Walang nagawa si Manolo sa naging desisyon ni Margareth.Hindi niya gustong magkagulo pa sila ng kaniyang anak.Kaya hindi na niya pinakialaman pa ito kung ano ang plano nito sa Hotel.
Ganun pa man ay maay araw na pinupuntahan niya ang anak at nagbabakasakali na kausapin siya nito.Umaasa pa rin kasi siya na magkakaayos pa rin silang mag-ama.Ngunit matigas ang puso ng kaniyang anak dahil hindi man lamang siya nito hinaharap o kinakausap man lang.
"Nawawalan na ako ng pag-asa na magkakasundo pa kami ng anak ko,Melit."
Minsan ay naibulalas nito ang problemang kinakaharap sa anak na si Margareth sa kaniyang asawa habang nag-aalmusal sila.Hindi niya gustong bigyan pa ng alalahanin sana si Melit ngunit hindi na niya kaya ang bigat na dinadala sa kaniyang dibdib.
"Huwag kang mawalan ng pag-asa.Ikaw ang higit na nakakakilala sa anak mo,ang sabi mo nga ay mabait na bata si Margareth."
"Pero ngayon hindi ko na sya kilala..Malaki na ang pinagbago ni Margareth,hindi na siya yung anak na kilala ko."
Pakiramdam kasi niya ay ibang tao na kung ituring siya ni Margareth.At sa bagay na iyun ay nais sumama ng kaniyang loob dahil pakiramdam niya ay hindi na talaga siya nito itinuturing na ama.Hindi naman niya ito masisisi kung hanggang ngayon ay galit pa rin ito sa kaniya.Subalit matagal ng panahon ang nakalipas ngunit hindi pa rin ba siya nito nagagawang mapatawad.
"Manalig ka lang,pasasaan ba't magkakasundo rin kayo."
"Hindi ko alam,Melit..Hindi ko na alam kung ano ang dapat kung gawin para mapatawad niya ako."
"Good Morning."
Si Maila.
Ang anak nina Manolo at Melit.
"Oh Hija,gising ka na pala.Maupo ka na at sumabay sa amin kumain."
"Hmmm..may problema ba ,Papa?"tanong nito sa ama.
Napansin kaagad nito ang pagiging seryoso ng ama.
"Wala ito,anak...Iniisip ko lang ang kapatid mo."anito na ang tinutukoy ay si Margareth.
Napatango-tango si Maila.Hindi naman kasi lingid rito ang galit ni Margareth sa amang si Manolo.
Batid din naman ng dalaga na hindi lang naman ito galit sa kaniyang Papa pati na rin sa kanilang dalawa ng kaniyang Mama.Hindi pa niya personal itong nakakaharap.Kaya hindi niya alam kung anong klase mayroon pag-uugali ang kaniyang kapatid.Ngunit sa ginagawa nitong pagpapahirap sa kaniyang Papa ay parang hindi niya nagugustuhan.
"Gusto ho ba ninyo kausapin ko sya."
Mabilis ang naging pag-iling ni Manolo.KUng maaari nga lamang na huwag ng magtagpo ang landas ng magkapatid para mas maiwasan ang gulo.Kung galit sa kaniya si Margareth mas doble ang galit nito sa kaniyang bagong Pamilya kaya hangga't maaari ay gusto niyang iiwas ang mga ito.Hindi bale ng siya na lang huwag lang ang kaniyang mag-ina.Hindi niya gustong lumaki pa ang gulo kung pati ang mga ito ay makikisali pa.Alam naman niya na hindi makikigulo si Maaila at gusto lamang nitong makatulong ngunit hindi pa nito nakakaharap si margareth at baka mauwi lamang sa hindi maganda ang paghaharap ng mga ito.At iyun ang ayaw niyang mangyari.
"Huwag na,anak..Alam kung gusto mo lamang makatulong suballit hayaan mo na ito sa akin.Hindi ko ibig na madamay pa kayo sa galit ni Margareth."
"Pa,alam ko naman na simula ng malaman niya ang tungkol sa amin ay galit na siya."
"Kaya nga,Hija,ipaubaya na natin ito sa iyong Papa,huwag mo ng gawin ang makipag-usap pa sa kapatid mo dahil natitiyak ko na baka umusok lang lalo ang bumbunan nun sa atin."ani Melit.
Malungkot na tumango si Maila.
Sabik pa naman siya sa isang kapatid.Wala din naman siyang hangad kundi ang maging maayos sana sila at mabuo bilang isang pamilya kasama si Margareth.
Sinundo ni Brylle ang kaniyang girlfriend na si Maila.Nagkataon kasi na parehas nilang day-off sa trabaho kaya naman niyaya niya itong mag-date.
Simple lang naman kapag lumalabas sila ni Maila.Sa paborito nilang park sila unang pumupunta.Masaya silang nagkukuwentuhan habang nakaupo sa damuhan at kumakain ng ice cream.Hilig kasi nito ang kumain ng matatamis at isa na iyun sa kaligayahan ng kaniyang nobya.
"Mabuti nalang hindi ka tumataba kahit mahilig kang kumain ng matatamis."
Napalabi ito sa nobyo.
"bakit kapag tumaba ba ako ay aayawan muna ako."
Napangiti si Brylle,
"Syempre hindi.Kahit maging porky girl ka ikaw pa rin ang mamahalin ko."
"Anong porky girl?"pinandilatan ito ng mga mata ni Maila."Tingin mo sa akin magiging baboy talaga sa katabaan."
Natawa si Brylle.Biro lang naman niya iyun sa kaniyang nobya.
"Nagbibiro lang.Kahit anu pa maging hitsura mo hindi kita ipagpapalit."
"Talaga?"nakangiting tanong ni Maila.
"Oo naman.Pangako."ani Brylle na itinaas pa ang kanang kamay.
"Hmm..bolero."ani Maila ngunit nakangiti.
Mahigit isang taon na ang kanilang relasyon ni Maila.At wala naman silang naging problema sa isa't isa.Masyado kasing mabait at maunawain ang kaniyang nobya kaya wala sila nitong pinag-aawayan.Never itong nagdemand ng anu pa man sa kaniya.At isa iyun sa nagustuhan niya sa babae dahil marunong itong makuntento at hindi mapaghanap.
Sa isang banda kasi ay hindi niya maibibigay talaga kay Maila ang expensive date katulad ng ibang lalake.May pamilya kasi ssiyang kailangan na suportahan sa Probinsya at halos doon lamang napupunta ang lahat ng kaniyang sahod.may mga kapatid pa kasi siya na nag-aaral at hindi na iyun kaya pang tustusan ng kaniyang ama dahil sapat lamang ang kinikita nito sa gastusin sa pang-araw-araw.At kung may matira man tanging iyun lamang ang pinagkakasya niya para sa pantustos niya sa kaniyang sarili kasama na doon ang budget kapag lalabas sila ni Maila.Ngunit bihira pa iyun mangyari.Madalas ay sa bahay lamang ng kaniyang nobya sila kapag wala talaga siyang pera.nahihiya naman siya kung nobya niya ang gagastos.
"Salamat huh."
Napakunot-noo ito.
"Para saan?"
"Kasi kahit hindi ako mayaman katulad ng mga nanliligaw sayo,ako pa rin ang pinili mo."
"Hmmm..sus,nagdrama na naman ang boyfriend ko."anitong pinisil ang ilong ni Brylle."Alam mo naman hindi ako nadadala sa materyal na bagay..At saka wala ng makakatalo pa sa isang katulad mo."
"Hmm..totoo?"
"Oo naman.Bukod sa napakabait at napakalambing ay super gwapo pa."ani Maila na itinaas pa ng bahagya ang baba ni Brylle.
"Mukhang magbobolahan naman tayo nito buong maghapon ah."pagbibiro ni Brylle.
Natawa si Maila.
Masaya na sila sa ganuon basta magkasama silang dalawa..Inuubos nila ang kanilang buong maghapon sa pamamasyal.