CHAPTER 1

2287 Words
Leah Pelaez's Pov "Nice Pose Leah! Okay be ready sa next photo shoot tommorow," masayang sambit ng Photographer ko na si Franz. "Thank you Franz," nginitian ko siya. Isa akong modelo. Si Franz naman siya ang photographer ko simula ng maging modelo ako. Simula palang no‘ng nakita ko si Franz ay nagustuhan ko na siya mas lumalim lang ang pagtingin ko sakanya, nang makilala ko pa ang ugali niya. Napakabait niya at napaka-caring. Mga 3 years na din akong nag mo-model. Ito talaga ang gusto ko simula pa no‘ng bata ako. Kaya sobrang saya ko ng matupad ang pangarap ko. Umuwi na ako dahil tapos na ang photoshoot namin. Mayroon akong kotse may kaya, ang pamilya ko dahil may sarili kaming business. Si Mommy at Daddy ang nag aasikaso kaya madalas silang wala sa bahay. Wala akong driver dahil ayaw kong may naghihintay sakin. Mas gusto ko yung alam kong wala akong naabalang tao. Okay ng ako nalang ang mag drive ng sarili kong kotse. Para atleast wala akong iniintindi. Sumakay na ako sa kotse ko at tahimik akong nag biyahe. Nagpasounds ako habang nag ba-biyahe para hindi boring. Now Playing: Someone Like You Sinasabayan ko pa yung kanta ni Adele. Habang nag da-drive ako. Paborito kong singer si Adele, Meghan Trainor at si William Singe ang galing mag cover ng kanta ni William grabe idol na idol ko iyon. Nevermind I'll find someone like you. I wish nothing but the best for you too don't forget me, I Beg. I remembered you said Sometimes it lasts inlove but sometimes it hurst instead. Nang malapit na ako ako makauwi ay agad akong bumusina. Para buksan ni Manong Guard ang gate. Agad naman niya itong binuksan. Nang makarating ako sa loob ay agad akong bumaba ng kotse at agad na pumasok sa bahay. Wala sina Mommy at Daddy dahil sa ibang bansa sila. Busy sa business namin. Pero nagulat ako ng may nakita akong babaeng nakaupo. Mala donya pa talaga ang dating ng loka. Siya lang naman ang napakaganda, napakaseksi, napakabait at napakatino— ay no! Wait! Nevermind. Siya lang naman ang kaibigan kong si Aleiza. "Oh friend! Nandito kana pala!" Gulat pa kunwari. "Oh 'bat nandito ka?" Tanong ko. Tumayo naman siya at para bang nainis sa tanong ko. Duh pwede ba! "Friend! Ano ba? Diba sabi ko sayo mag ba-bar tayo?." saad nito. "Nakakatampo kana lagi ka ng busy sa pag mo mowdeling mo! Tsk!" Nag pouty lips na ang pabebe kong kaibigan. Maganda naman siya kaya bagay sakanya magpabebe at magpacute. "Hmm," napangisi ako at tiningnan ko siya. "Oh sige na palit lang ako ng damit!" Bigla naman siyang napangiti at nagsaya siya dahil sa sinabi ko. "Sabi ko na eh! Hindi mo talaga ako matitiis friend! Ihi" todo ngiti siya. "Ang ganda ko talaga!" Duh! Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Iniwan ko na siya sa ibaba at ako naman ay pumanhik sa itaas nandoon kasi sa second floor ang kwarto ko. Pumanhik na ako para magpalit ng damit. Nang makapag palit nako ng damit ay agad akong bumaba at agad ko na din siyang niyaya umalis. Sumakay kami sa kotse ko at nagpunta kami sa isang bar. Katulad kanina habag nag ba-biyahe ako ay pinatugtog ko ang mga songs ni Adele. Hanggang makarating kami sa bar. Pagpasok palang namin sa bar ay agad na kaming pinagtinginan ng mga tao. Pati nga yung mga nagsasayaw na may ka partner ay napapatingin sakin. Isang Leah Pelaez ba naman ang makita nila. Si Aleiza naman ay todo pa cute sa mga dinadaanan namin. Hanggang makakita kami ng bakanteng upuan. Malapit lang din sa bartender. Dito lang kami lagi pumepwesto. Agad kong in order yung rose wine yung lang naman ang iniinom ko. Si Aleiza naman basta wine ay gusto niya kahit yata inumin ng mga lasinggero tutunggahin nito. Matakaw siya sa alak. Mahilig sa mga party-party. Mahilig sa lalaki. Minsan na kasing nasaktan si Aleiza kaya siguro siya naging ganito dahil sa ex-boyfriend niya. Mayaman sina Aleiza, may hotel and resort sila. Nag-iisa siyang anak. Ako naman may kapatid akong babae si Ate Vanessa dalawa lang kaming magkapatid ni Ate Vanessa pero madalas din wala sa bahay dahil gala kasi yun. Ako naman mas gusto ko mag-isa. Mas gusto ko sa bahay lang naka kulong sa kwarto, nakikinig ng musics at manood ng mga horror movies. Tahimik lang akong nakaupo habang tinitignan ang mga taong nagsasayaw at sinasabayan ko sa pagkanta ang tugtog. Ilang minuto palang ang lumilipas ay nakaramdam na agad ako ng pagkahilo kahit konti palang ang naiinom ko. Kaya nagpaalam ako kay Aleiza para magbanyo. Akala ko nga sasamahan niya ako pero hindi pala. Busy siya sa pakikipag usap sa bartender. Nang palakad nako papunta sa banyo ay may nakasalubong akong mga taong nag HI sakin. Kinakawayan ko naman sila dahil ayokong masabihan ng snobber. Nagmadali na akong makarating sa CR dahil feeling ko ay masusuka ako. Nang bigla akong may mabangga. "Sorry," Ang sabi ko. "Nasaktan kaba?" "Ahhhhh- ehhhhh hmmm," hindi siya makapagsalita. Natulala siguro siya dahil hindi siya makapaniwalang ako ang kaharap niya. "Sige bye na, nagmamadali kasi ako eh" paliwanag ko. "Sorry ulit bye." Pagkasabi ko nun ay agad nakong naglakad palayo sakanya para pumunta ng CR. Nang makarating na ako sa CR ay agad akong nagtungo sa lababo at doon na ako nagsuka. Buti nalang at walang tao sa CR. Tumingin ako sa malaking salamin na nandito sa CR. Inayos ko ang buhok ko at itsura ko. Bigla naman may parang dumaan sa likuran ko. Hindi ko sure pero parang anino ito. Kaya naglakad ako para buksan isa-isa ang mga cubicle para tignan kung may tao da dito. "May tao ba diyan?" tanong ko. "Hello?" Wala naman sumasagot. Nagpatuloy ako sa pagbukas ng mga cubicle. Hanggang isa nalang ang hindi ko mabuksan. Kinilabutan ako ng may makita akong paa sa may siwang sa ibaba ng isang cubicle. Inisip ko nalang na baka may problema ang babae kaya hindi siya sumasagot. "Miss?" tawag ko sakanya. Hindi niya binubuksan ang pinto ng cubicle. "Miss? May problema ka ba?" Mukang may problema nga siya dahil hindi niya ako sinasagot. Sinubukan ko maman hilain yung pinto ng cubicle. Sinubukan ko lang kung nakabukas. Nakabukas naman pala. Dahan-dahan ko naman binuksan. Nakita ko yung babae nakaupo sa toilet at nakayuko. Nakakulay puti ito. Parang pangkasal yung suot niya. Kinilabutan ako sa nakita ko. 'Di ko alam kung aalis na ba ako o kakausapin siya. Nakayuko siya ngayon at natatakpan ang muka niya ng mahaba niyang buhok. "Miss?" ang sabi ko. "'Bat ka nandito? May problema ka ba?" Hindi parin niya ako sinagot. Dahan-dahan naman niyang ini-angat ang kanyang ulo.  Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Nanginig ako sa takot. Wala siyang mata at duguan ang mukha nito. Na shock muna ako bago ako tuluyang napasigaw. "Woaaaaaaaah!!!" Tumakbo naman ako palabas kahit nahihirapan ako sa suot kong heels ay pinilit ko. Malamang walang nakarinig sa sigaw ko dahil sa sobrang lakas ng Sound System wala din gaanong tao malapit sa CR. Nang mapansin ako ni Aleiza na tumatakbo at napansin niya sigurong hingal na hingal at takot na takot ako ay agad niya akong nilapitan. "Friend anong nangyari sayo? Para kang nakakita ng multo," halatang lasing na siya dahil sa tono ng bosis niya. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa baliw kong kaibigan ang nakita ko. Alam ko kasing tatawanan lang ako nito kapag sinabi ko sakanya iyon. Mabuti pa manahimik nalang ako. Pero sino nga ba yung nakita ko kanina?. Hindi parin siya mawala sa isipan ko. Natatakot parin ako sa tuwing naalala iyon. "Umuwi na tayo," walang gana kong sabi kay Aleiza. Hindi niya ako pinansin. Busy lang siyang nakatayo habang umiinom ng wine at nakiki indak sa tugtog. "Aleiza umuwi na tayo!" madiin kong sabi tinutok ko narin ang bibig ko sa taenga niya. "Hala! Friend ano ba ngayon palang ako nag e-enjoy eh!" pagrereklamo niya. "mabuti pa! Halika rito may ipapakilala ako sayo!" Ayan nanaman siya may papakilala nanaman. Sumunod nalang ako sakanya. Hindi ko parin makalimutan yung babaeng nagpakita sakin. Sino ba iyon?. Bakit siya nagpakita sakin?. Sa totoo lang kung multo ang babaeng iyon. Ngayon palang ako nakakita ng multo. Hindi rin ako naniniwala sa multo kahit mahilig ako sa horror movies. Pero dahil sa nakita ko mukang maniniwala na ako. Alam kong totoo yung nakita ko at hindi dahil lasing lang ako kaya kung ano-ano nakikita ko. Sigurado ako sa nakita ko babaeng walang mata at duguan ang mukha. Nang makarating kami sa upuan namin ni Aleiza. May napansin akong dalawang lalaki na nakaupo malapit sa mga upuan namin. Yung isa siya yung nabangga ko kanina. Yung isa naman mukang kaibigan siya nung nabangga ko. Gwapo sila makisig ang katawan at halatang alaga sa Gym. Mukha din silang mga mayayaman. Mapuputi at makikinis ang kanilang mga balat. Ang ganda ng kanilang mga buhok na bagay sa kanilang gwapong mukha. Umupo na kami sa upuan namin. Nakatitig naman yung dalawang lalaki sa akin. Hindi siguro sila makapaniwalang kaharap nila ako ngayon. "So guys this is my friend Leah," pagpapakilala sakin ni Aleiza. "Leah, this is Derrick and this is Sean!" "H-hi..I'm Sean," nauutal ito. Iniabot niya ang kanyang kamay. "Leah," ngumiti ako at kinuha ang kamay niya. Kakaiba ang titig ni Sean. Siya yung nakabangga ko kanina. "Derrick," nakangiting sabi ng kasama niya. Inabot niya ang kamay niya. "Leah,” sambit ko. "Yes kilala kana namin. Sikat ka kaya!" si Sean. "Grabe crush na crush kita. Dati hanggang sa TV at Magazine lang kita nakikita dati ngayon kaharap na kita." Kaya naman pala iba makatitig si Sean. Kumikinang pa ang mga mata niya habang natitig sakin at todo ang ngiti niya kita ang mapuputi niyang mga ngipin at yung labi niyang pinkish ang ganda. "Ah..ganun ba thank you" ngumiti ako. "Sorry nga pala kanina." "No! It's okay" ngumiti siya. "Pwedeng pa picture?" Halatang crush na crush nga niya ako. Kanina pa kasi siya titig na titig at todo ngiti. Nakakatuwa naman na may fanboy pala talagang ganito. "Hm..sure" nginitian ako siya. "tara!" Tumayo kami sa kinauupuan namin at binigay niya ang phone niya sa kanyang kaibigan na si Derrick. Medyo muntik na akong matumba ng biglaan akong tumayo dahil hilo na ako. buti nalang at napahawak ako kay Sean. Napangiti siya dahil doon. Napansin ko naman si Aleiza na kilig na kilig habang nakatingin sakin. Yung tingin niya na para bang nang-aasar. Inirapan ko lang siya. Tumingi na kami ni Sean sa phone niya dahil pi-picturan na kami ni Derrick. Naka ilang shots din kami. Ang kalog kasi nitong si Sean. Lahat yata ng pose ginawa namin. 'Di ako na inform na may photoshoot pala kami. Napaghandaan ko man lang sana aha! Nang matapos na akong mag pa-picture ay nag kwentuhan lang kami. Nag-inuman parin kahit lasing na ako. Ramdam kong hilong-hilo na ako. Si Aleiza naman lasing na din. Nakita ko siya na parang close na talaga sila ni Derrick. Iba talaga tong kaibigan ko na ito, basta lalaki mabilis talaga siya. "Ehem!" Napatingin kaming lahat sa nagsalita. May isang clown este babae akong nakita na may hawak na shoulder bag may dalawa pa siyang besss sa likod. Hindi ko sila kilala pero parang kilala sila ng mga kasama naming lalaki ni Aleiza. Yan na nga ba ang sinasabi ko. Kaya ayokong nakikipag-usap sa mga hindi ko kakilala dahil na mi mis-interpret ng mga nakakakita. Ito kasing si Aleiza kahit sino yata kakausapin kahit may sabit. "Ganyan naba ka desperada sa lalaki ang isang Leah Pelaez?" malakas ang bosis niya. Nagtinginan ang mga tao sa amin. Ayoko ang tabas ng dila niya. Hindi porke't may iniingatan akong career ay hindi ko na siya papatulan. Feeling ko ay lalo akong namula dahil sa galit. Ayoko ng sinabi niya, kahit sino naman siguro ay hindi matutuwa sa sinabi niya. Tumayo ako sa harapan niya. "Who you?" matapang kong sabi. "How dare you to say that? huh!" Tumayo narin si Aleiza at ramdam kong nasa likuran ko siya. Tinaas ko yung kamay ko at alam kong naramdaman ni Aleiza ang ibig kong sabihin. Iniabot ni Aleiza yung isang baso ng wine. "Para ito sa sinabi mo sakin!" Binuhos ko yung wine sa ulo niya. Nagulat silang lahat sa ginawa ko. Si Clown naman nagsisigaw at winagwag wagwag ang kanyang kamay na para bang nandidiri. "Oh my god!" maarteng sabi niya. "Eeewww!" Hinarap niya ako at balak niya akong sampalin pero nahawakan ko yung kamay niya. Si Aleiza naman ang sumampal sa kanya. Buti nga sakanya. Hindi ko naman siya kilala pero kung pagsalitaan ako parang sakanya ako nanggaling. Hindi naman ako masamang tao. Pero kapag lasing kasi ako iba ang nagagawa ko lalo na kapag may kuma away sakin. Balak sana akong sugurin ng dalawa niyang alaga ng pandilatan sila ng mata ni Aleiza. "Sige!" pananakot niya. Huminto naman sila at hinawakang si Clown. "Hindi pa tayo tapos!" Pagbabanta ni Clown. "K!" si Aleiza. "Arrrgh!" halatang pikon na si Clown. Naglakad na sila ng mga alaga niyang besss palayo sa amin. Nang makalayo na sila ay muli kaming umupo ni Aleiza. Nakita kong nanlaki ang mata nila Sean at Derrick. "Ang tapang niyo!" gulat si Sean. "salamat ah!" "For what?" tanong ko. Uminom ako ng wine. "For saving me!" ang sabi niya. "Ex girlfriend ko yun." "Ahh..I see," ang sabi ko. "oh 'bat nag hahabol aso ba yun? Niloko mo ba?" "Of course not!" ngumisi siya. "Siya nga nanloko sakin." Sumeryoso ang mukha niya. "Hmm..okay," ang sabi ko. Kinwento naman niya ang nangyari habang nag iinuman kami. Niloko daw siya ni Monique nakita niyang may ibang lalaki yung clown na iyon kaya ayun nakipag break siya. Tapos ngayon daw kinukulit niya si Sean kesyo mahal niya. Ganito ganyan. Pero ayaw na sakanya ni Sean. Lumipas ang ilang minuto nag kwentuhan lang kami habang nag-iinuman. Ramdam ko talaga na hilong-hilo na ako. Kaya sinukob ko ang ulo ko sa lamesa. Ilang minuto din akong ganun. Pero hindi ako tulog. Naramdaman ko nalang na nag-uusap sina Sean at Derrick na i dala nalang daw kami sa Condo nila. Ayaw daw nilang mapahamak kami dito. Magsasara na kasi yung Bar feeling ko halos kami nalang ang mga tao dito. "Kaya ko pa naman umuwi," ang sabi ko. "Hayaan niyo na kami." Halata sa tono ng boses ko na lasing na lasing na ako. Hanggang naramdaman ko nalang na parang inantok ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD