SADKM: Ep18: May Pag-asa ba?
Paglabas ni Joey ng coffee shop ay dumiretso siya kay Cara at saktong tapos na rin ito sa trabaho niya, nakaupo nalang sila ng mga katrabaho niya at nagke-kwentuhan nang biglang dumating si Joey.
“Cara,” nakangiting sambit ni Joey.
“Oh? Bakit ka nandito? Kanina ka pa ba? Hinintay mo ba ko? Sorry ahh, ang dami ko kaseng ginagawa ehh, bukas na kase yung event,” paliwanag ni Cara.
Nakita ni Loui ang dalawa na nag-uusap kaya nanlisik na naman ang mga mata nito kay Joey. Lumapit si Maxine kay Loui at humawak sa braso nito. Nakita kase ni Maxine ang itsura ni Loui kaya hindi niya rin maiwasan ang hindi magtanong.
“Nagseselos ka ba?” seryosong tanong ni Maxine.
“Anong klaseng tanong ba ‘yan?” sagot ni Loui.
“Ikaw pa ba si Loui na mahal na mahal ako? Simula nang dumating si Cara nawawala na yung time mo sakin!” naiiyak na sabi ni Maxine.
“Huwag mo kong sisihin! Maxine alam mo kung san ka nagkamali!”
Napatigil ang away ng dalawa nang maghiyawan ang mga employee’s ni Loui. Hawak kase ni Joey ang kamay ni Cara at nakaluhod ito. Pupunta sana si Loui sa kanila pero niyakap ito ni Maxine ng mahigpit at narinig nila ang sinabi ni Joey kay Cara.
“Cara pwede ba kitang ilabas ngayong gabi?” seryosong tanong ni Joey.
Dahil sa hiya ni Cara ay hindi niya alam kung ano ang isasagot niya sa lalaking nakaluhod sa harap niya. Ayaw rin ni Cara na mapahiya si Joey kaya sumagot ito nang maikli.
“Oo,” sagot ni Cara.
Sabay-sabay na naghiyawan ang mga katrabaho ni Cara at rinig na rinig ni Loui ang sagot ni Cara kaya binitawan na ito ni Maxine at galit na lumabas. Nakita naman ni Cara si Loui kaya napayuko nalang siya.
Paglabas ni Joey at ni Cara ay dumiretso silang sumakay sa kotse at naging iba ang kilos ni Cara nang pagsakay nila. Hindi nito kinikibo si Joey at kahit nasa kalagitnaan na nang byahe ay hindi rin ito nagsasalita. Kaya kinausap na ito ni Joey.
“Anong problema? Masama ba pakiramdam mo?” tanong ni Joey.
“Diretso mo na ko samin! Ayokong lumabas ngayon gusto kong magpahinga dahil pagod ako,” ani Cara.
Sinunod ni Joey ang gusto ni Cara at agad na iniba ang daan papunta sa lugar ni Cara. Hindi na rin nagsasalita si Joey dahil hindi rin niya alam ang gagawin niya. Iba kase ang nararamdaman nito kay Cara ng mga oras na ‘yon. Ang pakiramdam na takot dahil baka awayin siya nito.
Nang makarating na sila ay bumaba nalang bigla si Cara, hindi na ito nagpaalam kahit si Joey ay hindi na rin nagpaalam sa kanya, dahil dire-diretso itong bumaba sa kotse niya.
“May nagawa ba kong mali sa kanya? Baka pagod lang talaga siya,” bulong sa isip ni Joey.
Si Loui ay nasa bahay na rin niya mabigat din ang pakiramdam nito dahil sa alam niyang nagde-date na ngayon si Cara at si Joey. Pumunta ito sa higaan niya at binagsak ang katawan sa higaan.
“CARA!! BAKIT DI KA MAALIS SA ISIP KO!! ARGHH!! CARA!! WALA NA BA KONG PAG-ASA SAYO? MAY PAG-ASA BA KO?” sigaw ni Loui.
Habang si Cara naman ay tulala habang kumakain sa bahay nila. Ang iniisip naman nito ay puro pag-aalala kay Loui. Napansin ni Carlo na tulala ang ate niya kaya lumapit siya dito at ginulat.
“HOY!! IN-LOVE KA NA?” malakas na bigkas ni Carlo.
“Ano ba! Bakit nanggugulat ka!” ani Cara.
“Kwento mo naman sakin ate! Si Kuya Joey ba?”
“Matulog ka na! ‘Wag mo ko intindihin!”
“Gusto ko makinig! Love expert ako! Malay mo may maadvice ako sayo?”
“Wow! Love expert! Mas marami ka ng experience sakin? Ang bata mo pa ah! Ang dami mo nang pina-iyak noh?”
“Ha Ha.. Joke lang ate di ka naman mabiro! Sige na i-kwento mo na sakin!”
“Sige na nga ke-kwento ko na! Pakiramdam ko kase nasaktan ko yung may crush sakin!”
“Si Kuya Joey?”
“Hindi! Yung boss ko sa pinapasukan ko ngayon! Pakiramdam ko kase nasaktan siya nung niyaya ako ni Joey ng date sa harap nila,”
“Ha Ha.. lapitin ka ng boss!”
“Sabi ko na wala kang matutulong sakin eh! Matulog ka na!”
“Parehas mo lang silang gusto! Ha Ha..”
“HUH?!”
Tumakbo si Carlo papunta sa kwarto niya. Napapakamot nalang ng ulo si Cara at halos di na rin nito maubos ang kinakain niya dahil sa kawalan ng gana.
“Parehas ko na ba talaga silang gusto? Hindi sila bagay sakin pareho! Ahhh!” bulong sa isip ni Cara.
Pagtapos ni Cara kumain ay pumunta na rin siya sa kwarto niya. Patingin niya sa cellphone niya ay nakita niya ang message sa kanya ni Joey. Pero tinignan niya pa rin ang message sa kanya ni Loui, three days ago na. pero wala pa rin itong bagong message sa kanya.
Kinabukasan, paglabas niya sa kanto ay hinintay niya si Joey. Hinitay niya itong sunduin siya para ihatid sa trabaho pero magkakalahating oras na ay hindi pa rin ito dumadating kaya nagpasya na siyang sumakay nalang ng jeep kasya hintayin si Joey.
Pagkarating sa trabaho ay nakita niyang okay at maganda ang ngiti ni Loui sa kanya pati na rin sa mga katrabaho niya. Nag-start na ang event nang maayos at maganda. Nang nasa kalagitnaan na ng event ay may isang singer na guest at kumanta ito.
Habang kumakanta ang lalaki ay hinahanap ni Cara si Loui. Bigla niya kase itong na-miss dahil sa kanta. Pumunta si Cara sa office ni Loui para kausapin ito at kamustahin. Pero di pa siya nakakarating doon ay nakasalubong niya ito.
“Sir Loui?” ani Cara.
“Di pa tapos ang event? Anong ginagawa mo dito? Di’ba dapat nandoon ka lang hanggang sa matapos?” ani Loui.
“Sir, babalik na po ako,”
“Maging professional ka naman pagdating sa trabaho mo! Huwag mo dalhin ang problema sa trabaho! Iwanan mo na ‘yan sa bahay. Sige na bumalik ka na sa trabaho,”
Naglakad dire-diretso si Loui at nilagpasan lang nito si Cara. Pero sinundan ito ni Cara kaya napatigil sa paglalakad si Loui.
“Bakit mo ko sinusundan? Di ka pa ba babalik sa trabaho mo?” ani Loui.
“Sir hindi po kami natuloy ni Sir Joey sa date namin kagabi,” ani Cara.
“Bakit mo sinasabi sakin ‘yan?”
“Wala po, sige na babalik na po ako bye!”
Tumakbo si Cara pabalik sa trabaho niya at abot tenga ang ngiti ni Loui dahil sa sinabi ni Cara.
“May pag-asa pa ko! Yes!” ani Loui.