SADKM: Ep19: Ina Vs. Anak
Bago matapos ang event ay nagbigay ng damit yung guest sa mga taong nanonood at isa si Cara sa mga nabigyan nito. Panlalaki ang nabigay kay Cara pero imbes na ibalik ay naisip niya nalang na ibigay ito sa kapatid niya.
Pagtapos ng event ay naglinis na ang team nila Cara. Habang naglilinis ay nandoon na naman si Joey at naghihintay sa kanya. May dala itong bulaklak at base sa suot nito ay mukhang mag-aaya na naman itong lumabas.
Nakangiti si Joey habang nakaupo at naghihintay kay Cara. Nakikita naman siya ni Cara kaya ngini-ngitian din siya nito. Hanggang sa nakita ni Joey na biglang nawala ang ngiti sa mukha ni Cara at tumingin sa likod niya. Nang lumingon si Joey ay nakita niya ang isa pang lalaki na may dalang bulaklak. At iyon ay si Loui.
Napatigil si Cara sa paglilinis, gusto man nitong takbuhan ang dalawa pero pakiramdam niya ay may pumipigil sa kanya. Naglakad si Loui papalapit kay Cara at tumayo naman si Joey sa kina-uupuan niya at sumunod kay Loui.
Sabay ang dalawang lalaki na nag-abot ng bulaklak kay Cara at pag-abot ay nagtitigan ito ng masama. Kinuha ni Cara ang bulaklak at nilapag ito sa upuan atsaka pumagitna sa dalawang lalaking nagkakainitan para paghiwalayin ito.
Joey: Dinidiskartehan mo pa rin si Cara kahit may fiance ka na?
Loui: Bakit? Naiinggit ka?
Joey: Hmm! Inggit? Gagawin mo lang kabit mo si Cara!
Cara: Mga Sirs! Ano ba? Ako lang ‘to oh! Impleyado niyo! Maliit lang ako hindi ako kasing taas niyo! Lumulugar ako! Kaya please lang lumugar din kayo!
Joey: Cara? Una pa lang alam mo na.
Cara: Pero hindi pa ko handa makepagrelasyon kahit kanino!
Loui: Eh ano yung sinabi mo sakin kanina? Sinabi mo sakin na hindi kayo natuloy ni Joey sa date niyo! Ano ibig sabihin non? Kase ako akala ko may pag-asa ako sayo!
Cara: Ayoko lang mag-isip ka nang kung ano-ano! Ayokong masaktan kayo parehas!
Kinuha ni Cara yung bag niya atsaka umalis. Naglakad nalang ito papunta sa sakayan ng jeep pauwi sa kanila. Wala nang tao sa mall at patay na ang ibang ilaw pero ang dalawang lalaki ay nandoon pa rin hawak ang bulaklak na kaninang dala nila.
“Tigilan mo na si Cara kung gagawin mo lang siyang kabit!” kunot-noong sabi ni Joey.
Nakayuko lang si Loui at hindi na nagsalita. Binato ni Joey ang bulaklak na dala niya kay Loui atsaka umalis.
Pagkauwi ni Cara sa kanila ay naabutan niyang nandoon ang nanay niya pati ang kapatid niya sa lamesa. Wala ang tatay nito kaya binaba ni Cara ang mga dala niya at umupo sa harap nila para sumubay sa pagkain.
Cara: Bakit ngayon lang po kayo kumakain? Late na po ah… sabayan ko na kayo!
Carlo: Wala po kasing pagkain ate, ayaw po ni mama na galawin yung pinamili natin dahil baka isipin mo daw na palamunin mo kami.
Cara: Huh? Nay, bakit? Binili ko ‘yan para sainyo po para satin!
Rita: Hiyang-hiya na ko sayo anak! Umalis ka na tutal may trabaho ka na! Pumunta ka sa kahit saan mo gusto!
Cara: Nay, bakit naman po ganyan? Bakit niyo ko pinapalayas?
Rita: Dahil kaya mo na! mas magaling ka kaysa sakin! Magagawa mo lahat ng gusto mo yung pagpipinta mo! Lahat ng gusto mo masusunod!
Cara: Carlo? Sinira na naman ba ni nanay yung bago kong pininta?
Rita: Carlo! Pumasok ka sa loob at huwag ka makisali!
Carlo: Ma! Kumain nalang po tayo ‘wag na kayong mag-away!
Cara: Bakit mo sinira yung pininta ko?!
Carlo: Ate, tama na..
Niyakap ni Cara ang kapatid niya at umiyak naman ang nanay nila. Pag-upo ni Carlo ay kinuha ni Cara ang damit na binigay sa kanya sa event at binigay niya ito kay Carlo.
“Ate! Ang ganda nito! Ito yung tinuturo ko sayo nung namili tayo eh! Salamat!” natutuwang sabi ni Carlo.
Biglang tumayo ang nanay nila at hinablot kay Carlo ang damit at sinampal nito sa mukha ni Cara. Sa lakas ng pagkakasampal nito ay natumba si Cara sa upuan.
“Ma! Ano ba? Bakit ayaw mong tigilan si Ate?!” malakas na sigaw ni Carlo.
Biglang pumasok ang tatay ni Carlo dahil sa narinig niyang sigaw ni Carlo. Lasing na naman ito at may dala pang bote ng alak nang pumasok sa bahay.
“Ano na naman bang meron at nag-aaway na naman kayong mag-ina? Hindi na ba tatahimik ang bahay na ‘to?!” galit na sabi ni Reniel.
Tumamik sila nang sabihin ito ni Reniel. Pero nagulat sila nang biglang hinampas ni Reniel sa mukha ni Rita ang hawak nitong bote at tumayo si Cara para labanan si Reniel. Kinuha ni Cara ang platong nakalapag sa lamesa at hinampas sa ulo ni Reniel.
Nakatulog si Reniel dahil sa ginawa ni Cara. Nilapitan nilang magkapatid ang dumudugong ulo ng nanay nila. Pero hindi inaasahan ni Cara na kahit pinagtanggol na niya ang nanay niya ay galit pa rin ito sa kanya.
“Anong ginawa mo sa asawa ko Cara!! Umalis ka na!! Lumayas ka na!! Layass!!” galit na sabi ni Rita.
Kinuha ni Cara ang bag niya atsaka umalis nang bahay. Umiiyak pa ito habang naglalakad paalis at domoble pa ang sakit dahil sa mga taong nagsasabing “Hanapin mo na ang tunay mong tatay!”
Walang mapupuntahan si Cara at ayaw niya rin tawagan ang mga boss niya dahil lalaki ang mga ito. Kaya naisip nalang ni Cara na uminom sa isang bar at tawagan si Akhie para samahan siya nito.
Nakapang-trabaho pa si Cara nang pumunta sa isang bar. Pagkarating niya doon ay nakita niya ang ninang niya na si Belen. Pinaupo siya nito sa isang sulok na walang makakakitang lalaki.
“Cara, nakarating na sakin ang nangyari sa inyo mag-ina. Saan ka pupunta niyan? Bakit kase naging dimonyo bigla ang nanay mo!” ani Belen.
“Pwede po ba ako sainyo?” serysosong tanong ni Cara.
“Huh?! Anak alam mo naman na puro borders ko ang nakatira sa bahay! Baka matuto ka nang kapukpokan nila!” sagot ni Belen.
“Sige po o-order nalang ako ng alak,”
Pag-alis nang ninang ni Cara ay dumating naman ang kaibigan nitong si Akhie. Naabutan siya ni Akhie na umiiyak kaya inabutan siya ni Akhie ng panyo.
“Gurl! Pasensya ka na ah, kaya kitang samahan ngayon pero hindi kita pwedeng isama pauwi mamaya,” ani Akhie.
“Okay lang naman, kaya ko ‘wag mo ko intindihin malaki na tayo! Ha Ha!” ani Cara.
“Sorry gurl! Hope you’re okay! Saan ka tutuloy niyan?”
“Di ko alam bes, baka matulog muna ako sa motel,”
Pagdating ni Belen dala nito ang alak na order ni Cara ay nag-inom na silang dalawa ni Akhie. Hanggang sa nakarami na sila nang alak na naiinom. Lasing na ang dalawa kaya nag-aya si Akhie na sumayaw sa gitna.