito at may kung anong emosyon ang dumapo dito.
"Patawad." Senyas nito nang puno ng sinseridad sa mga mata.
Nawala agad ang galit sa kaniyang mata ng may kung anong emosyon ang dumapo sa mga mata nito
"Patawad sapagkat hindi ko iyon sinasadya. Akala ko noon ay mahihirapan ako sayo dahil sa estado ng iyong buhay. Ngunit ipinakita mo sa akin na iba ka nga pala kaya naghihingi ako ng tawad."
Grabe jinudge siya kaagad? Dinuro niya ito ng kaniyang daliri at tinutok sa matitipuno nito na dibdib.
"Kaya nga don't judge a book by its cover eh." pagkrus niya sa kaniyang dalawang kamay "Pero salamat and yes I forgive you."
"So, happy meal?" kumikislap ang mga mata ni Domenico na tanong sa kaniya. Napahalakhak naman siya dito.
"Happy meal. Libre mo ah!"
~
Days have passed and I can say that Domenico and I's relationship are doing better. Right now, I'm transferring the avocados na mga pinitas ko sa isang sako. I was busy placing them inside the sack when someone bumped me from behind causing the avocados in my basket to fall on the ground.
"Hey watch it!" sigaw ko sa tumama sa akin. Turning my head to the side, my eyes flashed in annoyance to see the person who bumped me. It's no other than the sunflower herself. She was just staring at me as if she doesn't care that she bumped me. At nagawa niya pa umismid sa akin. Oh this flower is going to pay!
"Hey sampaguita!" I shouted at her dahilan para mapatingin sa amin ang mga tao sa barn. Tumingin-tingin pa ito sa paligid at tinuro sarili niya as if asking me na siya ba tinawag ko
"Yeah you. Come here." utos ko dito at pumunta naman ito sa akin
"Excuse me hindi sampaguita pangalan ko. It's Daisy." Angil nito sa akin at ipinagkrus ang mga kamay.
"I don't care. You're still a wilting flower." Mataray ko dito na sambit dahilan para mamula ito sa galit "Now I want you to apologize."
"Apologize?!"
"Yes. Apologize." I smirked at her and dangerously walked infront of her. "Apologize right now for bumping me."
"Ayoko nga!" sigaw nito "Sino ka ba ha?!"
I shook my head at her incompetence "Well, Lilac I'm just you're boss's friend. Kaya kung ako sayo magsorry ka na. You don't want me as your enemy so better do what I say or I'll make your stay a living hell."
She gulped in response yet a blaze of fire filled her eyes in defiance. "Ayoko. You deserve it for flirting with Nico."
Nanlisik ang mga mata ko sa sinabi nito. Ahh so this girl has a crush on Nico. Kaya pala, young puppy love can really make a simple person do crazy things. And this girl is crazy to cross me. Bumping me was fine. Yet defying me and having a crush on my prey makes her my target.
Tipping my chin to the side, I assessed her form and pursed my lips in disdain. She's too plain. Definitely, she's no match to me. The flower squirmed under my gaze kaya ng tumingin ako sa mga mata nito, umiwas ito ng tingin.
"So you like Domenico huh" I taunted her "Does he know of your young crush on him?"
She bowed her head in embarrassment yet brought it back up glared at me "Ano naman paki mo."
Patting her cheek, I arrogantly sized her up "It means everything. Because Domenico is mine."
The door inside the barn opened revealing a sexy Domenico. He was wearing a long white sleeves shirt and a hat was on his head. Nang makita niya kami nabigla ito. I didn't know what I was doing nor did I care if the people inside the barn was looking at my every move. Basta all I know was I need to prove to this rosas that Domenico is mine
Crossing the distance between us, I grabbed his face and kissed him. Right infront of everyone.
He tasted like peaches and citrus trees with a hint of mint on his breath from his toothpaste. His lips were soft and plump, and I badly want to bite it. Inhaling through my nose, I smell fresh male clothes and I can't help but wonder how he can smell so good despite the heat and sweat from plowing the fields all day.
Cupping his cheek with my hand, I rubbed his bearded face with my thumb and gave him one last peck. Opening my eyes, I saw his eyes flutter close and was about to pull back when he pulled me back to him and smashed his lips with mine.
His lips remained planted with mine so I opened my mouth and nibbled on his lips. I sucked and bit it while he follows my lead. Our lips were dancing and I can hear the beat of my heart thumping like a bass inside my chest. He began to dominate the kiss. His lips danced with mine, sucking and nibbling while his strong arms gripped the sides of my waist. I want his hands inside and I want to roam my hands on his chest. I wanted more so I touched my tongue with his earning me a groan. This excited me so I did it again.
Running my hands on his arms, I slowly moved it down, only to be pushed back. I stumbled back and landed on my butt. I groaned but immediately looked around only to watch Domenico running as if the hounds were chasing him.
Disoriented and confused I looked around to see everyone gaping at me like I grew two heads. I gulped and took a few breaths to calm my beating heart. I placed my hand on my chest while the other on my cheek. By the heat of it, I must be red as a tomato.
Glancing back up, my eyes immediately landed on a shocked and crestfallen gumamela. Immediately, the embarassment fell away and it was replaced with triumph. I kissed Domenico. And she just knew that I just staked my claim.
Standing up, I smirked in her direction earning me a glare. She quickly ran from the barn leaving me with the crowd of onlookers. Sighing I gave them my infamous bitchy face.
"What are you looking at?"
Instantly, they went back to work. Sighing, I heard a clap from behind. Turning around I saw a smirking Jake and a gaping Jj. They walked towards me and Jake was grinning like a loon. Bastard.
"Nice job for the first month." He commented in a hush tone since everyone was staring at us
"Whatever Hermosa." I boredly told him and turned my back on him "Go do your thing I'm busy."
But the bastard doesn't seem to know the word back off. He walked beside me.
"You'll be tasked to deliver the goods tomorrow in Buhi." He told me
"Why me? Can't you just choose one of your men?" iritado ko na tugon dito. Picking avocados was fun pero delivering it to another town is not. I hate travelling and I don't have my private car and driver with me. For sure, pampasahero na bus o yung luma na truck nila ang gamit namin.
"Because a certain mute shall be delivering those goods tomorrow." He said in a sing song voice.
I sighed "Fine. And don't call him mute you fucker"
He laughed at my comment "Will do. Have a good night's sleep princess."
"I hope you get nightmares Hermosa." I muttered underneath my breath. Umalis na ito at naiwan nalang kaming dalawa ni Jj. Aayusin ko n asana uli yung mga avocado na ilalagay ko sana kanina sa sako kaso hinila naman ako palabas ng bakla ko na kaibigan.
"Aray ko. Bakla ano ba!" sigaw ko dito habang hila-hila pa din ako palabas. Naglakad kami more like naglakad si Jj while ako hila hila niya. Nakarating kami sa isang liblib na lugar sa hacienda pero halatang dinadaanan naman ng mga tao.
"Malandi kang bakla ka!" sigaw sa akin kaagad ni Jj dahilan para mapataas naman kilay ko dito.
"Huh? Ako? Malandi? Oo. Pero Bakla? Hindi kita kafederasyon noh."pagpameywang ko dito.
"Gaga! Hindi naman iyan ibig kong sabihin!"
"Eh ano?" tanong ko dito. Naglakad ito pabalik balik sa harapan ko na para bang hindi makuntetto na tumayo lang sa iisang place.
"You kissed him!"
Namula agad mukha ko dito ng maalala ko yung public display of affection ko. Pero tinago ko naman ito agad. "Oo I kissed him. Eh ano naman doon?"
"Gaga! Ang bilis mo naman halik agad?"
"Eh naasar ako sa gumamela na yun. Binunggo ba naman ako dahil hinahabol ko si Nico niya." I huffed in annoyance. Napahalkhak naman si Jj ng marinig ito.
"So you kissed him to spite Daisy?"natatawa na tanong sa akin ni Jj.
"Kilala mo yung bulaklak na yun?" tanong ko dito.
"Number 1 fan kaya yun ni Domenico." Tugon nito "Tiyaka from what I have heard patay na patay daw yun kay Domenico."
"Ganoon ba? Eh ba't di nalang kaya yun ang tinarget ni Jake? Eh di sana hindi ako sa sitwasyon na ito."
"Gaga! Ang gwapo kaya ni yummy Domenico at tiyaka wala naman pag-asa yung Daisy na yun." Pag ismid ni Jj "O ano na plano mo ngayon? Tumakbo ng bongga palayo sayo si yummy. Kamusta pala? Masarap?"
Namula uli ako ng maalala yung halik. Napatili naman si Jj ng makita ang pamumula ko.
"Tumigil ka nga diyan. Nahiya lang ako dahil madaming tao." Pagkrus ko ng kamay "At tiyaka wala lang yun. This is only work."
"Sus. Kunwari ka pa." pagsiko naman sa akin ni Jj "Osiya. Siguraduhin mo na trabaho lang yan. Wag mawala sa focus."
"Oo naman. At ikaw din ang trabaho mo gawin mo din." Pag-duduro ko dito "Kamusta naman kayo ng alaga mo?"
"Hayun his opening up a bit. Pero more of acquaintances pa din."
"Ay basta. Kaya natin to." Sabi ko dito
"Oo kaya natin to." Nakafighting pose na sabi ni Jj. Natawa naman ako sa baklang ito.
"Halika na nga. Gagawa pa ako ng cupcake." Tugon ko dito at naglakad na pabalik sa bahay.
"Ano naman gagawin mo sa cupcake?" tanong nito sa akin na para bang naguguluhan sa sinabi ko "At marunong ka magbake?"
"Peace offering." tipid ko na sagot dito "Huwag ka nga maingay diyan at manuod ka nalang sa akin."
Pumasok na kami sa loob ng bahay at hinanda ko na yung mga ingredients para sa paggawa ng cupcake.