Nabigla si Vexie nang makarating sa baguio at mapagtanto na may bahay pala sa baguio si Leon. Hindi lamang 'yun simpleng bahay, dahil tila papunta na ito sa isang mansion. Sinalubong sila ng care taker doon na si Mang Upeng. "Mabuti naman Sir at nakadalaw po kayo ulit dito," salubong nito kay Leon na tumango lamang at pagkaraan ay tumingin sa kanya na tila kinikilala siya. Pagkaraan kay Alexus. "Ang laki mo na, Lexus." "Say Hi." bulong ng dalaga kay Alexus na magsusungit na naman sana. "Hi, " anito kay Mang Upeng na ikinatuwa ng matanda. Kinuha nito ang mga gamit nila at ipinasok sa bahay. Ramdam na niya ang lamig kanina pa, buti na lang nagdala siya ng mga panlamig. Sumunod silang pumasok sa kabahayan. "Take a rest. Mamaya-maya lang ay aalis tayo ulit." Dinig niyang sabi ni Leon na

