Vivian Morial‘s POV
Hindi talaga ako mahilig uminom. Pero nakakahiya naman kanila Eric, Franz at Leah kung ‘di ako iinom. Pinagbigyan ko na sila since minsan lang naman mangyari ‘to.
Simula kaninang sumigaw si Leah ay ‘di pa rin sila bumabalik. Nakaupo lang ako dito at hinihintay silang lahat. Hays ano kayang nangyari sa kanila?
Tumayo na ako kahit nahihirapan akong tumayo. Naglakad na ako papunta kung sa‘n nangaling ‘yung sigaw ni Leah.
Mapapasigaw talaga sila lalo kapag nalaman na nila ang sikreto ko.
Pero malalaman din nila ‘yon. Hindi pa ‘to ang tamang panahon.
~
Sean Asperio‘s POV
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko. Akala ko sa movies lang ako makakakita ng ganito.
Pero ito ako ngayon kaharap ang isang bangkay na pinatay ni Eric.
Alam kong siya ang pumatay at hindi ako nagkakamali do‘n. Siya lang naman talaga ang kahina hinala eh. Siya ang may alam ng nangyari. Ibig sabihib malaki ang chance na siya ang killer. Pero ba‘t naman niya gagawin ‘yon?
Hindi kaya ni r**e niya?
Hays. Kung ano-anong pumapasok sa utak ko. Pero paano kung totoo? At pinapaikot lang niya pala kami.
Obvious naman kasi talaga na siya ang pumatay. Alam niya ang nangyari. Pero paano kung magaling lang talaga siya gano‘ng bagay?
Hays sino ba kasi talaga ang pumatay?
Baka naman ako talaga ang pumatay at ‘di ko lang matanggap na napatay ko siya.
Baka kasama ko pala si Derrick sa pagpatay. Nakatago lang siya sa loob ng lumang dressing room at ang mga tanga-tangang kasama ko ay ‘di nila naisipan pumasok ng dressing room dahil natulala na sila sa kanilang nakita.
Ang dali lang naman kasing mag-isip ng senaryo eh. Nagpapadala lang talaga kami sa emosyon namin. Nagpapadala lang talaga kami sa takot.
Basta isa lang ang suspect ko dito.
~
Leah Pelaez‘s POV
Nagulat ako dahil nandito pala si Sean. ‘Di ko expect na pupunta siya ngayon.
Ang sakit ng ulo ko dahil sa nangyayari. Lumapit si Eric sa bangkay at hinawakan niya ‘to.
“Hindi pa siya gano‘n kalamig. Ibig sabihin bago lang ang pagkamatay niya. Pero kanina pa siya nandito sa loob ng dressing room. Posibleng sinubukan niyang sumigaw pero ‘di natin marinig dahil may busal siya sa bibig. Hindi rin siya makakalabas ng pintuan dahil may tali ang paa niya at ang mga kamay. Kumuha lang ng tiyempo ang killer bago patayin si Ayiro. Magaling ang killer hinintay niyang dumami tayo dito bago niya pinatay si Ayiro.”
Napatingin ako ng seryoso kay Eric. Bakit alam niya? Hindi kaya? “Eh ‘di ba kanina napakarami natin? Kasama natin ang mga co-models ko. Eh bakit ngayon lang ‘yan nangyari?”
“Siguro dahil gusto tayong paikutin ng killer. Gusto niyang ang paghinalaan lang natin ay isa sa atin.”
Nice Eric. Hindi naman obvious na may alam ka sa nagawang pagpatay kay Ayiro.
Baka naman kasi siya ang pumatay?
“U-Unless ikaw ang killer kaya nasasabi mo ‘yan,” lumapit si Eric sa akin.
Hindi ko alam kung ba‘t ko nasabi ‘yon. Siguro dahil naguguluhan lang ako. Hays.
Pinandilatan ako ng mata ni Eric at nilapitan niya pa ako lalo.
Tumawa si Eric sa harapan ko. “Kung ako ang killer pinagsasaksak ko na kayo ngayon pa lang girl,” sobrang lapit ni Eric sa akin at napansin ko ‘yung hawak niyang itak na kinuha niya do‘n sa tabi ng bangkay ni Ayiro. ‘Yon siguro ang ginamit ng killer sa pagpatay. Kinabahan ako dahil do‘n. Umurong ako ng kaunti. “H‘wag kang tanga girl. Baka mamaya nasa likuran mo na pala ang sasaksak sa ‘yo.”
“Hey. Tama na nga ‘yan. Mabuti pa tumawag na lang tayo ng police,” suhestiyon ni Sean. Tama siya tumawag na lang kami ng police.
Nagsisi ako kung bakit ko sinabihan ng gano‘n si Eric. Siguro nadala lang ako ng emosyon ko. Tsaka siguro dahil lasing lang ako.
Sakto naman na padating si Ms. Vivian. Pahika-hika siya maglakad. Lasing ba talaga siya? O baka naman nag lalasing lasingan lang? Para ‘di siya mahalata.
Sino nga ba kasi ang pumapatay? Ayoko mang isipin ito pero sigurado akong isa lang sa mga kasama ko ngayon ang pumatay kay Ayiro.
Napahawak sa bibig si Ms. Vivian ng makita ang bangkay ni Ayiro. “Oh my God!” sigaw nito. Hindi kaya nagda-drama lang siya? Magaling kasing umarte ‘yang si Ms. Vivian. Dati na siyang nag artista. Pero ngayon minsan na lang lumalabas sa TV. Kung may marunong mag arte sa amin na kunwari ay takot isa si Ms. Vivian sa magaling diyan. Pero siya nga ba ang killer? Hays.
Kasalukuyan namang tumatawag ng police si Sean.
Naglakad ako palabas ng studio dahil gusto kong magpahangin. Sobrang sakit na ng ulo ko. Gabi na pala hindi ko man lang namalayan. Napatingin ako sa aking wrist watch, 7:35 PM na pala.
Wala ng tao dito sa labas ng studio. Pati ‘yung guard ay wala na rin. Nagpalakad-lakad lang ako dito sa labas ng studio. Naramdaman ko naman na parang may kakaiba sa likuran ko.
Isa lang ang pumasok sa isipan ko susunod na ba ako?
Huminga ako ng malalim at dahan-dahan akong lumingon para tignan kung sino ang nasa likuran ko. Pero hindi pa ako nakakalingon ng biglang may humawak sa balikat ko.
Napasigaw ako dahil do‘n. Halos tumalon na ang puso ko dahil sa kaba at takot. Tinignan ko kung sino ang humawak sa balikat ko.
“Ako ‘to Leah!” medyo malakas na sambit ni Sean.
“Hays. Sa susunod nga magsalita ka. Kinakabahan ako eh.”
Inalis niya ang hawak niya sa balikat ko at tumabi siya sa gilid ko. “Don‘t worry hindi ka pa naman isusunod ni Eric.” parang napanting ‘yung tenga ko dahil sa sinabi niya. Ano‘ng ibig niyang sabihin? Si Eric ang pumapatay?
“W-What do you mean?” nauutal kong sambit. Kinakabahan talaga ako kay Sean.
“Oh come on Leah. Hindi ba obvious?” tinignan niya ako ng seryoso. “Tsaka sabihin mo man o hindi alam kong pinaghihinalaan mo din si Eric.”
Ano ba‘ng pinagsasabi ni Sean? Oo tama siya pinaghihinalaan ko si Eric. Pero ‘di ako naniniwalang magagawa niya ‘yon.
“And guess what pinigilan niya akong tumawag ng pulis.”
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Sean. Ba‘t naman siya pipigilan tumawag ng police ni Eric?
“Dahil hindi pa natin ipapaalam ang nangyaring ‘to sa mga police,” sabay kaming napalingon ni Sean sa nagsalita.
Nasa likuran na pala namin silang lahat.
“Dahil kailangan muna nating tapusin ang fashion show. Mahirap na baka masira ang company natin pag nalaman nilang may namatay na model.”
May punto naman si Eric. Importanteng matuloy ang fashion show bukas, dahil do‘n nakasalalay ang pag-angat ng company namin.
“Mabuti pa umuwi ka na Leah. Kami na ang bahala sa bangkay ni Ayiro. Tatawagan na lang namin ang pamilya niya.”
Hindi pa rin ako makapaniwala na patay na si Ayiro. Naalala ko nanaman ‘yong itsura niya. Hati ang katawan niya at tadtad ng saksak sa katawan. Hays napakabrutal ng ginawa sa kanya. Parang nasusuka ako kapag naaalala ko ‘yon. Hindi ko alam kung makakatulog pa ba ako after nito.
Naalala ko ‘yung picture sa noo ni Ayiro. Sino ‘yung sexy na babae na ‘yon?
Tumango na lang ako sa sinabi ni Ms. Vivian. Gusto ko na rin naman makauwi dahil sobrang sakit na ng ulo ko.
Naglakad ako papunta sa kotse ko at naramdaman ko na may sumunod sa akin. Si Sean.
“Ako na ang mag da-drive.” pumayag na ako since nahihilo na rin ako dahil sa pag-inom namin kanina. Iba talaga ang feeling ko, parang may kakaiba sa ininom namin. Sa tingin ko ‘yung ininom ko ang dahilan kung bakit ko nasabi ‘yon kay Eric.
Hindi na tuloy niya ako kinakausap ng maayos. Halatang nagtatampo siya. Hays ang tanga ko kasi e. Ba‘t ko ba sinabi ‘yon.
Nagpatuloy lang sa pagda-drive si Sean. Hindi naman traffic kaya mabilis ang naging biyahe namin.
Naku kapag naging traffic pa at sumabay sa sakit ng ulo ko baka mamaya makapatay ako ng tao sa sobrang stress. Hays.
I have a suspect!