Leah Pelaez's POV
Hinatid ko na si Aleiza sa bahay nila. Todo kwento naman siya ng nangyari sakanila ni Derrick. Nahuli ko tuloy siya na tama ang hinala ko na kumain na nga sila.
“Thanks friend” ngumiti siya. “Nextime ulit ah”
“Oo na sige!” ang sabi.
Nagbeso nako sakanya tapos umalis na ako. “Thanks ulit!” sigaw niya.
Nagdrive nako ng sasakyan ko pauwi sa amin. Habang nag da-drive ako muli kong naalala yung napanginipan ko. Tsaka yung babaeng nakita ko sa CR. Sino kaya iyon?.
Napatingin ako sa salamin para tignan ang backseat. Pero tanting upuan lang ang nakita ko.
Kanina habang kumakain kami kinwento ni Sean at Derrick kung paano daw nila kami nadala sa Condo Unit nila. Kinuha daw nila yung susi sa bag ko.
Nainis pako kasi ayokong may nakiki alam sa bag ko. Pero wala naman daw silang pinakialaman.
Tapos si Sean daw ang nag drive ng kotse ko, kaming dalawa lang. Tapos si Derrick naman siya daw nag drive sa kotse ni Sean sakay niya si Aleiza.
Tapos na kwento din nila na magkaibigan daw talaga sila Since Highschool tapos yung mga Mama nila naging magkaibigan din dahil sakanila. Kaya naging super close sila Sean at Derrick.
Kay Sean daw condo unit yun, lagi lang daw talaga nandun si Derrick. Pareho kasi silang Only Child.
May business silang pareho ni Sean kaya lagi silang magkasama. Isang restaurant yun daw yung pinuntahan nila Aleiza kanina.
23 years old na sila pareho graduate sila ng HRM. Magaling daw sila pareho magluto pero mas magaling daw si Sean. Nagyayabang pa siya habang nag ke-kwento kanina.
Ako naman graduated ako ng Masscom. Si Aleiza naman Graduated ng Business Administration.
Pinagkaka abalahan niya ngayon ay ang Hotel&Resort na business ng kanyang pamilya siya kasi ang nag ma-manage nun.
Hindi ko napansin malapit na pala ako. Nang makapunta na ako sa harapan ng gate ay agad akong bumusina. Agad naman binuksan ni Manong Guard ang gate.
Agad akong bumaba ng kotse dahil nagmamadali na ako. 9:00 am na kasi ang oras sa wrist watch ko.
Agad akong pumasok ng bahay at nakita ko si Ate Vanessa sa sala nag ma-marathon nanaman ng mga Korean Novela's.
Nasa bahay pala siya ngayon araw akala ko kasi nasa work siya or nasa bahay nanaman siya ng kaibigan niya.
“Good Morning Ate!” bati ko.
Napatingin naman siya ng seryoso sakin. Masyado siyang protective sakin. Siguro nagtataka siya kung saan ako galing. Kung saan ako natulog.
“Good Morning!” sagot niya.
Hindi na niya tinanong kasi alam niyang sasabihin ko na siya din naman. Ang galing ko no?. Alam ko tinatakbo ng utak niya. Ganun kasi kami lagi.
“Next time mag text ka, para di ako nag-aalala. Alam mo namang wala sina Mom at Dad” ang sabi niya. “Kumain kana pala By”
By ang tawag niya sakin short for Baby. Dati tawag niya sakin Baby. Eh naiinis ako kasi parang ang bata-bata ko pa eh. I'm 22 tapos tawag niya Baby.
Sexy si Ate Vanessa pwede nga siyang maging Artista. Naka short lang siya na maliit ngayon, nakasando tapos yakap-akap niya yung unan at nakataas ang mga paa niya sa upuan. Tapos may mga pagkain na nakahanda sa harapan niya habang nanunuod ng TV.
“Sorry Ate. Okay next time mag te-text na talaga ako!” ang sabi ako at nilapitan ko siya at kiniss sa cheeks. “Mwah!”
“Ang sweet naman ng Baby ko!” ang sabi niya. “Oh kain na!”
“Kumain na ako Ate” ang sabi ko. “Bihis lang ako may photoshoot kasi eh.”
“Kumain ka ba sa bahay ng boyfriend mo?” tanong niya.
Hays. Kahit kailan si Ate lagi niyang pinipilit ma may boyfriend daw ako. Eh kapag nag o-over night lang naman ako kung hindi kanila Aleiza eh nasa Bar kami. Tapos pag-uwi ko sasabihin niya lagi nasa 'bahay daw ba ako ng boyfriend ko' , 'Kumain na daw ako sa bahay ng boyfriend ko' , 'Minsan daw uwi ko boyfriend ko kilala ko sakanila' eh wala naman nga tsk.
“Ate!” sigaw ko. “tsk! Wala naman nga akong boyfriend eh!”
Tumawa lang siya ng tumawa. Kainis talaga siya. Pumanhik nako ng bahay para pumunta sa kwarto ko.
Nagbihis na ako at bumaba na ulit. Nag dress ako tapos heels. Papalitan naman mamaya suot ko dahil nga may photoshoot kami.
Napansin ko na wala na si Ate Vanessa. Nililigpit na ni Yaya Rina yung mga pinagkainan ni Ate.
“Si Ate po?” tanong ko kay Yaya Rina.
Hindi pa nakakasagot si Yaya Rina ng magsalita si Ate Vanessa mula sa likuran ko.
“Leah!”
Lumingon naman ako naka-ayos din siya. Siguro may pupuntahan nanaman.
“Tinawagan kasi ako ni Ahyie samahan ko daw sa Mall” ang sabi niya. “sabay na ako sayo.”
“Okay Ate.” sagot ko.
Si Ate Ahyie yung bestfriend niya since Highschool.
Si Ate Raine bestfriend niya din since Highschool sila.
Naglakad na kami ni Ate sa sasakyan ko. May sasakyan naman si Ate kaya lang minsan iniiwan nalang niya kasi may sasakyan naman si Ate Ahyie. Alangan naman magkasama sila tapos dalawang sasakyan pa ang dala nila diba?. Yung isa naman nilang kaibigan si Ate Raine hindi gaanong mayaman pero masipag si Ate Raine lahat ginagawa niya para sa pamilya niya isa siyang supervisor sa isang Restaurant kaya madalas busy si Ate Raine kaya laging si Ate Ahyie at Ate Vanessa lang ang magkasama.
Habang nag ba-biyahe ako tumutugtog yung Cover ni William Singe ng See you again.
its been a long day without you my friend and ill tell you all about it when i see you again weve come a long way from where we began oh ill tell you all about it when i see you again when i see you again
Ang weird ko lang kasi yung mga kanta nila hindi naman ako sobrang relate pero lagi ko parin pinapakinggan. Idol ko kasi talaga sila tsaka napakaganda talaga ng mga bosis nila. Sila yung pampawala ko ng Stress.
Nang malapit kami sa Mall ay nagpaalam na si Ate Vanessa sakin. “Oh ingat ka ah By!” si ate. Kiniss niya ako sa cheeks. “Mwaaah!”
Tapos bumaba na siya ng sasakyan ko nakita ko naman si Ate Ahyie.
“Hi Ate!”
“Hi Leah!”
Nag ngitian lang kami tapos pinaandar ko na ulit yung sasakyan. 9:45 am na pala. Buti nalang at malapit nalang ako.
Nang makarating ako sa studio ay agad akong nagmadaling naglakad papasok sa loob ng studio.
May mga taong nakatingin sakin. May mga nag pa-picture pa. Hindi ko naman matanggihan dahil ayokong masabihab ng snobb.
Nang makapunta nako sa lugar kung saan gaganapin yung photoshoot nakita ko sa Ms. Pia Mogal na nakaupo, kasama si Eric at Franz.
Si Eric siya yung fashion designer at isa sa mga staff. He's a gay at siya daw si Erica Shook.
Si Ms. Pia Mogal naman ay ang manager ko. Parang siya na ang second Mom ko dahil super bait at maalaga siya sakin.
Nang makita ako ni Eric ay agad siyang nagmadaling lumapit sakin.
“Akala namin hindi kana darating bakla!” nakangisi si Eric. “Oh guys! Ayusan niyo na si Leah!”
Lumapit naman si Ms. Pia at si Franz.
“Good Morning Ms. Pia” bati ko. Nag beso kami. “Sorry po medyo late”
“It's okay” sabi niya. “Sige bye muna, may aayusin lang ako.”
“Hi Franz.” nakangiti kong sabi. “Sorry late ah”
“It's okay Leah.”
Tinawag na ako nung mga baklang mag-aayos sakin para sa photoshoot ko. Lumapit na ako at nag ngitian lang kami ni Franz at naglakad na din siya palayo pabalik sa upuan niya.
Nang matapos na akong maayusan ay agad akong pumunta sa harapan ng Camera. Naglakad naman si Franz papunta sa harapan ko.
Tsaka na namin sinimulan ang photoshoot. Iba't-ibang pose ang ginawa ko. Feel na feel ko ang suot ko na kulay purple na gown. Backless ito at fitted.
Nang matapos kami sa damit na iyon ay ibang damit naman ang sinuot ko at tsaka ulit ako nag pose.
Ganun lang ang ginawa namin. Hanggang mag break muna kami. Nakakapagod na din kasi. Bumalik ako sa mesa kung saan ako inayusan kanina. Pinu-punasan naman ako ng pawis nung isang staff.
Kinuha ko yung phone ko at napansin ko na almost 12:00 PM na pala lunch na antagal din namin nag photoshoot almost 2 hours din. Yung pag-aayos dun kami natatagalan kasi minsan yung make-up kailangan pang tanggalin dahil hindi bagay sa damit at depende sa look, then yung pagpalit-palit ng damit doon kami natatagalan. Dahil professional model naman ako madali na sakin ang mga posing.
“Hi Leah!”
Napalingon naman ako sa nagsalita. Wala na yung staff sa tabi ko.
Si Franz pala yung nagsalita.
“Hi Franz.”
“Tara kain muna tayo sa labas! Treat ko!” Ang sabi niya.
“Hmm..”
“Tara na!” pangungulit niya. Nakangiti na nanaman siya yung pamatay niyang ngiti. “Please. Minsan lang naman eh!”
“Okay sige. Hintayin moko mag C-CR lang ako” ang sabi ko.
“Okay sige. Hihintayin kita.” ngumiti siya.
Naglakad na ako papunta sa CR siya naman umupo lang. Isa lang ang CR dito sa Studio. Malaki yung studio. Pero yung pinaka studio kung saan kami nag po-photoshoot sa amin ay may isang CR lang.
Doon ako pumunta. Tahimik lang ang paligid dahil yung mga staff nag break na. Malamang kumain na yung mga yun nakakapagod at nakakagutom naman na kasi talaga.
Habang naglalakad ako papunta sa CR ay para bang may kung ano sa pakiramdam na hindi ko ma explain. Bigla naman may dumaan sa likuran ko na isang mabilis na bagay pero hindi ko nakita kung ano dahil mabilis lang siyang dumaan. Parang anino lang ito. Kahit nakatilikod ay nakita ko siya dahil ginilid ko ang mga mata ko.
Kinilabutan ako dahil doon agad akong nakaramdam ng takot dahil naalala ko yung babaeng nakaputi na nakita ko sa panaginip ko at sa CR nung Bar.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Papasok na sana ako ng CR ng bigla akong makakita ng batang tumakbo at pumasok sa isang Room. 'Di ko alam kung anong room iyon dahil hindi naman ako pumupunta sa lugar na iyon.
Kanino naman anak iyong bata na iyon?. Panigurado isa nanaman yun sa anak ng mga staff. Grabe sila hindi nila iniingatan ang mga anak nila.
Hindi ko na sana papansinin yung batang pumasok sa room pero bigla akong nakarinig ng iyak. Kaya nakaramdam ako ng awa.
Naglakad ako papunta doon sa room. Agad kong nilapitan yung pituan nung Room. Dahan-dahan kong pinihit yung doorknob. Bumukas naman ito.
Dinig na dinig ko parin yung iyak. Napansin ko na madilim sa paligid kaya ginamit ko ang flashlight ng phone ko.
“Baby Girl?”
Hindi ko alam yung pangalan nung bata dahil hindi naman familiar sakin. Ngayon ko lang yun nakita dito. Babae yung bata at sa tingin ko ay nasa 5 years old.
“Lumabas kana diyan”
Napansin ko naman yung paligid na puno ng agiw, alikabok at mga damit na naka-kalat. Siguro dati itong dressing room.
Habang dahan-dahan akong naglalakad ay may naapakan akong isang bagay. Pupulutin ko na sana ito ng biglang may dumaan na daga. “Woah!” saglit akong napasigaw at napaatras ako.
Muli kong pinulot yung bagay na nakita ko. Inilawan ko yun. “Kamera?” bulong ko sa sarili ko.
Sa tingin ko ay konting linis lang ay pwede na 'yung kamera na iyon. Nilagay ko siya sa dala kong shoulder bag.
“Sayang naman” bulong ko sa sarili ko.
Muli kong narinig 'yung iyak ng bata. 'Di ko alam kung nasaan siya kaya nilibot ko muna yung paligid. Hanggang makita ko siya na nakayuko at nakaupo sa sahig habang umiiyak.
Kinakabahan na ako sa lugar na ito at mas lalo akong natatakot sa iyak ng bata dahil parang hindi siya normal na bata. Para bang kagaya siya nung mga batang napapanood ko sa mga horror movies.
“Baby Girl?” ang sabi ko. “Sino bang Mommy mo? 'Bat ka nandito?”
Hindi naman niya ako sinagot nagpatuloy lang siya sa pag-iyak habang nakayuko parin.
Hinawakan ko yung ulo niya. Pero inalis niya lang ang kamay ko. Nagulat pako dahil ang lakas niya. Napahawak ako sa kamay ko dahil nasaktan ako sa ginawa niya.
Dahan-dahan naman niyang ini-angat ang ulo niya. Nagulantang ako sa itsura niya wala siyang mata at duguan ang mukha pero halata mong galit na galit siyang nakatingin sakin.
Agad akong nagtatakbo palabas ng lumang dressing room pero biglang lumakas ang hangin at nagsarado ng kusa ang pintuan.