Kabanata 7-ang pagbabalik

1000 Words
Makalipas ang mahigit apat na taon. Kalalapag lamang ng eroplanong sinasakyan ni Margareth. Hindi naman siya natagalan sa loob ng imigration kaya mabilis siyang nakalabas.Nasa labas na rin ang kaniyang sundo na si jazher ang anak ni Atty.Mendes.Ang lalaki ang tanging nakakaalam pa lamang na naririto na siya sa Pilipinas. Dahil wala pa siyang balak na dumiretso sa kanilang Mansion kaya sa hotel muna siya maglalagi ng ilang araw kaya doon muna siya magpapahatid. "Kumusta naman ang biyahe mo?" "Ayos naman!Salamat naman at sinundo mo ako.." "Well!wala naman ako masyadong pinagkakabesihan ngayon week.So,may time ako para sunduin ka." "Kumusta ang lahat-lahat?" Napalingon ito sa naging tanong niya..na para bang binabasa kung ano ang tumatakbo sa kaniyang isipan. "Alin ang gusto mo unahin kumustahin,kasi marami kang iniwan dapat na ayusin dito sa Pilipinas?" Napabuntong-hininga si Margareth,sa ngayon hindi niya alam kung saan at paano magsisimula at kung ano ba ang dapat na unahin niyang gawin ngayon nandito na siya sa Pilipinas..nalilito rin kasi siya at wala pa siya na anuman plano para sa pagbabalik niyang ito...Ipagkakatiwala muna niya ang lahat dito kay Jazher ang mga dapat niyang asikasuhin habang hindi pa niya napag-aaralan ang mga bagay-bagay at dapat niyang ayusin.Nagretired na kasi ang ama nito sa pagiging abogado kaya naman ito na ang pumalit bilang abogado ng kaniyang ina..Hindi naman nagkakalayo ang kanilang edad kaya naman mas kimportable siya makipag-usap dito at hindi naaalangan..kaibigan na rin naman ang turing niya sa lalaki at parang magkapatid lang ang trato nila sa bawat isa...kaya naman hindi siya nag-aalala dahil alam naman niyang hindi siya nito pababayaan kung saka-sakali..kaya sa ngayon ay gusto na muna niya mag-enjoy bago sumabak sa kakaharapin niyang laban sa kaniyang pagbabalik.. "Ikaw na muna ang bahala sa lahat,." "I know!"anito na umangat ang isang kilay.."pero bigyan mo ako ng break dahil baka mawalan na ako ng lovelife.." Natawa siya sa pagbibiro nito...Minsan,napapaisip din naman siya kung bakit hindi pa ito nakikipagrelasyong gayun may maipagmamalaki na ito sa babaeng gugustuhin nito,napakaswerte ng babaeng mapapangasawa ng kaniyang kaibigan dahil napakabait nito at responsable.. "Bakit may natitipuhan kana ba?" "Hmmm.."anito na hindi sinagot ang kaniyang tanong. "Kainis ka!"aniyang lumabi."nagsisikreto kana." Natawa ito. "Huwag kang mag-alala at ikaw ang unang makakaalam kapag meron na." "Siguraduhin mo." Ngumiti lamang ito. "Nandito na tayo bumababa ka na at may pupuntahan pa ako."anito. Nagkibit balikat siya. "Okay!bye!" Tumango lamang ito at pinasibad na rin ang sasakyan. Wala pa ring pagbabago ang Bluehigh Hotel..Ganun pa rin,naiiling na lamang si Margareth na pumasok ng hotel. Walang nakakakilala sa kaniya bilang anak ng may-ari ng hotel na iyun maliban sa supervisor. Anong nangyari sa apat na taon dahil wala man lamang itong pagbabago..Mapusyaw na ang mga pintura ng building na animo ay isa ng abandonadong building..wala ng kabuhay-buhay,may mga tao pa ba na pumapasok at nagchecheck in dito..dahil kung siya isa sa mga magchecheck-in ay hindi niya gugustuhin na dito manatili kapag sa labas pa lang ay hindi na kasiya-siyang tingnan..Iilan na lamang ang nakikita niyang employee,bakit anong nangyari? Nagngingit ang kaniyang kalooban dahil pinabayaan na ito ng ama at hindi na binigyan pansin.Siguro ay hihintayin na lamang na mabankrupt. "Welcome to Bluehigh,Mam.."magalang at very friendly na salubong sa kaniya ng isang receptionist.. "Ah...I need a room.." "Yes,Mam." Naligo lamang ng mabilisan saka Lnagmamadaling Malis rin ang dalaga.Kahit wala pang gaanong pahinga ay pumunta na kaagad si Margareth sa Bar na pag-aari ng kaniyang kaibigan na si Roxy...Sobrang miss na kasi niya ang kaibigan kaya hindi na niya nagawa pa na magpahinga at dumiretso na kaagad siya sa Bar dahil alam niya na doon ito madalas naglalagi.. .Dahan dahan siyang lumapit sa counter at naupo doon..hindi siya napansin ng kaibigan na lumapit dahil nakatalikod ito. "Isang Margarita please..." Awtomatiko ang naging paglingon nito ng marinig ang pamilyar na boses..Napaawang ang bibig nito sa pagkasurpresa ng makita si Margareth hindi nito inaasahan na sa mahigit na apat na taon na wala itong paramdam ay magkikita pa rin silang muli ng kaibigan.. "Oh my!"kahit may nakapagitan sa kanilang dalawa ay hindi naging hadlang iyun sa mahigpit na yakap sa bawat isa.hindi maitago ang pagkasabik sa mga sarili.. "I miss you,my dear.."aniya. "Ako din bruha ka." Marahan pinunasan ni Margareth ng tissue ang kaniyang luha...Muli pa silang nagyakap ng tuluyan ng makalapit si Roxy.. "Bruha ka!tiniis mo kami ng wala ka man lang paramdam.." "Sorry na!ginawa ko lang yun para takasan ang mga taong hindi ko gustong magkaroon pa ng commitment sa buhay ko.." "Kaya pati kami ni Patty dinamay mo..alam mo bang halos maloka din kami kaiisip kung ano na nangyari sayo sa mahigit apat na taon." "Ito maganda pa rin.." "Kainis ka!nagawa mo pa rin magbiro..pero infairness,ang laki ng ipinagbago mo,girl.."anitong kinurot siya sa tagiliran.."mas naging sophisticated lalo ang peg mo girl...." "Sus!wala ka pa rin pagbabago bolera ka pa rin..tawagan muna si Patty,dali....magwalwal tayo." Natawa si Roxy...mukhang mapapalaban na naman sa inuman silang dalawa ni Patty sa kaibigan nilang ito na si Margareth.. Hindi nga nagtagal matapos tawagan si Patty ay dumating na ito..masayang nagyakapan ang magkaibigan..panay pa ang kurot nito sa tagiliran ni Margareth habang nagsesermon. "Ay naku!umiiral na naman ang pagiging Nanay mo."pagbibiro niya kay Patty sabay muli itong niyakap.."Salamat sa pag-aalala ninyo ni Roxy,tunay ko nga talaga kayong kaibigan." "Hindi man magkakadugtong ang mga pusod natin pero sa puso natin hindi lang tayo magkakaibigan kundi we are sister's." "Tama!"panabay na wika naman nina Roxy at Margareth. "Cheers."aniyang inangat ang baso.. Katanghalian tapat ay hindi hadlang para sa magkakaibigan para hindi uminom.. Napuno ng tawanan,iyakan ang pagkikita nilang iyun na magkakaibigan..halos hindi sila nawalan ng kaniya-kaniyang mga istorya.. Masaya si Margareth na muli niyang nakasama ang mga kaibigan..Noon pa man simula elementarya ay iisa na ang eskwelahan na kanilang pinapasukan kaya naman doon nagsimulang mabuo ang kanilang friendship na hanggang ngayon ay nanatiling matatag...tama si Patty hindi man magkakadugtong ang kanilang mga pusod ngunit higit pa sa magkakapatid ang kanilang turingan..at ipinangako nila sa isa't isa na anuman ang mangyari ay mananatili silang magkakaibigan at walang iwanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD