Leah Pelaez's POV
Pag-dating namin ni Aleiza sa bahay ay may mga pulis. Nakita ko din ang bangkay ni Yaya Hilda. Puno siya ng sak-sak. Napahawak nalang ako sa bibig ko. Nanginigi ang katawan ko dahil sa takot.
Napansin ko din si Aleiza na takot na takot habang nakatingin kay Yaya Hilda.
Sino bang may gawa nito?
Nilapitan naman ako ng isang pulis. “Ikaw ba si Leah Pelaez?” tanong nito.
Tumango ako, “Ako nga po,”
“Kailangan niyo pong pumunta sa prisinto bukas, kasama ang kapatid niyong si Vanessa, ang driver niyo at ang katulong niyong si Marlyn” sambit nito. Anong ibig sabihin nito?
“What?!” gulat kong sambit. “Ba't naman po?!”
“Kailangan lang po namin kayo kuhanan ng statement” sagot nito.
Ibig sabihin ba nito ay suspect kaming lahat sa pagkamatay ni Yaya Hilda? Baliw ba sila. Sa tingin nila magagawa namin 'yon?
“Pero wala po ako dito ka—
“Sa prisinto nalang po kayo magpaliwanag Ms, Pelaez” putol nito sakin. Naglakad na siya palayo.
-
Kinabukasan ay maaga kaming pumunta ng prisinto kinuhanan kaming lahat ng statement sa pagkamatay ni Yaya Hilda.
Pero dahil sa CCTV ay 'di kami naging main suspect.
Nakita kasi sa CCTV na nagmamadaling bumaba ng hagdan si Yaya Hilda na parang may humahabol sakanya. Dahil do'n ay nahulog siya sa hagdanan. Pagkatapos ay may lumapit sakanyang isang taong nakamaskara at nakasuot ng puro kulay itim na dami. Pero nakita sa likod ng bewang no'ng pumatay na may tattoo ito. Pero 'di makita kung anong klaseng tattoo 'yon dahil malabo ang kuha nito sa CCTV.
Lahat naman kami ay walang tattoo sa likuran ng bewang namin.
Sino kaya 'yung pumatay kay Yaya Hilda? Sino ang may tattoo at anong tattoo 'yon?
Natapos na ang pag-bigay namin ng statement sa prisinto. Kasama ko sina Ate Vanessa ngayon, manong driver at si Yaya Marlyn. Pauwi na kami. Nakasakay kaming lahat sa kotse ko.
Naging maayos naman ang biyahe namin. Wala naman traffic. Hindi parin mawala sa isip ko 'yung nangyari. Sino kaya 'yon?
Ilang oras minuto lang ay nakarating na kami sa bahay. Lahat kami ay pumasok na ng bahay.
“By, matutulog muna ako ah, napagod kasi ako kagabi sa party namin” sambit ni ate Vanessa at naglakad na siya papasok ng kwarto niya. Nginitian ko nalang siya.
Si Manong driver ay naiwan sa labas may sarili siyang kwarto pero naka pwesto sa may labas ng bahay.
Si Yaya Marlyn naman ay naiwan. Magkasama kami ngayon ni Yaya Marlyn sa may sala.
Umupo ako sa sofa si Yaya Marlyn naman ay halatang 'di parin nakaka recover sa nangyari. Kahit ako ay 'di ko parin magawang makalimutan ang nangyari.
“Ma'am wala po akong ginagawang masama Ma'am!” umiiyak na 'to. “Ma'am nagtapon lang po ako ng basura t-tapos pa-pagbalik ko po nakita ko nalang siya sa ibaba ng hagdan na wala ng buhay at puno na ng sak-sak! Ma'am wala po akong kasalanan”
Nanginginig pa si Yaya Marlyn at nabubulol. Tumayo ako at niyakap ko siya. “Psssh, naniniwala po ako sainyo, wala po sa'tin ang gumawa no'n”
“S-salamat Ma'am Leah” umiiyak parin 'to.
Kumalma naman si Yaya Marlyn at sinabi ko na pumasok na muna siya ng kanyang kwarto. Sumunod naman ito.
Pumanhik narin ako ng hagdan at pumunta ako ng kwarto ko. Pagpasok ko ay nilock ko agad ang pintuan at hinagis ko ang sarili ko sa kama.
Ano ba'ng nangyayari. Ba't nangyayari ang mga 'to. Napatingin ako do'n sa camera na napulot ko no'ng isang araw. Naalala ko naman si Yaya Hilda. Naalala ko no'ng napakasaya niya pang nag picture gamit 'yon. Pero ngayon wala na siya. Nag-iwan lang pala siya ng kanyang alaala.
Humiga ako at 'di parin maalis isip ko 'yung mga nangyari.
“Isusunod na nila kayo!”
“Isusunod na nila kayo!”
“Isusunod na nila kayo!”
“Ahhh!” sigaw ko napanaginipan ko si Yaya Hilda. Anong ibig sabihin niyang 'Isusunod ko na kayo?'
Hindi ko namalayan nakatulog pala ako dahil sa pagod.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Dahil hiningal ako dahil sa napanigipan ko. Anong ibig sabihin no'n? Anong gustong sabihin ni Yaya Hilda?
Bakit? Bakit nangyayari 'to? Sinong sila? Sinong isusunod nila?
Ang bilis parin ng kabog ng dib-dib ko. Agad na akong tumayo mula sa pagkaka-upo sa aking kama para kumuha na ng tubig. Naninikip kasi ang dib-dib ko.
May ref ako dito sa loob ng aking kwarto kaya 'di ko na kailangan pang lumabas.
Medyo okay na ang pakiramdam ko at medyo kumalma narin ako. Hindi parin mawala sa isipan ko 'yung mga nangyari.
Natulala nalang ako habang iniisip ang mga nangyari. Nakaka stress.
Biglang nag ring ang cellphone ko at ng tignan ko kung sino ang tumatawag.
Mommy Yvon is Calling...
Nabuhayan ako ng loob ng mabasa ko ang pangalan ni Mommy sa cellphone ko. Agad kong kinuha ang cellphone ko at sinagot.
“Hello Mom!” sambit ko. Naiyak ako agad dahil namiss ko siya. Sobrang busy na kasi nila sa trabaho.
“Anak okay ka lang ba? Nabalitaan ko na kay Marlyn 'yung nangyari, nak sorry!” sambit ni Mommy Yvon.
“Mom wala pong nangyari masama sa amin ni Ate okay lang po kami, pero Mom umuwi na po kayo natatakot po ako, miss ko na po kayo ni Dad!” sambit ko garalgal ang boses ko dahil sa pag-iyak.
“Oo nak, uuwi na ako bukas na next week” sambit ni Mommy Yvon.
Kinwento ko naman kay Mommy Yvon 'yung mga nakikita ko. 'Yung nakita kong bata at 'yung nakikita kong babaeng nakaputi.
Pero parang handa naman naniniwala si Mommy.
Natapos na 'yung pagu-usap namin.
Nasa ibang bansa si Mommy kasama si Daddy dahil sa business. Lagi nalang silang busy at madalas wala na silang time sa amin ni Ate kaya miss na miss ko na sila.
Sana pati si Daddy ay umuwi narin.
Lumabas ako ng kwarto dahil nakaramdam ako ng gutom. Pababa na sana ako ng hagdan ng maisipan kong mag banyo.
Nakatulog nga pala ako. Kailangan kong mag hilamos at toothbrush. Agad akong naglakad papunta sa CR.
Pagpasok ko ay napatingin ako sa malaking salamin sa CR namin. Napatitig ako sa hitsura ko.
Bigla kong naalala 'yung nangyari kagabi sa birthday ni Sean. Napahawak nalang ako sa lababo sa harapan ng malaking salamin at napayuko ako ng ulo. Nakakahiya ang ginawa ko.
Bakit ko ba ginawa 'yon. Bakit ko pinahita si Sean sa maraming tao. Galit kaya si Sean sa akin?
Ikakasal na nga pala siya. Pero ang iniisip ko ngayon ay kung bakit napaka sweet niya sa akin no'ng nakaraang araw? Pinapaasa lang niya ba ako? Ikakasal naman na pala siya bakit niya niya pa ako pinapaasa?
Sa totoo lang nagustuhan ko ang ugali ni Sean, napapasaya niya ako at gusto ko sa lalaki ay may sense of humor. Si Sean 'yon. Kahit saglit na panahon ko palang siyang nakikilala at nakakasama ay nagagawa na niya akong pasayahin.
Pero wala, ika-kasal na pala siya siguro nga pinaglaruan lang ako ni Sean.
Kinilabutan ako bigla ng makaramdam ako na parang may kakaiba sa likuran ko. Nakayuko parin kasi ako.
Dahan-dahan kong tinungo ang ulo ko. Guminhawa naman ang pakiramdam ko ng wala naman akong nakita na kahit na ano.
Naghilamos na ako at tinignan ko ang mukha ko medyo namumula dahil siguro sa kaba.
Bigla namang nagpatay sindi ang ilaw. Kasaba'y no'n ay ang paghangin ng malakas at nagsara ng kusa ang pintuan. Nagmadali akong lumapit sa pintuan para buksan pero ayaw nitong bumukas.
Shit!
“Ate Vanessa hindi na nakakatuwa ah!” sigaw ko. Nag hi-histerical na ako dahil sa sobrang takot.
“Ate! It's not funny!” sigaw ko.
May kakaiba paring hangin akong nararamdaman. Wala naman nakabukas na bintana kaya imposible na humangin. s**t!
“Yaya Marlyn is that you?!” sobrang lakas na ng boses ko.
Pero parang wala man lang nakakarinig sa akin. Sobrang kinakabahan na ako. Nanginginig ang buo kong katawan at sobrang lakas ng kabog ng dib-dib ko.
Patuloy parin sa pagpatay sindi ang ilaw. Hanggang manatili itong nakabukas.
Nabuhayan ako ng loob ng 'di na nagpapatay sindi ang ilaw. Napatingin naman ako sa may salamin.
“Ahhh!!!” sigaw ko ng makita ko 'yung babaeng nakaputi duguan ang mukha nito, nanlilisik ang kanyang mga mata puro sugat ang mukha. Sa gilid nito ay nando'n 'yung batang babae, umiiyak ito.
Shit! Nanginig lalo ang buo kong katawan at parang naparalisa ang buo kong katawan. Titig na titig parin sakin 'yung babaeng nakaputi.
Hanggang napatakbo na ako papasok sa cubicle ng aming CR. Agad akong nag lock. Agad akong nag sign of the cross at nagdasal ako dahil sa takot.
Sana ay panaginip lang ang lahat ng 'to. Hindi 'to totoo.
Napansin ko naman na may isang sugatan na kamay na papasok sa ilalim ng cubicle. Nagsi-sigaw ako ng nagsi-sigaw.
“Ahhh sino ba kayo? Anong kailangan niyo!!!” sigaw ko.
Napapikit ako sa sobrang takot. Bigla naman akong nabuhayan ng loob ng marinig kong bumukas ang pintuan ang main door ng CR namin. Ibig sabihi ay may tao na.
Wala na 'yung kamay at wala narin akong naririnig na iyak ng bata. Pero may naririnig akong naglalakad na tao.
Baka si Yaya Marlyn na 'yon o si Ate. Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng cubicle.
“Ate? Yaya Marlyn?” mahinang sambit ko at sumilip ako. Wala naman tao pero nakabukas na ang pintuan. Kumalma na ako at tuluyan na akong lumabas ng cubicle.
Lalabas na sana ako ng CR ng bigla kong napansin na may dugo sa sahig. Nanginig ako sa takot hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Dahan-dahan akong tumalikod.
“Ahhhhhh!!!” sigaw ko, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. s**t! Si Yaya Marlyn nakabigti sa may bandang dulong part ng CR namin. Puno ng sugat ang mukha niya habang naliligo ng sarili niyang dugo.
Shit!