CHAPTER 2

1822 Words
Leah Pelaez's POV Nasa sasakyan ako ngayon as usual. Pinatugtog ko ang paborito kong mga kanta ni Adele, Meghan at mga covers ni William Singe. Habang nag da-drive ako ay para bang may kung ano akong naramdaman sa bandang likuran ko. Parang hindi lang ako ang tao ngayon dito sa loob ng kotse. Ang lamig sa pakiramdam. Agad akong kinilabutan dahil doon. Napatingin naman ako sa salamin sa loob ng kotse ko. Kung saan makikita mo ang backseat. Nagulantang ako sa aking nakita. Nanginig ako dahil sa takot. Yung babaeng nakita ko kasi sa CR  ay nandito ulit sa loob ng kotse ko. Ano bang kasalanan ko sakanya bakit siya laging nagpapakita sakin?. Nagsisigaw ako dahil doon. Hanggang lapitan niya ako. “WAG MO SIYANG LOLOKOHIN!” bulong niya sa taenga ko. Madiin ang pagkakasabi niya. “Woaaaaaaahhhh!!!” - “Leah gising!” Napabalikwas ako ng bangon dahil nakaramdam ako ng sigaw at pagtapik sakin. Napansin ko na wala ako sa aking kwarto. “Nananaginip ka” Napatingin ako sa kumakausap sakin. Si Sean pala. Naalala ko naman na nakatulog pala ako kagabi dahil nawalan ako ng malay. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid. Napansin ko na nasa isang parang Condo Unit kami. Maganda ang lugar, malinis parang hindi mga lalaki ang nakatira.  Tumayo ako para dumungaw sa bintana. Umaga na pala may photoshoot pako. Naalala ko naman bigla yung napanaginipan ko. “WAG MO SIYANG LOLOKOHIN!” Muling pumasok sa isipan ko yung mga sinabi niya sa panaginip ko. Akala ko naman totoo na. Pero bakit ko siya nakita sa CR at bakit ko siya napanaginipan? At bakit niya sinabing Wag mo siyang lolokohin?. Gulong g**o na ako. Sino ba yung babae na yun?. Napansin ko naman si Sean na nakatingin lang sakin habang palakad-lakad ako. “Salamat” Tinignan ko siya at ngumiti napakabait niya kasing tao. Ramdam ko iyon. Dahil tinulungan niya kami ni Aleiza. Pero hindi naman niya kailangan gawin iyon. Dahil ganun talaga kami ni Aleiza every time na uminom kami ni Aleiza ganun talaga kami. Nakakatulog kami sa Bar. Since kilala naman kami nung bartender at kumpare ni Daddy ang may ari ng Bar na iyon sa tuwing nakikita kaming nakatulog ay hinihintay kaming magising. Since stay in naman yung Guard siya ang pinakabantay namin. Yung may ari ng Bar Ninong ni Ate Vanessa. Tapos kaibigan naman ng Daddy ni Aleiza yung may ari ng bar. Kaya kami nagkakilala ni Aleiza dahil sa bar na iyon. Naging magkakaibigan kasi ang mga tatay namin kaya iyon sa tuwing pumupunta ang Dad ni Aleiza sa bahay namin kinukwento niya daw ako kay Aleiza tas na curious daw si Aleiza sakin kaya sumama siya sa Dad niya ng minsang bumisita siya sa bahay namin. Then doon na kami naging close ni Aleiza. Niyaya niya akong mag bar. “You're welcome” nakangiti si Sean habang titig na titig sakin. Kumikislap nanaman ang mga mata niya. Bigla ko naman naalala ang kaibigan kong si Aleiza at si Derrick?. Oo nga nasaan na iyon?. Teka nga bakit dalawa lang kami ni Sean dito sa Condo?. Arrgh! Dami kong tanong 'bat 'di ko pala tanungin si Sean no?. “Sean?” panimula ko. Napalingon naman siya. “Nasaan pala ang kaibigan ko si Aleiza?” Tumayo siya at pumunta sa bandang kusina at kumuha ng tubig sa ref. “Ahh..pumunta lang sila sa isang resto” ang sabi niya. Uminom siya ng tubig sa plastic bottel. “Pinabali ko kasi si Derrick ng pagkain. Then si Aleiza nagpumilit na sumama.” Hays. Kahit kailan talaga tong si Aleiza. Paano kung masamang tao pala tong mga to. Ngayon ko pa talaga naisip! Bakit ba kasi kami dinala dito sana inayahan nalang nila kami sa bar. Pero mukhang mababait naman sila. Napansin ko si Sean na nagtitimpla ng kape. Nagpalakad-lakad lang ako sa loob ng condo unit niya. Ilang sandali pa tinawag ako ni Sean. “Halika muna dito” tawag niya. Naglakad na ako palapit kay Sean. “Umupo ka” “Salamat” “Anong gusto mo matamis or sakto lang?” tanong niya. “Gusto ko yung madaming cream tapos konting sugar lang” sagot ko. Napangiti siya. Tumayo siya tapos kinuha niya yung baso at nagtimpla siya ulit. “Ow?” ang sabi ko. “'Bat ka nagtimpla ulit?” “Mali kasi eh.” napangisi siya. “Next time magsabi ka ah” Aba siya pa talaga tong may ganang mag ngisi-ngisi diyan. Kung nagtanong sana siya ‘di ba? Tsaka, sinabi ko bang itimpla niya ako ng kape. Napatitg ako sakanya ang cute niya magtampo. “Next time din kasi Mr. Kapre este kape” natawa siya. “magtanong ka po ah.” Tumawa naman siya sa sinabi ko. Ang laki naman kasi niyang tao sa tingin ko hanggang balikat niya lang ako. “Ang korni naman ng Mr. Kapre mo Ms. Karate.” natatawa siya. Tapos na siyang magtimpla ng kape. “Oh ayan masarap iyan. Pero..mas masarap ako” Kumindat pa siya. Yak lang ah! Binabawi ko na pala yung sinasabi ko kanina na masarap este mabait tong si Mr. Kapre. “Kadiri ka Mr. Kapre!” Sigaw ko. “Biro lang naman!” ang sabi niya. Hinampas ko siya. Todo pigil naman siya sakin. “Oh...oh biro lang naman eh.” Todo hampas naman ako tapos siya todo ilag. Natawa ako dahil sa reaksyon niya. Para kasi siyang batang pinapalo ng Nanay niya. Biglang kumislot yung puso ko. Parang iba yung feeling. Parang ang gaan niya kasing kasama. Parang matagal na kaming magkilala. Napatitig ako sa mga magaganda niyang mata. Natitigan ko ang gwapo niyang mukha. “Oh 'bat ganyan ka makatingin?” nakangiti siya. Napaupo naman ako. “na ga-gwapuha n ka sakin no?” Wow lang ah! “Mr. Kapre!” tiningnan ko siya ng seryoso. “Pakipatay naman ang electric fan” Pinatay naman niya. “Yung Aircon Ms. Karate papatayin din ba?” Tumingin ako ng seryoso sakanya. “Hindi na malamig naman yung nilalabas nung Aircon yung electricfan hangin lang.” “Oh ba‘t mo pinapatay?” “Masyado na kasing mahangin dito. Nililipad na nga ako!” ngumisi ako. “Aba! Ikaw ah!” ang sabi niya. “Pero Ms. Karate ang bait mo pala no? Hindi ka lang pala maganda. Mabait pa” Ngumiti nanaman siya kaya napatitig nanaman ako sakanya. Pero agad ko din inalis ang tingin ko. “Bolero!” ang sabi ko. “Eh totoo kaya yun Ms. Karate!” ang sabi niya. Bakit ba ako tinatawag na Ms. Karate ng kapreng ito. “Bakit mo ba ako tinatawag ng Ms. Karate?” tanong ko. Humigop ako ng kape. “Ang eew lang kasi ng tawag mo sakin tsk!” “Ano bang gusto mo? Aha!” tumawa siya. “Baby?” Hinampas ko siya dahil sa sinabi niya. Kapal nito. “Oh sige ayaw mo. Babe nalang?. Okaya Honey?” ang sabi niya. “Hi Honey” Sexy voice pa niyang sinabi yung Hi Honey. “Duh! Kadiri kang kapre ka! Leah lang itawag mo sakin! Okay?” ang sabi ko. “Sagutin mo na tanong ko!” “Hmm..kiss muna.” ang sabi niya. “Manyak!” sigaw ko, hinampas ko siya ng kamay ko sa braso niya. “Ohh..Ohh kanina kapa ah parang Biro lang eh! Aha!” tumawa siya. “Ganito kasi yun, kanina kasi habang natutulog ka napagmasdan kita. Tapos nag kakarate ka aha!” Tumawa siya ng tumawa tumayo pa siya tapos napahawak sa tiyan niya. “Oy! Sa‘n ka natulog?!” tanong ko. Kanina kasi nasa kama ako. Isa lang ang kama dito. Wag niyang sabihin sa tabi ko siya natulog. “Sa tabi mo” kumindat pa siya. “Kadiri ka!” tumayo ako tas kinuha ko yung unan na nasa inuupuan ko. “Gago ka! 'Bat sa tabi ko?!” Seryoso na talaga mukha ko. Hinahampas ko siya nung unan. Tapos siya naman tawa lang ng tawa. “Ohh...ohh ma-masakit! Aha!” tawa siya ng tawa. “Biro lang naman yun eh! Syempre sa sahig!” Napahinto ako ng sabihin niyang sa sahig daw siya natulog. Pumasok ako sa kwarto tapos napansin ko naman sa gilid ng kama sa sahig na may nakatupi na kumot. Siguro nga dun 'sya natulog. Si Aleiza kaya?. Nasaan na ba mga yun. 'Bat ang tagal tsk! Nag date pa yata sila. “Siguraduhin mo lang na sa sahig ka natulog!” pambabanta ko. “Oh bakit?” tanong 'nya. “Susumbong kita sa Daddy ko!” malakas kong sabi. “Hahaha!” tumawa lang siya. Bumalik ako sa kusina para ipagpatuloy yung pag-inom ng kape. “hmm..sarap!” “Masarap ba? Ininom ko na yan eh Aha!” tumawa siya ng tumawa. Yak! Kadiri talaga tong kapre na ito. Kinuha ko yung sandok tapos ipapalo ko sana sakanya pero todo ilag naman siya. “Kadiri ka talaga! Arrrgh!” inis na inis na ako. Todo ilag naman siya. “Ohh...Leah. Leah ma-masakit yan!” ang sabi niya. “Wag! Wag! Wag! Ouch!” Natawa ako kasi para naman siyang bata. Ang landi-landi niya. Haha. “Ehem!” Napahinto kami ng biglang may magsalita sa likuran ko. Si Derrick at Aleiza pala. “Nakaka istorbo ba kami?” napakamot pa ng ulo si Aleiza. “tara na nga Babe nakaka istorbo yata tayo.” Babe? Wha the f**k! Aleiza aha! Iba ka talaga. Babe agad-agad? Duh! Eeww! “Babe? Aha!” ang sabi ni Sean. “Ahhh..ehhh tawagan lang namin yun uy!” ang sabi ni Aleiza. “Oo nga!” si Derrick. “Oh Honey! wag ka mainggit diyan!” ang sabi ni Sean. Nakatingin siya sakin tas kumindat pa. “Honey?” sabay pa si Derrick at Aleiza. “Naku wag kayong maniwala sa Kapre na yan!” nakangisi kong sabi. “Yieh! In denial kapa ah!” pang-aasar ni Aleiza. Nilapitan ko naman sya tas sinapok. “Aray!” Naalala ko naman na may photoshoot pala ako today. Aalis na sana kami ni Aleiza pero mamaya na daw kumain daw muna kami nung mga dalang pagkain ni Aleiza.  Todo sang-ayon naman si Aleiza. “Oo nga kain muna tayo! Gutom na ako eh” ang sabi niya. Kahit alam kong bagong kain lang siya kasi nung umuwi siya may sauce pa siya sa bibig. Pero kulay puti yung sauce eh? Ano kaya kinain nila? Baka salad mayonaise. Habang kumakain kami bigla ko nanaman naalala yung napanaginipan ko yung babae sa kotse ko. Tapos yung nakita ko sa CR kagabi. Bigla naman humangin. Kakaiba yung hangin na dumampi sa balat ko. Hindi ko nalang pinansin. I found my self dreaming from silver and Gold. Like a scene from a movie Biglang nag ring ang phone ko. Ringtone ko yung Like I'm Gonna Lose You. Paborito ko kanta nila but doesn't mean na nakakarelate ako. May nanligawa sakin dati kaya lang nagasawa iniwan ako sa ere. Sige na nga medyo nakakarelate ako kaya siguro nagustuhan ko mga kanta nila pero paboritong singer ko talaga sina Adele at Meghan. Hinanap ko naman yung phone ko kung saan nakalagay. Nahanap ko naman tinignan ko kung sinong tumatawag. Franz Calling... Agad ko naman sinagot. Alam ko kasing tungkol sa photoshoot pag-uusapan namin. Me: Hello. Franz: Hello Leah. Me: Ow. Good Morning Franz. Franz: Good Morning. By the way don't forget the photoshoot later. 10:00 am okay? Me:  Okay Franz. See you. Franz: Okay Leah. See you. In end ko na yung call. Bumalik ako sa lamesa at nagpatuloy kaming kumain. “Sino yun?” tanong ni Sean. Napahinto ako sa pagkain. “Ah si Fra- “Si Fafa Franz yun! Crush ni Leah Aha!” malakas na sabi ni Aleiza. Kahit kailan talaga madaldal tong si Aleiza. Nakita ko naman na nag-iba ang mukha ni Sean. Kumunot ang kanyang noo. “Hmm...Ahhhh okay” tumango-tango si Sean at nagpatuloy siya sa pagkain. Nagpatuloy nalang din ako sa pagkain. Napansin ko naman si Derrick na siniko niya si Aleiza. Parang sinisisi niya na bakit niya sinabi na Crush ko si Franz. Ano ngayon kung sinabi yun ni Aleiza? Big deal ba yun sakanila?. Totoo naman sinabi ni Aleiza crush ko si Franz. Ang bait niya kasi ang caring tapos ang gwapo parang artista. Sobrang maalaga siya sakin. Nang matapos na kaming kumain ay agad ko ng niyaya si Aleiza. 8:30 am na kasi mag ba-biyahe pa kami at maliligo pa ako. “Salamat ah Sean” ang sabi ko. Ngumiti siya pero halatang pilit lang. Nawala yung kulit niya kanina. “Walang ano man” Hinatid nila kami hanggang baba. Hanggang makasakay kami sa sasakyan ko. Nag biyahe na kami ni Aleiza pauwi. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD