Kabanata 20

1000 Words
Nag-inat ng kaniyang likod si Margareth at pansamantalang iniwan ang ginagawa sa kaniyang laptop.Nangalay na ito sa tagal niyang nakababad sa pagkakaupo.Kanina pa nakaalis si Jazher ngunit nanatili pa rin siya sa lobby ng Hotel at hindi na muna nagbalik sa kaniyang silid.Nag-eenjoy siya na pagmasdan ang mga guest na labas-pasok sa b****a ng Hotel.May kaligayahan siyang nadarama sa kaniyang puso dahil heto na ang isa sa mga sagot sa matagal na niyang gusto ang i-manage ang Bluehigh Hotel. Natitiyak niya saan man naroroon ang kaniyang ina ngayon ay magiging proud ito para sa kaniya. Tinawag niya ang napadaan na lobby attendants.Kanina pa siya nakakaramdam ng antok at pangangalam ng sikmura. "Padalhan mo ako dito ng kape and one piece of carrot cake.." Tumango ang kaniyang inutusan at kaagad itong sumunod. Kailangan niya magkape upang mawala ang kaniyang antok.Naaalala niya na hindi pala siya naglunch kanina dahil inalok kaagad siya ni Jazher na magshots.Hindi naman karamihan ang nainum nilang alak ni Jazherr kanina dahil hindi man lamang iyun tumalab sa kaniya. Naisipan niyang tawagan ang kaibigan. "Huwag kang istorbo dahil busy ako.Ano ba ang kailangan mo?" Kaagad na turan nito sa kabilang linya. Napaangat ang kilay ni Margareth dahil pati ba naman ang pagtawag sa telepono ay strict ang kaniyang kaibigan at ayaw man lamang nitong maistorbo sa ginagawa. "Gaano ka ba ka-busy dahil ang sungit mo."aniyang nanunukso pa. "Margareth Arevalo kung wala ka naman magandang sasabihin pwede ba mamaya ka na tumawag." "Sobra naman ito.Oo na,end call ko na." Kapag ganun ang tono ng kaibigan niyang si Jazher ay ayaw talaga nitong magpaistorbo at wala siyang power para kulitin ito. Mayamaya pa ay dumating na ang kaniyang kape at carrot cake. Mabuti pa ay kumain na lamang siya dahil kanina pa niya naririnig ang pag-alburoto ng kaniyang tiyan. "Thank you." Humigop siya ng kape. "You,re welcome,Miss Margareth.May iba pa ho ba kayong ipag-uutos?" "Wala na.You can go back to your work." "Okay ho." Magalang na nagpaalam na ito sa kaniya. Habang kumakain ay abala rin siya sa pagpindot sa kaniyang laptop. "Miss Margareth,may gusto ho sainyong kumausap."ani ng isa sa mga staff ng hotel na lumapit sa kaniya. Napakunot-noo si Margareth.Wala naman siyang inaasahan na bisita.Hindi naman pwe-pwedeng sina Patty at Roxie iyun dahil kapwa abala rin sa ngayon ang kaniyang mga kaibigan.Kaya nga wala silang oras para magjamming sa isa't isa.Sino naman kaya ang gustong kumausap sa kaniya. "Sino?" "Ako." Isang nakangiting lalake ang tumambad sa kaniya.Hindi maipagkakailang isa itong sundalo base sa suot nitong uniform.Gwapo ito sa salitang gwapo..idinagdag pa ang matikas nitong pangagatawan.Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni margareth kung sino ang lalakeng ito na gustong kumausap sa kaniya. Wala naman siyang natatandaan na may kakilala siyang sundalo.At parang kilala siya nito base sa pagkakangiti nito sa kaniya huh.kahit ilang ulit niya itong pasadahan ng tingin ay wala talaga siyang matandaan. Hindi talaga niya kilala ang lalakeng ito. "YEs"kunot ang noo na tanong niya sa lalakeng kaharap. "Hindi muna ba talaga ako nakikilala?"hindi nawawala ang ngiting nakapagkit sa mga labi nito. Napailing siya.Sino ba ito?Gusto niyang makaramdam ng inis sa lalake lalo na at feeling kilala siya nito. "KUnsabagay.hindi na ako magtataka kung bakit hindi mo talaga ako natatandaan..Isang nerd na lalakeng dating sumusunod-sunod sayo noon."anito na bahagyang natawa. Napaawang ang bibig ni Margareth ng marinig dito ang salitang nerd.Kaagad na rumihistro sa kaniyang utak si Franco Montes ang lalakeng masugid niyang manliligaw noon.Binasted niya noon ang lalake hindi dahil nerd ito oh may kawerduhan talaga noon.Wala pa lamang talaga sa utak niya ang pakikipagboyfriend.Hindi lang naman ito ang lalakeng umaali-aligid sa kaniya noon na kaniyang binasted. Wow!anang isip ni Margareth.Hindi niya akalain na malaki ang ipinagbago ni Franco at naging isang ganap na sundalo pa ito huh.Samantalang noon baka mas brusko pa siyang tingnan dito noon dahil bukod sa suot nitong makapal na salamin ay payatot pa ito.Kaunting ihip lang ng hangin ay liliparin na.Pero tingnan mo naman ngayon kasing kisig ng artistang si Jayson Statham. "Franco?" Tumango ito. "Pwede na ba akong maupo." Natawa ng bahagya si Margaret. "Maupo ka.Pasensya ka na hindi talaga kita nakilala ang laki ng ipinagbago mo." Paghingi niya ng paumanhin sa lalake. "Ayos lang.Hindi lang naman ikaw ang hindi ako nakikilala kaagad." "Well,gumuwapo ka kasi."aniya na idinaan sa biro ang sinabi. Natawa ito. "Nagulat ka ba bigla sa change look ko." "Yes.Hindi ko akalain na ganyan ka pala kagwapo."aniyang natatawa." "Wow..nagsisisi ka na ba dahil hindi mo sinagot noon ang ganitong pagmumukha."nanunuksong tanong nito sabay kindat. "Sira.."aniya."Ano nga pala ang ginagawa mo rito?" "Dito kasi nakacheck-in yung kaibigan ko kaya naisipan kung puntahan." "Oh!I see.." "Ikaw?kumusta kana?Hindi sinasadyang nakita kita..at naitanong ko nga sa staff ng hotel kung nakacheck in ka rito and they said na ikaw ang Boss nila." "Hmm..Yeah!" "Alam mo sa totoo lang kamuntik na rin kitang hindi makilala.Ikaw rin naman kasi ang laki ng ipinagbago mo,mas lalo kang gumanda." "Wow,salamat." "By the way,hindi ba kita naiistorbo?" "Hindi naman." Halos tumagal ang naging kuwentuhan nila ni Franco bago ito nagpaalam sa kaniya.At ang loko dahil nagpapalipad hangin ulit sa kaniya.Natatawa na lamang ssiya sa isipin na iyun.Katulad noon ay wala pa sa isip niya ang pumasok sa isang seryosong relasyon.Lalo na at unti-unti na niyang naisasakatuparan ang kaniyang mga plano para sa kaniya kasi ay magiging hadlang lamang kung isasabay niya ang kaniyang lovelife.Mas mabuti na yung walang hassle..malaya siyang kumilos at walang obligasyon kaninuman. Sa kabilang banda ay maging ang naging kausap ni Margareth kanina na si Franco ay hindi nakaligtas sa mga paningin ni Brylle.Hindi naman talaga nakapagtataka kung hindi lamang isa ang nabibighani sa kaniyang amo.Maganda naman kasi ito.Teka lang! bakit ba parang nagmamaktol siya..Huwag mong sabihin totoo ang mga sinasabi ni Harold na nagseselos siya. Hindi.naipilig ni Brylle ang kaniyang ulo. Muli niyang itinuon ang sarili sa ginagawa at pilit na inaalis sa isipan si Margareth.Hindi tamang okupahin ni margareth ang kaniyang isipan dahil mali iyun.Nagkakasala siya sa kaniyang nobya na si Maila. At isa pa,hindi nga tama iyun. Shit!anang kaniyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD