CHAPTER 4

2125 Words
Leah Pelaez's POV Nagsi-sigaw na ako ng makita kong nagsarado ang pintuan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sobra na akong natatakot. Hindi narin makita ng mga mata ko yung bata dahil tumakbo ako papunta malapit sa pintuan. Napasandal nalang ako sa takot at napaupo. Napahawak ako sa dalawa kong taenga at nagsi-sigaw ako. Nanginginig na ako sa takot. Feeling ko ay katapusan ko na. Humahangin parin ng medyo malakas. “Franz!” “Eric!” “Ms. Pia!” “Tulong!” Sunod-sunod ang naging pagsigaw ko. Feeling ko ay walang nakakarinig sakin. Kinalampag ko na din ang pintuan. Mas lalo akong kinilabutan at nanginig sa takot ng maramdaman kong parang may kamay humahawak sa paa ko. Sobrang lamig sa pakiramdam. Sobrang nanginginig na talaga ang buo kong katawan dahil sa takot at kaba na nararamdaman ko. Inilawan ko yung kamay na nakahawak sa paa ko. Nagulantang ako ng makita ko yung babaeng nakaputi na nakatingin sa akin at sobrang galit na galit. Duguan ang mukha nito, walang mata pero halata mong galit na galit. Lumuluha din ito ng dugo. Sobra na akong nagwala dahil doon tumayo ako tsaka ko kinalampag ang pintuan. Sobrang pawis na pawis na ako. Feeling ko ay mawawalan na ako ng malay ano mang oras. Hanggang napaupo nalang ako sa sahig at napasandal sa pader. Dahan-dahan kong pinikit ang mga mata ko. - Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Medyo nasilaw pa ako sa sinag ng araw kaya pinang harang ko yung kamay ko para di ako masilaw. Napansin kong nasa kwarto na pala ako. Hindi ko alam kung bakit na ako nandito. Kung paano ba ako nakarating dito at kung sino ang nagdala sakin dito. Ang naaalala ko lang ay nawalan ako ng malay kanina. Muli akong nakaramdam ng takot ng maalaala ko yung mga nangyari kanina. Hindi ko alam kung totoo yun o hindi. Pero sigurado akong totoo yung mga nangyari kanina. Napansin ko naman na walang tao sa kwarto ko. Sino kayang naghatid sakin? Hindi ko man lang napasalamatan. Lumabas ako ng kwarto ko para tignan si Ate Vanessa. Nang makalabas na ako ay nagulat ako ng nasa Sala si Ate Vanessa kasama niya si Aleiza, Derrick, Eric, Franz, at Sean Masaya silang nag ke-kwentuhan. Hindi ko alam kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila pero tawa sila ng tawa. Nang mapatingin sakin si Aleiza ay agad niya akong tinawa. “Friend!” sigaw niya. Eskandalosa talaga tong babae na ito. “Gising kana pala!” Obvious ba? Duh. Tinawag ako ni Ate Vanessa. Bumaba naman ako umupo sa sofa kasama sila. Kinwento nila kung paano nila ako nauwi dito. Si Eric daw ang nakarinig sakin na sumigaw. Natagalan daw siya maghanap sakin dahil hindi niya alam kung saan nangga-galing yung sigaw ko. Hanggang makita niya daw ako sa isang lumang dressing room. Wala na daw akong malay. Silang dalawa naman ni Franz ang nagdala dito sakin sa bahay. Sina Aleiza, Sean at Derrick naman ay pumunta dito sa bahay ng ibalita ni Ate Vanessa kay Aleiza yung nangyari sakin. Hindi ko alam kung iku-kwento ko ba sakanila yung nangyari sakin kung bakit ako nan doon sa lumang dressing room or hindi. Alam ko kasing hindi nila ako paniniwalaan. Kaya hindi ko nalang ike-kwento sakanila. Todo asar naman si Ate Vanessa samin ni Sean. Sina Aleiza at Derrick naman tawa ng tawa. Si Sean naman todo ngiti lang. Napansin ko din na nag-iba yung mukha ni Franz ng inaasar kaming dalawa ni Sean ni Ate Vanessa. Bakit kaya? Ayoko man maging assuming pero sa tingin ko ay nagseselos si Franz. Si Eric naman tuwang-tuwa kasi may dalawang pogi siyang katabi. Todo landi naman siya sa mga to. Kaya naiinis tuloy si Aleiza sakanya aha! “Sabi ko naman kasi sayo By! Idala mo dito boyfriend mo diba?” pang-aasar ni Ate. “Ate. . hindi ko boyfriend si Sean.” ang sabi ko. “Kaibigan ko lang siya.” “Kaibigan?” tiningnan ako ni Ate Vanessa tas ngumiti siya ng nakakaloko. “Oh. . Ka-i-bi-gan.” Nagtawanan naman silang lahat. Kainis talaga tong si Ate Vanessa. Si Franz naman bahagya lang ng tumawa. “Kailangan ko ng umalis.” ang sabi ni Franz. “Thanks Ate Vanessa. Thank you guys!” “Sasabay na ako Fafa Franz!” medyo malakas na sabi ni Eric. “Bye guys! Bye Fafa Derrick and Fafa Sean! Next time ulit.” Kinindatan pa niya sina Sean at Derrick bago sumunod kay Franz palabas ng bahay. Ako naman sinundan ko sila para makapag pasalamat. Sumakay na sila ng kotse ni Franz. “Franz thank you.” nakangiti kong sabi. “Ingat kayo ah.” “You're welcome.”  Saad nito. “Salamat din sa pagkain.” Ngumiti nanaman si Franz yung pamatay niyang ngiti. Pero yung ngiti niya hindi kagaya ng dati. Para bang may kulang. Alam mong peke yung ngiti niya ngayon. “Thanks Erica.” ang sabi ko kay Eric. Napangiti naman si Eric dahil feel na feel niyang matawag na Erica. Gwapo si Eric at maganda naman siya kapag naging babae. Hindi mahaba ang buhok niya pero naka make-up ito. Hindi rin siya nag de-dress, gown or what. Mas mahilig siya magsuot ng mga long sleeve, pants at rubber shoes. Okaya naman ay mga maluluwang na T-Shirt. Ganun siya mag-ayos. Nag-ngitian kami at tsaka na pinaandar ni Franz yung sasakyan niya. Naglakad na ako papasok ng bahay. Alam ko kasing pinag pe-piyestahan nanaman ako ni Ate Vanessa at Aleiza. Panigurado todo kwento nanaman sila tungkol sakin kay Sean at Derrick. Pagpasok ko hindi nga ako nagkamali. Kinu-kwento nila nung debut ko. Nagkakanta daw ako tas umiyak ako. Hindi ko alam bat pinagtatawanan nila yung ganung bagay! Eh, hindi naman nila alam ang dahilan kung bakit ako umiyak noon. Naalala ko kasi yung nanligaw sakin na nang-iwan lang sakin sa Ere. Ayoko ng alalahanin iyon. Matagal naman ng nangyari iyon. Napahinto lang sila ng pagtawa ng mapansin nilang hindi nako tumatawa bigla kasi akong nawala sa mood at nalungkot ang mukha ko. “Oh by 'bat ka nalungkot?” tanong ni Ate Vanessa. Hindi ko na siya sinagot. Ayokong umiyak ngayon dahil nakakahiya. Matagal ng nangyari iyon. Four years ago na iyon. Nagmadali nalang akong naglakad papasok ng kwarto ko. Naramdaman ko naman na may sumunod sakin. Pagpasok ko ng kwarto ko ay nilock ko kaagad yung pintua. Tapos sumampa ako sa kama ko at umupo ako sa gitna ng kama ko. Unti-unti ko naman naalala yung mga nangyari nung debut ko. Excited ako 'nun dahil nga debut ko 18th birthday. Balak ko sana sagutin na 'nun si Collins ang manliligaw ko. Nakilala ko 'sya nung Highschool ako. Niligawan niya ako two years din siyang nanligaw sakin. Akala ko seryoso na siya sakin. Akala ko siya na talaga. Kasi two years 'yon. . two years. Pero hindi pa pala. 'Nung araw ng debut ko dapat siya ang first dance ko. Tinawagan, tinext ko na siya pero di parin siya nagpaparamdam. Yung puso ko halos tumalon na sa kaba. Nanginginig na din ako kasi ngayon 'nun  lang siya hindi nagparamdam ng 'ganun. Hanggang mag 18th dance na wala parin siya. Hindi niya ako naisayaw. Halos madurog yung puso ko sa sakit. Pinaasa niya ako. Lagi kaming nag-uusap noon aboout sa debut ko na gusto daw niya na siya ang first dance ko. Pero. . pero hindi naman siya dumating. Ang sakit, ang sakit-sakit. Hanggang kailangan ko ng magkanta. Kinanta ko noon ay ang Thousand Years. Pero ng nasa chorus na ako ay hindi ko na kinaya. Naiyak nalang ako. Nag walk-out ako 'nun tsaka ako pumasok ng kwarto ko at nag-iiyak. After ng araw na iyon hindi na siya nagparamdam. Wala na akong balita sakanta! Wala siyang kwenta! 'Yun din siguro ang isa sa dahilan kung bakit ako mahilig sa mga kanta ni Adele at Meghan. Pinunasan ko yung luha ko 'di ko kasi namalayan na napaluha pala ako. Dahil sa pagbabalik tanaw ko sa nakaraan. Hindi ko na alam kung anong nangyari kay Collins. Wala na akong balita sakanya. Napaayos ako ng upo ng may kumatok sa pintuan ko. “By?” Si Ate Vanessa yung kumatok siya lang naman ang tumatawag sakin na By. Hindi ko siya sinagot.  “Aalis na daw sina Sean.” ang sabi niya. “Hindi ka man lang ba magpa-paalam?” Hindi ko siya sinagot. Hindi ko alam kung bababa pa ba ako. Pero wala naman kasalanan sina Sean at Derrick si Ate Vanessa at Aleiza lang talaga yung nagpalungkot sakin. Tumayo ako mula sa kama ko at naglakad ako palabas ng kwarto ko. Napansin ko na nakatingin silang lahat sakin. Kaya bumaba  nako ng bahay. Nakaayos nadin sina Aleiza, Derrick at Sean at ready na sila umuwi. “Salamat” nakangiti kong sabi. Hindi naman ako galit kay Aleiza at Ate Vanessa. Nalungkot lang talaga ako dahil pinaalala nanaman nila yung nangyari nung 18th Birthday ko. “You're welcome.” ngumiti ang bestfriend ko. “basta ikaw friend.” In hug niya ako at niyakap ko din siya. Ganito siya ka sweet sakin. Kaya kahit makulit ang bestfriend ko na ito. Love na love ko parin siya. Kasi alam kong totoo siya at komportable ako sakanya. “Thanks Sean at Derrick.” nginitian ko sila. “Salamat din sa pagkain.” ngumiti sila tas tumingin kay Ate Vanessa. “Sarap niyo po mag luto.” ang sabi ni Sean. “Salamat.” si Ate. Lumabas na sila ng bahay at hinatid ko naman sila hanggang makasakay sila Derrick at Sean sa kotse nila. Si Aleiza naman dala niya yung sarili niyang sasakyan. “Thank you ulit friend.” ang sabi ko. “Mwah.” Nakipagbeso ako sakanya. “Thanks din friend.” ngumiti siya. Pinaandar na niya yung sasakyan niya at umalis na. Sina Sean at Derrick naman ang nilapitan ko. “Thanks ulit Sean.” ang sabi ko. Tinanaw ko si Derrick mula sa kabilang upuan. “Thank you!” Ngumiti lang si Derrick. “Basta ikaw.” nakangiti si Sean. “Babalik kami ah.” 'Di ko alam kung biro yung sinabi niya or totoo pero kahit ano pa iyon. Welcome naman silang bumalik dito. “Oh sure.” ngumiti ako. “Ingat kayo sa pag-uwi.” Kumikislap nanaman ang mata niya at todo nanaman ang ngiti niya. 'Di ko tuloy maiwasan na mamula. Nakakahita tuloy. Napansin ko kasi sa window ng sasakyan niya na parang namumula ako. “Salamat Ms. Karate.” ang sabi niya. Kumindat pa siya. Lalo tuloy akong namula sa ginawa niya. Nang hindi ko na matanaw yung kotse nila. Naglakad na ako papasok ng bahay. Napansin ko naman na wala na si Ate Vanessa. Baka pumasok na siya sa kwarto niya. Napansin ko naman si Yaya Hilda na nagliligpit ng mga pinagkainan nila Ate kanina. Dalawa ang katulong naman si Yaya Rina at Yaya Hilda. “Yaya Hilda.” napatingin siya. “Pahanda naman po ako ng pagkain.” “Okay Leah” todo ngiti siya. Agad naman niyang sinunod ang utos ko pumunta siya ng kusina. Napansin ko naman yung shoulder bag ko na nakapatong sa sofa. Kinuha ko iyon para tignan sana ang phone ko kung may nagtext. Umupo muna ako sa mesa at doon ko binuksan ang bag ko. Napansin ko naman yung kamera na napulot ko sa lumang dressing room. Pinagpag ko yun at nilinis ko ng wipes. Hindi ko na pala siya kailangan ipagawa pa. Dahil maayos pa ito. Pinatong ko muna siya sa mesa dahil nakita kong parating na si Yaya Hilda at may dalang pagkain. “Leah ito na yung pagkain mo.” todo ngiti si Yaya Hilda. Masayahing tao kasi siya at sobrang kalog. Matagal na din silang nag ta-trabaho dito sa amin ni Yaya Rina. Tinuring na namin silang parang Pamilya dahil mabait naman sila at maalaga samin ni Ate. Nilapag na ni Yaya Hilda yung mga pagkain na dala niya sa mesa. Agad naman akong kumain dagil gutom na nga ako. Napansin ko naman si Yaya Hilda na kanina pa palakad-lakad at tinitignan niya yung Kamera na napulot ko. Hinayahan ko nalang siya. “Leah sayo ba 'yang Kamera?” hinawakan niya ito. “'Bat parang luma na?” Nakangiti si Yaya Hilda habang nakikipag-usapa sakin. “Pwedeng hawakan?” “Sige po” sagot ko at tsaka ako sumubo ng kanina. Nang matapos nako kumain ay hawak niya parin yung Kamera. Hindi niya siguro alam gamitin. Nakakatuwa lang siya kasi parang sobrang saya niya nung hawak niya iyon. “Picturan mo naman ako? Pwede?” tanong niya. Napangiti naman ako sa tanong niya. “Sige po.” Agad naman siya nag pose. Agad ko siyang pinicturan. Pagkatapos ko siyang ma picturan ay may kung anong hangin naman ang dumanpi sa balat ko isang kakaibang ihip ng hangin. Napatingin naman ako sa bintana at inisip ko nalang na bukas pala ang bintana kaya medyo mahangin. Si Yaya Hilda naman tuwang-tuwa habang tinitignan yung mga pictures niya. Naka tatlong picture din ako. Tapos muntik niyang mabitawan yung Kamera. Hindi ko alam kung bakit tas ngumiti ng pilit si Yaya Hilda. “Thanks Leah” ang sabi ni Yaya Hilda ngumit siya ng peke. “Welcome po.” ang sabi ko. Nag-iba na yung postura ni Yaya Hilda simula nung ibalik niya yung Kamera para bang may ayaw siyang sabihin sakin. Hindi ko nalang siya pinansin. Pumasok na ako sa kwarto ko at napansin kong gabi na pala. Nanuod muna ako ng Horror movies. Habang pinapanuod ko iyon ay bigla kong naalala ang mga nangyari sakin mula nung nakita ko yung babae sa CR. Yung napanaginipan ko, yung babaeng nakita ko sa panaginip ko at yung batang nakita ko tsaka yung nangyari sakin doon sa loob ng dressing room. Hindi ko alam kung bakit ba nangyayari sakin ito. Sigurado akong hindi lang imagination ang aking nakikita alam kong totoo yung mga iyon. Nang matapos na akong manuod ng movie ay nakaramdam na ako ng antok, humiga ako at nagdasal. “Diyos ko, kayo na pong bahala sakin. Wag niyo po akong pababayaan.” Dahan-dahan kong pinikit ang mga mata ko at sinimulan ko ng matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD