Kabanata14-lasing

1000 Words
Marahan binuksan ni Brylle ang pinto ng room ni Margareth.Naabutan niya ang babae na kung kanina ay tipsy lamang ngayon ay lango na ito sa alak.Ilang bote na ba ang nalaklak nito mula pag-alis niya kanina . Nakakairitang tingnan sa isang babae kapag wala na są ayos ang sarili nito. Napalingon si Margareth ng maramdaman may pumasok sa loob. "Oh you here,,I thought hindi mo ako sisiputin.Come and join us.."anitong halos kandabilibid na ang dila,wala na sa ayos ang pananalita nito. Marahas na napabuntong-hininga si Brylle. Tahimik na lumapit sa kinaroroonan ng babae.Bakit ba sa dinami-daming empleyado madalas na siya pa ang natyityempuhan sa room na ito. Naupo siya medyo may kalayuan sa babae.Mahirap na kahit wala silang ginagawa. Hindi pa rin magandang tingnan na sila lamang dalawa sa kuwartong iyun. "Here.."inabot nito ang isang bote ng beer kay Brylle. Kinuha iyun ni Brylle at binuksan.Ngunit wala siyang balak na inumin iyun,sasamahan lang niya ang babaeng ito,.For the sake of his work. Habang abala ito sa pag-inom ay mataman itong pinagmasdan ni Brylle. Ang mga mata,ilong,bibig at hugis ng mukha nito.Pakiramdam niya may kung anong bumundol na kung ano sa kaniyang dibdib ng mapagmasdan ang babae.Hindi lang niya matiyak pero parang nakita na niya ito dati pa. Ang bawat anggulo ng mukha nito ay tila pamilyar sa kaniya.Matagal na nahulog sa pag-iisip ang lalake.Inalalang mabuti kung nagkita na ba sila nito dati pa. Oh!hindi kayan ito yung babaeng nakabunggo sa kaniya apat na taon ang nakararaan.Tama!Ito nga yung babaeng nakabuhos sa kaniya ng kape,yung babaeng nagbigay sa kaniya ng isang libo.Hanggang ngayon nga ay nakaipit pa rin sa kaniyang wallet.. Sa totoo lang hindi talaga niya ito agad nakilala.Ang laki na ng ipinagbago nito. Ang dating simpleng ganda nito noon ay napalitan na ng pagiging sopistikada.Ang dati nitong itim na itim na buhok ngayon ay blondie na.At mas lalo pang tumingkad ang kaputian nito.Basta ang laki na ng ipinagbago ng babae kaya hindi na riin niya ito nakilala. Hindi siya makapaniwala na magkikita sila nitong muli. Siguradong katulad niya ay hindi na rin siya natatandaan ng babae. Hindi niya alam kung anong klaseng excitement ang lumukob sa kaniyang puso ng malamang ito ang babaeng nagmamay-ari ng isang libo na pinakatago-tago niya sa kaniyang wallet. At napaisip si Bryle.Ano kayang mayroon sa BlueHigh Hotel,dahil dito pa rin nito pinipili na magcheck -in.Kung tutuusin madami naman magagandang hotel na pagpipilian.. "Alam mo ba..." Naputol sa pag-iisip si Brylle ng muling magsalita si Margareth.. "Ma'am.lasing na kayo.." "Hindi pa ako lasing...a..alam mo bha..nasusuklaam ako sa tatay ko...gus...gusto ko ma-matay na rin siya...gus-to ko mawala na siya sa mundong ito...pa--para wala na akong problema.." Nagulat si Brylle sa tinuran nito.So,iyun pala ang dahilan ng paglalasing nito.Galit ito sa ama.At hindi lang basta galit dahil mukhang matindi ang galit nararamdaman nito.Hindi ito magsasalita ng ganun na lamang na para bang hindi nito ama ang pinagsasalitaan. Hindi siguro maganda ang relasyon nito at ng ama.Dahil wala naman anak na gugustuhing mamatay ang kaniyang magulang. "Ma'am,ku-kung anuman ho ang di nyo pagkakaunawaan ng iyong ama,sigurado ako na maaayos nyo rin kaagad." Tumawa ito.Bumakas sa mukha ang pait at sakit na nararamdaman. "Malabo ng mang-yari ang s-sinasabi mo,dahil kahit kailanman ay h-hindi ko m-mapa-patawad yun.Nasusuklam ako sa kan-niya." Napatitig siya sa babae.Hindi siya tsismosong tao pero napapaising siya kung gaanu kaya kabigat ang problemang dinadala nito? Bakit kaya ganun nalang katindi ang galit nito sa ama... "I hate him...I hate him..." "Ma'am,tama na ho..Lasing na kayo.."awat ni Brylle sa babae. Akmang tutunggain na naman sana nito ang hawak na bote ng beer. Ewan niya.Ngunit umiba ang timplada ng kaniyang mood ng makilala ang babae.Nawala ang inis na nararamdaman niya rito kanina.Bagkus ay napalitan iyun ng pag-aalala.Naawa rin siya sa babae dahil parang kaybigat ng problemang dinadala nito sa dibdib. "Ba..bakit ba?"tanong nito na namumungay na ang mga mata sa sobrang kalasıngan."Gusto ko pang uminom." Napailing na lamang si Brylle.Ngunit hindi na niya ito pinayagan pa na makuha sa kaniya ang beer na gusto nitong agawin.Hindi na nito kaya ang sarili. Maya-maya pa nga ay lumingayo na ito sa pagkakaupo.. Ayun,iginupo na sa sobrang kalasingan.Ang lakas ng loob na uminom pero hindi naman pala kaya ang sarili. Paano nalang kung hindi mâtinong lalake ang kasama nito ngayon.At isang mapagsamantala.Oh,di baka napagsamantalahan na ito dahil sa sobrang kalasıngan nito. Masayadong tiwala ito.Hindi ba nito naisip na paano pala kung masamang tao siya. Hindi ba iyun naiisip ng babaeng ito. Masyado pa naman itong burara sa sarili. Napabuntong hininga si Brylle. Maingat nitong kinarga ang lasing ng babae.Dahan-dahan na inilapag sa malambot na kama. Kahit malamig sa loob ng kuwarto ay pakiramdam niya pinagpapawisan siya.Hindi siya robot na walang pakiramdam.Lalo na at nagkiskisan ang mga balat nila ng kargahin niya ito.Doon pa lamang ay umiba na ang sirko ng kaniyang dugo. Wheww!napabuga ng hangin ang binata. Kaagad na naghagilap ng tela na maaaring ipunas sa babae.Basang-basa pala ang damit nito.Siguro ay nabuhusan ito ng alak. Kumuha ito ng tubig.Marahan pinunasan ang babae. Habang ginagawa iyun ay hindi niya maiwasan na hindi ito titigan. Aminin man kasi niya o hindi ay nakakaakit naman talaga ang ganda ng babae. oh!naipilig ni Brylle ang ulo.Biglang naalala ang girlfriend na si Maila. Mabilis na tinapos nito ang ginagawa.Naghagilap ng damit na maaring ipalit sa suot nito. Pikit-matang binihisan niya ang babae kesa naman matulog itong basang-basa at nanlilimahid sa alak ang katawan. Ngunit kahit anong pag-iingat niya ay hindi sinasadyang nahagip ng kaniyang mga mata ang malulusog nitong mga dibdib habang binibihisan ang dalaga.Napalunok si Bryle.Bahagyang uminit ang kaniyang pakiramdam . Ngunit hindi tama na maramdaman niya iyun.Kaagad na tumayo ang binata . Tinungo ang ref.Kumuha ito ng tubig na maiinom para maibsan ang init na dumadaloy sa kaniyang katawan. Shit!napamura ang binata. Hindi na siya maaari pang magtagal sa kuwartong iyun. Bago umalis ay kinumutan nito ang dalaga. Mayroon na siyang girlfriend at hindi tama na makaramdam pa siya ng pagnanasa sa ibang babae. At saka malaki ang mga respeto niya sa mga babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD