Leah Pelaez's POV
Ano'ng ginagawa ni Sean dito? Ba't naman siya pumunta?
Ano pa'ng kailangan niya 'di ba ika-kasal na siya?
Tinapos muna namin ni Franz ang photo shoot bago ko pinuntahan si Sean. Nang matapos kami ay naglakad ako papunta sa table ko.
Nadaanan ko si Sean na kausap si Eric. Hindi ko siya pinansin. Ba‘t ko naman siya papansinin? Para sa‘n pa, e magpapakasal na ‘yon.
Umupo ako sa upuan ko at humarap ako sa isang malaking salami. Inabutan ako ng tissue ng assistant ko at nagpunas ko ng pawis.
Napansin ko nalang sa salamin na nasa naglalakad palapit sa akin si Sean. Inalis ko ‘yung tingin ko sakanya at kinuha ko nalang ang phone ko at tinignan ko ang oras.
“Leah?” sambit ni Sean. Nasa gilid ko na pala siya. Hindi ko siya pinansin. “Can we talk?”
Hinarap ko siya at sinagot “Kung tungkol do‘n sa pagkakalat at pagsira ko sa party mo sorry at kung tungkol din ‘to sa kasal niyo ni Monique, congrats. Okay lang sakin ‘yon”
Hinawakan niya ako sa balikat. Nagpatuloy lang ako sa pag-punas ng pawis ko sa noo ko.
“Makaka-alis kana” sambit ko, tumayo ako at naglakad papunta sa dressing room. Kailangan ko kasing palitan ang damit ko at ‘yon naman ang gagamitin ko sa next photoshoot.
Naramdaman kong sumunod siya sa‘kin habang naglalakad ako. “Hindi ako aalis dito hanggat ‘di mo ako pinakinggan at kinaka-usap”
Hindi ko siya pinansin, bahala siya diyan. Pumasok na ako ng dressing room at sinarado ko ‘yung pintuan. Siguro naman pagtapos kong magpalit ng damit ay wala na siya.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng dressing room. Nakasuot ako ng maikling short at long sleeve na damit, nakasuot din ako ng cap na pang cow boy at nakasuot ako ng boots.
Napansin ko na wala na si Sean. Aba! Umalis nga ah. Bahala siya!
Naglakad na ako papunta do‘n kay Franz para umpisahan na namin ang photo shoot. Pagdating ko do‘n ay napansin kong may kausap si Franz. Napailing nalang ako ng mapansin kong si Sean ‘yung kausap niya.
Nakasibangot sila pareho. ‘Di ko alam kung ano‘ng pinag-uusapan nila. Napahinto lang sila ng mapansin nila akong nakatayo sa may gilid.
‘Yung nakasibangot nilang mukha ay napalitan ng pag-ngiti habang nakatingin sila pareho sa‘kin. Hays.
Pumunta na ako sa harapan ng camera kung sa‘n ako pi-picturan.
Umupo lang sa gilid si Sean. ‘Di ko nalang siya pinansin kahit nakatingin siya sa‘kin. Naglakad na si Franz papunta do‘n sa camera. Hinawakan na niya at nagsimula na ulit ang photo shoot.
Iba‘t-ibang pose ang ginawa ko at napansin kong nakangiti pareho si Franz at Sean. ‘Di ko nalang sila pinansin. Hays.
Nang matapos na ang photoshoot ay mabilis akong naglakad pabalik sa dressing room. Hindi ko alam kung sumunod ba si Sean.
Pagtapos kong magpalit ng damit na pang-uwi sa bahay ay lumabas na ako ng dressing room, tapos na ang photoshoot u-uwi na ako.
Napansin ko na wala na si Sean sa loob ng studio. Hays. Sabi na e, ‘di talaga siya makakatiis.
Nagpaalam na ako kay Eric at Franz. Pati kay Ms, Vivian na manager ko. Uuwi na kasi ako tapos narin naman ang photoshoot.
Naglakad na ako palabas ng studio. Agad akong pumunta kung sa‘n nakaparada ang sasakyan ko.
May napansin akong nakasandal sa kotse ko. s**t! Si Sean. Grabe akala ko umalis na siya.
Naglakad ako ng dahan-dahan at ‘di niya napansin na nakasakay na ako sa loob ng kotse.
Pagkapasok ko sa loob ay agad kong in start at pinaandar. Nakita kong nagulat siya. Muntik pa siyang matumba dahil nga nakasandal siya tapos bigla kong pinaandar. Buti nga sakanya.
Bigla siyang humarang sa dinadaanan ko. As in sa harapan. s**t! Nababaliw na ba siya?
May sinasabi siya pero ‘di ko gaanong marinig. Hays.
Binuksan ko ‘yung bintana ng kotse ko at dinungaw ko ang ulo ko. “Aalis ka ba diyan o sasagasaan kita?!”
“Hindi ako aalis dito Ms, Karate! Hangga‘t ‘di mo ako kinakausap!” sambit niya. Sumandal pa talaga siya harapan ng kotse ko. Argh! Kainis na siya ah. Nag bend pa siya ng konti na parang nag re-relax lang hays.
Bumusina na ako lahat-lahat pero wala parin. ‘Di parin siya natitinag.
Inatras ko ‘yung kotse ko. Natawa ako ng bigla siyang mapahiga sa sahig. Buti nga sakanya! Agad din siyang tumayo at pa ika-ika siyang naglakad.
Inabante ko ‘yung kotse ko habang nasa harapan parin siya. Nagulat ako ng bigla siyang nagmadaling naglakad palapit gilid ng kotse ko at dinungaw niya ang ulo niya sa bintana. “Kausapin mo na ako!”
Hindi ko siya pinansin. Hininto ko ‘yung pag-mamaneho dahil sakanya. Masyadong delikado kung itutuloy ko ‘yung pagmamaneho. Nakadungaw kasi ang ulo niya sa bintana at parang walang balak i alis.
Napahampas nalang ako sa dalawa kong kamay sa manobela. “Ano ba!”
Sinisigawan ko na s‘ya pero nanatili parin ‘tong nakangiti. Hays. Baliw na nga s‘ya! Ano ba kasing problema niya, ba‘t kailangan niya pa akong kausapin? Para ano? Para ipamukha sakin na ikakasal na siya at nagmukha lang akong tanga na umasa sakanya?! Teka anong umasa?! No! ‘Di pala ako umasa sakanya! Hm, Slight lang.
“Ano ba‘ng problema mo ah?!” malakas kong sambit. Pinilit niyang buksan ‘yung pintuan ng kotse ko. Pinigilan ko naman siya. Pinalo-palo ko siya sa kamay niya.
Pero sobrang lakas niya kaya nagawa niyang buksan ang pintuan ng kotse ko at pumasok siya. Argh!
Pumunta ako sa kabilang upuan at siya ‘yung umupo sa driver seat. Alangan namang do‘n din ako umupo no? Ano ‘yon? Eww.
Masama ang hitsura ng mukha ko pero ‘di ako nakatingin sakanya. “Pag ‘di ka lumabas dito sisigaw ako ng r**e!”
Hindi parin siya umaalis. Akala yata niya, nagbibiro ako ah. Tignan lang natin.
“Pagbilang ko ng tatlo pag ‘di kapa umalis sisigaw na talaga ko ng r**e!” banta ko, pero nanatili lang ang hitsura na na nakangiti habang nakatitig sa‘kin. He‘s so weird! Argh!
“Isa!”
Wala parin siyang reaksyon. Nakangiti parin siya.
“Dalawa!”
Nakatitig parin siya sa‘kin habang nakangiti. Hays. Tignan lang natin kung makangiti kapa!
“Tatlo!”
Sinigaw ko na talaga ‘yung tatlo. As in may kasamang gigil para dama niya, pero s**t! ‘di man lang siya natinag!
“r**e! r**e! r**e!” sigaw ko dumungaw ako sa bintana.
Napansin ko na nagpanic siya. Buti nga sakanya. “Hoy! Ano ba‘ng pinagsasabi mo! Hoy!”
Hindi ka pala natitinag ah. Umayos ako ng upo at tinignan siya. Tinaasan ko siya ng kilay. “Labas! Kung ‘di sisigaw ulit ako ng r**e!”
“Sige subukan mo! Isa pang sigaw mo na r**e ha-halikan kita!”
Ako pa talaga inuto mo no? Pa‘no naman niya gagawin ‘yon, e ikakasal na kaya siya duh! Ano ako uto-uto?
“r**e! Rap—
Napahinto ako ng bigla niyang hilain ang mukha ko at bigla niya akong hinalikan. As in sa labi. Mga limang segundo din ‘yon. Hindi ko alam kung bakit, pero parang may iba akong naramdaman sa halik niya, parang nagustuhan ko ang ginawa niya, pero alam kong mali.
Umalis ako sa pagkakahalik niya at nasampal ko siya, dahil sa inis at dahil sa gulat dahil ‘di ko inaasahan na magagawa niya ‘yon!
“Ba‘t mo nagawa ‘yon?! Ikakasal ka na e!”
Tinignan niya lang ako ng seryoso. “Pakinggan mo kasi ako,”
Tumingin ako ng seryoso sakanya. “Okay”
Huminga siya ng malalim bago nagsalita. “Si Monique, ex ko nalang ‘yon wala na akong feelings sakanya ‘yung kasal na sinabi niya, gawa-gawa lang niya ‘yon dahil gusto niyang layuan mo‘ko dahil hanggang ngayon ay gusto niya parin ako, gusto niya pa‘kong balikan, pero ayaw ko na dahil minsan na niya akong niliko! Hindi pala minsan maraming beses na!”
May gigil ‘yung pagkaka-kwento niya. Hindi pala siya ikakasal? Sa loob-loob ko ay napangiti ako, pero ‘di ko pinahalata sakanya.
“Kaya lang siya nasa party dahil in-invite siya ni Mama” ah kaya pala. “Business partner kasi ng Dad niya ang parents ko”
Naliwanagan naman ako dahil sa mga sinabi niya. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. Niyakap ko nalang siya at napayuko ako sa balikat niya at napapikit.
“Sorry” sambit niya.
Napangiti ako dahil sa yakap niya. “No, sorry”
Nakayakap parin kami sa isa't-isa. Nakaramdam naman ako ng kakaibang ihip ng hangin.
Dahan-dahan kong tinungo ang ulo ko mula sa balikat ni Sean at minulat ko ang aking mata.
“Ahhhh!!!” sigaw ko.
Nasa labas ng bintana ‘yung babaeng nakaputi. Galit na galit ang hitsura niya habang nakatitig sa akin, duguan ang mukha niya at nanlilisik ‘yung mga mata niya! s**t!