Chapter Four--Pagtatagpo

1000 Words
Sa kaniyang pagmamadali ay hindi napansin ni Margareth ang isa sa mga employee ng hotel.Natabig niya ang kamay nito na may hawak ng styro cup..Tumapon tuloy ang laman ng cup sa suot nitong damit. Anak naman ng tokwa!.napabuuga ng hangin si Brylle. Nabuhusan ba naman siya ng hawak niyang baso na may laman ng kape.Kahit na may suot siyang damit ay ramdam pa rin niya ang init na tumagos sa kaniyang katawan.Ano ba naman kamalasan!Yung nag-iisang uniform niya na pinakaiingat-ingatan huwag madumihan ay nabasa pa ng kape na kaniyang dala-dala. Kapag minalas ka nga naman oh!hindi pa man lang niya nahihigop ang kape ay natapon na.. "Opps." Magkasalubong ang mga kilay na binalingan niya ang babaeng nakabunggo sa kaniya. Ang babaeng hindi man lamang tumitingin sa dinaraanan nito. Opps!yun lang?talaga lang huh!wala man lang pagsorry mula rito.Wow naman!Hindi ba nito nakikita ang ginawa nitong katangahan. "Ganun lang?Nakikita mo ba ang ginawa mo." Napakunot-noo si Margareth.Sino ba ang lalakeng ito?Ang lakas ng loob nito na pagsalitaan siya.Hindi ba nito kilala kung sino ang kaharap nito. "What do you want?" Napalatak si Brylle.Nakakapikon ang inaasal ng babaeng ito.Parang wala man lang nangyari.Hindi ba ito marunong mag-sorry man lang. "Nakikita mo itong damit ko?"turo niya sa damit na natapunan ng kape."Kung marunong kang tumingin sa dinadaanan mo hindi matatapon ang dala kung kape." Napaangat ng kilay si Margareth.Iyun lang ba ang inaangal ng lalakeng ito,dahil natapon ang dala nitong kape. Ah!okay got it...kinuha ang pitaka at dumukot doon ng isang libo.. "Here,bumili ka na lang ng bago mong kape,okay!" Wow naman!napakagat labi si Brylle.Ganun lang talaga ito ka-cool..Wala man lang ba talagang pag-sorry mula rito. Walastik din naman ang babaeng ito.Hindi ba ito marunong makaramdam. Ganun lang talaga!hindi man lamang ito nataranta na nakaagrabyado ito ng tao.Talaga ba Bryle?agrabyado agad?eh!natapunan lang naman siya ng kape.Umandar na naman kaagad ang pagiging maselan mo. Ano pa ba ang gusto niya ang humingi ito ng tawad sa kaniya.Yes!kasalanan nito kung bakit natapunan ng kape ang kaniyang damit.Kasalanan nito kung bakit hindi man lamang niya natikman ang binili niyang kape.At kahit simpleng 'sorry'wala man lang.Tapos ngayon dadaanin siya sa pagbigay ng pera.Anong tingin nito sa kaniya mukhang pera. "Hindi mo ako madadala sa pagbigay mo ng pera." "What?"napakunot-noo si Margareth."Hindi kita sinusuhulan,kung yun ang pagkakaintndi mo,just...ah!bayad ko yan sa natapon mong drinks." "Wow!galante ka Madam,isipin mo isang maliit na styro cup na kape,isang libo.." "Wait!what do you want? I'm in a hurry,I have no time to argument for this..Kunin mo ito and bumili ka ulit." "Wala ka man lang pag-aalala sa tao..basta ganun na lang ba yun?" "My Gosh!"umikot ang eyeball ni Margareth."Tell me,what do you want?Binibigyan na kita ng pambili,anu pa ba?" "Wala ka man lang pag-aalala sa tao." "What?"namilog ang mga mata ni Margareth.. Wait a minute!ano ba ang gusto ng lalakeng ito?Mag-alala pa siya para dito..How ridiculous!Sino ba ito para bigyan niya ng atensyon. "Look!Mister,pwede ba wala akong time na makipagjokes o good time sayo.And I don't know you.Kaya pwede ba tanggapin muna itong pera." Tiningnan ito ng mabuti ni Brylle. Ngayon lamang niya napagtanto na walang kasing ganda pala ang babae na kaniyang kaharap ..Wow!para pala itong dyosa sa kagandahan.Bakit ngayon lamang niya ito napansin.Wala tuloy sa loob na napatitig siya sa babae.Hindi nakakasawang tingnan ang maladyosa nitog kagandahan.. Napaangat naman ng kilay si Margareth. Napansin ang pagkakatitig sa kaniya ng lalake.Kung hindi lang maamo ang mukha nito ay iisipin niya na m******s ito.But the way he look at her ay hindi naman niya nakikita na may pambabastos o pagnanasa ang pagkakatitig nito sa kaniya.Tila ba ito isa lang bata na hindi makapaniwala sa nakita at nasurpresa lang. Siguro iyun lang naman ang intensyon ng pagkakatitig nito sa kaniya.Na-amaze sa kaniyang looks.Imbes na magalit sa lalake ay napangiti pa siya. "So,how do I look?"namimilya ang mga ngiting tanong ni Margareth.. "Huh!"napalunok si Brylle . Medyo napahiya ito kaya sabay bawi agad ng tingin sa babae.. Hindi niya alam na saglit pala siyang natulala sa kagandahan nito.Baka isipin pa nito ay m******s siya..Ay naku!naman Brylle, "May problema ba sa pagmumukha ko?" "Wa..wala.."anito. Sabay hablot sa perang hawak ni Margaret. Para naman hindi halatang napahiya siya. "Okay na ito,pangpalaundry sa nabasa kong damit." Saka nagmamadaling iniwan ang babae. Natawa ng bahagya si Margareth. Ang cute naman ng guy na iyun.Nakakaaliw! Napangiti siya.Hindi maikakaila sa mga mata nito ang paghanga kanina habang tinitigan siya nito. Para bang kanina lamang ito nakakita ng maganda. Patanggi-tanggi pa ito na ayaw kunin ang pera.Tatanggapin din pala. Pero sa tingin naman niya ay parang pang-asar lang naman nito nang kunin ang inalok niyang pera.Sa tingin naman niya ay hindi ito mapagsamantalang tao.. Well,napakibit-balikat na lamang si Margareth . Nagmamadaling bumalik siya sa kaniyang room upang kunin ang ibang mga naiwan gamit.Kailangan na niyang magmadali at baka mahuli siya sa kaniyang flight.Baka matraffic kasi papuntang airport.Mahirap na kapag hindi siya umabot. Hindi siya maaring magtagal dito sa Pilipinas.Tiyak na hindi siya tatantanan ng kaniyang ama. Hindi pa siya handang harapin at kausapin ito. "San ka na ba?" Si Jazher sa kabilang linya.Halata na sa boses nito ang pagkainip. "I'm on my way na." "Bilisan mo.Kanina pa ako rito." "Ano,sabihin ko sa taxi driver na paliparin na itong taxi..Eh,di mas baka lalong hindi ako makarating." "Bagoong na naman ang kinalabasan ko nito."reklamo ni Jazher. Bahagyang natawa si Margaux.Wala na talaga siyang ibang naririnig sa bibig ng kaibigan kundi puro reklamo. Anak si Jazher ni Atty.Mendes.Mga bata pa lamang sila ay magkaibigan na.Higit pa sa magkaibigan ang turing nila sa isa't isa.Ito na ang tumatayo na big brother niya.Kaya naman super close silang dalawa. Kaya lamang ay masyado na rin itong busy. Kararating lang din nito galing Thailand.Hindi na ito umabot pa sa libing ng kaniyang ina. Samantala,pinakatitigan naman ni Brylle ang kaniyang hawak na pera.Pinag-iisipan kung ibibili ba niya ito o itatago na lamang.P.agkuwa'y kumuha ito ng ballpen.Isinulat ang araw at taon ng pagtatagpo nila ng babae. Pinangalanan niya ito na 'Miss hindi marunong magsorry.'.Bago iyun itinupi at isinilid sa kaniyang wallet.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD