Leah Pelaez's POV
Dalawa na ang napapatay ng killer. Nakita ulit namin sa CCTV na may pumasok sa CR na nakakulay itim. Halos kulay itim ang suot nito.
Shit! Bakit ba nila ginagawa sa'min 'to natatakot na ako. Baka kami na ang isunod ng killer. Baka mamaya isa na sa pamilya o kaibigan ko ang isunod niya. Argh 'wag naman sana.
Sino naman 'yung killer at ano'ng motibo niya? Anong kinalaman ng babaeng nakaputi at 'yung batang babae? s**t! Andaming tanong sa isipan ko.
Nasa sementeryo kami ngayon ni Ate Vanessa. Ngayon kasi nilibing si Yaya Hilda, bukas naman ililibing si Yaya Marlyn.
Nakaka-awa sila. Parang pamilya ko na rin sina Yaya Marlyn at Hilda kaya masakita talaga sa akin ang pagkawala nila. Simula bata ako sila na ang kasama ko.
Hinding-hindi ko mapapatawad kung sino man ang may gawa nito sa kanila. Si-siguraduhin kong mabubulok siya sa impiyerno!
Todo iyak ang pamilya ni Yaya Hilda. Pinapanuod ko lamang ang mga 'to. 'Di ko namalayan na pumatak na pala ang luha ko. Pinunasan ko 'yung luha ko at napa-akbay nalang ako kay Ate Vanessa na lumuluha narin.
Nang matapos ang libing ay agad na kaming umuwi ni Ate Vanessa sa bahay. Tahimik na ang bahay 'di kagaya dati na nandito pa sina Yaya Hilda at Yaya Marlyn.
Parang nakikita ko sila sa kusina na nagka-kantahan at nagtatawanan. Kumi-kirot ang puso ko dahil nasasaktan ako sa pagkawala nila. Wala man lang ako nagawa. Hindi ko mapatawad ang pesteng killer na 'yan!
Nag-yakapan kami ni Ate Vanessa. Alam kong iniisip niya rin sina Yaya Marlyn at Yaya Hilda.
Nag paalam ako kay Ate Vanessa na papanhik muna ako ng bahay. Medyo nahihilo din kasi ako.
Naglakad na ako para pumanhik sa itaas at pumasok sa aking kwarto. Pagpasok ko sa kwarto ko ay malumanay akong naglakad palapit do'n sa aking kama. Umupo ako sa gilid.
Napansin ko 'yung napulot kong kamera. Muli kong na-alala si Yaya Hilda. Muli tuloy akong nakaramdam ng lungkot ang sakit, parang tinutusok ang puso ko sa sakit. Parang nanay ko na kasi si Yaya Hild at Yaya Marlyn.
Binuksan ko 'yung kamera at tinignan ko 'yung mga pictures. Napansin ko 'yung picture ni Yaya Hilda todo 'yung ngiti niya dito. Napangiti ako habang umiiyak. Ang sakit isipin na wala na siya.
Tinignan ko pa 'yung ibang pictures. Napansin ko na may picture din pala si Yaya Marlyn. Napangiti ako. Kahit kelan talaga makulit silang dalawa. Pinaki alaman nila ang gamit ko. Pero ngayon wala na sila, wala ng makiki alam ng gamit ko, wala na kasi sila. Ang sakit-sakit.
Hiniga ko ang sarili ko at napatitig ako sa kisamae. Iniisip ko kung bakit ba nangyayari ang lahat ng 'to. Bakit? Ano bang ginawa ko?
Tumagilid ako ng higa. Bigla naman akong kinalibutan ng makaramdam ako na parang may kung anong bagay ang nasa likuran ko. Agad akong nanginig sa takot. Dahan-dahan akong lumingon.
“Ahhhh!!!” sigaw ko. Nakita ko si Yaya Marlyn katabi ko siya sa higaan. Puro sugT ang mukha nito at puro dugo. Titig na titig ito sa akin habang galit na galit at nanlilisik ang kanyang mga mata.
Napapikit nalang ako dahil sa takot at nagsi-sigaw nalang ako. Pero parang wala man lang nakakarinig sa akin. Hindi ako makatayo mula sa pagkakahiga. parang may humihila sa akin.
Tumagilid nalang ako ng higa. “Ahhhh!!!” s**t si Yaya Hilda naman ang nakita ko. 'Di ko na alam ang gagawin ko.
Hanggang nakatayo na ako. Agad akong naglakad palapit sa pintuan. Binuksan ko 'yung pintuan pero ayaw naman nitong bumukas. Napapikit nalang ako at nagdasal.
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at laking gulat ko ng nasa harapan ko silang dalawa. “Ahhhh!!!”
“Mag-ingat ka!”
“Mag-ingat kayo!”
“May kinalaman ang ka—
Napabalikwas ako ng bangon dahil narinig ko ang boses ni Ate. Habol na habol ko ang hininga ko dahil sa takot at kaba. Panaginip lang pala. Pero ano'ng ibig sabihin nila Yaya? Ano ang mga may kinalaman?
Tumayo si Ate Vanessa at kumuha ng tubig sa may ref dito sa loob ng kwarto ko.
“Oh tubig” abot ni Ate Vaness ata agad ko naman ininom. Hinihingal parin ako dahil sa kaba, takot at tensyon na nararamdaman ko. Akala ko kasi totoo na 'yon. Natatakot na talaga ako.
Ano kayang ibig sabihin nila Yaya?
“Ano bang napanaginipan mo? Mukhang nababangungot ka ah” sambit ni Ate Vanessa. “Buti nalang talaga at naisipan kong pumanhik ng bahay”
“Ate sina Yaya Hilda at Marlyn nagpakita sa akin sa panaginip, may sinasabi sila pero 'di ko naintindihan” paliwanag ko.
Niyakap nalang ako ni Ate. Alam kong nahihirapan narin si Ate at natatakot. Kailangan na talagang umuwi ni Mommy at Daddy baka mamaya kami na ang isunod nila.
Okay naman na ang pakiramdam ko, dinalhan rin ako ng pagkain ni Ate dito sa taas. Siya daw ang nagluto. Wala na kasi sina Yaya.
Baka pag umuwi na si Mommy do'n nalang kami mag hire ulit ng bagong katulong. Tutal 2 days nalang ay uuwi na si Mommy.
Mag-isa nalang din ako sa kwarto ko. Bigla naman nag ring 'yung cellphone ko. Napangiti ako ng mabasa ko kung sino ang tumatawag.
Franz is calling...
“Hi Franz” bungad ko.
“Hi, Leah condolence pala” sambit nito.
“Salamat”
“Hm. Nga pala pina cancel ko na 'yung photoshoot mo bukas, baka kasi kailangan mo pang magpahinga”
“No, itutuloy ko 'yung photoshoot bukas” sambit ko.
“Hm? Sigurado ka ba?” tanong nito.
“Ofcurse”
Natapos na 'yung pag-uusap namin ni Franz. Itutuloy ko 'yung photoshoot bukas dahil ayokong may ma missed na work. Tutal wala na rin naman rason para hindi ko ituloy 'yon.
Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa ding-ding ng kwarto ko. Alas nuebe na pala ng gabi.
Binitawan ko na 'yung cellphone ko sa may mesa dito sa malapit sa kama ko.
Humiga na ako. Dahan-dahan kong pinikit ang mga mata ko at taimtim akong nagdasal.
Tinanong ko kung bakit nangyayari ang lahat ng 'to. Pinagdasal ko na sana ay matapos na ang mga kababalaghan na nangyayari sa akin.
Nang matapos akong magdasal ay sinumulan ko ng matulog.
Kinabukasan,
Pagkatapos kong naligo at nagbihis ay bumaba na ako ng bahay. Nakita ko si Ate Vanessa na naka-upo sa may sofa at nagbabasa ng libro. Kiniss ko siya sa cheeks at tsaka na ako umalis.
Kailangan ko na kasing pumunta sa studio. Ngayon kasi gaganapin ang photo shoot para sa bagong magazine.
Nagmadali akong sumakay ng kotse ko. Napansin ko naman si Manong Driver. Driver 'yon ni Mommy. Parang kapamilya narin namin siya. Nag di-dilig siya ng mga halaman.
Bumusina ako at napatingin naman ito sa akin. Agad niyang binuksan ang gate. Pinaandar ko na 'yung sasakyan.
Naging maayos naman ang biyahe ko. Wala naman traffic. Nag pa-pasounds ako ng someone like you by, Adele habang nag ba-biyahe ako para hindi boring. Isa pa namiss ko 'yung mga kanta nila.
Naalala ko naman bigla si Sean. Kamusta na kaya siya? Kinasal na kaya siya?
Simula no'ng nag-away kami no'ng birthday niya ay hindi na muli siya nagparamdam. Maging sa text at call wala. Nakakamiss din si Sean kahit papaano.
Pero kung ikukumpara ko si Franz at Sean, kung sinong pinaka special o importante sa akin? Siguro si Franz dahil matagal na kaming magkakilala at crush ko kasi talaga si Franz dati pa.
Pero si Sean iba siya, hindi ko alam pero may something sakanya na hahanap-hanapin mo. I missed him so much.
Ilang sandali pa ay nakarating na ako sa studio. Agad kong pinarada ang sasakyan ko sa gilid. Tinignan ko muna ang paligid kung maraming tao. Mahirap na baka mamaya ay pagkaguluhan pa ako at baka dahil do'n ay lalo akong ma-late sa photoshoot.
Nang ma kumpirma kong wala naman gaanong tao ang nasa labas ng studio ay agad na akong lumabas ng kotse at naglakad na ako papasok sa studio.
Nagulat naman ako ng biglang may humawak ng braso ko. Tsk isang fans nanaman. Kailangan ko ng makaalis pero 'di ko siya pwedeng 'di pansinin baka magalit pa siya sa akin.
Nilingon ko nalang 'yung humawak sa braso ko. Napa atras ako bigla ng makita ko kung sino ang humawak sa kamay ko isang matandang babaeng mahaba at kulay puti ang buhok.
“Ang lahat ng makiki-alam ay mamamatay! May kinalama—
Naputol 'yung sinasabi ng matanda ng biglang kinuha siya ng isang guard. “Pasensya na Ms, Leah kung nanggugulo naman ang baliw na 'to”
Tumawa naman ng tumawa 'yung matanda habang nakatingin sa akin.
'Di ko nalang sila pinansin dahil nagmamadali na ako. Pero 'di parin maalis sa isipan ko 'yung mga sinabi ng matanda. Ano'ng ibig niyang sabihin?
Nang makarating ako sa venue ay agad akong sinalubong ni Eric. “Naku Leah, mabuti at dumating kapa”
“Pasesya na Sir Eric, nakatulog kasi ako”
“Naku pasalamat ka, malakas ka sakin” nakangiting sambit nito. Napangiti nalang din ako. “Oh! Ayusan niyo na si Leah at ng makapag start na tayo!”
Si Eric ang pumipili ng mga damit ko. Isa kasi siyang fashion designer.
Umupo na ako sa harapan ng malaking salamin. Agad naman lumapit sa akin 'yung dalawang bading.
Agad naman inayos 'yung buhok ko at minake-up na nila ako. Ilang minuto rin ang tinakbo ng pag make-up sa akin.
Nang matapos na ay pinasuot na sa akin ni Eric 'yung dapat suotin.
Ang una kong sinuot ay kulay red na gown fit ito sa akin. Napakaganda.
Napansin ko si Franz na nakaupo sa may pinaka studio, may hawak na kamera at hinihintay ako. Napangiti naman ako.
“Hi Franz” sambit ko. Napangiti naman siya.
“Hello Leah. Are you ready?” tanong nito.
“Yes, I'm ready” sagot ko. Nginitian niya ako. Medyo namula tuloy ako.
Nag-umpisa na kami sa photoshoot. Madali lang naman. Hindi naman ako nahirapan sa mga posing dahil professional na ako. Natuwa naman si Franz dahil halos magaganda daw lahat ang mga kuha.
Lumapit naman sa'min ang isang staff. “Ms, Leah may naghahanap po sainyo” sambit nito.
“Huh? Sino?” tanong ko.
“Sean daw po”