Masakit ang ulo ni Margareth paggising niya kinabukasan..
Napasulyap ito sa wall clock na nakasabit malapit sa may pinto at mag-aalas onse na pala ng tanghali.
"Ouch!"anito ng maramdaman ang pagkirot ng sentido.
Naparami siya ng nainom kagabi.Nakailang bote ba siya ng beer.Inilibot ang paningin sa paligid.Malinis na ang kaniyang room,wala na ang kaniyang mga pinag-inuman pati na rin ang kaniyang kalat.
Naipilig nito ang ulo dahil wala na siyang matandaan kagabi.Talagang iginupo na siya ng sobrang kalasingan.
Ang kaniyang huling natatandaan ay ng tawagan niya si Mister Ramos.Inutusan niya ito na pabalikin ang isang empleyado ng hotel.
Haisst!ano bang kagagahan ang pumasok sa kaniyang isipan.Kung bakit pinapunta niya ang lalakeng iyun upang samahan siya.
Hindi naman niya ito kilala.Bakit masyado siyang tiwala sa lalakeng yun.Hindi nga ba ay inakusahan pa niya itong manyak.Paano nalang kung kagabi ay may ginawa itong masama sa kaniya?Lasing siya.Hindi siya magmamalay.
Oh My!kaagad na sinuri ang kaniyang sarili.
Bigla ang kaba na kaniyang naramdaman ng mapansin iba na ang kaniyang suot.Hindi kaya?
Oh no!nagpapanic na ang kaniyang utak.She lost her virginity.
Mabilis ang ginawang pagtayo nito..Hinagilap ang mantsa sa kaniyang bedsheet.Walang kahit na kaunting marka ng dugo.Ibig ba sabihin nito ay she's still a virgin.Yes!
Napangiti si Margareth.Hmm..mukhang mapagkakatiwalaan naman talaga yung lalake.But wait,Ito kaya ang nagpalit ng kaniyang damit?Malamang.Ito lang naman ang kasama niya kagabi.So,kung ganun ay nakitaan din siya nito.Nakita rin nito ang kaniyang maseselan bahagi ng katawan?Kaya?Oh no! again.Napakagat-labi ito.
Namula ang magkabilang pisngi ng dalaga.Nakita na nito ang lahat sa kaniya.Wala na siyang maitatago pa sa lalake.Baka nga ipagkwento pa ssiya nito.Oh s**t!
Kailangan niyang makausap ang lalake.Agad na tinawagan niya si Mister Ramos.
Nagtataka naman si Brylle kung bakit na naman siya pinapatawag ni Margareth.Out na niya ng umagang iyun.Hihintay na siya ni Harold sa labas ng hotel.Ano na naman kaya ang problema ng babaeng iyun.
Marahan ang ginawang pagkatok ni Brylle.
"Pasok."
"Mam,pinapatawag nyo raw ho ako?"tanong ni Brylle.
Nakatalikod ang babae.Walang sagot mula rito.
"Mam?"pag-uulit ni Brylle.
Marahas na napabuntong hininga si Margareth.Nag-ipon muna ng lakas ng loob bago humarap saa lalake.
Nahihiya kasi siya.Hindi niya alam kung ano ang sasabihin.Nais lamang sana niya itong sitahin sa ginawa nitong pagpalit ng kaniyang damit.At para mawarningan na ito.Mahirap na,baka ipagkalat pa nito kung ano man ang nakita nito sa kaniya.
"Ikaw ang nagpalit sa akin ng damit?"tanong ni margareth.
Piniling maging seryoso ang mukha upang mapagtakpan ang hiya na nararamdaman.
Nabigla si Brylle sa tanong na iyun ng babae.Bigla itong kinabahan.Heto naa naman siya sa sitwasyon na pakiramdam niya ay nauupo sa hot seat.Baka kung ano na naman ang isipin sa kaniya ng babae.Katakot-takot na paliwanag na naman ang kaniyang gagawin nito.
"Mam,wa-wala akong ginawang masama kung yun ang iniisip ninyo."
"Alam ko."nais matawa ni Margareth ng makita ang pamumutla ng lalake.
Alam niya kung ano ang iniisip nito.Natatakot ito na kung ano na naman pag-aakusa ang kaniyang gagawin.
Napakunot noo naman si Brylle.
Nagtataka siya sa ikinikilos ng babae.
"May gusto lang akong klaruhin sayo."
"A-ano ho yun?"
"Naipagkalat muna ba ang nakita mo sa akin?"diretsahang tanong ni Margareth.
Nagsalubong ang mga kilay ni Brylle.Hindi niya maunawaan kung ano ba ang ibig sabihin ng babaeng ito?Wala siyang maintindihan sa tinutukoy nito.
"Hindi ko ho maintindihan ang sinasabi ninyo?"
"Kagabi.Alam kong ikaw ang nagpalit ng damit ko."napakagat-labi si Margareth.
Bakit pa siya mahihiya.
Kaya nga niya ito pinatawag para malaman.
Napalunok bigla ng laway si Brylle.Paakiramdam niya ay pinagpawisan siya ng mga sandaling iyun kahit malamig naman sa kuwarto.So,iniisip ng babaeng ito na nakita niya ang katawan nito,iyun ba ang ibig sabihin nito.At iniisip nito na ipinagkalat niya ang bagay naa iyun.napalatak si Brylle.Iba rin talaga ang babaeng ito.
"Para klaruhin ko lang din ho..Ako nga ang nagpalit ng damit ninyo,pero sa maniwala po kayo sa hindi-"bahagyang napatigil si Brylle.Hindi naman niya sinasadya na makita ang punong dibdib nito.Pero yun lang at wala ng iba
"Wa-wala ho akong nakita."paagsisinungaling niya.Hindi na dapat pa iyun malaman ni Margareth."at hindi ko ho ugali na maging tsismoso."
Napangiti si Margareth..Paano kaya ang ginawa nitong pagbihis sa kaniya kung wala itong nakita?pilyaang tanong ng isip ng dalaga.Binalot muna kaya siya bago binihisan?Well,pwede naman siguro mangyari iyun.Ang mahalaga sa kaniya ay hindi ito ang tipo ng lalakeng iniisip niya.
Hmmm...gentleman.
"Saan ka ba galing?"halatado na sa mukha ni Harold ang matinding pagkainip.
"Pinatawag ako ni Miss Margareth."
"Huh?bakit daw?"
Umiling siya.Sabay kibit balikat.
"Ano yun?pinatawag ka tapos wala lang?"puno ng pagdududang wika nito."Ano namiis ka lang at gusto kang makita,ganun."
"Tumigil ka nga sa kamalisyosohan mo.May tinanong lang siya sa akin."
"Ano?"
"Tsismoso.Hindi muna dapat malaman."
"Wow,may palihim ka na,Dude."
"Wala yun.Hindi mahalaga."
"Wee.."anitong hindi naniniwala.
Napailing na lamang si Brylle.
Wala siyang balak na ikuwento pa iyun kay Harold.
Tawa ng tawa ang mga kaibigan ni Margareth ng ikuwento niya sa dalawa ang ginawa niyang kagagahan kagabi.
"Gwapo ba?"tanong ni Patty.
Hmm..Pumikit si Margareth.Inalala ang mukha ng lalake.Ang matangos nitong ilong,mapupulang mga labi,medyo pangahan ang mukha pero bagay naman.Ang mga mata nito na tila paalaging nang-aarok.May makisig na pangangatawan.Sa madaling salita.Gwapo.
"Hmm..yeah."
"Hmm..di kaya sya na ang hulog ng langit sayo."
"Yeah..baka siya na si Mr.right."segunda naman ni Roxy.
"Tumigil nga kayong dalawa.Bat napunta na kaagad dyan ang usapan.Wala pa sa isip ko yan."
"Ito naman.kilan mo pa iisipin."napaismid na wika ni Patty."Kunting ikot nalang sa kalendaryo wala na ang mga edad natin."
"Korek!"
Napabuntong-hininga si Margareth.Ayaw na muna niyang pagtuunan ng pansin ang mga ganiyan bagay.Mas may dapat siyang unahin.Hindi dapat masira ang kaniyang mga plano.Wala siyang ibang inisip sa pagbalik niya dito sa Pilipinas kundi ang ibalik sa kaniyang ama ang sakit na idinulot nito sa kaniya.
Hindi niya sasayangin ang nasimulan na nila ni Atty.Mendes.Ginagawa niya ang lahat ng ito alang-alang sa kaniyang ina.
Mas lalo na ngayon na kasal na ang kaniyang ama sa babaeng iyun.Kaya mas kailangan niyang magpursige na bawiin ang anuman mayroon ngayon si Manolo Alvaro.
Hindi siya makapapayag naa magtamasa ng karangyaan ang pangalawa nitong pamilya mula sa mga ari-arian naiwan ng kaniyang Mama.