Ito na ang simula ng panibagong yugto ng kaniyang bagong kabanata sa America.
Bago pa man siya tumungo dito sa America ay pinaasikaso na niya ang lahat-lahat kay Atty.
Ang bahay na kaniyang tutuluyan at ang eskwelahan na kaniyang papasukan..Minabuti niya na kausapin si Atty.mendes.At ilihim sa lahat kung saan talaga siya naroroon.Tanging ito lamang at si Jazher ang nakakaalam.Wala siyang ibang pinagkakatiwalaan sa ngayon kundi ang mag-ama lamang.
Walang nakakaalam ng paglisan niya sa Pilipinas.Maging sina Patty at Roxie ay walang alam.
Mas mabuti ng walang nakakaalam kung saan siya naroroon.Hindi niya gustong pati ang mga ito ay guluhin ng kaniyang ama.
Bago pa man siya magtungo dito sa America ay nakaplano na ang lahat.
Dito siya magsisimula ng panibagong buhay ng nag-iisa.Kaya kailangan niyang lakasan ang loob at magpakatatag.
Maghintay lamang ang kaniyang ama dahil muli siyang babalik sa Pilipinas.Babawiin niya ang lahat-lahat na pagmamay-ari ng kaniyang ina.Tutal naman ay hindi ito pagmamay-ari ng kaniyang mga magulang dahil lahat ng iyun ay sa kaniyang Lolo Anton.Hindi niya hahayaan na ang magtamasa ng naiwang mga ari-arian ng kaniyang ina ay ang kaniyang ama na walang utang na loob.At isama pa ang pangalawa nitong pamilya.
Kapag handa na siya saka niya babalikan ang kaniyang ama at ang pangalawa nitong pamilya.Sisiguraduhin niya na pupulutin ang mga ito sa kangkungan.
Sa ngayon ay pipilitin na muna niyang isantabi ang lahat ng alalahanin.Kailangan niyang makapagpokos sa kaniyang pag-aaral.Alam niyang mahirap pero kakayanin niya para sa kaniyang ina..
Sa simula ay naging mahirap para sa kaniya ang lahat.
Subalit kinalaunan naman ay nakasanayan na rin niya ang pamumuhay sa America.
sa bawat araw na lumipas ay naging madali na rin para sa kaniya ang lahat.
May mga pagkakataon na natutukso na siya na kontakin ang mga naiwan sa mansyon at ang kaniyang dalawang kaibigan na sina Patty at Roxie.Namimis na rin naman niya ang mga ito.Ngunit pinipigilan niya ang kaniyang sarili.
Hindi pa sa ngayon.
May tamang panahon para sa lahat.
Ang kailangan lang na muna niya ngayon ay magpokos sa buhay niya sa America.
May mga gabing hindi niya kinakaya at binabalot siya ng matinding kalungkutan.Ngunit wala siyang magagawa kundi iiyak na lamang iyun sa apat na sulok ng kaniyang kuwarto.Wala naman siyang mahihingahan doon ng kalungkutan na kaniyang nararamdaman.Kaya sinasarili na lamang niya ang lungkot at sakit sa kaniyang dibdib.
Ngdesisyon siya na tumungo dito sa America na buo ang loob dahil iyun ang kaniyang kagustuhan.Hindi siya pwedeng maging mahina dahil wala siyang maituturing na kakampi doon.
"Hi Marga,good morning."bati sa kaniya ng isang pinay din.
Isa sa mga kasamahan niya sa bahay na kaniyang nirerentahan.Pinili niya ang may kasama upang hindi niya maramdaman na tuluyan na talaga siyang nag-iisa.Nakakatulong rin kasi ang mga ito dahil kahit papaano ay mayroon siyang kakilala at nakakausap.
"Hi"aniya..
Kumuha siya ng tinapay at nagtimpla ng kape.
Wala naman siyang pasok ng araw na iyun.Maaga lamang talaga siyang gumising dahil balak niyang maghanap ng sideline.
Gusto niyang magtrabaho para hindi siya umaasa lang sa kaniyang savings at sa padala ni Atty.Mendes
Mabuti na rin yun may pinagkakakitaan siya.At saka para malibang na rin. siya.Sayang naman kasi ang araw na wala siyang pasok,nagbababad lamang siya sa kaniyang kuwarto.Bibihira lang naman siya lumabas.Minsan,kapag niyaya lamang siya ng mga kasamahan o di kaya ng kaniyang mga classmates.
"May balak ka bang gumala ngayon araw?"tanong nito sa kaniya.
Si Flora.Siguro mga limang taon ang tanda nito sa kaniya.
"Maghahanap sana ako ng trabaho."
"Trabaho ba ikamo?"
Tumango siya..
"Kesa naman wala akong magawa at tumunganga lang buong araw,pero sideline lang naman.Kapag wala lang akong pasok."
"Ay naku!tamang-tama dahil naghahanap yung amo ko ng gardener,kung gusto mo ikaw ang ererekomenda ko."
"Ga..gardener?"medyo natigilan si Margareth,.
Kasi naman, anong naman ang alam niya sa paghahalaman.Hindi niya kinahiligan ang mga bulaklak.Kahit na may munting hardin ang kaniyang ina.Noong nabubuhay pa ang kaniyang ina ay ang paghahardin ang tanging libangan nito.
"Huwag kang mag-alala hindi ka naman mahihirapan,madali lang naman.."ani Flora.
Nakita kasi nito ang pag-aalinlangan kay margareth.Hindi naman kasi lingid dito ang estado ng buhay ni Margareth.
At napahanga siya ng dalaga dahil kahit na rich ito ay gusto pa rin nitong magbanat ng buto.Hindi katulad ng iba niyang kakilala na super rich sa arte.
"Si..sige,susubukan ko.."ani margareth.
Wala naman masama kung susubukan niya,ang mahalaga sumubok siya.Sa America hindi pwede ang paarte-arte dapat marunong ka din dumiskarte sa sarili mo.Dahil wala naman siya doon yaya na maaari niyang utusan,kundi siya mismo talaga ang kikilos para sa kaniyang sarili..
"Okay,maliligo lang ako.Tapos sabay na tayong pumunta."
"okay..tapusin ko lang tong breakfast ko."
Ipinakilala nga siya ni Flora sa amo nito.At laking tuwa niya dahil magsisimula na rin siya ng araw na iyun.Sinamahan siya nito upang turuan kung paano ang trabaho ng isang gardener.Sa umpisa ay medyo nahirapan talaga siya.Nagkatusok-tusok pa ng tinik na roses ang kaniyang mga daliri.Kamuntik na talaga siyang sumuko at umuwi na lang ng bahay.
Ngunit magaling si Flora na mangumbinsi at magturo. Kaya naman nakuha rin niya kahit papaano.Kung tutuusin parang ang dali-dali lang namang gawin,ngunit sa katulad niyang first timer at hindi naman sanay sa ganun gawain ay mahihirapan talaga..
Ngunit pasasaan ba't makukuha at makakasanayan rin niya iyun..
Mabuti na rin iyung may kasama siya si Flora,kahit papaano may makakausap siya roon at hindi siya maalangan.
Mabait naman ito at palaging nakaalalay sa kaniya.
dahil sa Pilipinas nga naman ay buhay prinsesa siya..ngunit iba dito sa America..kailangan niyang magsumikap..at hindi umasa lamang sa pera niya sa banko..Mabuti na yung may trabaho siya doon para naman kahit sa pagkain lamang niya ay may pangsuporta siya..Kailangan niyang matuto at makaranas ng kaunting hirap para mas lumawak ang kaniyang karanasan at kaalaman.
Sa simula ay nakaramdam ng p*******t ng mga kalamnan si Margareth.Ngunit pinanindigan niya ang kaniyang trabaho.
Kalaunan ay nakasanayan na rin niya ang pagiging gardener.Masaya naman siya sa kaniyang ginagawa.Malaking tulong na rin iyun sa kaniyan dahil nababawasan ang kaniyang kahungkagan ng kaniyang buhay.
Nalilibang siya na kausapin ang mga naggagandahang bulaklak kapag mag-isa lamang siya.Nakakawala iyun ng kalungkutan.