Chapter Six-Paghahanap

1000 Words
Hindi makapaniwala si Manolo.Ikinagulat nito ng malamang wala na sa Pilipinas si Margareth.. Sinubukan niya na muling bumalik sa mansyon upang kausapin sanang muli ang kaniyang anak.At humingi rito ng kapatawaran. Ngunit hindi niya akalain na ang dadatnan na lamang niya sa Mansion ay ang mga kasambahay.Kaya ganun na lamang ang kaniyang pagkadismaya.Hindi man lamang siya binigyan ng pagkakataon ng kaniyang anak na magkausap sila upang magkaayos. Alam niya kung gaano kalaki ang nagawa niyang pagkakamali. Mahal niya ang kaniyang anak.At walang nabago sa pagmamahal niyang iyun. Umalis ito ng hindi silaa nagkakaayos.Maging ang kinaroroonan nito ay hindi man lang ipinaalam.Kaya labis ang kaniyang pag-aalala para sa dalaga.Lalo na at hindi naman ito sanay ng mag-isa, Minabuti ni Manolo na ipahanap si Margareth sa Europe.Ibig niyang malaman ang kalagayan nito.Ngunit bigo ito na mahanap ng kaniyang inutusan imbestigador. Sapagkat wala talaga sa Europe si Margareth.Hindi talaga doon pumunta ang kaniyang anak.Mali ang ibinigay nitong impormasyon kay Atty.Mendes. Ganun na ba talaga katindi ang galit sa kaniya ng anak upang pagtaguan siya nito. Pagod ang hitsura ni Manolo pagdating nito ng bahay. Sumasakit na ang kaniyang ulo.Hindi alam kung saang sulok ng bansa hahanapin si Margareth. Pakiramdam niya ay sasabog na ang kaniyang utak dahil hindi na malaman kung ano ang gagawin. Puno ng kalituhan kung paano matatagpuan ang kaniyang anak. "Kumusta?"tanong ni Melit ng makitang dumating na si Manolo. Kaagad itong lumapit sa lalaki .At saka masuyong hinimas-himas nito ang noo ni Manolo.Nakikita niya sa hitsura ng asawa ang pagod. Iling lamang ang tanging isinagot nito.Tanda ng wala itong magandang balita tungkol sa anak nito na si Margareth. "Gusto mo ikuha kita ng maiinom."alok niya kay Manolo. Tumango lamang ito... Si Melit ang babaeng matagal ng 'ibinabahay ni Manolo ng mahigit dalawampu't tatlong taon. Sa dalawampu't tatlong taon din na iyun ay nagtatago sila sa bawal nilang relasyon.Pumayag siya sa kagustuhan ni Manolo,alang-alang sa kanilang anak na si Malia. Hindi naman niya ibig makasira ng relasyon. Hindi rin niya sinadyang ibigin si Manolo. Kahit kailan ay hindi siya nakipagkumpetensya sa asawa nito.Hindi naman niya itinuring ito na karibal dahil siya lang naman ang kumabit sa buhay ni Manolo.Sanay na siya sa ganuon set up nila.At kahit na ngayon ay hindi pa rin silang magawang ilantad nito dahil hindi pa ito nakakapababang luksa..Hindi naman siya nagmamadali na gawin iyun ni Manolo. Sanay na rin naman sila ni Malia.Hindi rin naman niya gusto na malantad sa publiko ang bawal nilang relasyon ni Manolo. Mas gugustuhin pa rin niya ang ganitong sitwasyon nila ng lalaki .Mas panatag ang kaniyang kalooban. Tahimik pa ang kanilang buhay at hindi pinag-uusapan..Kaya hindi naman niya kailangang agawin agad ang trono ng namatay nitong asawa at pumalit agad bilang legal ng asawa ni Manolo. Kaya isa siyang maituturing na kabit ni Manolo. Alam niyang malaki ang kasalanan niya sa yumaong asawa ni Manolo. Pumayag siyang ibahay nito kahit patago dahil natutunan na rin naman niyang mahalin ang lalaki.. Ang pagtatagpo at pagkakakilala nila ni Manolo ay isang aksidente lamang at hindi naman talaga sadya na nilapitan nila ang bawat isa upang magkakilanlan..Sa isang bussiness event sila nagkita nito.At sa mga hindi inaasahang pagkakataon ay palagi ng nagtatagpo ang landas nila Manolo.Ang naging daan upang mahulog ang loob nila sa bawat isa. Kahit na alam niyang mali ang mainlove sa taong may asawa na.Hindi pa rin siya nagpapigil.Sinunod pa rin niya ang sigaw ng kaniyang puso.Minahal niya si Manolo.Wala siyang hinihingi na anupa man sa lalaki.Tanggap niya ang lahat dahil siya naman ang pumayag sa ganuong sitwasyon.. Hindi naman siya nagsisisi na pinili niyang maging pangalawa lamang sa buhay ng lalaki .Dahil ipinaramdam naman nito na mahal din siya ng lalake.Nararamdaman naman niya kung gaano rin naman siya nito pinapahalagahan.Katulad ng kung paano nito pahalagahan ang asawa nito na si Editha.. At dahil sa nangyari ay kinakain siya ngayon ng kaniyang kunsensya .Sapagkat sa kabilang banda ay pakiramdam niya isa siya sa may kasalanan kung bakit namatay ang legal na asawa ni Manolo..Aminin man nila ni Manolo sa hindi..sila ang naging dahilan at pinag-ugatan ng lahat kung bakit ito nangyayari sa kanila ngayon. Higit lalo kay Manolo na hindi maitatago ang bigat na dinadala nito sa dibdib..Ramdam niya kung gaano ito nahihirapan at nasasaktan ngayon.Kaya naman palagi siyang nasa tabi nito.Lalo na sa bawat oras na sinisisi nito ang sarili dahil sa pagkamatay ng asawa nito at pag-alis ng anak nito na si Margareth.. Mas higit na kailangan siya ngayon ni Manolo. Lalo na at nagdadalamhati din ito sa pagkawala ng asawa . At problema sa anak nito na si Margareth. "Are you okay?"may pag-aalalang tanong niya rito.Matapos iabot ang dalang tubig. Napahilamos ito ng kamay sa mukha. "Hindi ko na alam ang gagawin ko..Habang hindi ko nakikita si Margareth ay hindi maaalis ang bigat sa aking dibdib."nahihirapang wika nito. "Huwag kang mawalan ng pag-asa."aniya."Ang lahat ng problema ay may solusyon." "Paano kung tuluyan ng hindi magpakita sa akin ang anak ko.Habambuhay kong dadalhin ang kunsensya sa dibdib ko." "Huwag mong isisi ang lahat ng nangyayari sa sarili mo.Walang may kagustuhan nito." Masuyong ginagap niya ang kamay ni Manolo. "Salamat.Sa kabila ng lahat ay nandiyan ka pa rin sa tabi ko.Kahit nawawalan na ako ng oras sainyo ni Malia." Umiling si Melit. "Naiintindihan kita.Anak mo si Margareth,natural lamang na mag-alala ka sa kaniya.Maging ako man ay nag-aalala din sayong anak." "Matindi ang galit na nararamdaman niya sa akin Melit.Para siyang bula na basta na lamang naglaho.Wala talaga siyang balak na makipagsundo sa akin." "Hindi natin masisisi si Margareth kung ginagawa niya ang lahat ng ito." Tumango ito. "Naiintindihan ko naman,Melit.Ang masakit lang ay para bang tinalikuran na niya ako bilang kaniyang ama."may lungkot sa tinig ni Manolo. Masakit sa para sa kaniya na isiping tuluyan na talaga siyang tinalikuran ng kaniyang anak. Nagkamali siya. Nagkasala. Pinagsisisihan na niya ang lahat.Ngunit hindi na niya maibabalik pa ang lahat sa dati. Ang gusto niya ay bumawi sa pagkakasalang iyun. Gusto niyang ilagay sa ayos ang lahat. Magkasundo sila ng kaniyang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD