Leah Pelaez's POV.
Hindi parin ako mapakali dahil lagi kong naalala yung babaeng nakaputi. Sino kaya 'yun? Bakit siya nagpapakita sakin?
Nakaramdam nanaman ako ng takot dahil hindi nanaman siya mawala sa isipan ko. Lalo na yung batang nakita ko sa loob ng lumang dressing room.
Sabi ni Eric wala naman raw nagdala ng anak sa mga staff sa studio 'nun nung time na nag po-photoshoot kami.
Bakit ba sila nagpapakita sakin? Gulong-g**o na ako. Takot na takot na ako.
Maaga akong nagising ngayon. Wala naman akong photoshoot today.
Naglakad ako papunta ng CR. Naghilamos ako at nag-ayos ng sarili.
Nang matapos na akong mag-ayos ng sarili ay kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa mesa sa tabi ng kama ko. Tinignan ko naman yung mga text message.
*24 unread messages*
Agad kong binuksan yung ibang mga message.
Ate Vanessa: Good Morning By! :*
Ate Vanessa: Kumain kana pag-gising mo ah! Maya pa gabi uwi ko. Na kela Ahyie ako. Okay lang ako dito. Labyu By! :*
Ang sweet talaga ni Ate Vanessa. Ganyan siya ka Caring kahit wala siya. Na kela Ate Ahyie pala siya. Ni-replyan ko naman si Ate.
Me: Okay Ate. Ingat ka diyan. Labyu more mwah! :*
Tinignan ko naman yung ibang messages.
Aleiza: Good Morning friend! Have a nice day! Lablab!
Ps: Ang ganda ko!
Kapal talaga ng mukha ng babaeng to. Hindi ko siya nireplyan.
Napansin ko na may text din pala si Sean.
Sean: Good Morning Leah!
Sean: Ms. Karate!
Sean: Hoy!
Sean: Ang pogi ko!
Sean: Ang yummy ko!
Sean: Kain kana Babe!
Sean: Honey?
Sean: Tulog ka pa ba?
Sean: Huy? See you later!
Sean: Nakalimutan mo na yata? :(((
Ang dami naman text ng kapre na to!
Me: Hoy kapre! Anong Babe! Honey! Ka diyan! -_-
Wala pang ilang minuto nag reply na agad si Kapre.
Sean: Joke lang yun eh. Ikaw talaga! :D kinilig ka lang, eh. ;)
Me: K
Hindi ko na inalam kung nagreply pa siya. Nilapag ko na kasi phone ko sa mesa. Napahiga ako sa kama ko at napatitig ako sa kisama.
Ilang minuto pa ng marinig kong mag ring ang phone ko.
I found myself dreaming from silver and gold. Like a scene from a movie—
Mr. Kapre Calling...
Si Kapre pala yung tumatawag. Sinagot ko nalang.
"Hello!" panimula ko.
"Hi Babe!" ang sabi niya.
"tse!"
"Joke lang! Aha!"
"See you later ah!" ang sabi niya.
Anong see you later? Bakit may lakad ba kami? Duh!
"Huh?"
"Hindi mo man lang ako babatiin?" malungkot bosis niya.
"Bakit? Kakasal kana?" tanong ko. "Congrats!"
"Oo!" ang sabi niya.
"Oh talaga?" gulat kong sabi.
"Yes! Sayo aha!" tumawa siya.
"Lol!"
"Birthday ko diba?" walang gana niyang sabi.
Birthday? 'Bat wala akong matandaan?
"Oh 'bat ngayon mo lang sinabi?" tanong ko. "Happy Birthday!"
"Eh! Sinabi ko kaya!" ang sabi niya. "Ikaw kasi ang lalim ng iniisip mo nung nasa bahay nyo kami!"
"Hindi ko narinig sorry!" depensa ko.
"Oh see you mamaya ah" ang sabi niya. "Alam na ni Aleiza kung saan!"
"Okay!"
Pinatay ko na yung tawag. 'Di ko kasi alam kung anong sasabihin ko. Bakit 'di ko alam na birthday pala niya? Grabe naman lutang kasi ang isip ko nung nasa bahay sila.
Tatawagan ko sana sa phone si Aleiza para ipa kwento ko yung about sa birthday ni Sean ng biglang—
"Friend!!!"
Halos tumalon ang puso ko sa kaba at gulat. Napatingin naman ako sakanya. Pak na pak yung make-up niya. Naka dress din siya. Ready na talaga siya sa party ah!
"Busit ka talaga!" sigaw ko. "Papatayin mo ba ako sa gulat?"
"May namamatay ba sa gulat friend?" tanong niya.
Napahawak nalang ako sa noo ko.
In explain naman niya yung about sa birthday ni Sean.
In-invite raw pala kami ni Sean kahapon 'nung nasa bahay sila. Pero lutang raw ako kaya raw siguro 'di ko matandaan.
Sa resort raw nila Aleiza gaganapin ang Birthday ni Sean. In-offer raw ni Aleiza kay Sean. Sinabi niya na may Hotel and Resort sila at pwede niya gawin 'dun ang Birthday niya. Mura lang daw binigay ni Aleiza kay Sean since kaibigan naman namin sila.
Nagbihis muna ako nag dress din ako ng kulay maroon. Off shoulder yun at nag heels ako. Nag make-up din ako.
Niyaya na ako ni Aleiza na umalis mag 12:00pm na kasi. 1:00pm daw ay mag i start na ang party. Excited masyado si Aleiza kaya umalis na raw kami.
"Tara na friend!" anyaya ni Aleiza.
Palabas na kami ng kwarto ko ngayon. Bumaba na kami ng bahay. Napansin ko naman si Yaya Rina na naglilinis ng Hagdan. Bigla ko tuloy naalala si Yaya Hilda. Kamusta na kaya siya? Para kasing may nag-iba sakanya simula kagabi.
"Yaya Rina?" tawag ko sakanya.
"Leah?"
"Si Yaya Hilda po?" tanong ko.
"Ay si Hilda kanina pa hindi lumalabas ng kwarto! Ewan ko ba dun sa babaeng yun!" halata mong nagtataka si Yaya Rina. "Eh kasi parang nababaliw! Paulit-ulit niyang sinasabi na may babae daw siyang nakikita. Babaeng nakaputi raw duguan at walang mata!"
"Aha! Nababaliw na nga yan!" singit ni Aleiza.
Halos tumalon ang puso ko dahil sa sinabi ni Yaya Rina. Babaeng duguan? Walang mata? Hindi kaya iisa lang ang nagpapakita sa amin ni Yaya Hilda? Pero bakit? Hays.
Hinila na ako ni Aleiza palabas. Dala-dala niya ang kanyang kotse. 'Yun nalang daw ang gamitin namin. Sumakay na kami sa kotse niya at nagbiyahe na kami.
Ako naman tahimik lang sa biyahe. Nakatulala parin ako. Iniisip ko parin yung sinabi ni Yaya Rina. Bakit siya nagpapakita kay Yaya Hilda? Iisa lang kaya yung nagpapakita sa amin? Hays.
"Hoy!" sigaw ni Aleiza. "Kanina kapa tulala diyan ah!"
Hindi ko siya pinansin.
"'Wag mo sabihin na naniniwala ka sa sinabi ng Maid nyo? Aha!" tumawa siya.
Hindi ko nalang siya pinansin. Nagpatuloy lang kami sa biyahe. Hanggang ihinto na ni Aleiza ang sasakyan dahil nasa Resort na kami.
Pagbaba palang namin namin ng sasakyan dinig na dinig ko na 'yung malakas na sound system na nagmumula sa loob ng Resort. Naglakad na kami ni Aleiza papasok ng Resort. 'Yung iba pinapakita pa 'yung invitation bago tuluyan papasukin sa Venue, pero nung kami na ni Aleiza ang papasok ay hindi na namin kailangan magbigay ng Invitation dahil nga sina Aleiza ang may-ari ng Resort and Hotel.
Nagpatuloy lang kami sa paglakad, napansin ko ang Venue. Maganda ang pagkaka-ayos. May mga kulay maroon at puti na kurtina at takip ng lamesa. Napakagandang tignan.
Maraming bisita, mukhang mayayaman. May isang babae naman na familiar sa akin, pati ang mga kasama niya ay familiar. Tiningnan ko lang siya. Hanggang magtama ang tingin namin.
Napansin kong nakatingin narin si Aleiza, doon sa babae. Natatandaan ko na kung sino 'yung babaeng 'yon siya 'yung babae sa bar na ex daw ni Sean.
Naglakad 'yung tatlong babae palapit sa amin, habang may hawak-hawak silang mga wines.
"Hi."
Nag Hi siya tsaka siya ngumiti pero halatang peke.
"Hello" sagot ko
Nag ngitian kaming lahat. Plastikan kumbaga.
"Hindi ko alam na invited pala kayo?"
"Hindi rin namin alam na staff pala kayo sa Resort and Hotel KO." ang sabi ni Aleiza.
Nagkatinginan naman 'yung tatlong babae. Nagtataka siguro dahil sa sinabi ni Aleiza.
"Staff? Ahahahahaha!" tinignan niya 'yung dalawa niyang kasama na parang gusto niyang pati sila ay makitawa.
"Ahahahahahaha!"
Tumawa naman sila. Mukha silang mga tanga actually.
"Hindi kami staff. Ikakasal na kami ni Sean kaya syempre, invited ako."
"Tama."
Biglang kumirot 'yung puso ko hindi ko alam kung bakit.
"Ahhh— Congrats." ang sabi ko, tsaka ko hinila si Aleiza palayo sakanila.
Narinig ko naman na nagtawanan 'yung tatlong babae.
"Friend ikakasal na pala si Sean?" tanong ni Aleiza.
"Hindi ko alam. Hindi naman ako interasadong malaman."
Nagpatuloy lang kami sa paglakad hanggang makita namin si Derrick. Si Aleiza naman agad nakipag beso kay Derrick.
"Ow, nandito na pala kayo, tara muna sa loob kanina pa kayo hinihintay ni Sean." nakangiting sabi ni Derrick.
Umupo lang ako sa isang mesa. Hindi na ako sumama kanila Aleiza. Pinipilit pa nila akong sumama pero hindi na ako sumama sa loob. Sinabi ko na hihintayin ko nalang sila dito sa labas sa may mesa.
May lumapit naman sakin na Waiter. Inalok niya ako ng Wine. Kumuha ako at agad uminom.
Ilang minuto lang ang lumipas ay napansin ko sina Aleiza, Sean at Derrick na papunta sa gawi ko.
Inalis ko agad ang tingin ko sakanila. Medyo nahilo ako agad dahil hindi ko hiyang 'yung wine na ininom ko.
"Hi Leah" bungad ni Sean.
Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng pag-init ng katawan. Tumayo ako at hinarap si Sean.
"Happy Birthday!" malakas kong sambit tapos binigay ko 'yung regalong bitbit ko. Sinampal ko siya. Hindi ko alam ba't ko nagawa 'yon dahil siguro sa inis. Pero bakit ako naiinis? Nagseselos ba ako? Ano ko ba siya? Tsaka kaka kilala ko lang sakanya bakit naman ako magseselos. Ano bang meron sa lalaking 'to bakit ang iba ang dating niya saken.
"H'wag muna akong lalandiin!" inis kong sambit. Natulala siya dahil sa nagawa ko at sa mga sinasabi ko. Pumunta naman si Aleiza sa likuran ko at hinawakan ang braso ko para awatin ko. Napansin kong lumapit si Monique kay Sean. "Congratulation!" ngumiti ako at tinapunan ko sila ng isang basong wine na hawak ko.
"Ano bang nangyayari sa'yo Leah?!" nilakasan ako ng boses ni Sean "Mabuti pa magpahinga ka na lasing kana"
"Hindi ako lasing!"
Biglang nag walk out si Sean kasama si Derrick. Mukhang napikon siya sa akin. Pwes wala akong pake.
Napatingin ako kay Monique na napapasigaw parin at nandidiri dahil basang-basa ng wine ang suot niyang damit.
"Bullshit!" sigaw ni Monique.
"b***h" sambit ko.
Balak niya sanang sampalin ako pero agad kong nahawakan ang kamay niya. Pagkatapos ay ako ang sumampal sakanya.
Bigla niya akong sinabunutan. Buti nalang naalis ko agad ang kamay niya sa buhok ko kung hindi baka kalbo na ako ngayon at 'pag nagkataon ay hindi niya magugustuhan ang magagawa ko sakanya. Gumanti ako agad kong hinila ang buhok niya at sinabunutan.
Inawat naman ako ni Aleiza "Friend nakakahiya pinagtitinginan na tayo"
Hindi ko siya pinakinggan nagpatuloy lang ako sa pagsabunot kay Monique. Nang maalis niya 'yung pagkakasabunot ko sa buhok niya ay agad siyang tumayo at inayos ang sarili niya.
"Arrrrgh!!" inis niyang sambit "Hindi pa tayo tapos!"
Paglingon niya ay sakto na padating 'yung dalawa niyang kaibigan na babae na feeling maganda din. "Bullshit! Mga bobo! Ba't ngayon pa kayo dumating!" inis niyang sambit sa dalawa niyang kaibigan at padabog na nag walkout.
Tinignan ako ng masama nung dalawang kaibigan niya. Tinaasan ko sila ng kilay "Oh baket?" tanong ko.
Inirapan naman nila ako tsaka sila naglakad palayo. Mga duwag.
Napatingin ako kay Aleiza na naka cross arms. "Ayan ba't ka kas umiinom ng ibang brand ng wine! Tignan mo nangyari sa'yo! Sumusumpong pagka Amazona mo!" sermon niya saken.
"Naku kilala mo naman ako diba? Kahit hindi ako lasing amazona ako!" sambit ko.
"Oo nga pero minsan mo lang 'yung pairalin kapag may matindi kang galit! Nagiging amazona ka lang kapag naaapi ang mga taong mahal mo. Kapag may problema ka sa taong mahal mo, Tsaka nung uli pa kitang nakitang naging ganyan nung nagseselos ka doon sa babaeng close ni Collins—
Napahinto siya sa pagsasalita at napahawak sa bibig niya na para bang may naisip.
"Friend are you jealous? May gusto kana ba kay Sean?"
Napaisip ako sa sinabi niya may gusto ba ako kay Sean. Tama ba siya? Nagiging amazona ako dahil sa taong mahal ko? Agad-agad?
Shit no!
"Hindi no!"
"Uy! Leah Pelaez kilala kit—
"Will you please shut up Aleiza!" sinigawan ko si Aleiza. Nagulat ako sa ginawa ko dahil ngayon ko nalang siya ulit nasigawan ng ganon. "Sorry" sambit ko.
"It's okay" sambit niya "I understand" lumapit siya sakin at niyakap ako.
Napahinto lang kami ng biglang mag ring ang cellphone ko. Napansin ko na si Yaya Hilda ang tumatawag sa akin.
Hindi ko pinansin dahil sa inis ko sa mga taong kaharap ko.
Napatingin ulit ako sa cellphone ko na nakapatong sa mesa nag ring nanaman kasi ulit ito. Pero si Yaya Rina na ang tumatawag.
Sinagot ko ito. "Hello! Pwede ba I'm busy! Please don't disturb m—
Napahinto ako ng marinig kong humahagulgol siya ng iyak. "Ma'am Leah s-si Hilda po,"
"A-anong nangyari kay Yaya Hilda?!" sigaw ko. Napansin kong nag-aalala narin si Aleiza. Pinagtitinginan narin kami ng mga guess dito sa bwisit na party ni Sean.
"W-wala na po siya—
Hindi ko na narinig ang iba niyang sinabi dahil parang nanghina 'yung tuhod ko sa narinig ko at napaupo ako sa upuan. Napayakap ako sa bewang ni Aleiza at nabitawan ko 'yung hawak kong cellphone at doon na tumulo ang luha ko.
"A-anong nangyari?" tanong ni Aleiza.
Hindi ko siya sinagot kaya pinulot niya 'yung cellphone ko at kinausap si Yaya Rina.
Napahawak siya sa bibig niya at niyakap ako.
"N-natagpuan nalang daw siya sa may tabing hagdan na puno ng saksak" nanginginig na sambit ni Aleiza.
Sino kaya ang may gawa non? Sinisigurado kong pagbabayaran niya ito.