Kabanata 19

1000 Words
Dahil pursigido si Margareth na muling maibalik ang dating maayos at ganda ng Hotel ay pinokosan talaga ito ng dalaga na nagdulot naman ng magandang resulta.After renovation ay mas lalong gumanda ang Bluehigh Hotel. Isang matagumpay na ngiti ang sumilay sa labi ng dalaga dahil ilang araw pa lamang simula ng muli silang magbukas ay dinumog na muli ng maraming guest ang Hotel.Halos ma-fully booked ang room ng Hotel. Mabuti na lamang at pinanindigan talaga niya na ipaglaban ito sa kaniyang ama dahil kung nagkataon na nahuli siya ay baka ngayon wala na sa kaniyang mga kamay ang Hotel at pagmamay-ari na ng iba. "I'm happy for you,my dear."ani Jazher. "Thank you..kung hindi naman sa tulong ninyo ni Tito Roman hindi rin naman ako magkakaroon ng lakas ng loob na gawin ang lahat ng ito." "Ilang araw na lang at mangyayari na ang pinakahihintay mo,mapupunta na sayo ang lahat ng ninanais mo." "Yeah,"aniya."Cheers." Inangat naman nito ang hawak ng kopita. "Sana ay maging masaya ka pagkatapos ng lahat ng ito." "Of course..tuluyan na akong magiging masaya kapag nakita ko na si Manolo Arevalo na gumagapang sa hirap dahil wala na sa kaniya ang lahat." Napailing si Jazher.Minsan ay kinikilabutan siya sa mga sinasabi ni Margareth sa ama nito.Ngunit hindi niya masisisi ang kaibigan kung bakit malalim ang sugat na nakaukit sa puso nito.Sapagkat grabe din naman ang hirap na pinagdaanan nito ng mawala ang ina ng kaniyang kaibigan.At pagkatapos ay pinakasalan pa ni Manolo ang naging babae nito na lalong nagpaigting ng galit ni Margareth. "Magiging masaya na si Mama kung saan man siya naroon dahil alam niyang ipinaglaban ko ang lahat ng para sa kaniya." "Kaya?" "Ano ka ba?"napaismid si Margareth."parang hindi ka masaya,parang ako lang yung nagsasaya." "Masaya ako para sayo." Ngumiti si Margareth at nilagok ang huling natitirang laman ng alak sa hawak nitong kopita. Ilang araw na lamang ang kaniyang hihintayin at mapapasakaniya na ang lahat ng inaari ni Manolo.Magugulat na lamang ang kaniyang ama paggising nito isang araw na kahit isang kusing ay walang matitira rito dahil siya na ang nagmamay-ari ng lahat. Wala itong kamalay-malay sa mga maaaring maganap sa mga susunod na araw.Kaya hahayaan na muna niyang mag-enjoy ang kaniyang ama kasama ang pangalawa nitong pamilya at namnamin ang anumang meron ito ngayon. "May mga oras na napapaisip lang ako kung sa ginagawa mo bang ito ay siyang makakatulong para tuluyang humilom ang sugat dyan sa puso mo." Natigilan si Margareth.Ngunit saglit lamang iyun. Matagal niyang pinagplanuhan ito.Bago pa lamang siya magtungong America ay alam na nito ang kaniyang mga plano..Maghihilom lamang ang sugat sa kaniyang puso kapag nakita niyang naghihirap na ang taong lumikha nito. Kung nanalo man siya sa kaniyang ama na hindi nito naibenta ang Hotel ay hindi pa ito ang simula sapagkat magsisimula pa lamang ang tunay na laban nilang mag-ama. "Maghihilom lamang ang sugat sa aking puso kapag nagtagumpay na ako sa lahat ng plano ko." "Well,goodluck sayo." "Hindi naman ako nag-iisa sa laban na ito hindi ba?nandyan naman kayo ni Tito manolo." "May choice ba kami?" Natawa siya. "Wala." "Paano maiwanan na kita dahil may mga dapat pa akong asikasuhin."anito. "Okay." Tumayo ito.Lumapit sa dalaga upang bigyan ito ng halik sa pisngi ngunit bigla ang naging pagbaling ng mukha ni Margareth kaya medyo dumaplis sa lips ng dalaga ang balak sana nitong paghalik sa pisngi. "Opps."napahagikhik si Margareth."Langya ka,ikaw pa magiging first kiss ko mabuti na lang dumaplis ng kunti." Natawa si Jazher. "Ang likot kasi ng mukha mo.Bakit sino ba ang gusto mo maging first kiss?" "Malamang yung lalakeng iibigin ko.." Natawa ito. "Sus,arte."anito."Wala ka nun." Napalabi siya.Matagal na silang magkaibigan ni Jazher at very comfortable na sila sa isa't isa kahit pa sabihing lalake ito.Sanay na sila sa pagdidikitan ng mga katawan na hindi nila binibigyan ng malisya dahil para sa kanila ay normal lamang iyun. "Sige na.Go ka na." Natatawang iniwanan nito si margareth. Naiiling na sinundan na lamang ng tingin ni Margareth ang kaibigan.Malaking pasasalamat niya dahil may kaibigan siyang katulad ni Jazher na kahit kailanman ay hindi siya iniiwan sa anumang laban na kaniyang kinakaharap.Jazher always beside her.. Sa di kalayuan naman ay kitang-kita ni Brylle ang naging kaganapan sa pagitan nina Jazher at Margareth.Boyfriend kaya ng kanilang Boss ang lalakeng iyun.Siguro.Malamang.Sa sobrang sweet ng dalawa at may pahalik pa ito sa lips imposible naman na hindi ito boyfriend ng kanilang Boss.Gwapo naman ang lalake at mukhang may sinabi din sa buhay dahil sa pananamit at kilos nito. "Nagseselos ka?" Napapitlag si Brylle ng biglang may magsalita mula sa kaniyang likuran.Ang kaniyang kaibigan na si Harold. "Selos ka no." "Siraulo."aniya."Tigilan mo nga ako Harold dahil hindi ka na nakakatuwa." "Eh!bakit kasi para kang nastroke dyan sa paagkakatayo habang pinapanood sila at tila may nababanaag akong pagseselos sa iyong mga mata."nanunukso ang mga nigiting wika nito. Natigilan si Brylle.Siya nagseselos?Kalokohan!bakit naman siya magseselos.At saka hindi puwedeng mangyari iyun dahil may girlfriend din naman siya.At ano naman kung may kahalikan ito.Kung aano-ano lang kasi ang nakikita at naiisipan nitong si Harold kaya pati siya ay dinadamay sa kalokohan nito. "Tumigil ka na dahil malapit na kitang umbagin." "Sus..halata naman." "Bahala ka nga sa buhaay mo."anitong iniwan si Harold kesa kulitin pa siyaa nito ng kulitin. Bakit naman siya magseselos.Walang dahilan para magselos siya dahil wala naman siyang nararamdaman kay Margareth kaya imposible ang sinasabi ni Harold. Hindi mangyayari ang sinasabi nito.Iyun ang isa sa mga bagay na malabong mangyari Kaagad na hinugot mula sa bulsa ng pantalon ang kaniyang cellphone at tinawagan si Maila upang mawala ang agam-agam sa kaniyang dibdib. "Hi,love." "Oh!napatawag ka?"taanong ni Maila sa kabilang linya."may problema ba?" "Wala naman,namimiss lang kita." "Ay sus naman.I miss you too,Love." "Oh sige na at baka naiistorbo kita sa trabaho mo,gusto ko lang naman marinig ang boses mo." Iyun nga ba ang dahilan o dahil may iba pang dahilan. Bakit ano pa bang ibang dahilan? Marahas na napabuga ng hangin si Brylle bakit ba siya nagpapaapekto sa mga sinasabi ng kaibigan na si Harold.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD