Kahit nakapikit si Vexie, tila hindi siya mapakali dahil parang may nakatitig sa kanya. Dahil doon, marahan niyang iminulat ang mga mata para lang mapatda sa nakita. Bumungad sa kanya nang malapitan ang dalawang asul na mata na alam naman niyang kung sino ang nagmamay-ari. Anong ginagawa ni Leon sa silid niya?! Dahil sa gulat napabalikwas siya ng bangon at nagkauntugan pa sila ng lalaki. "Damn!" mura ni Leon habang hinahaplos ang noo kung saan nauntog. Ganoon din naman siya, hinahaplos ang noo. "A-anong ginagawa mo sa kwarto ko?" gulat niyang tanong. "Waking you up." Tila wala ditong sagot nito. Parang normal lang dito ang pumasok sa silid ng may silid. "Paano ka nakapasok, Sir?" "Hindi naka-lock ang pintuan mo." Natapik niya ang noo, oo nga pala nakalimutan niya atang magsarado ng

